Berberoka

Reading Time: 7 minutes

Topics

Dito sa atin mayaman din tayo sa mythology, meron tayong minotaur at satyr like creature, ang tikbalang, meron din tayong higante, ang bungisngis, meron din tayon water creature ang sirena. Gayunpaman, ang mythology ng pilipinas ay kakaunti lamang ang impormasyon, wala ng background story bukod dito, hindi kagaya ng greek at egyptian na kala mo totoong nangyari. Sa atin, nababalot ng misteryo.

Ang iba sa inyo narinig na ang salitang berberoka lalo na sa mga probinsya, pamilyar kayo dito. Subalit napakakakaunti lamang ng impormasyon mula sa mythological creature na ito.

Ita itong kinatatakutan na nilalang. Isang halimaw at isang oppurtunista.

Paglalarawan:

Walang eksaktong depiksyon ang berberoka. May ibang nagsasabi na isa itong monster like creature, kagaya ng mga shokoy, habang ang iba naman isa itong malaking nilalang na parang katulad ng isang ogre.

Meron itong berdeng balat at parang bato ang kutis ng kanyang balat. Marahil dahil sa tagal nito sa tubiog dahil ang berberoka ay isang water monster. Isa pa ginagamit nya din ito bilang camouflage, nagtatago sa mga tao at naghihintay ng tamang pagkakataon.

Ang mga berberoka ay malevolent ibig sabihin, sila ay masasamang nilalang. Kumakain sila ng mga tao, kadalasan mga namamangka o mga bata na napadpad sa kanyang teretoryo.

May ibang paglalarawan din sa berberoka kung saan magpapanggap ito bilang isang magandang water spirit, oo mukhang halimaw pa rin pero ung tipong parang mermaid ang style.

Sa isang graphic novel naman na pinamagatang Mga tambay sa tabi tabi na ginawa ng isang grupo ng mga arists na tinatawag na kids illustrators ay binigyan ng kahinaan ang nasabing halimaw.

Oo nakakatakot ito, pero meron din itong kinatatakutan. Nakakatawa mang isipin, pero takot ito sa mga talangka o alimango lalo na ang maipit ng kamay nito.

Well, hindi natin alam kung ito ba ay totoong takot sa alimango, what i mean is totoo ba na kwento ng ating mga ninuno na takot sila sa alimango o dinagdag lang ito ng mga artist.

Pinagmulan:

Ang kwento ng berberoka ay mula sa apayao, abra at ilocos norte. Sa mga lugar na ito, pinangingialgan ang berberoka. Wala nang masyadong detalya pa kung saan ito talagang nagsimula pero sila ay nahahalintulad sa nga naiads ng greek.

Kagaya ng mga berberoka, ang mga naiads o water nymphs ng greek ay nakatira sa mga sapa o ilog at binabantayan ito. Ang pinagkaiba ng dalawa ay kadalasan benevolent o mababait ang mga naiads ng greek habang ang berberoka ay malevolent at lulunukin ka nito ng buo.

Abilidad:

Ang berberoka ay may kakaibang abilidad. Kaya nitong humigop ng napakaraming tubig sa isang ilog.

Kadalasan ginagawa ito ng berberoka para maakit ang mangingisda na lumapit sa lungga nito. Kadalasan hinaharangan nito ang daluyan ng tubig, dahilan upang hindi pumasok ang ibang tubig sa lungga nito at mas mahihigop nito ang nasa teritoryo nya lang.

Hindi nya naman hihigupin lahat dahil sympre magtataka ang ibang mangingisda sa biglaang pagkawala ng tubig. MAgtitira sya ng kakaunti, sapat lang para makita ang mga naglalakahing isda.

Ikaw ba naman na mangingisda, nakita mo ang sandamakmak na isda na lumalangoy langoy sa isang mababaw na tubig, hindi mo lalapitan? Sympre maeenganyo ka, at ito ang hinahantay ng berberoka.

Kapag ang mangingisda ay nakalapit na sa kanyang teritoryo at busying busy sa panghuhuli ng isda, bigla nitong papakawalan ang tubig na kanyang hinigop, dahilan para malunod ang mangingisda.

Saka nya ito sasagpangin at dadalhin sa mas malalim na parte para wala na talagang kawala.

May mga pagkakataon na nakakaligtas ang mangingisda sa unang pagpapakawala ng berberoka ng tubig. Kapag nangyari iyon, hihigop ulit ito ng tubig at saka iispray sa tumatakbong mangingisda, dahilan para mahilo ito at bumagsak.

Ang berberoka ay may kakayahan ding magbagong anyo. Kadalasan nagiging higante ito para takpan ang mga tubig kapag sya ay may aakiting biktima.

May mga pagkakataon dn na magaanyong magandang dilag ito at aakitin ang biktima na lumapit sa tubig. Kapag ang biktima ay malapit na saka nya ito hahablutin papunta sa ilalim ng tubig kung saan ang biktima ay mamatay hindi lang sa pagkalunod kundi sa pagsagpang ng matutulis na ngipin ng berberoka.

Representasyon:

Ang katangian ng berberoka ay nakikita natin ngayon sa ating lipunan. Ano ba ang ginagawa ng berberoka? Hindi ba papainan ang isang biktima? Kunwari makakajackpot sya, hindi nya alam sya pala ang magiging jackpot ng halimaw.

Let’s put this into our society today. Isang magandang halimbawa ang berbeberoka ay mga pulitiko. Inaakit tayo sa mga magagandang salita, kesyo gagawin ang ganito, gagawin ang ganyan, magbabago ang lungsod. Lahat na ng mabubulaklak na salita. Haharangan ang mga mababahong balita, ang mga media babayaran ang mga maliliit na taong alam ang baho nila para hindi ito lumabas.

Ito na botohan na at nanalo ang kandidato. Tsaka nito papakawalan ang nagraragasang tubig at hahayaang anurin ang kanyang mga pangako kasabay ng pag-agos.

Katulad din ng mga naglitawan na mga ads ngayon sa facebook, angdaming nakaupo ka lang kikita ka na pero magbibigay ka ng pondo. Ikaw naman tong si tanga, naniniwala, easy money eh. Naakit ka sa napakagandang offer. Hindi mo alam pinainan ka lang ng kausap mo para makuha ang pera mo. In the end, ikaw ang talo.

Sources

This is your modal header title

  1. https://cryptidz.fandom.com/wiki/Berberoka
  2. https://www.wikiwand.com/en/Berberoka
  3. http://doktordoktorlads.blogspot.com/2015/08/berberoka.html
  4. https://mythology.wikia.org/wiki/Berberoka
  5. https://salindila.wordpress.com/2017/02/20/berberoka/
  6. https://filipiknow.net/top-10-terrifying-philippine-mythical-creatures/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Giganotosaurus

bakit meron tayo panalangin at ano ang ibig sabihin ng amen?