Zone of Silence, isang totoong phenomena at hindi gawa ng alien?

Reading Time: 12 minutes

Pamilyar naman kayo sa Bermuda Triangle diba? Malamang ganun din sa japan’s Devils triangle pati ang Romblon malamang na rining nyo na lalo na’t kung kayo ay subscriber diba. Pero hindi yang mga triangle na yan ang paguusapan natin ngayon bagkus ang anomaly na napapaloob dito, well except sa romblon triable.

Sa bermuda at Devils triangle may mga reports na biglang nauulol ung mga compass ung tipong ikot ng ikot o walang direksyon. Alam nyo ba na hindi lang yan sa dagat nangyayari? Pamilyar ba kayo mga boss sa Zone of silence?

Mapimi Region:

Sa looban ng mexico, sa may Chihuahua Desert, mayroong malawak na lupain. Kilalang kilala ito ng mga tao dito dahil may isang anomaly sa lugar na ito. Ang mga radio ay hindi gumagana. Pero bukod sa kawalan ng radio signal na kahit na ang walkie talkie ay hindi gumagana, in short zero, nada, walang communication but wait theres more, may mga kakaibang pang nangyayari dito. May mga nakakita ng UFO, mga meteor showers na hindi naman nakikita sa ibang lugar sa mundo at may mga reports pa na nakakita daw ng mga nordic aliens dito. Ito mga boss ang tinatawag na Zone of Silence o Mapimi Silent Zone.

Ang Zone o silence Geogprahically ay nagooverlap sa Mapimi Biosphere Reserved, isa UNESCO site na dedicated para pag-aralan ang iba’t ibang Flora and Fauna sa lugar na yon.

Sa mapimi region ay mayroong salt lagoon, disyerto at mga bulubundukin. Ito ay mayroong iba’t ibang halaman at hayop.

Origins:

Ang kauna-unahang report ng anomaly na ito ay mula sa isang mexican pilod na si Francisco Sarabia nuong 1930 Kung saan nagemergency landing ito dahil sa naranasan nitong radio anomalies. Si Sarabuia ay nasa taas ng rehiyon nuon ng mapanasin nitong magmalfunction ang kanyang mga instrumento. Hindi lang yan, napansin nta rin na hindi gumagana ang kanyang radio equipment.

Ilang taon matapos nito, 1964, ang PEMEX engineer na si Harry De La Pena ay nagsusurvey sa desyerto para sa kanilang kumpanya. Balak kasi nilang magtayo ng pipeline ng langis mula jimenez papuntang chihuahua.

Habang nagsusurvey ito, napansin nyang nawalan ng komunikasyon ang kaynag radyo. Si Dela Pena ang nagbansag sa lugar na ito na  “The Zone of Silence”.

Simula nuon tumatak na sa mga tao ang bansag sa lugar na yon. Nagkaroon sya ng interest sa radio anomalies na ito kaya’t sinubukan nyang ireplicate o ulitin ang pangyayari. Kaya lang hindi nya na magawa, dito nya napagtanto na ang mga deadzones ay hindi fixed, ito ay lumilipatlipat. Hindi nya rin na pinpoint ang mga eksaktong lokasyon o pattern ng nasabing mga deadzones.

US Encounter:

Isa sa pinaka nakapagpakilala sa zone of silence ay nangyari nuong Cold War.

Ang white sands missile base sa new mexico ay nagcoconduct ng series of test gamit ang Athena RTV rockets. Ang athena RTV mga boss ay isang rocket an dinesigned para ma simulate ang re-entry ng intercontinental ballistic Missile o ICBM sa ating atmosphere.

Nuong July 1970, ang athena RTV V123D ay nilaunched sa Green River Complex sa Utah. Ang final stage nito ay mayroong radioactive Cobalt-57 na dapat ay babagsak sa disyerto ng white sands new mexico, pero nagkaroon ng problema at na overshot ang destinasyon nito ng higit sa 500 miles, ending nagcrash ito sa Zone of silence.

Just to be clear ang mafunction ay hindi dahil sa zone of silence, sadyang nagmalfunction lang ang rocket. Pero ang retrieval ang nagpaugong sa lugar na ito.

Ayon sa kwento, agad na sinecure ng US govenrment ang area at binigyan naman ito ng mexican government ng permiso. Nuong pumasok na ang retrieval team sa site, dito nila naranasan ang anomaly.

Kung walang komunikasyon, ibig sabihin ang coordination sa bawat teams ay magiging mahirap. Pero hindi lang ang radio signals ang naeepktuhan dito, pati ang mga satellite signals ay nagkakaroon din ng disruption.

Ilang linggo rin bago natagupuan ng US government ang capsule at nakuha ang mga debris. Nagkaroon ng clean up at nakakuha sila ng 20 tons ng radioactive soil kasama na ang mga halaman dito. Tinanggal nila ang lupa kasama na ang lahat ng naapektuhan nito.

Meteorite:

Maraming naniniwala na ang mga meteorite fragments na nakakalat sa lugar na ito ang dahilan ng malakas na magnetism. Sa katunayan ito rin ang nagiging dahilan kaya’t ang ibang meteors ay dito bumabagsak kahit na ang mga space junk o ung mga debris na pinadalasa pace.

Pero merong isang nakapagpataas ng balahibo, nakapagdala ng takot sa mga malapit na residente. Ito mga boss ang Allende Meteorite. Ang allende rin ang pinakamalake sa klase ng meteor na ito na tumama diuto sa ating mundo.

Para maging claro tayo. amg Allende ay isang rare type ng meteorite dahil ito ay naglalaman ng metal, carbons at hydro carbons kumbaga fundamentals of life.

Ang meteorite ay dumating ng alauna ng madaling araw nuong February 8 1969. At dahil nga pumasok ito sa atmosphere natin, ang mesosphere ay pinaapoy ang allende at ito ang nagpaliwanag sa residente ng Ceballos.

Maraming natakot at inakala na ito na ang katapusan ng mundo. 100 milya ang layo, sa chihuahua city, maraming nagreport na nakakita sila ng kulay blue at white na nagpaliwaang ng madilim na gabi.

Dahil dito nagkaroon ng emergency, inakala ng gobyerno na ito ay magkakaroon ng widespread casualties kaya nagpadala agad sila ng mga crew sa Ceballos. Nagulat sila dahil wala man lang na saktan o namatay, ang natagpuan lang nila ay ang mga residents na nashock sa pangyayari, mga basag na bintana dahil sa impact ng meteor.

Kapag ang meteors ay tumama sa ating atmosphere papasok ito sa mesosphere at ito ang magbrebreak down at magpapapoy sa bulalakaw. Dahil dito magkakaroon ng nakakabinging tunog at mga kakaibang liwanag na para bang katapusan na ng mundo.

Ang Allende ay sumabog sa milliong mga fragments.

Ayon sa pag-aaral, ang allende meteor ay nasa 4.5 billion years old, posibleng ito ay nuong sinauna pa kung saan nagkaroon ng supernova at nabuo ang ating solar system.

Ang mga researcher ay nakadiskubre ng Rare alluminum 26 kung saan ito ay pinaghihinalaang nabuo sa maikling panahon nuong ang universe ay nagsisimula pa lang at ang composition nito ay kaparehas ng ating mundo.

Hanggang ngayon ang fragments ng allende ay pinag-aaralan pa rin world wide.

UFO Nordic Aliens:

Sympre hindi mawawala ang UFO pagdating sa ganitong mga misteryo. May mga iba’t ibang reports kung saan nakakita sila ng mga liwanag sa taas ng kalangitan, hindi lang basta liwanag, mga gumagalaw at tumitibok na liwanag.

Si Gerry Hunt ay naglabas ng libro at pinangalanan nya itong Zone of silence. Ayon sa libro, si Paco Suarez na isang cowboy ay nakaexperience first hand ng nasabing mga liwanag. Nakakita sila ng box shaped lights na nakalutay sa may hilaga at unti unti itong bumaba.

Hindi lang nakalimita sa liwanag sa alapaap ang mga reports, may mga reports din na nakakita sila ng 3 nilalang, 1 babae at 2 lalaki at mga blande ang mga ito. Ayon pa sa report may mga kasuotan itong hindi akma sa isang disyertong lugar. Nakakapagsalita din ang mga ito ng fluent spanish at sila rin ay mga magagagalang.

Halos sa lahat ng report tungkol sa 3 nilalang, iisa lang ang laging hinihiling ng mga ito, ang lagyan ng tubig ang kanilang lalagyan mula sa tubig ng balon. Hindi sila nanghihingi ng kahit ano, kahit pagkain basta tubig lang.

Nuong October 1975, ang mga fossil hunter na sina Ernesto at Josefina Diaz ay pumunta sa Zone of Silence para magkolekta ng mga samples at mga kakaibang bato na kanilang makikita. Subalit merong bagyo nuon at naabutan ang dalawa. Sinubukan nilang umalis pero ang kanilang sasakyan ay hindi na makaalis sa putik na ginawa ng malakas na pagulan.

Maya maya pa, 2 lalaki ang nakita nilang lumapit sa sasakyan nila. Ang dalawang rescuer ay mayroong suot suot na dilaw na kapote at cap. Maya maya pa naramdaman nila na ang kanilang sasakyan ay nakaalis na sa putik. Lumabas si ernesto para magpasalamat sa dalawa pero wala  na ang mga ito. Ang nakakapagtaka ay walang mga bakas ng paa mula sa dalawang nilalang.

Pero ang pinakapopular sa mga Reports na ito ay ang Ceballos UFO. Nangyari ito nuong September 1976. Isang malaking spacecraft ang nasa himpapawid, nakatigil.

Ang mga residente ay nagsilabasan. Ayon sa kanila, nasa mga 300 talampakan ang haba nito, rectangular at mayroong curve sa dulo nito. May ibat ibang kulay din ito, anjan na ang puti, asul at berde na nakaposisyon sa bawat sulok ng spacecraft.

Ang mga aso ay umalulong, ang mga biik ay nagingay din. Ayon sa mayor ng lungsod, para daw silang pinapanood at nakaramdam sila ng pagpapanic. Matapos ang ilang segundo, nagsimula na itong umalis. Nireport nila ito sa mga pulis pero hindi na ito bumalik pa.

Maraming nakakita na ito ay papunta sa Zone of silence.

Magnetism:

Ayon sa teorya ni Gerry Hunt, sa kanyang librong the zone of silence,  ang ating mundo ay sumalpok sa isang malaking bulalakaw na syang naging dahilan ng zone of silence. Posibleng mas malaki pa ito sa allende.

Kung iisipin natin ang teoryang ito, ibig sabihin dapat magkakaroon ng malaking tipak sa zone of silence dahil sa impact nito, kahit na sabihin na nating millions of years, magiging evident pa rin dapat ang impact as with other impact craters, kaya lang ang zone of silence ay walang ganito.

Magnetism affects compasses, totoo yan mga boss. Pero magnetic field should not affect Radio Waves that massive let alone cancel it out. Oo magnetic field affects slightly, kumbaga voice issues, hindi marinig, garbled, pero ung walang signal,hindi un dahil sa magnetic field.

Ang kwento ng zone of silence ay punong puno ng kababalaghan na syang nagpapalakas ng ating imahinasyon.

Ano sa tingin nyo mga boss? Kayo ba ay naniniwala na totoo ang zone of silence?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Aswang Sa Bulacan

Totoo bang gumuho na ang Mundo nung 2012