Zombie Deer Disease

Reading Time: 10 minutes

Katulad nga po ng sinabi ko, i look on comments at nakikita ko ang mga request ninyo. Mas marami ang nagrequest ng reincarnation pero kasi nasa poll na po natin un at ang start ng publishing ng nasa poll ay posibleng april o baka mabago pa. Anyway, simulan na natin to mga boss.

Lately naging matunog ang balitang zombie deer, kahit hindi ganuon kalaganap ang deer o usa dito sa atin, tayong mga pilipino ay na curious sa kung ano talaga anong zombie deer. Siguro dahil na rin sa word na “zombie” kaya napukaw ang atensyon natin. Nakakahawa ba ito? Nakakamatay ba ito? Posible bang pati tayong mga pilipino ay magkaroon nito? Yan mga boss ang aalamin natin.  Amazingly, ito rin ang unang scene ng train to busan, kaya rin siguro tinawag itong zombie disease.

CWD

Ang Chronic Wasting Disease o kilala rin sa tawag na zombie dear ay isang prion disease na nakakaapekto sa mga hayop kagaya ng deer, elk, reindeer, at moose. Ang confirmed countries pa lang na merong CWD ay ang north amerika kasama na dito ang canda at us, Norway at south korea.

Posibleng umabot ng isang taon bago pa magpakita ang simtomas ng sakit na ito. Madalas ang mga matatandang hayop ang nakakakuha ng sakit na ito pero hindi rin ligtas ang mga batang hayop. Ang sakit na ito ay kumakalat at nakamamatay. Ang unang senyales na ang isang hayop ay may ganitong sakit ay ang pagkahirap sa paggalaw, pagiging agresibo, pagpayat at pagbabago ng ugali sa ibang kasama nito, laging pagod, laging nakayuko, nangingnig at paulit ulit na paglakad sa parehas na pattern. Makikita rin ang pagtulo ng laway nito at hindi na rin basta basta natatakot sa tao.

So bulalord bakit zombie disease ang tawag dito? As the symptoms suggest boss, unti unti ka nitong gagawing zombie. Dahil papayat ka, mwawalan ng tamang direksyon, manghihina at iba pa. Ang sakit na ito ay agad tinatarget ang utak at ang nervous system pati na ang spinal cord at mga lymph nodes. In a sense, hindi zombie na maghahanap ka ng utak, zombie state ang magiging kalalabasan mo kapag nahawa ka ng sakit na ito.

Spread:

Ang Chronic wasting disease ay unang nadiskubre nuong late 1960 sa isang captive deer sa colorado. At nuong 1981 naman nadiskubre ang sakit na ito sa isang wild deer. Dumating ang taong 1990 at dito na nagsimula ang paglaganap ng sakit. Maraming nagreport, ilan na nga dito ang area ng northern colorado at south wyoming. 10 taon matapos nito, mas lalo pang lumaganap ang sakit, posible rin na mas malawak pa ang paglaganap ng sakit lalo na sa mga lugar na walang animal surveillance.

January 2019, mas lalo pa itong lumalaganap, sa katunayan meron ng 24 state na ang nagreport nito. Kasama na nga dito ang US, Canada, Norway, Finland at south Korea. Nakita rin ang sakit na ito sa mga farmed deer at elk.

So bulalord, nuon pa pala tong sakit na to eh bakit ngayon lang natin nalaman. That my friends, is the power of internet.

Pero seriously, tayong mga pinoy Nakita natin ito sa balita. It is a cause for alarm sa ibang bansa dahil nga sa spread nito at palaki ng palaki habang tumatagal, un pa lang ay cause na ng alarm, kailangan magkaroon ng gamut ditto or else lahat ng deer, elk at iba pang hayop na pwedeng maapektuhan ay mahahawa. That is the cause for the viral of the said issue. Hindi dahil sa zombie etc, sure zombie word malamang nag pa hype pero ang marketing ng mga venison ang talagang nagpabahala ditto. Ang venison ng pala mga boss ay ang karne ng mga deer. Sa atin, nakikisakay lang tayo sa hype and that is a fact.

Studies:

Hindi pa rin alam ng mga eksperto ang origins ng nasabing sakit na ito. Base sa  kanilang pag-aaral. Ang sakit na ito ay napapasa sa pagkain ng mga damo na contaminated ang lupa. Dahil na din sa unang nadiskubre sa captive ang sakit, posibleng ang sakit ay nakakahawa din.

Ang sakit na ito ay pinagaaralan na nuon pa, may mga test na ginawa sa iba’t ibang hayop. Sinubukan nilang iinfect ang, squirrel, unggoy at daga na may katulad nating genes. Subalit nitong 2009 lamang, ang canadian at german scientist na nageevaluate ng sakit na ito ay nadiskubre na ito ay pwedeng mahawa sa Macaques (makaks). Isa itong red flag dahil ang specific monkey na ito ay genetically closer sa atin kumpara sa ibang mga hayop at previous test hindi naman naapektuhan ang macaques.

Prion Disease:

Ang Mad Cow Disease at ang Zombie Disease ay parehas na prions. Ang Prions mga boss ay ang misfolded proteins na nakakahawa subalit hanggang sa ngayon hindi pa rin natin alam kung papaano ito nakakahawa at bakit ito nakakahawa at ang masaklap dito, wala pang lunas sa mga sakit na ito.

Yes mga boss, prions can affect both human and animals. Ang chronic wasting at mad cow disease ay ang klase ng prions na nakakahawa sa hayop. Ang isang kilalang prion disease sa ating mga tao ay ang CJD o Creutzfedt Jakob Disease. Pero ito mga boss ay very rare, sa katunayan ayon sa pag-aaral 1 person in every 1 million ang pwedeng magkaroon ng ganitong sakit. And no hindi sya basta basta nakakahawa. Ang posibleng way na matransmit ito ay kapag na expose ka sa brain tissue o spinal cord fluid ng taong may sakit na ganito. In short sa mga hospital, sa mga gamit na posibleng pinagopera sa isang taong may sakit at ginamit din sayo. Anyway, I digress.

Kung sakaling makuha ng tao ang chronic wasting disease. Unti unti nitong papahinain ang katawan ng isang tao, hindi makakagalaw, hindi makakakilos, hindi makakapagsalita hanggang sa pupunta na sa kamatayan. Walang magagawa ang mga doktor para mailigtas ang isang pasyente sa panahon natin ngayon. Isa lang ang magiging option mo, ang mercy killing o kumapit hanggang sa dulo ng iyong buhay.

Ang masaklap dito mga boss, nuong pumasok ang mad cow disease, inakala din ng mga eksperto na hindi ito nakakaapekto sa ating mga tao. Turns out, na affected pala tayo sa sakit na ito although rare. Again  mga boss. RARE. Isa pa ang nakakaapekto sa tao ay variant ng madcow disease.

Ito rin mga boss ang dahilan kung bakit nagiging viral ang issue na ito dahil kapag ito ay napatunayan na nakakaapekto sa tao, malaki ang magiging impact nito dahil ang meat ng mga usa at iba pang hayop ay mabenta sa ibang bansa.

Transmission:

Dapat ba tayong mabahala sa sakit na ito? Well of course dapat pero hindi naman ung tipong takot na takot ka na agad. Sympre anjan kasi ung posibilidad na mahawa tayo, kagaya nga ng mad cow na nuong una akala hindi tayo affected tapos biglang posible pala.

In any case, sa tinagal tagal na nagexist ang sakit na ito, wala pa naman confirmed reports na napasa ito sa tao. But one can think, posibleng ang mga sakit na ito ay nageevolve din dahil if we put it to perspective, ang mga macaques ay hindi affected nuon pero suddenly bigla silang naapektuhan, so in a sense, may pagbabagong nagaganap sa sakit na ito.

Again mga boss wala pang confirmed reports. And fortunately for us, hindi ganun kalakas ang mga deer meat o kaya mga elk meat dito sa pinas. So chill lang mga boss.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Corona Virus Hoax, Fake News and Conspiracy

Saan Galing ang Voynich Manuscript?