Saan napupunta ang nadelete na files?

Reading Time: 7 minutes

Dahil sa sobrang daming ng mga files na gusto mong maidownload sa iyong phone, hindi mo na mapapansin na ito ay puno na pala, ikaw kasi download ka ng download sa hentai.com eh pwede naman istream na lang. Dahil sa kadodownload mo ng “personal files” napuno na ang iyong memory at kailangan mong magbura. O di naman kaya ung selfie ambassador jan na halos lahat ng anggulo eh may selfie, tapos pag magbubura ka hindi mo alam saan buburahin mo kasi lahat ng kuha mo eh pak na pak.
Pero paano kung mali ang nabura mong files, at ang mahalagang files ang natanggal mo? Paano kapag nacorrupt ang iyong SD card at nabura lahat ng files na mayroon neto.

Minsan hindi nalang natin nabubuksan ang mga files na mula sa ating SD card, kung minsan naman ay bigla-bigla nalang nawawala ang ilang mga picture, kanta at files at iisipin mong nahack ka na dahil sa kung ano anong sites ang vinivisit mo.

May mga pagkakataong, kahit na iconnect mo ito sa isang computer ay wala na talaga. At worsts, lilitaw ang “‘SD card is not formatted. Do you want to format it now?'” Lahat ng pinaghirapan mong download, pinagpuyatan hanapin sa hentai.com o di naman kaya lahat ng mga posing at duck faces ay mawawala ng isang iglap. Pero ang tanong, Saan ito mapupunta? Marerecover pa ba ang mga ito? Paano?

Dumadami na ang mga expert sa compute , ang bagay ang pagrestore sa isang files ay hindi na mahirap. Well, para sa ilan pero hindi madali para sa ibang walang alam sa computer.

Ayon sa kay Himanshu Taank na isang B.Tech (CSE) M.Tech(IT), ang mga files na ating nabubura mula sa ating memory card ay mananatili pa din sa loob ng isang memory card. Ayon kay Taank, hindi na natin makikita ang files na ito ngunit naroon pa din ito. Hangga’t ang space neto ay hindi pa nalalagyan ng ibang files, hindi ito mawawala.

Para sa madaling salita, ang dating space na inoocuppy ng dating files ay mamarakahan bilang free Space. Hangga’t wala kang nilalagay dito, mananatili itong naka store sa loob ng iyong memory card. Magulo ba? Ganito, halimbawa; gumamit ka ng ballpen pang sulat sa papel, nagkamali ka at gumamit nang white ink, matatakpan lang ito ngunit naroon pa din ang sulat. Pero kapag nilagyan mo ito ng panibagong sulat, matatabunan at mawawala na ang naunang salita.

Good thing, ang mga naburang files ay maaring marecover gamit ang ilang application at software na maaring makapagbalik dito.

Kung sakaling mabura mo ang mahalagang files, huwag kang mag-aala at mataranta marerecover mo pa ang mga duck poses mo. Ang mga corrupted memory card ay maari ding maayos. Basta huwag mo itong gagalawin, at inaksyunan kaagad ng isang taong nagmagagaling sa computer, maari mo itong makuha muli.

Dahil mayroong mga iba’t ibang klase ng SD card, mayroon ding iba’t ibang klaseng application at software din ang maaring gamitin. Ngunit kailangan din ng ilang software download upang mabasa ang isang SDHC card.

So first, mag download at mag install ng isang application ng isang file recoverer. Maaring mag install ng Disk drill at Recoverit Data Recovery at ibang pang mga application na maaring makita sa internet. Hindi lang limit sa dalawang nabanggit ko, maraming data recovery software na pwede mong subukan.

Kung walang alam sa computer at hindi alam gamtin ang mga bagay na ito, maaring magpatulong sa mga computer experts. Pero pinapaalala ko lang na isang maling click lang, bye bye important files na.

Mula sa mga malalaki at maliliit na files, maari mo nang marecover ang mga ito nang walang hirap. Basta’t tama ang gagamiting SD card Recovery software, at sa tamang tao mo ito ipapagawa.

Para sa mga iphone users at sa ibang phone devices na hindi nalalagyan ng isang memory card, ginagamit ang ilang iPhone data recovery software.

Upang maprotektahan ang iyong memory card, kailangan mo din itong alagaan. Tulad nang pag-aalaga mo sa phone mo. May ilang bagay na dahilan kung bakit biglaan na lamang nacocorrupt ang SD card.

Kung ang isang phone ay pinatay, hindi ito basta basta mag bablack out, may mga process na mangyayari pag shinutdown ang isang bagay tulad ng pagpapatay ng mga main process ng hindi pinapakita sa end user kung baga, ang nakikita mo lang ay shutting down pero sa likod nun, unti unting pinapatay ang mga process na tumatakbo. May mga pagkakaton na tinatanggal mo ang battery dahilan upang hindi makumpleto ang normal shutdown. Kung minsan naman ay nag hahang ang phone kung mag sasave ng ilang photo, kung minsan din ay tinatanggal mo nalang ang iyong SD card dahil ikaw ay naiirita. May mga pagkakataong kahit low battery na ang iyong phone, pinipilit mo pa din makakuha ng ilang litrato. Minsan naman ay tinatanggal mo ito habang naka open ang iyong camera.

So never do these things. Ang mga ito ang ilang dahilan kung bakit bigla nalang nasisira ang iyong memory card.

Mag-ingat sa pagpindot pindot sa iyong cellphone. Kung tayo ay maingat, walang problema at hindi ka pa gagastos. Maari ding ang mga mahahalagang files na iyong iniingatan ay ilagay sa isang computer, sa paraan na ito maari mo nalang itong kunin muli kung sakaling mabura man ito.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan Rnick Menor. Sa mga may katulad na tanong, pakifill up naman po ng askbulalord form jan po sa may description para po masama natin sa lists. Hindi na po kasi ako kumukuha ng questions sa comment section dahil nawawala po sa ordering. Maraming Salamat sa panonood mga boss.

Sources

Sources

  1. https://www.stellarinfo.com/article/sd-card-recovery.php
  2. https://www.quora.com/What-happens-to-the-data-in-a-memory-card-when-you-delete-it-Where-does-it-go-and-how-does-the-card-become-empty
  3. https://www.pandorarecovery.com/sd-recovery.html

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Sinong mas mabilis ang kaliwite o kanan-te?

Zombie Apocalypse