Saan nagsimula ang Phoenix? Totoong nilalang ba ito?

Reading Time: 9 minutes

Kapag sinabing legendary bird ano ang unang papasok sa isip ninyo? Malamang ang karamihan sa atin ay phooenix, o di naman kaya ang 3 legendary bird ng pokemon. Habang ang iba ay ang quezacotl. Panigurado kaya nyo clinick itong video na ito dahil gusto ninyong malaman ang mga impormasyon tungkol sa pheonix. Ito ba ay totoo? Ito ba ay minsang nabuhay sa ating mundo? O kagaya ng ibang mythology na gawa gawa lamang ng imahinasyon ng ating mga ninuno? Marami sa atin ang nakakilala na sa ibon na ito, pag tinanong mo ang kaibigan mo kung kilala ito, sasabihin na isa itong ibon na punong puno ng apoy at bago mamatay ay mangingitlog pero other than that, wala na. Mostly wala ng idea sa kung ano ang phoenix.

Legend:

Ang phoenix ay kilala bilang isang napakagandang ibon na nakatira sa isang paraiso. Kagaya ng pheonix may iba’t ibang mga nilalang ang nakatira dito at maaayos ang kanilang buhay. Pinaniniwalaan na ang lugar na ito ay perpekto at napakaganda at ito ay matatagpuan kung saan ang liwanag ng araw ay malakas.

Subalit habang tumatagal, ang ibon ay nararamdaman na ang pagtanda nito. Matapos ang 1000 taon, muli itong mabubuhay. Dahil nga ang phoenix ay nakatira sa paraiso, pinaniniwalaan na isa itong imortal.

Para mabuhay muli, ang phoenix ay kinakailangan lumipad pakanluran papuntang mortal world. Kinakailangan nitong umalis sa paraiso at pasukion ang ating mundo para mareborn. Lilipad ito pakanluran hanggang sa marating nito ang spice groves na tumutubo sa Arabia. Dito humihinto ang phoenix para kolektahin ang mga herbs at spices especially ang cinnamon. Matapos nitong kunin ang mga herbs at spices, magpapatuloy ito sa kanyang paglalakbay hanggang sa marating nito ang phoenicia.

Pagdating nito sa phoenicia, dito na sya gagawa ng pugad gamit gamit ang mga herbs at spices na kinuha nito sa arabia. Matapos nitong gumawa ng pugad, maghihintay ito ng umaga.

Sa pagdating ng umaga, ang sun god ay magpapakita sa himpapawid at ang phoenix ay haharap sa silangan para harapin ito habang ang araw ay unti unting lumalabas. Matapos nito ay kakanta ang phoenix ng isang awitin. Pinaniniwalaan na ang kantang ito ay pinakamgandang kanta. Makes me wonder, parang ibong adarna lang dito sa atin.

Sa sobrang ganda ng kanta nito, ang sun god ay hihinto para makinig dito. Matapos ang pagkanta nito, ang sun god ay magpapatuloy na sa kanyang paglalakbay sa alapaap. Ang pagalis ng kalesa ng sungod ang magpapabagsak ng mga apoy mula sa alapaap at ang apoy ay tatama sa pugad ng phoenix at masusunog ito.

Pero hindi ito ang katapusan ng life cycle ng phoenix dahil matapos ang 3 araw, ang phoenix ay muling mabubuhay mula sa abo at magsisimula muli ang 100 taong cycle nito. Dadalhin nito ang natitirang abo papuntang heliopolis bago babalik sa paraiso para makumpleto ang lifecycle nito.

May ibat ibang bersyon ang kwento pero ang main course ng phoenix ay nanatili. Sa ibang kwento sinasabi na matapos nitong gumawa ng pugad, ang kanyang katawan ay mabublok at pagkatapos ng 3 araw ito ay mbubuhay muli.

Habang ang isang bersyon naman ay habang lumilipad ito sa mortal world, ang kanyang pakpak ay naglalagas at nagbibigay ito ng magandang kulay sa alapaap. Kapag natapos na itong gumawa ng pugad, sisindihan nya ang pugad at dito sya matutupok ng apoy. Katulad ng naunag bersyon, mula sa abo ay lilitaw ang phoenix. Habang ang ibang bersyon naman ay nangingitlog muna ito at ang itlog ang magiging younger version ng phoenix.

So bakit nya kinakailangang mareborn? Kahit na imortal ang phoenix, ang kanyang katawan ay tumatanda pa rin. Ang kanyang paglipad ay bumabagal at ang kanyang mga buto ay rumurupok.

Description:

Ang phoenix ay mayroong kulay pula at dilaw na balahibo. Pinaniniwalaan din na ang balahibo nito ay walang katulad. Sa greek mythology, inilalarawan ang phoenix na may kulay lila, marahil ito ay dahil sa kanilang syudad, ang phoenicia. Ang lungsod ng phoenicia ay kilala sa mga makukulay na lila na ginagamit sa mga kasuotan ng mga may mattaas na posisyon, mostly royalty.

Pinaniniwalaan din na kaya phoenix ang name nito ay dahil nauugnay ito sa coloration ng phonecia. Maraming greek artist ang gumawa ng ibat ibang bersyon ng phoenix at karaniwan meron itong dilaw, pula at lila na kulay ng pakpak.

May iba’t iba ding paglalarawan sa kulay ng mata nito. May iba na inilarawan ito bilang matingkad na dilaw habang ang iba naman ay kulay pula na parang nagbabaga.

Lahat ng paglalarawan sa phoenix ay sinasabing isa itong malaking ibon kaya naman ang iba ay naniniwala na isa itong inspiration mula sa isang higanteng species ng ibon.

Powers:

Ang phoenix ay may magandang boses na nakakapagpagaling ng sakit. Ang luha din ng ibon ay mayroong regenerative abilities. Ayon pa sa kwento, ang isang tao ay hindi makakapagsinungaling kapag ang phoenix ay malapit lang dito.

Dahil nga isang kakaibang nilalang ang ibon na ito, hindi rin normal ang diet nya. Ayon sa mga alaamt, ang phoenix ay kumakaiun ng frankincense at aromatic gums. Hindi rin ito kumukuha ng mga herbs and spices hanggat hindi dumadating ang katapusan ng cycle nito.

Egptian Roots:

Ang Phoenix ay mattraced back sa isang diyos ng sinaunang ehipto. Ang bennu. Ang bennu ay isang malaking ibon na katulad ng isang heron. Ayon sa kwento, si Bennu ay nakatira sa taas ng mga bato at obelisks at sinasamba ng mga sinaunang ehipto, katulad ng pagsamba ng mga ito kay osiris at Ra. In fact inakala nuon na si Bennu ay simbulo ni osiris.

Si Bennu ay sumisimbolo sa pagbaha ng nile river kung saan nagbibigay ito ng buhay sa nasasakupan nito. Dahil dito, si Bennu ay isa sa pinakarespetadong nilalang ng egyptian mythology. Kagaya ng pheonix, meron din itong birth at rebirth cycle kung saan ito ay nabubuhay muli kada 500 Taon:

Spread:

So ang susunod na tanong, kung ito ay mula sa egypt bakit sa greek ito mas nakilala? Well mga boss ito ay dahil kay herodutoos. Sya ang nagpakilla sa kwento ng phoenix sa western culture matapos ang paglalakbay nito sa Egypt. Sa kanyang librong Histories na sinulat nya nuong 5th century before common era, pinakilala ni herodotus ang iba’t ibang mga nilalang dito.

Origins:

Ang phoenix ay pinaniniwalaan na mula sa flamingo. Kung saan ito ay inuugnay sa flamingo dahil ang flamingo ay naninirahan sa lugar kung saan halos imposibleng mabuhay ang mga anak nito dahil sa init.

Para makasurvive, ang flamingo ay gumagawa na punso para mas tumaas ang pugad nito at makasurvive ang mga anak nito. Ang heat convection na nangyayari sa paligid ng punso ay kaprehas ng pag galaw ng isang apoy.

Ang isa pang paniniwala ay ang pheonix ay mula sa peacock dahil kaperhas nito ang kagandahan at laki ng isang peacock.

Ang ibang mga historians naman a y naniniwala na ang phoenix ay isang totoong nilalang ng megafauna kung saan hindi na ito nabubuhay ngayon.

Symbolism:

Ang phoenix ay nagsisimbula ng renewal at resurection. Pinaniniwalaan din na ang phoenix ay swerte. Ito rin ang nagalalarawan sa isang mabuting leader. Ito rin ang nagsisimbolo ng bagong kabanata.

Sa Egypt sya ang sumisimbolo ng rebirth at immortality. Kagaya ng kwento ni Bennu ng rebirth, naniniwala ang mga ehipto na ito rin ang rebirth ng human spirit.

Sa sinaunang china naman ito ang sumisimbolo sa mga empress ng tsina  dahil para sa kanila ito ang nagrerepresenta ng feminine grace at ang araw. Ito rin ang nagsisimbulo ng pagdating ng isang matalinong pinuno at panibagong yugto.

Sa sinaunang kristiano naman, ang phoenix ay nirerepresenta ang pagkabuhay at pagkamatay ni kristo. Kung saan namatay si kristo at matapos ang tatlong araw ay muli itong nabuhay kagaya ng rebirth ng isang phoenix.

Ang mga sinaunang kristiano ay nilalagay din ang imahe ng phoenix sa mga lapida ng mga yumao. Ito ay nagsisilbing paalala na ang kamtayan ay hindi ang katapusan kundi ang simula ng bagong kabanata.

Sa greek naman ay inilalarawan ang pheonix bilang metempsychosis. Ang metempsychosis mga boss ay ang “transmigration of the soul”. Ito ang proseso kung saan ang spirito ng isang tao ay narereincarnate matapos ang kamatayan nito.

Ito ang sumisimbolo sa phoenix, na kagaya ng isang phoenix, ang kaluluwa ng isang tao ay hindi talaga namamatay. Ito ay aalis lamang sa yumaong katawan at muling papasok sa mundo para simulan ang panibagong lifecycle.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Guardian Angel?

Pinkatahimik na Kwarto