Isa bang UFO o isang sapot ng gagamba ang Angel Hair?

Reading Time: 10 minutes

Narinig nyo na ba ang angel hair? Para sa mga conspiracist at mga mahihilig sa UFO pamilyar na kayo dito. Ang angel hair ay isang misteryosong bagay na nalalaglag mula sa langit. Para syang isang sapot pero malagkit ito at nawawala din ng mabilis.

Kaya sya tinawag na angel hair ay dahil galing ito sa langit at inaakalang ito ang mga buhok ng mga anghel. May mga ibang naniniwala din na galing ito sa mga UFO.

Maraming posibleng paliwanag sa kung ano talaga ang angel hair, pero marami ding naniniwala na ito ay mula sa anghel o hindi naman kaya sa UFO. Ang video na ito ay nirequest nuong May 07 2019 ni Boss Bagsik Buto.

Raelism:

Ang Raelism ay isang UFO religion at napakaimportante sa kanila ng Angel Hair. Dahil ang mga miyembro ng raelism ay nanniniwala na tayo ay ginawa ng mga extraterrestrial human scientist na tinatawag nilang elohim.

Kung baga ang Angel Hair ay patunay na ang kanilang relihiyon ay totoo, at sila hesus budha, muhammad at iba pa ay ang propeta ng elohim.

Meaning to say, karamihan ng naniniwala sa Angel Hair phenomena ay mostly kasama sa raelism o hindi naman kaya mga conspiracist.

Description:

 

Ayon sa mga nakakita ang angel hair phenomena ay parang isang sticky substance, ang iba sinasabi na para itong ectoplasm.

Ang angel hair ay makikitang lumilipad sa langit bago bumagsak sa lupa. Kadalasan kapag bumagsak ito may ilang minuto lamang at ito ay mawawala na. Dahil sa characteristics ng angel hair na nawawala, nahihirapan ang mga ibang eksperto na suriin ang nasabing phenomena.

Kumbaga, walang possible proof. Ang basehan lang ay ang taong nakakita. Yun lang ang panghahawakan ng isang taong gustong maniwala.

Sightings:

Ayon sa libro ni Stothers Richard na Unidentified Flying objects in classical Antiquity, ang pinakaunang pagdodokumento ng angel hair ay nuong 196 Common Era ng historian na si Cassius Dio kung saan inilarawan nya ito na isang kulay silver na bugsak mula sa kalangitan.

Nuong October 17 1952 Ang highschool superintendent na si Jean  Yves Prigent ay nakakita ng isang parang bulak na ulap na may kakaibang hugis. Parang isang cylinder . Sa gilid nito ay mayroong 30 maliliit na bagay at ito ay kulay pula. Ang mga red saucers na ito ay mayroong yellow ring at sila ay kumikilos ng pare parehas. Maya maya pa unti unti silang gumalaw ng pazigzag at sa bawat pag galaw nila ay may nabubuo na kulay puti na para bang isang kidlat.

Ang white substance na ito ay unti unting bumagsak matapos maglaho ng mga ufo. Nuong kinuha na ito ng mga nakakita ito ay biglang naglaho. Ayon sa mga reports, meron itong gelatine like substance.

Nuong 1960 ang united air force ay naglaan ng pondo para imbestigahan ang nasabing ufo phenomena dahil pineppressuire sila ng publiko. Ang resulta ay pinublish sa condon report nuong 1968,. subalit katulad ng naunang paglalarawan, walang konklusibong paliwanag sa kung ano talaga ang angel hair.

Possible Explanation:

Maraming eksplanasyon ang angel hair. From natural causes to supernatural. Lets start with supernatural.

Ayon kay Donald Menzel, ang angel Hair ay dahil sa paggamit ng mga ufo ng kanilang gravity field. As of this point, we have the idea na ang mga ufo spaceships ay mayroong tinatawag na anti gravity dahil nga sobrang bilis na lang gumalaw at ang iba nakakastay ng matagal sa alapaap. Ang paggamit ng gravity field ay syang nagiging dahilan ng pagreact ng mga atoms sa hangin at ito ang nagiging dahilan ng angel air kung saan ang mga atoms ay bumabagsak at nawawala habang ang ionization ay bumababa.

Nuong October 13 1917 isang sample ang nakuha sa cova da ira at pinadala sa lisbon. Base sa kanilang pag-aaral, ang angel hair na kanilang inexamine ay isang natural na bagay na mayroong mga white flakes. Nuong tiningnan nila ito sa microscope dito nalaman na isa itong parte ng isang gulay at hindi galing sa insekto o hayop.

Sympre dahil galing sa langit ang angel hair, hindi mawawala ang mga atmospheric effects. Ayon sa mga iobang eksperto ang angel hair ay dahil sa atmospheric electricity na syang nagpapalutang sa mga dust particles, at ang mga dust particles na ito ay magiging polarized. Kapag napolarized na ang mga dust particles magkakaroon ng attraction sa pagiotan ng dalawa at sila ay magjojoin forces, i mean magmimix, at ito ang nagiging dahilan ng filament like angel hair.

Sa poroguese naman, sa lungsod ng evora, nakakuha din sila ng angel hair at na-analyzed nuong november 2 1959. Kagaya ng nauna, tiningnan din nila ito sa microscope at para makasigurado pati ang mga technicians at scientist ng lisbon ay tiningnan din ito. At ang resulta, ang angel hair na kanilang inanalyze ay mula sa single celled organism o di naman kaya insekto.

Spider:

Hiniwalay ko ang mga gagamba kasi sila ay may mataas na percentage pagdating sa pagkakaugnay sa angel hair. Pamilyar naman kayo sa sapot ng gagamba hindi ba?

Nuong 1999 isang lalaking nagngangalang peter ang tumawag sa australian ufo registry. Natakot sya sa kanyang nakita. Mga kulay puti na parang sinulid ang mula sa langit na bumaba at nacoveran ang mga lupain, puno at bahay.

Sympre hindi pa alam ni peter ang phenomena na yon. Ayon sa kanya hindi ito sapot, hindi ito malagkit o hindi rin parang bulak. Isa itong angel hair.

Few days matapos ang kanyang tawag. Isang entomologists ang nagreport sa Esperance Express, isang pahayagan sa lugar nila. Ayon sa balita, isang kotse ang natakpan ng daan daang maliliit na gagamba umakyat sa sanga dumating ang ulan at tinaboy siya, ay mali, maling channel pala yun.

Ayon sa entomologist ang mga maliliit na parang sinulid ay mga sapot ng gagamba na lumiliad sa hangin. Ang tawag dito ay balloning at ito ay fcommon sa mga gagamba ayon kay professor  Marie  Herberstein.

Ang mga malilit na gagamab umakyat…. teka concentrate, wag kang papadala sa kanya. Concentrate…..

So ayun nga kapag ang mga baby spiders ay lumabas na sa kanilang cocoon, ang mga ito ay magpapadala ng sapot sa alapaap, kasabay ng hangin, sila ay dadalhin nito sa susunod na lugar.

Kagaya ng sinabi kanina ang mga angel hair ay mabilis na nawawala. Pasok din ito sa criteria ng sapot ng gagamba. You see, habang tumatagal, ang sapot ng gagamba ay nawawala, hindi naman totally nawawala, bagkus ito ay nagbrbreakdown sa mas maliliit na piraso at hindi na ganuon kavisible sa ating mata, giving us the impression na naglaho ang mga ito.

Conclusion:

Kagaya ng ibang mga ufo phenomena, ang isang ito ay mailap. Ang problema kasi dito ay ayon sa mga witness, ang gelatinous substance daw na ibang iba sa mga sapot ng gagamba ay mabilis na nawawala. So in a sense, kailangan bumase lang tayo sa hear say.

Sure pwede kong sabihin sa inyo na habang nagrerecord ako nakita ko ang isang angel hair like substance, malapot ito at etc etc. Its my word against your beliefs.

Ang problema sa atin mabilis tayong maniwala lalo na sa mga conspiracy, sa mga bagay na hindi maipaliwanag. Hindi ko sinasabing peke o kalokohan ang angel hair ufo. What i am implying is, wala pa tayong konklusibong ebidensya, puro mga kwento kwento lamang.

Ako bilang isang skeptic, hindi ako basta basta naniniwala hanggat walang physical evidence, historical evidence or scientific evidence. 2 lang ang kailangan ko jan at mas magiging open akong maniwala pero hindi pa 100%.

Kagaya dito sa angel hair, merong mga reports na historical na nakakita nga ng “gelatinous substance” pero wala syang physical meaning walang  or scientific evidence, so therefore…. this is bulalord and i officially do not believe in Angel Hair UFO Phenomena.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Trade off hypothesis

Bakit may alon ang dagat – COMPLETED