Ilang taon na nga ba ang Great Sphinx?

Reading Time: 9 minutes

Ang Great Sphinz of Giza ay isa sa iconic symbol ng sinaunang ehipto. Ang pagkakagawa at estraktura nito ang nagsisilbing bintana para makita natin kahit kakaunti ang nangyri nuong sinaunang panahon.

Maraming mga ekspertong naniniwala na ang great sphinx of giza ay posibleng naglalaman ng kasagutan sa kung ano ba talagang silbi ng mga pyramids.

Build:

Ang sinaunang monumento na ito ay ginawa mula lamang sa isang malaking limestone. Ito ay may sukat na 73 meters o 240 feet long at 20 meters o 66 feet high.

Ang nakikita nating freat sphinx ngayon ay partially restored na. Ibig sabihin nilagyan na ng ibang mga blocks. Ang Great Sphinx din ang pinakamalaking sphinx sa sinaunang mundo.

Sa sobrang galing at ganda ng pagkakagawa nito, maraming naniniwala na ang mga sinaunang ehipto ay nakakuha ng tulong sa nilalang na hindi dito sa mundo natin.

Sa Ganda at laki ng Great Sphinx malamang proud na proud ang nagpatayo nito diba? Ganyan ang unang papasok sa karamihan sa atin pero may problema, dahil walang nakalagay kung sino ang gumawa dito, walang inscription sa labas o kahit sa loob.

Maraming mainstream historians at egyptologists ang naniniwalang si khafra na isang pharaoh ang nagpatayo ng nasabing estraktura. Ito ay dahil sa isang stone tablet na nakalagay sa sa gitna paa ng great sphinx. Ang stone tablet ay tinawag na Dream Stele o sphix stele.

Stories:

Sa tablet na nakalagay sa pagitan ng paa ng great sphinx ay may mga egyptian writings at isa sa mga nakakuha ng attensyon ay ang katagang “I have been here since the first time”.

Ayon sa ancient Egyptian Writings, nuong unang panahon ang mga diyos ay lumalakad dito sa lupa kasama ng mga tao, nakikisalamuha. Ito ang tinatawag na Golden Time ng mga ehipto.

Subalit may mga ibang historians na naniwalang isa lamang itong kwento kwento pero ang iba ay naniniwala na minsan ngang lumakad ang mga diyos dito sa lupa at ang iba ay naniniwala na ang bibliya ang nakapagpatunay dito dahil nuong unang panahon, ang mga tao ay kayang mabuhay ng 800+ years.

May dalawang pinaniniwalaang nagpatayo ng great sphinx, si kafre at si thutmose. You see mga boss, bago pa maging pharaoh si thutmose isa syang royalty pero hindi sya naka linya sa pagiging pharaoh.

Isang gabi natulog sya sa ilalim ng ulo ng sphinx. Take note mga boss na ang katawan ng sphinx ay nakalubog pa at ang ulo lamang ang nakikita. Nuong nakatulog na si Thutmose, nanaginip ito at sa kanyang panaginip kinausap sya ng great sphinx. Ayon dito kapaghinukay nito ang katawan ng sphinx, gagawin nya itong pharaoh.

Nuong nagising ito, agad nyang pinahukay ang katawan ng sphinx hanggang sa mahukay nga nito ang buong katawan ng sphinx. Tinupad naman ng sphinx ang pangako nito at si thutmose ay naging thutmose IV.

Ang kwentong ito ay nakasulat sa stone tablet na nasa paanan ng sphinx. What is interesting dito mga boss is almost same thing ang nangyari para maunccover ang katawan ng sphinx altho wala ung part ng nanaginip.

Buried:

Nuong sinaunang panahon ang alam lang ng mga arheoloist ay ang ulo ng sphonx. Hindi nila nakita ang buong katawan nito. Kahit na si Napoleon hindi ito nakita nuong dumating ito sa egypt taong 1798. Ang buong katawan ng sphinx ay nakalibing pa rin sa buhangin.

Nagbago ang lahat dahil sa isang engineer frenchman egyptologist na si Emil Baraize. Sya at ang kanyang team ang naghukay sa katawan ng great sphinx at naisiwalat na nga ang buong estraktura sa unang pagkakataon sa ilang libong taon nitong pagkakalubog.

Eto pa mga boss, kagaya nga ng sinabi ko kanina, parang katulad ng kwento ni thutmose dahil may mga sumubok din na hukyain ito pero lahat sila sumuko pero si Emil hindi, para bang may naguudyok sa kanyang mahukay ang pinaka dulo ng katawan nito kaya’t nagpatuloy sya ng nagpatuloy hanggang sa dumating ang taong 1936 at naipakita nya sa buong mundo ang kanyang paghihirap.

Age:

Now lets discuss the age, sinabi ko nga kanina na ayon sa stone tablet naroon na sya nuong simula pa lang.

Isang researcher na pinag-aralan ng ilang dekada ang sphinx, ang origins nito, ang purpose at ang meaning. Ito mga boss ay si Robert Bauval. Bumuo ito ng theorya at tinawag nya itong Orion Correlation Theory.

Ayon sa theoryang ito ang pyramid at ang sphinx ay mayroong corellation sa orion constellation. Ang orion ay associated kay Osiris, ang god of rebirth at afterlife ng mga sinaunang ehipto. Base sa theoryang ito, ang sphinx ay nasa 12,000 years old dahil ang pag-aalign ng orion sa mga pyramids ay nangyari 10,450 Before Common Era.

Pero merong mga scholars na nagsasabing ang sphinx ay ginawa around 2500 before common era dahil ang Giza pyramids ay ginawa around that timeframe. One might think na dahil ang pyramid ay nasa ganung taon, posibleng parehas lang din ito ng Great Sphinx pero hindi mga boss.

Ayon sa isang geologist na si Robert Shcoch, posibleng nagkaroon ng water erosion ang great sphinx at at ang surrounding enclosure nito ang nagpapatunay dito. Ayon kay Robert, ang corrosion na ito ay nangyari thoudsands of years ago. Ayon sa geological records, posibleng nangyari ang consistent rainfall sa egypt sa pagitan ng 7000 hanggang 12,000 years ago.

Gayunpaman, ang mainstream scholars ay pinainiwalaang ang great sphinx ay tinayo nuong 2500 BC kasabay ng yramid.

Gods:

Sa unang tingin sa great sphinx alam natin na isa iutong mukha ng tao at ang mainstream historians ay pinaininwalaan na mukha ito ni khafra. Pero merong mga ibang naniniwala na hindi talaga tao ang ulo ng great sphinx.

May ibang mga theorya na nagsasabing isa itong leon at nirerepresenta nito ang leo na star sign. Pero walang artwork ng leon sa egyptian. Isa pa ang way ng pag-upo nito nakaharap ang dalawang paa ay hindi pang leon.

Base sa estraktura, we know for a fact na ang katawan nito ay isang hayop. Ang flat na likod nito ay mas mahahalintulad sa aso at madalas ang mga aso ay kaparehas ng posisyon ng great sphinx.

Sino pa nga ba ang aso ng ehipto, eh di si anubis. May ibang naniniwala na ang totoong itsura ng great sphinx ay ang mukha ni Anubis. Si Anubis din ay kinikilala bilang guardian of the necropolis at ang ibang mga egyptologist naniniwala na ang Giza Plateau ay isang necropolis. Ang ulo nito ay hindi nakaalign sa laki ng katawan at ng mga paa nito. Posible nga kaya na ang orihinal na estraktura ay si anubis at nuong nirebuild ay ginawa lang mukha ng pharaoh?

Hindi lang yan ang nagliling sa diyos ng ehipto dahil ang diyos na si osiris ay pinaniniwalaang totoong nilalang. In fact ang libingan nito ay nasa vicinity lamang ng sphinx.

May ibang naniniwala na ito ay symbolic lamang habang ang iba naman naniwala na ito talaga ang libingan ng isang diyos at si Osiris ay minsang nabuhay kasama ng mga ehipto.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Animal of the week – Titanoboa

Ang Devil’s Triangle ng Pilipinas