in ,

Bakit gustong gusto natin si Batman?

Isa si batman sa mga iconic pag dating sa mga superheroes. In fact kahit sa mga games talagang napakaganda ng mga laro nito. Ang mga dark textures ng laro samahan mo pa ng combat system ay talaga namang umaayon sa cape crusader na ito. Pero bakit nga ba tayo obssessed kay batman? Oo mas gusto natin ang avengers, si Tony Stark, si thor, spiderman, x-men at iba pa. Pero hindi mawawala si batman sa ating mga paborito or atleast ang nakararami sa atin. Pero bakit nga ba? Ano ba ang unang pumapasok sa ating isipan? Well, si batman ay isang normal na tao, walang superpowers hindi kagaya ng mga kasama nya at isa pa meron syang cool gadgets. Nitong mga nakaraang taon lang nakita rin natin ang isang normal na tao na naging super hero, ito nga si Ironman na ginanapan ni Robert Downey Jr. Isa lamang syang philantrophist na mayroong napakaraming pera kagayang kagaya ni batnman, pero still ngayon lang naman naging popular si ironman, dahil na din sa performance ni robert downey jr. May mas malalim pa na dahilan. Hindi lang dahil sa isa syang normal na tao. Marahil si batman ay mayroong mga memorable villains? Kung ganun, ang susunod na tanong, anong meron sa kalaban ni batman, bakit sila naging espesyal. Ang pagiging tao ng isang kalaban at ang paguugnay nito sa totoong buhay ay mas naiitindihan ito ng mga manonood. Nakita natin ito sa pelikulang venom at xmen first class kung saan mas binigyan ng mas malalim na kwento ang nakaraan ni magneto at ni venom at mas nagustuhan ito ng mga manonood. Tingin ko kaya gusto natin si batman ay dahil na din sa tulong ni joker. You see, si batman at si joker ay magkaparehas lamang. Nasa iisang barya lamang sila pero magkasalungat ang paniniwala nila. Para sa akin si batman ay tungkol sa trancendence. Ang parehas na karakter ay nakaranas ng trauma sa kanilang buhay. Kahit na medyo hindi malinaw ang kwento ni joker, we can assume na dumanas din ito ng hindi magandang karanasan. Ang kakulangan sa nakaraang kwento ni joker ay mas nagpadagdag lamang ng pagkamisteryoso ng karakter na ito. Parehas silang nakaranas ng hindi magandang karanasan, ang pinagkaiba lang ng dalawa ay si batman ay handang harapin ang mapait na nakaraan na ito ng paulit ulit. Ang kanyang trauma ay ginagamit nya upang maging drive para gawing ligtas ang kanyang nasasakupan at hindi na ito mangyari sa iba pa. Complex na karakter si batman, may eomotional scars pero makukunsidera natin syang pwersa ng kabutihan. Habang si Joker naman ay ginagamit din ang kanyang traumatic experience upang maging drive, pero sa kabaligtaran na batman. Lahat ng lumalapit sa kanya ay sinsira nya, isang totoong karakter ng kaguluhan. Ang pagpigil ni batman sa sarili nito na patayin si Joker ay gumawa ng pwersa na parang isang pendulum kung saan ito ay patuloy na tumutulay sa pagitan ng katahimikan at kaguluhan. Ang pag distribute ng energy, wether positive o negative ay tumutugma sa sentro ng isang tao. Kung ano ang gagawin natin sa enerhiyang ito, makakaapekto ito sa nakapaligid sa atin. Si Joker at si Batman ay ang tao mismo. Sila ang representasyon ng ating mga ginagawa, ng ating mga pinipili. Ang pendulum ay patuloy na tumutulay sa katahimikan at kaguluhan depende sa magiging desisyon natin at para sa akin, ito ang dahilan kung bakit gustong gusto natin si batman at si joker dahil sila mismo ang nagrerepresenta sa atin. Pero ikaw, ano sa tingin mo at bakit gustong gusto natin si batman?

Report

Written by bulalordyt

What do you think?

Leave a Reply

Ang importansya ng mga streamers

Ano ba ang Braindance ng Cyberpunk 2077?