Sino ang asawa ni Cain?

Reading Time: 9 minutes

Topics

Kagagawa ko lang ng RH negative blood type tapos may nagcorrect sa akin na ang asawa ni cain ay kapatid nya, nanliligaw daw ako ng tao… hmmmmm

I just want to be clear, sa bible walang clear reference na nagsasabi na ang asawa ni cain ay kapatid nya. If we go piece by piece sa bible, hindi natin makikita yun. So open yan para sa interpretasyon. Kagaya nga ng sinabi ko sa isang comment, ang 1 intepretasyon ay nakapangasawa si Cain ng kapatid nya at nagbunga si Enoch. Ang 2 interpretasyon na sinusuportahan naman ng kanyang libro na book of enoch ay nakapangasawa ito ng nephilim o fallen angels or maybe gods, basta duon sa land of nod nakita nya ang asawa nya.
Pasensya na kung natapakan ko paniniwala mo, hindi ko naman intensyon yon. Hayaan mo’t babawi ako sayo. Sa eksplenasyon na ito, dahil wala na ang RH blood type, tatanggalin na natin ang book of enoch o ung idea na nakapangasawa ito ng nephilim o iba pa.

Kung si Adam at eve ang unang nilalang at ang anak nila ay si cain at abel, then sinong naging asawa ni cain? Isa lang ang eksplanasyon dito, si Cain ay naging asawa either ang kanyang kapatid, pamangkin o teka ano bang tawag sa apo sa tuhod pero pamangkin.

May dalawang major factor:

1. Hindi lahat ng anak ni adan at eba ay nakalagay sa bibliya
2. Hindi sinabi ang edad ni cain nuong ito ay nagasawa.

Si Cain ay ang panganay na anak ni Adan at eba at sinundan ito ni Abel. Ang dalawang magkapatid ay nag-aalay ng offering sa panginoon ng kitilin ni Cain ang buhay ng kanyang kapatid.

Ang major interpretation nito ay dahil si cain ay nagseselos sa kanyang kapatid dahil ang offerring ni abel ay tinanggap ng panginoon pero ang kay Cain hindi.

Genesis 4:14

14 Today you are driving me from the land, and I will be hidden from your presence; I will be a restless wanderer on the earth, and whoever finds me will kill me.”

Kung mapapansin ninyo merong sinabing key phrase. “whoever finds me” ibig sabihin posibleng meron ng ibang tao bukod sa kanilang apat. Again posible, kasi sa whoever, pwedeng tatay nya na si adan o nanay nya na si eba.
Nuong nagkaroon ng pangatlong anak si adan at si eba, pinangalanan nila itong seth at si adam ay nasa 130 years old na. Matapos nito hindi na nagdelve in pa ang manunulat sa kung ilang anak ang naiproduce ng dalawa.

Genesis 5:4
“After Seth was born, Adam lived 800 years and had other sons and daughters.”

Nuong sinumpa si Cain, umalis ito sa presensya ng panginoon at tumira sa nod, sa silangan ng eden. Ang nod ba ay isang lugar? Considering na sinabi itong silangan ng eden? O sinasabi lang nito na duon nagpunta si cain?
Ang mga ibang bible scholars ay naniniwala na hindi lugar ang Nod bagkus isang state of roaming dahil ang NOD sa hebrew ay fugitive o wanderer. There you have it, again ayon ito sa ibang bible scholars, kung iba ang paniniwala mo, then stick to it.

Genesis 4:17
17 Cain made love to his wife, and she became pregnant and gave birth to Enoch. Cain was then building a city, and he named it after his son Enoch.

Sino nga ba ang tinutukoy na asawa sa talata ng genesis? Kagaya ng sinabi ko kanina, posibleng ito ay ang kanyang kapatid, o hindi naman kaya ang anak ni seth, o posible ding sa ibang henerasyon. Dahil na din sa hindi sinabi ang edad ni Cain, posibleng ilang daang taon ang lumipas bago nya nakita ang kanyang asawa. You see, ayon sa bibliya ang mga tao nuong unang panahon ay kayang tumagal ng daan daang taon. We have adam as an example. Even sa egyptians, sinasabi na ang mga pharaohs can live hundreds of years.

Ayon sa book of jubilee, ang asawa ni Cain ay si Awan, anak ni Eve. Pero hold your horses dahil ang book of jubilees ay isang jewish commentary sa genesis at parte ng exodus, sinulat ito sa pagitan ng 135 hanggang 105 before common era. Pero dahil nga hindi ito parte ng bibliya, ang impormasyon sa pangalan ng asawa ni cain ay hindi ganun kakonkreto. Kumbaga this is another interpretation, kagaya nga ng binanggit at pinaliwanag ko kanina.

Pero merong kakaiba sa kwento ni Cain. Binigyan nya ang kanyang anak ng pangalan na Enoch na ibig sabihin ay consecrated o dineklarang sagrado. Nagtayo din sya ng isang siyudad at pinangalan nya ito sa kanyang anak. Hindi ba si Cain ay sinumpa ng panginoon? Then kanino consecrated si enoch, ito bay ay sa panginoon? Sinubukan ko itong hanapin pero hindi ako nakakita ng concretong sagot. It could be na inalay ni Cain si Enoch sa dyos kaya dineklara nya itong sagrado. Posible din na isa pa ito sa mga lost books na hindi pa natutuklasan sa ngayon.

So there you have it, kung sino man ang asawa ni Cain, we will never know. Kung nakapangasawa man ito ng ibang nilalang, nasa sayo yan. Kung napangasawa nito ang kapatid, apo o pamangkin nya, nasa iyo pa rin yan. At the end of the day, hindi ko gustong baguhin ang paniniwala mo sa mga nilalabas kong video kaya nga hanggat sa abot ng aking makakaya pinapaliwanag ko ng maayos. Kung may mali, willing naman akong tanggapin un ng maayos wala naman problema duon, we all make mistakes and we learn from it.
Sana nakabawi ako sayo.

Ngayon pumunta naman tayo sa incest, kasi may nagtanong nito sa comment section dati pa sa video ko. Kasi nga kasalanan daw ang incest sabi ng dyos tapos sila adan at eba nagincest?

Alam natin ang incest ay pinagbabawal ng panginoon then bakit si Cain, Seth at iba pang descendants nito ay ginawa ang incest at hindi naparusahan ng diyos?

Let’s go back in the beggining. Si Adam at Eve, alam natin na nadungisan sila ng kasalanan base sa bibliya pero when it comes to genes, it was assumed na pure sila.

Ang kombinasyon ng 2 genes ni adam at eve ay magkakaroon ng same dominant genes na magpproduce ng normal health children. Naulit muli ang ganitong problema ng magkaroon ng great flood kung saan lahat ng tao ay nagmula sa anak ni noah na sina ham, shem at japheth. Matapos ang great flood inatasan sila ng panginoon na humayo at magparami.

Fast Forward sa panahon na ni moses, ang panginoon ay nagbigay ng utos na pinagbabawal ang incest. Dahil sa puntong ito hindi na kinakailangan ang pagtatalik ng dalawang magkamag-anak o magkadugo dahil sobrang dami na ng tao.

Ngayon, matapos ang ilang libong taon ng pagsasalin salin ng gene pools, ang pagtatalik ng magkamag-anak ay posibleng mag resulta sa pagsasama ng recessive genes na syang magpproduce ng abnormalities.

Ayan sana malinaw tayo jan ha. Ang commandments na bawal ang incest ay matapos ang great flood.
Which make sense nga naman, sasabihin ng panginoon na magparami tapos great sin ang incest eh papaano silang magpaparami nuon diba?

Sana ay naliwanagan kayo sa topic natin today.

Alam nyo sa totoo lang madami kayong nagrerequest sa akin tungkol sa mga lost chapters, sa mga bible topics, jesus missing years at iba pa. Hindi ko alam kung gusto nyo lang talaga akong sunugin ng buhay o ipashutdown tong channel eh. Yung totoo?
Ito pa nga lang na info tungkol kay cain, nayari na ako ng religious viewers eh, lalo na kung ung mga nirerequest nyo pa. Ligwak na. Maraming mga magagaling magpaliwanag sa atin tungkol sa kanilang paniniwala pero kakaunti lamang ang marunong tumanggap ng paliwanag ng iba. Thats the harsh reality when it comes to religion.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Gaano kalakas Ang battle ship Yamato

Bakit Mahilig tayo sa Fastfood?