Zombie Apocalypse

Reading Time: 36 minutes

Topic requested by the following:

Topics

Walking dead, Zombieland, Resident evil, Train to Busan, Maze runner at World war Z; hindi ako nagpopromote ng movie ngunit ilan lamang ito sa pinaka sikat na palabas patungkol sa ating pag-uusapan natin ngayon. Mayroon ilang paniniwala na kung matatapos ang mundo, isa ito sa maaring mangyari, ang maging zombie ang tao sa mundo. Alam kong naiisip mo din kung paano ka magtatago kung sakaling mangyari ito.

Sa sobrang daming palabas patungkol sa pangyayaring ito, malamang ay nakakuha kana ng ilang mga tips na maari mong gamitin kung sakaling magkaroon ng zombie apocalypse. Saan ka magtatago, anong gamit ang gagamitin upang patayin ang bagay na ito at maraming pang iba. So, kung sakaling magkakaroon ng ganitong bagay, paano ba ito magsisimula ?

Paano nga ba magsisimula ang tinatawag na Zombie apocalypse ng iilan ?

Posible nga ba ang kaisipan na ito? Ang topic na ito ay nirequest ni Yourself. Ewan ko bakit yourself, un ung nakalagay sa name eh. Medyo mahaba haba itong discussion natin so sit back, relax and grab a popcorn habang nakikinig. Teka bago tayo magsimula, nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na!

Zombie Natures:

Bago natin alamin kung posible nga ba ang mga nilalang na ito, alamin muna natin kung ano ang mga nagagawa nito base sa mga ipapakita sa ilang palabas. Ang mga ito ay maaring mabagal, maari ding mabilis; matalas ang pakiramadam, ang pang-amoy at siyempre ang mga ito ay kumakain ng laman loob ng isang nilalang na kanilang kauri. Kung minsan ay matatalino, kung minsan naman ay mahihina ang utak ng mga ito.

Ang mga nilalang na ito ay nawalan na nang ulirat sa kanilang ginagawa at palaging gutom at laging naghahanap ng laman loob.

Zombies in nature:

Tulad ng isang tao, ang bawat nabubuhay na nilalang sa ating mundo ay mayroong sistema na nagiging dahilan upang magawa nila ang kanilang sariling kakayahan. Isa na sa pinaka teorya ng pagiging zombi ng isang tao ay ang pagigigay dito ng isang chemical mula sa kanilang utak, o hindi naman ilang mga bacteria o ilang mga parasite na maaring makapagpabago sa kanilang pagkatao.

Bago tayo pumunta sa pagiging zombie ng isang tao, kilalanin muna natin ang mga zombie na matagal nang namumuhay sa ibabaw ng lupa. Yes, mayroong totoong zombie pero hindi ung katulad ng inaakala nyo; nariyan ang kinikilalang leaf cutter ants o mas kilala natin bilang isang “Antik” dito sa ating bansa. Ayon sa pag-aaral, ang isang antik ay nasa ilalim ng tinatawag na Ophiocordyceps unilateralis na isang uri ng fungus. Dahil sa bagay na ito, ang utak ng isang antik ay makokontrol at mabibigyan niya ng kakayahan na makahanap ng tamang posisyon upang atakihin ang kanyang kauri na kanyang papatayin.

Isang ethnobotanist noong 1980’s na si Wade Davis ang nagsagawa ng isang pag-aaral patungkol sa isang female jewel wasp. Ang maliit na nilalang na ito ay kanyang tinurukan ng tinatawag na tetrodotoxin na isang neurotoxin sa mismong utak nito. Hindi lamang ito ang kanyang ginawa, ang parte ng utak nito na nagbibigay ng isang fight or flight response sa insekto na ito ay kanya din tinanggal.

Ang buntis na wasp na ito ay nagawang dalhin ang isa uri ng insekto sa kanyang tahanan at doon nilagay niya sa loob ng tiyan ng insekto ang kanyang mga anak. Sa madaling salita, ang mga itlog na mula sa wasp ay inilagay niya sa tiyan ng insekto na kanyang nahuli. Matapos ang halos walong araw ang mga itlog ay nabasag at nagsilabasan na ang kanyang mga anak sa mismong tyan ng insekto at doon ay naging buhay na pagkain ang isang insekto para sa mga anak ng wasps. Hindi lamang ito ang nangyari sa maliit na nilalang, ang laman loob ng kaawa-awang insekto ay naging tahanan ng mga anak na wasp at nagsisilbi itong buhay na tanahan at pagkain ng mga wasps.

Ang kinikilalang zombie cows ay pinaniniwalaan na naapektuhan ng isang proteinaceous infectious particle o ang kinikilalang Prion ng mga eksperto. Ito ang tinatawag na mad cow disease na kung saan nababago nito ang shape ng utak ng isang baka na paliit ng paliit. Ang ilang MRI’s scan ay nagpapakita ng isang malaking butas sa mismong buto ng isang biktima na mayroong prion sa kanyang katawan.

Kahit hindi na buhay ang hayop, nakakapagdulot pa rin ito ng isang nakakabahalang kalagayan sa isang malaking hayop. Walang gamot na maaring pumatay sa isang prion, ang protein na ito ay pinaniniwalaan na maaring makaapekto sa iba pang hayop matapos mamatay ang katawan ng kanyang biktima. Ayon sa ilang mga eksperto, kailangan ilibing ng halos 9 feet ang baka na namatay mula sa ganitong sakit.

Zombie Human:

Sa mga movie na lumabas patungkol sa pagiging zombie ng isang tao, madaming mga bagay ang pinaniniwalaan na pinagmulan nito. Nariyan ang pagsisimula nito mula sa isang hayop, mula sa isang virus, na kumalat na lamang. Kung minsan ay mula sa nalalanghap na hangin, kung minsan naman ay mula sa kagat ng isang taong mayroon nito kung kaya’t naipapasa kaagad. Mayroon ding literal na nabuhay mula sa pagkakamatay at duon nagsimulang maghanap ng kanilang makakain.

Ayon sa ilang paniniwala ng mga taga West African at ng mga Haitian voodoo, ang mga taong nagiging zombie ay isa tao ngunit wala na itong kaluluwa. Isa na lamang itong katawana na pinapalakad at binubuhay ng kakaibang gawain. Ayon sa isang assistant professor of psychiatry sa Harvard University na si Steven C. Schlozman, kahit na ang isang zombie ay nakakalakad, nakakatakbo at nakakain ng isang laman loob ng tao, na kung tutuusin ay isang motor skills ng isang matinong utak ng isang tao. Ang parte ng utak na tinatawag na frontal lobe na kung saan siyang nakatoka sa emosyon ng isang tao, sa pagdedesisyon at sa pag-alala ng mga bagay; ang bahagi na ito ay gumagawa na lamang ng isang imahinasyon.

Ang cerebellum na siyang kumokontrol sa motor skills ng isang tao ay hindi na gumagana ng maayos. Kung kaya’t ang ibang zombie na makikita sa ilang palabas ay mabagal lamang. Tulad ng isang sakit na tinatawag na mad cow disease na mula sa prion, naniniwala si Schlozman na ito ang maaring maging dahilan upang maging zombie ang isang tao.

Ang isang pangyayari noon sa lugar ng Papua New Guinea noong 1950’s, na kung saan ang ilang mga tao mula sa isang tribo ang nakikitaan ng ilang kakaibang panginginig. Ayon sa Popsci, ang ilang mga sakit na mula sa tinatawag na Fore tribe ay nagdadala ng kakaiba at hindi mapigilan na pagtawa sa isang tao na mayroon nito. Ang ilang mga eksperto noong 1960’s na pumunta sa lugar na ito ay nakakita ng ilang ebidensya na ang tribo ay nagsasagawa ng kakaibang ritwal. Mula sa mga patay na tao, kinakain nila ang mga utak nito. Baka eto ung insipiration ng plants vs zombies.

Ayon naman kay Jay Fishman na isang transplant infectious diseases director sa Massachusetts General Hospital sa Boston, maaring magkaroon ng isang virus kung saan makakapag bigay ng tinatawag na encephalitis sa utak mismo ng isang tao. Ngunit ayon kay Jay, ang pinaniniwalaan na Prion ni Schlozman ay hindi makakapagbigay ng inaasahan nilang resulta.

Ayon naman kay Schlozman, maaring magbigay ng isang sodium bicarbonate upang mapagalaw ang metabolic alkalosis na siyang magiging dahilan upang pataasin ang pH level na nasa katawan ng isang tao. Kung ang pH ng isang tao ay tataas, naniniwala si Schlozman na mahihirapan ang prion na kumalat at magparami.

Brain Parasite:

Maraming eksperto ang naniniwala na kung magkaakroon man ng zombie apocalypse ang parasite ay tatargetin ang ating utak at mula ditto ay makokontrol na tayo nito.
Mula sa isang Prion, mayroong paniniwala na isang parasite ang magiging dahilan kung bakit magiging zombie ang isang tao. Ano ba ang isang parasite? Ito ung nakakuha ng Oscar awards nitong nakaraang awarding. Ay teka, maling parasite pala un. Ang isang parasite ay isang maliit na nilalang na papasok sa iyong katawan upang makagawa ng ilang bagay na makakapag pabago sa takbo ng iyong utak, takbo ng iyong organ at iba pang bagay sa iyong katawan.

Ang isang parasaite ay mayroong kakakyahan na kontrolin ang nilalang na kanyang pinasukan hindi naman lahat ng parasite may mga selected lamang. Nariyan ang tinatawag na Lymantria dispar o tinatawag na Gypsy moth, na kung saan ito ay nakakapagbigay ng isang infection sa dahon na kanyang dinadapuan, sa tuwing ito ay kinain ng isang caterpillar, ang caterpillar na makakain nito ay makakagawa ng isang nakakamatay na bagay kung saan ito ay aakyat sa pinaka mataas na bahagi ng puno at mananatili na lamang duon hanggang sa makita ito ng isang ibon o ano pang nilalang na maaring makakain sa kanyang katawan.

Kung minsan ay natutunaw na lamang ang isang caterpillar sa itaas ng puno dala na din ng infection na kanyang nakuha. Isa pang bagay ang tinatawag na Horse-hair worm na kapag nadikitan ng ilang crickets at ilang tipaklong ay mapapasunod nito na pumunta sa tubig. Dahil walang kakayahang lumangoy ang isang tipaklong, ito ay malulunod na lamang. Ang horse hair worm ay mananatili sa tubig at duon makakahanap ng kanyang makakamate at magpapadami.

Ayon sa psychologytoday, mula sa “parasite manipulation hypothesis” pinaniniwalaan na ang ilang organismo ay nagkaroon ng isang kakayahan upang maipanlaban sa kanilang mga kaaway. Hindi lamang mula sa isang simpleng inpeksyon na makukuha ng kanilang kaaway o makakain, ang mga ito ay nakagawa ng isang bagay na makakapagkontrol sa kung sino man ang madikitan nito.

Mula sa utak, sa paggalaw at maging sa pamumuhay ay labis na maapektuhan ng pinagmulan ng virus. Naniniwala ang iilan na maaring ang isang parasite na kayang kumontrol sa utak ay ang maging isa sa dahilan upang maging zombie ang isang tao. Ang kinikilalang Toxoplasma gondii o T.gondii kung saan isa itong protozoan parasite na makikita sa isang pusa.

Well hindi lamang sa isang pusa ngunit maari din sa iba pang warm blooded na hayop ay maaring pamahayan ng parasite na ito. Kung ang paraasite na ito ay nakapasok na sa kanyang hosts o biktima , dito ay lalaki, mamumuhay at makakapanganak na din mismo sa loob ng katawan ng kanyang biktima. Ayon pa sa ilang pag-aaral sa parasite na ito, namamamipulate din nito ang ugali ng kanyang napasukan na hayop.

Ang mga eksperto ay nagsagawa ng isang pag-aaral mula sa isang daga na apektado ng T.gondii. Sa pag-aaral at pag-oobsereba ng mga eksperto, nakita nila na mas naging aktibo ito at nakakagawa ng isang paraan upang makalayo sa mata ng kung sino man ang gustong pumatay dito at ang dating pandidiri o paglayo nila sa ihi ng isang pusa ay nawawala.

Para sa isang tao, kung sakaling mapasukan ng ganitong parasite, maari itong magpakita ng ilang sintomas ng lagnat sa unang pagkapasok pa lamang sa katawan ng isang tao, ngunit ito ay makakapagbigay ng pangmatagalan na inpeksyon pero ito ay hindi nagpapakita ng sintomas. Kung ang isang tao o hayop na nakitaan ng ganitong klaseng parasite, sadly wala nang gamot upang ang mga ito ay maalis sa kanilang katawan.

Ayon sa ilang research, ang mga bata na nasa sinapupunan pa lamang ay siyang pinaka delikado para sa ganitong uri ng parasite. Kung ang isang sanggol mula sa isang ina na mayroong ganitong klaseng kalagayan, ang bata ay maaring magkaroon ng isang delikadong komplikasyon habang ito ay lumalaki. Nariiyan ang encephalitis o ang paglaki ng ulo ng isang bata dahil sa cyst na mayroon sa utak nito.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga hindi nakikita at hindi nalalaman na sintomas ng dala ng T.gondii ay maaring nakakakabit sa pagbabago ng personalidad ng isang tao, sa ugali at maaring ang mga taong nagkakaroon ng seryosong sakit sa utak. Ayon sa ilang mga pag-aaral na ginawa ng isang biologist na si Jaroslav Fleger, ang parasite na ito ang dahilan ng iba’t ibang sakit ng mga tao.

Lumalabas sa ilang pag-aaral tungkol sa parasite na ito, halos 11-23 percent na tao sa United States at aabot pa nang halos 80 percent na mula sa mga tao sa iba’t ibang parte ng mundo ang nakakakuha ng ganitong kalagayan. Ang mga lugar kung saan mahihilig mag-alaga ng pusa, kumakain ng hilaw na karne o mismong karne ng isang pusa ay maaring pagsimulan ng bagay na ito. Ang mga taong nagkakaroon ng ganitong klase ng parasite sa kanilang katawan ay prone na maka isip ng pagpapakamatay o hindi naman ay tapusin na mismo ang kanilang buhay.

Ang mga disorder katulad ng isang bipolar disorder, obsessive compulsive disorder, at isang addiction ay nakakabit sa parasite na ito. Mas lalo itong delikado kung ang isang tao ay nagakaroon na nang isang schizophrenia o tuluyang pagkabaliw.

Dahil sa ganitong kakayahan ng isang T.gondii, pinaniniwalaan na maari itong pagsimulan ng tinatawag na Zombie apocalyse na lalaganap sa ating mundo. Mula sa pagbabago ng ugali, gawain at pagbabago ng pag-iisip ng isang tao, ang parasite na ito ang tinitignan na mas makatotohanan na pagsisimulan ng pagiging zombie ng isang tao.

Mula sa ganitong parasite, pinaniniwalaan na ang kinikilalang Cysticercosis parasite ay maari din maging kandidato upang pagsimulan ng isang zombie apocalypse. Ano ang isang cysticerosis? I hear you ask. Ito ay mula sa itlog ng isang pork tapeworm na tinatawag na Taenia solium. Mula sa isang hindi luto na karne, makalipas ang halos sampong taon hindi namalayan ng tao na mayroon nang nabubuhay na itlog ng isang parasite sa kanyang katawan.

Kapag ang mga itlog ay nakaabot sa muscle ng isang tao, ito ay magdudulot ng isang pamamaga mismo sa muscle ng iyong katawan. Kung ang itlog ay umabot sa utak magpaparamdam ito ng ilang sakit sa ulo, ilang brain lesions o pagloloko ng ilang cell na makikita sa utak ng isang tao at maaring makapaghatid ng siezures sa isang tao.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang parasite na ito ay nagdadala ng ilang confusion, hirap sa pagbalanse, pamamaga ng utak na magiging dahilan upang mamatay.

Ang ilang mga parasite na ito na nakakapag pabago sa ugali ng isang tao ang makakagawa ng isang zombie sa mundo.

Neurotoxin:

Noong 1980, isang tao ang nagpakilala na ito ay tunay na zombie. Hindi mula sa isang parasite o mula sa isang kagat ngunit mula sa pagkakabuhay muli, noong ito ay namatay. Bumalik muli tayo sa Haitian sa isang rural village, isang lalaki ang nagpakilala na siya ay mula sa hukay, hindi lamang basta sa hukay ngunit ito ay namatay at nabuhay muli.

Ang lalaki ay nagpakilala bilang Clairvius Narcisse na nagsabing namatay noong May 2, 1962. Makalipas ang halos labin walong taon, muli daw itong nabuhay. Ayon sa ilang report patungkol sa lalaking ito, ayon sa kanya mismo alam niyang buhay pa siya ngunit ang buong katawan niya ay paralyze o hindi makagalaw.

Ang lalaking ito ay sinabing nagpagamot at namatay sa Albert Schweitzer Hospital sa Deschapelles, Haiti. Dagdag pa ni Clairvius nakita pa niya ang mukha ng doktor na nagtakip sa kaniya noong italaga siyang patay. Naniniwala ang lalaking ito na binuhay ito ng isang Vodoo witch at siya’y ginawa bilang isang zombie. Mula sa ospital na kaniyang sinabi, nakita ang mga record ng kanyang sakit at maging ang kanyang kamatayan na nagpapatunay na siya nga ay namatay.

Dahil sa ganitong pangyayari, ang mga eksperto ay nakumbinsi na maari ngang isa itong zombie. Dahil na din sa iba pang patunay, nabuhayan ang mga eksperto na magsagawa ng tinatawag na “Zombie Project” magmula noong 1982 hanggang 1984.

Ngunit madami pa din ang hindi kumbinsido sa pinaniniwalaang human zombie. Isang ethnobotanist at isa ding anthropologist na si Wade Davis na siya din nagsagawa ng pag-aaral sa isang female jewel wasps ang ipinadala sa lugar upang pag-aralan at mag-imbestiga kung ano ba talaga ang tunay na nangyari o maaring dahilan kung bakit ito nangyari. Naniniwala ang ilang eksperto na maaring mula sa isang gamot ang naging dahilan upang mangyari ang mga bagay na ito. Mula sa pinaniniwalaan na Bokor’s sorcery na bumuhay sa Clairvius, nalaman ni Davis na gumagamit ito ng isang complex powder na mula sa ilang mga tuyong halaman at ilang damo na tumutubo sa lupa, kasama na din ang ilang recipe mula sa nakukuha sa ilang hayop.

Mula sa ganitong uri ng pulbos na ginagamit sa halos apat na rehiyon sa bansa ng Haiti, nakakuha si Davis ng halos walong sample upang kaniyang mapag-aralan. Lumabas na mag-kakaiba ang mga bagay na ginamit upang mabuo ang pulbos mula sa magkakaibang lugar ngunit pito sa mga sample ay nagkakapareho ng apat na bagay.

Nariyan isang bagay na nakukuha sa puffer fish, ang isda na ito ay nagdadala ng isang nakakamatay na neurotoxin o isang tetrodotoxin. Ilang bahagi ng isang marine toad na nagtataglay ng iba’t ibang lason sa kanyang katawan, isama na din ang ilang bahagi mula sa isang hyla tree frog na nakakapaglabas ng isang nakakairitang fluid sa kanyang katawan, at ang pinaka huli ay buto ng isang tao.

Mula sa tetrodotoxin na isang neurotoxin ito ay nagahahtid ng paralysis sa isang tao na mapupunta sa kaniyang kamatayan, dahil sa paralyze na ang isang tao, mananatili pa din itong consious hanggang sa unti-unti itong mamatay. Mayroon ilang pag-aaral patungkol sa ilang tao na nakakuha ng ganitong lason ngunit ang mga ito ay gumaling din sa dulo.

Nagkaroon din ng teorya si Davis na maaring noong nailibing si Clairvius, kinuha ng Bokor ang kaniyang katawan at ginamot mula sa pagkakalason. Doon ay naniwala itong siya ay buhay pa. So in short, dahil sa mga lason na ito, inakala nya na patay na sya at un din ang findings ng mga doctor sa hospital mrahil sa pagtigil na din ng tibok ng puso. Pero once na nagamot sa lason ay muling gumana ang kanyang kayawan. Bakit 18 years? Papaano syang nabuhay? Alam ko marami kayong katanungan tungkol ditto pero dahil sa complexity ng topic, siguro sa ibang videos na ito. Grabe msa lalo pang hahaba ang video natin.

Pero bago tayo pumunta sa next topic, nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa, ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na! Madami akong videos na nilalabas weekly at may mga nakalivechat duon kagaya nito. Kaya wag mo ding kalimutan iturn on ang bell notification para naman makasama ka naming sa livechat.

Neurogenesis:

 

Ano itong neurogenesis? Panigurado ang iba sa inyo ngayon lamang ito narinig. Isa ito sa nagbibigay kulay na maging tunay ang pagkakaroon ng isang zombie apocalypse sa ating mundo. Ayon sa pag-aaral, habang tumatanda ang isang tao ito ay nakakabuo ng panibagong cells sa kaniyang utak. Lumabas sa ilang mga pag-aaral na nakakagawa pa din ang isang tao kahit na ito ay nasa edad siyamnapu.

Ayon sa isang propesor ng neurology at surgery sa Massachusetts General Hospital na isa ding director ng MGH–HMS Center for Nervous System na si Jeffrey Macklis, kasama pa ang ilang mga eksperto; naniniwala ang mga taong ito na sa tamang kombinasyon ng molecular signals maaring makatulong ang neurogenesis upang makapagbigay ng bagong neurons sa isang daga.

Kung matuturuan at mapapagalaw ng mga eksperto ang neurogenesis ng isang tao, inaasahan nilang maari itong mabuhay pa nang matagal kumpara sa inaasahan nito.

So, ang isang tao ay mayroong tinatawag na zombie cells o ang Senescent cells na kung saan nagiging dahilan ng pagtanda, pagkakaroon ng osteoporosis at diabetes ng isang tao, kung ito ay matatangal ng mga eksperto, ang neurogenesis ng isang tao ay gagawa ng bagong cells na magiging dahilan upang magkaroon ng bago at batang cells na nasa utak ng isang tao.

Sa pagtanggal nito, maaring mabawasan ang anxiety ng isang tao, ang pagtaba at ilang karamadaman sa kaniyang katawan. Ngunit hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa din ng mga eksperto ang patungkol sa bagay na ito.

Papaanong nasama ito sa zombie apocalypse I hear you ask. Well dahil nga pwede nang irevive ang mga bagong cells, posibleng ang irerevive na tao ay mayroong mga healthier cells subalit wala ng utak dahil nga patay na ang utak nito. Isang tao lang naman right? Well think of this, papaano kung gawin ito ng isang siraulong scientists, who knows baka makagawa sya ng army of brainless humans.

Rabies:

Ang isa pa sa kinikilalang teorya ng iilan ay ang pagkagat ng isang hayop sa isang tao. Alam nating lahat na halos lahat ng hayop ay mayroon rabbies na siyang nakakalason sa katawan ng isang tao.

Ang isa sa nagpapakita ng ilang mga katangian ng isang pagiging zombie ay makikita sa taong nakakuha ng isang infection mula sa kagat ng isang aso. Maaring magpakita ng kakaibang paglalaway at pagwawala. Which is nakikita natin sa mga zombie apocalypse movie at least ung paglalaway.
Ayon sa isang virologist na si Samita Andreansky , maaring ang isang rabbies ay gawing flu virus kung saan ito ay ipapasama sa hangin na malalanghap ng mga tao at pagsisimulan ng Zombie apocalypse.

Ayon sa ilang research, ang isang taong nakakuha ng isang rabbies ay makikitaan ng anxiety, confusion, ilang hallucination at pagkaparalisado na magpapakita matapos ang sampung araw o hindi naman sampung taon. Sympre ang virus na mula sa rabbies ay magpapalaki muna sa iyong katawan bago ito umatake.
Ayon kay Samita, kung ang genetic code ng isang rabbies ay nakaranas ng ilan pagbabago, o muitation ang incubation time nito ay maaring mabawasan.

Dahil ang katawan ng isang tao ay gumagawa ng sariling depensa para maiwasan ang ganitong virus, ang virus ay iiwas mismo dito dahilan upang magkaroon ng malaking pagbabago.
“If a rabies virus can mutate fast enough, it could cause infection within an hour or a few hours. That’s entirely plausible,”

Ayon naman sa Zombie research Society, kung ang isang rabbies ay hinaluan ng kauniting traits ng isa pang virus katulad na lamang ng isang influenza na maaring kumalat. Maaring magkaroon ng kakayahan ang rabbies na makapagdala ng masamang sintomas sa madaming tao.
“All rabies has to do is go airborne, and you have the rage virus”

Sa tamang ekspertimento, maari nang makagawa ng isang rabbies-zombie virus. Pinaniniwalaan na posibleng makagawa ng isang virus na kagaya ng iniisip ng iilan ngunit ayon kay Andreansky
“Sure, I could imagine a scenario where you mix rabies with a flu virus to get airborne transmission, a measles virus to get personality changes, the encephalitis virus to cook your brain with fever. But [nature] doesn’t allow all of these things to happen at the same time. … You’d most likely get a dead virus.”

Nanobots:

Ang humahabol na kandidato upang mapagsimulan ng isang zombie apocalypse, ay ang isang nanobots. So, ano ang isang nanobots? Ito ay isang teknolohiya kung saan ginawa mismo ng mga eksperto. Isa itong microscopic self-replicating robots na maaring makasira o makapatay ng isang bagay nang hindi nakikita o nalalaman ng isang tao.

Ang mga eksperto ay nakagawa na nang isang nano-cyborg na mula sa isang maliit na silicone chip, na binigyan ng buhay. Ayon sa pag-aaral sa bagay na ito, mayroon itong kakayahang gumalaw at pagalawin ang isang bagay nang halos isang buwan mula nang ito ay mamatay.

Dahil sa kakayahan nito, maraming mga tao at ilang eksperto ang naniniwala na sa loob ng ilang decada, ang mga maliliit na bagay na ito ay gagapang at papasukin ang iyong utak upang makagawa ng ilang komplikasyon at maari din na ikaw ay patayin. Maari din itong iprogram na pagalawin ang isang patay at kung ano pang bagay na kaya nito. Imaginine mo ang zombie/cyborg apocalypse.

Zombies and Psychology:

Kinalakihan mo na kapag sinabing zombie ay mula sa isang virus. Isang tao na muling nabuhay at kumain ng laman ng tao. Ayon sa psychologytoday, ang salitang Zombie ay nagmula talaga sa Africa at Haiti na matagal nang pinaniniwalaan ng mga taong namumuhay dito. Ang salitang voodoo at ang salitang nzumbi ay mayroong ibig sabihin na katawan na walang kaluluwa.

Dahil na din sa mga pangyayari noong nakaraang panahon, ang ebola virus, black plague at maging ang corona virus na kumakalat sa panahon ngayon ay nagpapahirap, at pumapatay na ng mga tao. Ang mga ito ay nagpapatunay na mayroong ngang kakayahan ang isang nakakamatay na virus na mag evolved pa at maaring pagsimulan ng isang zombie apocalypse.

Ngunit para sa isipan ng ibang tao, kapag sinabi ang salitang virus, hindi ito tungkol sa mga virus na kakalat sa isang tao na dahilan upang maging asal hayop ito at kainin ang kapwa lalo na ang utak nito. Para sa iba ang ibig sabihin ng salitang apocalypse ay ang epekto ng isang nakakatakot na bagay na nangyari sa mundo. Pagputok ng bulkan, giyera, epidemya, paglindol, global warming at iba pang bagay na magdudulot ng masamang bagay sa lahat ng tao sa mundo. Ang lahat ng ito na papatay mismo sa halos lahat ng buhay sa mundo. Tao, halaman, hayop at pati klima.

Kung iisipin mo na magyari ang lahat ng bagay na ito, ang pagkain, tubig sa buong mundo ay limitado na at maaring hindi na madaling makuha. Dahil dito, ang ilang mga tao ay magiging desperadong mabuhay at makakain ay gagawin ang lahat upang mabuhay. Dito na papasok ang salitang Zombie. Ang mga taong gagawin ang lahat, ang mga taong handang pumatay at gawin ang ilan pang bagay para sa kanilang sariling kapakanan.

Kung ikaw ay handa sa mga bagay na ito, maaring hindi ka maging isang pagalang galang zombie na handang kumitil ng buhay ng kapwa mo tao. Make sense nga naman, magiging isa na tayong zombie type being kasi ang gusto natin ay mabuhay lamang, at ano bang ginagawa ng zombie? Hindi ba ang maghanap ng makakain para mabuhay at sympre handa din itong pumatay.
Ang lalim talaga pag psychology ang tumira, kaya shout out sa mga pursigidong mag aral ng psychology jan.

Survive:

Ayon sa ilang research, ang kaisipan patungkol sa isang zombie ay isang napakalakas na gamit upang ang mga tao ay maging handa sa mga bagay na maaring mangyari.

Mula sa paggamit ng computer, ilang interactive games, smart phone na magagamit upang mas tumalas ang utak ng isang tao at mas maging aware ito sa mga bagay. Sa pagbabasa ng mga paksa patungkol sa sakit, sa nangyayari sa mundo, sa mga kalamidad na nangayayari, na nakikita sa isang site, isang blog o sa balita ay malaking tulong makapag bigay ng impormasyon sa maraming tao.
Kung ang isang tao ay palalging handa sa kung ano man ang mangyayari, madali itong makakaisip ng solusyon sa mga kakaharapin na sakuna. Isa man itong tunay na Zombie apocalypse o dala ng tunay na pangyayari sa mundo.

Ayon sa ilang pag-aaral patungkol sa tunay na Zombie, kung matuloy man ang isang apocalypse na ito maaring magpaalam na ang karamihan ng tao sa mundo. Kung hindi ito mapapatay, maari itong makagat at maapektuhan ang kanyang biktima.

Ang ilang mga studyante na nag-aaral patungkol sa bagay na ito ay gumawa sila ng computer simulation at ginamit ang SIR model. SIR as in susceptible, infected and recovered. Dito nalaman nila na kahit magkaroon ng zombie apocalypse, tayong mga tao ay malalampasan din ito.

“Interestingly we find that it is actually possible for our population to survive the zombie epidemic under these conditions. It can also be seen that once the zombie population has been wiped out at roughly 103 days [1,000 days or about three years], the population starts to recover at 104 days [10,000 days or about 27 years],”

Dahil sa ganitong kaisipan ang ilang mga samahan ay nagsasagawa na nang ilang lugar o pasilidad na maaring pagtaguan ng mga hindi apektadong tao. Mula sa ganitong paghahanda, maaring maisalba ang napakaraming tao.

NOT HAPPENING:

May ilang teorya patungkol sa kung paano magsisimula ang ang isang zombie apocalypse na nadiscuss natin ditto sa video na ito, are they plausible? Well, unahin na natin ang isang rabbies na pinaniniwalaan na maaring maipasa sa mga tao. Ayon sa pag-aaral ang ganitong uri ng infection ay walang kakayang makahawa mula sa isang tao papunta sa isa pang tao, kung ang isang organ ng isang taong mayroon nito ay inilagay sa taong pinaglagayan ay pinaniniwalaan ng mga eksperto na posible. Pero sige, sabihin na natin dahil nga sa laway at kagat naipasa ito. Meron na tayong vaccine para sa rabies, so hindi ito magcacause ng apocalypse.

Para naman sa isang nanobot na pinaniniwalaan na dadaloy sa utak ng isang tao, madaming naniniwala na imposible ang bagay na ito. Ayon sa iilan kung ang isang nanobot ay pumasok sa blood stream ng isang taong patay na, wala itong kakayahan upang mabuhay muli at mapatibok muli ang puso ng isang tao. Para magfunction ang ating katawan, kailangan mag pump ng dugo para ditto. At kapag walang nagpupump ng dugo, hindi na ito mapapagalaw ng nanbot.

Pumunta naman tayo sa brain parasites, Ang mga parasites ay mayroong life cycle kagaya ng nadiscuss kanina, halimbawa na lang ung suso, pupunta sa mataas na lugar para makain ng ibon at ang ibon ijejebs nya ung parasite at magpaparami ito sa jebs ng ibon at mapupunta muli sa lupa ung jebs at ang panibagong suso ay kakainin ito thus completing the lifecycle. So ganun ang mangyayari sa zombie parasite, magkakaroon ng opening window kung saan mas mapipigilan natin ang pagdami nito.

So, kung naniniwala ka man na ang isang tao ay muling mabubuhay mula sa kaniyang libingan ay magiging isang zombie, isipin mo na lamang na sa bawat karakterismo ng isang zombie, mabagal, bali-bali ang buto, hindi gumagana ang ilang parte ng utak at kailangan muna nitong makaakyat sa kanayng libingan na halos ang lalim ay 6 o hindi naman ay 7 feet to add on that, kailangan nitong mahukay ang lupa gamit lamang ang kanyang kamay..

Kung iisipin natin natin, dito pa lamang ay wala nang kakayahan ang ganitong nilalang upang makaakayat sa kaniyang kinalalagayan.

Kapag namatay ang isang tao, dadaan ito sa tinatawag na rigor mortis, ito yung paninigas ng ating katawan. Kapag tayo ay naapektuhan ng isang virus o isang rabies ng zombie, we only have two hours para makahaaw, after that papasok na ang rigor mortis kung saan maglolockdown na ang ating mga muscles, bibig at iba pang parte ng katawan, preventing us from moving further.

So ibang iba ang zombie apocalypse sa movie at sa science. Sa science, we’ll have to consider kung anong effect ng ating katawan kapag tumama na ang kamatayan. From there mapapagtanto natin na medyo close to impossible ang pagkakaroon ng zombie apocalypse.

Pero sympre, hindi naman sa pinagbabawalan kitang mag-isip. Kalayaan mo yan, kung naniniwala ka sa zombie apolcalypse, well who knows, baka nga. Baka magkaroon ng genetically engineered virus na mabbypass lahat ng limitations ng ating katawan. Hopefully wag na mangyari un.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Saan napupunta ang nadelete na files?

Bakit laging may butal ang presyo sa mga mall?