World war 3 (IRAN, US, CHINA at PINAS)

Reading Time: 39 minutes

January 3 , 2020. Pangatlong araw sa unang kalendaryo ng taon. Dito umusbong ang kinakatakutang bali-balita, ang pagsisimula nang World War III. Maraming memes ang naglabasan, ang iba ginawa itong katawanan, pero mga boss, I plead to you na wag kayong gumawa o magshare ng meme tungkol sa giyera, hindi po kasi yan biro. We might be laughing at that today, papaano kung bukas eh magkatotoo pala? Isa pa put yourself in the shoes of a war soldier. Hindi po yan biro.

Moving on, bakit ba nagging trending ang world war 3? Ito mga boss ay dahil sa pag Assasinate nang pangalawa sa pinaka-malaking tao sa Iran. Ang Iranian major general, Qasem Soleimani.

Ang pagpatay ba na ito ang magiging mitsa nang nang malaking gulo sa ating mundo? Mangyayari ba ang mga bagay na ting kinakatakutan?

USA & IRAN (Since 1940):

Let me give you a little history muna mga boss, you see, nuon pa man malamig na sa isa’t isa ang usa at iran. Gusto kong maginsert ng joke pero wag na lang seryosong topic pala ito.
Magmula pa noong 1940, ang dalawang bansa na ito ay hindi na maganda ang pagsasama. Ang bagay na ito ay hindi na bago para sa iilang amerikano. Magmula sa hindi pagkakaintindihan, tungkol sa langis, pang hohostage at pagpatay.

Ayon sa research, noong 1953 nagkaroon nang matibay na paninindigan ang Iran na kalabanin ang United States. Noong taon na iyon, ang US ay nagtalaga nang coup d’etat laban sa Iran upang mapagbagsak ang elected Prime Minester nang taon na iyon na si Mohammad Mossadegh. Ito ay dahil sa kagustuhan nitong ipa nationalized o pagpublic ng Iranian oil industry na hawak ng Great Britain noong panahon na iyon.

Huimingi nang tulong ang Britanya sa US, at sympre sumagot ang us at dito tumulong ang CIA. Noong August 19,1953, halos tatlong daan ang namatay dahil lamang dahil sa gulo na naganap. Sa loob lamang ng apat na araw, napaalis nila sa pwesto ang taong ito at napa-upo sa pwesto si Mohammad Reza Pahlavi, ang kinikilalang pinaka huling Shah o King nang Iran.

November 4, 1979 hanggang January 1981, naganap ang pinaka mahaba at pinaka matagal na hostage taking na pinangunahan ng mga Iranian Students. Pinasok nang mga ito ang US embassy sa Tehran, dito hawak nila ang halos animnapu’t anim na americans diplomats at mga marino. Tumagal nang 444 days at napakawalan ang lahat nang ito at nakauwi sa kani-kanilang pamilya. Magmula noon kinilala ang Iran bilang Pariah State o Outcast para sa karamihan na bansa. Ayan ang aftershock o aftereffect ng hostage taking.

Noong July 3, 1988, Naganap naman ang pagkamatay nang halos 290 Iranian passenger. Ito ay nang mapatumba ng American warship na USS Vincennes ang Iran Air Flight. Ayon sa US, ang pangyayaring ito ay malaking pagkakamali lamang dahil sa maling akala na ang eroplanong sinasakyan ay isang Fighter Jet.

Noong 2002, ang presidente nang America na si George Bush ay nagkaroon nang speech. Dito kinilala ni Bush ang Iran kasama ang mga bansang Iraq at North korea bilang “Axis of Evil”, kung saan ang tatlong bansa na ito ay pinaniniwalaan niyang kadikit ng mga terorismo at pinagkukunan nang mga malalaking armas nangyayari sa mundo.

At magpasa hanggang ngayon ay hindi pa din natitiggil ang alitan nag dalawang bansa, at nakagawa ang US nang isang hakbang na hindi alam kung ano ang kahahantungan.

Nuclear Deal:

Makalipas ang halos 30 years, nagkaroon nang maayos na pag-uusap ang Presidente nang America na si Barack Obama at ang kinikilalang Presidente nang Iran na si Hassan Rouhani; sa telepono noong September 2013.

Lumipas pa ang dalawang taon, noong July 14, 2015 ang Iran ay pumayag sa isang kasunduan patungkol sa kanilang nuclear program. Kasama ang kinikilalang Big 5 o Permanent 5 na nabigyan nang pwesto sa UN SEcurity Council. Nariyan ang US, UK, France, China, Russia at Germany. Ang kasunduan na ito ay tinawag na Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA)

Sa pag-uusap nang anim na bansa, ang Iran ay pumayag na alisin ang paggamit nila nang mga nuclear Weapon at ang pagkuha sa kanila ng halos 98% na medium-enriched uranium, na kanilang ginagamit sa paggawa ng nuclear weapon. Ang ilan pa sa napagkasunduan ay gagamit lamang sila nang halos 3.67% sa dadaan na labin’limang taon at babawasan ang gas centrifuges sa susunod na labin’tatlong taon.

So ano ang Gas Centrifuges, ito lang naman ang paghihiwalay nag iba’t ibang klase ng Uranium upang mapili at magamit lamang sa isang bagay, tulad nang Nuclear Weapon. Kasama pa sa kaunduan ang pagpayag nang Iran sa pagpapasok ng mga inspector mula sa mga Bansa na kanyang kinasundo upang mapatunayan na sinusunod nito ang napagkasunduan.

Matapos ang kasunduan , medyo naging maayos ang pakikisama nang bawat bansa sa isa’t isa. Noong January 14, 2016, ang Iran ay nagpakawala ng samp\pung US sailors na napadpad sa karagatan na hawak at nasa pangangalaga nang Iran na dala ng dalawang maliit na bangka. Nang makuha ito nang mga Iranians, agad itong napauwi sa America nang walang galos at buong buo. Noong January 16,2016 ang US at Iran ay napagkasunduan na magpalitan ng mga tao na kanilang hawak. Ang apat na Americans na bilangong hawak ng Iran ay pinakawalan , kapalit nang pitong US-Iranians na nakakulong sa America.

Ang mga pangyayaring ito ay nakapagbigay nang kaunting pag-asa para sa iilan na maaring mawala na ang alitan ng dalawang bansa. Ngunit ang kanilang maluwag na paghinga ay natapos din matapos ang balita noong May 2017.

Magmula ng magkaroon ng bagong presidente ang America noong 2017, ang alitan sa Iran ay umusbong nanaman at muli na naman itong nagsimula. Noong ito ay bumisita sa kada bansa, sinisi niya ang Iran para sa mga nangyayaring malakihang pagkawala nang paniniwala sa relihiyon nang mga bansa katulad nang Riyad at Saudi Arabia.

Ang bagong Presidente ng US na si Donald Trump ay masasabing inabandona ang kasunduan na ito. Para sa kanya, ang kasunduan ay hindi matatawag na maayos at isang kabaliwan. Ayon sa research, naisulat ng New York Times kung paano nasabi ni Trump sa isang French politician na si Emmanuel Macron ang planong pag-alis sa kasunduan. Ayon pa kay Trump ang kasunduan na ito ay hindi naman talaga napigilan ang Iran upang limitahan ang kanilang paggamit ng mga missile at mga pag atake sa kalapit na lugar; at noong May 2018, naganap ang tuluyan na pag-alis ng america sa JCPOA.

Matapos umalis ng US sa kasunduan, ang Iran ay nagsimula na ding gumalaw. Ayon sa Iran’s atomic energy organization spokesman na si Behrouz Kamalvandi,

“Today the countdown to pass the 300 kilograms reserve of enriched uranium has started and in 10 days time we will pass this limit,”

Ayon pa sa pahayag ni Kamalvandi, ang mga napagkasunduan patungkol sa nuclear deal ay mababaliktad kung sakaling may tumaliwas sa bawat bansang kasama sa kasunduan. Ayon ito sa Articles 26 at 36 nang nuclear deal.

Noong 2019 naman ay mas lalong lumala ang tensyon sa pagitan nang dalawang bansa. Dahilan neto ang pagkaka strikto at pagbibigay ng mga penalty sa pag eexport nang langis mula sa Iran. Nagsimula na din tumugon ang Iran at nagsimula nang magreklamo sa mga ginagawa nang America.

Sumunod naman ang balita nang pagsabog ng halos anim na oil tankers sa kuhaan ng langis sa Oman. Ang bintang ay natutuon nanaman sa mga bansang Iran. Matapos neto, ang balita noong June 20,2019 na pagpapatumba nang Iranian Forces sa US military Drones na kanilang nakita sa dagat sa pagitan ng Persian Gulf at Oman Gulf. Ayon sa US ang dagat kung saan lumilipad ang drone ay international water, ngunit ayon naman sa Iran, ang drone ay nasa loob na nang kanilang teritoryo.

Alam nyo un boss, ung parang ito na magkakakasundo na, ginawan na ng paraan ni Obama and yet sinira ni trump. Well sa totoo lang mahirap basahin ang utak ni trump. Katulad nyan, kontrolado na nila ang iran dapat dahil sa jcpoa pero nuong umalis ito, nagsimula na naman ang nuclear works ng iran.

Major General Qasem Soleimani:

Netong nakaraang araw lamang January 4, 2020. Inamin ng mismong Presidente nang America na si Donald Trump ang pag-utos na pag-patay sa Major General ng Iran na si Qasem Soleimani.

Pero sino nga ba ang taong ito ?

Ang militar nang Iran ay mayroong nahahati sa dalawang grupo. Nariyan ang navies at ang air forces na ang tungkulin ay ipagtanggol ang kanilang bansa at ang pangalawa ay ang Islamic Revolutionary Guard Corps(IRGC) na ang tungkulin ay maprotektahan ang paniniwala patungkol sa relihiyon ng bansang Iran.

Ang taong ito lang naman ang namuno sa Islamic Revolutionary Guard Corps o (IRGC) magmula pa noong 1998. Ang mga miyembro ng IRGC kasama na ang elite na tinatawag na “Quds Force” na ang ibig sabihin ay “Jerusalem Force”, ay nakakapag salita ng ibang lengwahe. Ang mga Quds ay mga spies, soldier at mga technical experts na nasa ilalim ni Soleimani sa loob nang dalawampung taon.

Ayon sa research, ang taong ito ay makikilalang mamatay tao ngunit hindi isang terorismo. Inilalarawan ito bilang isang matalino at wais na killer. Ang taong ito lang naman pinaniniwalaang nangunguna sa mga pagpatay nang maraming amerikano.

Kung ang mga Amerikano naman ang tatanungin, tinitignan ito bilang napakasamang tao, ngunit hindi para sa kaniyang mga pinamumunuan. Para sa mga nasa ilalim nang pangangalaga ng taong ito, isa itong tunay na military man. Si Qasem ay matagal ng nakikipaglaban para sa kanyang bansa, mula pa noong 1980 kung saan ang Iran ay nakikipag laban sa Iraq. Ayon sa history, ang labanan na ito ay maiihantulad sa World War I.

Inilaan nang taong ito ang kanyang buhay sa pagpapaganda nang kanyang bansa na ayon sa ilang research, hindi nagawa nang kahit sino mang dumaan na prinsepe, hari , sultan o maging presisdente at prime minister.

Dahil sa hindi pantay pantay na kapangyarihang,galit ito sa iilang bansa tulad na lamang ng bansang Israel; kung saan nagsabi ito na wawasakin at sisirain.

Reason:

Pero ano nga ba ang tunay na rason sa pagpapatay sa taong ito?

Ayon sa research, ang pag assasinate kay Soleimani ay hindi biglaan. Ayon sa Top US national security officials, ang pagpatay sa Major General ay upang mapigilan ang nagbabantang panganib sa buhay ng mga Amerikano. Ayon kay Trump kasama na ang Secretary of State ng America na si Mike Pompeo; at ang top military official, na ang pangayayaring ito ay maaring makapigil sa nalalapit na paglusob sa US na pinaniniwalaang maaring maganap sa kahit anong oras. Ayon pa kay Mike Pompeo ,

“We have to prepare, we have to be ready, and we took a bad guy off the battlefield.”

Ayon sa isang report nang Cable News Network ( CNN ), nagkaroon muna nang mabuting pag-uusap at mga pagtatalo kung ito ay itutuloy ba talaga. Ayon sa source nang CNN, si Trump ay humingi nang opinyon sa mga seniors members na kumakalaban sa Iran. Kasama na dito ang Defense Secretary na si Mark Esper, Pompeo, at National Security Adviser Robert O’Brien at Milley.

Ayon sa source ng CNN, hindi inaasahan ng mga kausap ni Trump sa kanyang desisyon na ipapatay ang malaking tao si Soleimani, dahil alam nilang ang pagpapatumba dito ay maaring mgadulot ng mga masasamang bagay at maaring masamang resulta. Ngunit hindi na napigilan si Trump dahil buo na ang desisyon neto.

Bago pa man maganap ang pagpapatumba kay Soleimani, ang Iran ay nagpapakita na nang iba’t ibang gawain. Tulad na lamang ng mga paggamit ng air missiles at iba pang military weaponry na ang direksyon na tinatahak ay papuntang US air base kasama na ang ibang rehiyon sa America. Ayon kay Robert O’Brien, ang plano ni Soleimani ay sugurin at patayin ang mga US Diplomats at ang ibang military personel.

Kung ang pananaw ng ilang tao ang tatanungin, ang ginawa ni Trump ay maaring magresulta para sa mga American ng malalang panganib. Ayon sa House Intelligence Committee chairman na si Adam Schiff,

“I don’t know what the President’s motivation here is but I think it was a reckless decision that increased the risk to Americans all around the world, not decreased it,”

Ayon pa sa iba, kung totoo ngang nagpaplano ang taong ito na sugurin ang ay hindi ito mapipigil kahit na patayin pa ito. Ayon sa isang interview ng CNN sa Democrat Senator na si Chris Van Hollen ng Maryland,

“I can tell you, I have no additional information to support the administration’s claim that this was an imminent attack on Americans.”

Ayon sa iba, ang desisyon ni Trump ay isang pagpapakita ng kanyang lakas at pagyayabang sa nakaraang presidente ng America na si Barack Obama. Ayon sa isang report ng CNN, ang tagal na pamumuno ni Trump bilang isang presidente, masasabi na isa itong sinungaling na leader. Ang pangyayaring ito ay isang pahiwatig na ang mga mamayan sa United States ay mas lalong malalagay sa panganib.

Iran’s retaliation:

Ang katawan ni Soleimani ay naibalik sa kanyang bansa noong linggo. Maraming Iranian ang sumulubong sa kanyang bangkay pagkalapag pa lamang nang eroplano. Dahil sa pagkamatay niyang ito, galit ang nararamdaman nang mga taga Iran sa America.

Ayon kay Trump, sa kanyang pagbabanta na kung sakaling gumanti ang mga Iranians; ay hindi sila magpapatalo.

Ayon sa kanyang Tweet noong January 6 ,2020 ( @realDonaldTrump)

“These Media Posts will serve as notification to the United States Congress that should Iran strike any U.S. person or target, the United States will quickly & fully strike back, & perhaps in a disproportionate manner. Such legal notice is not required, but is given nevertheless!”

Ngunit ang mga Iranians ay hindi nagpapatinag at matibay ang paninindigan na gaganti sila sa pangyayaring naganap. Ayon sa isang site na mail online, ang Iran ay maglalabas nang halagang 80million Dollars, para sa mga taong makakapatay kay Trump, o sa mga taong kayang guluhin ang White House. Ito ay ang kanyang sagot sa pagbabanta ni Trump.

Ayon sa isang Tweet nang isang tagapagbalita sa Tehran na si Ali Arouzi(@aliarouzi)

“At Solemani’s funeral procession in Mashad one of the organisers called on all Iranian to donate $1 each in order to gather an $80million bounty on President Trumps head”.

Ang Iranians ay gagawin ang lahat upang makaganti, isang panawagan ang ginawa ng ilang organizers sa lahat ng tao sa Iran na magbigay nang 1 dollars o kahit anong halaga hanggang sa mabuo ang halagang 80million dollars, at maibigay sa taong makakagawa ng kanilang offer.

Ang isang miyembro nang Parliament nang Iran na si Abolfazl Abutorabi, sa lalong madaling panahon , sila ay magsasagawa nang pagganti sa US. Ayon sa isang interview na isinigawa nang Iranian Labour News Agency,

‘We can attack the White House itself, we can respond to them on the American soil. We have the power, and God willing we will respond in an appropriate time,'”

Dagdag pa nito

“this is a declaration of war, which means if you hesitate you lose. When someone declares war do you want to respond to the bullets with flowers? They will shoot you in the head”.

Ayon pa sa ibang balita, ang Revolutionary Guards commander Major General na si Hossein Salami ay nangakong gagawin ang pagsugod at pagplaplanahan ito ng maigi kung saan, ang US ay mahihirapan bumangon mula dito.

Ngunit si Trump ay hindi din titigil sa kanyang mga ginagawa. Kalat na ang balita sa plano ni Trump na pagtarget sa halos 52 na lugar sa Iran kung sakaling gumanti man ang mga ito. Ang mga Iranian ay nagtaas nang pulang bandila kung saan sumisimbolo nang kanilang pagganti.

Ayon kay Trump

“Iran is talking very boldly about targeting certain USA assets as revenge for our ridding the world of their terrorist leader who had just killed an American, & badly wounded many others, not to mention all of the people he had killed over his lifetime, including recently hundreds of Iranian protesters”

Para sa kanya tama ang kanyang ginagawa, ito ay isa lamang sa pagganti sa nangyari 444 days hostage taking nang mga istudyanteng Iranians sa mga Americans citezen.

Ayon sa isang tweet noong lunes lamang ng isang Information and Telecommunications Minister na si Mohammad Javad Azari-Jahromi ( @MualabGfatu )

“While chanting DEATH TO AMERICA, Mohammad Javad Azari-Jahromi says Like ISIS, Like Hitler, Like Genghis! They all hate cultures. Trump is a terrorist in a suit. He will learn history very soon that NOBODY can defeat ‘the Great Iranian Nation & Culture’,”

Ayon sa isang CNN interview sa Military Adviser para sa mga Iran’s Supreme Leader na si Hossein Dehgan,

“The response for sure will be military and against military sites. It was America that has started the war. Therefore, they should accept appropriate reactions to their actions. The only thing that can end this period of war is for the Americans to receive a blow that is equal to the blow they have inflicted. Afterward they should not seek a new cycle,”

Noong linggo, itinalaga ng Iran ang halos 35 US target kasama na ang warship at ang Tel Aviv na matatagpuan sa Israel.

Ayon sa isang balita na mula sa Islamic Republic of Iran Broadcasting sa kanilang interview sa isang Iranian Politician na si Hassan Rouhani ,

“The Americans did not realize what a grave mistake they have made. They will suffer the consequences of such criminal measure not only today, but also throughout the years to come,”

Ayon naman sa isang isang interview na ginawa ng CNN, maaring ang isa sa gamitin ng Iran na pagganti ay ang ang Cyber attacks. Maaring gumamit ng Computer upang atakihin ang America upang mabawasan ang madamihang pagkamatay nang mga taong nais na lumaban.

Ngunit kung titignan ang lahat nang ito ay magkakroon nang resulta nang maraming pagpatay at bawat bansa ay matatalo sa kanilang gagawin. Dahil ang delikado talaga ay ang buhay nang mga tao na kanilang hinahawakan.

Trump impeachment:

Mapunta ulit tayo kay Trump, ang planong pagpapatalsik sa taong ito ay matagal nang plano ng iilang US Citizens at ilang malalaking tao sa America.

Tumingin muli tayo sa Tweet ni Trump patungkol sa kanyang impeachment
@realDonaldTrump

“The Impeachment Hoax, just a continuation of the Witch Hunt which started even before I won the Election, must end quickly. Read the Transcripts, see the Ukrainian President’s strong statement, NO PRESSURE – get this done. It is a con game by the Dems to help with the Election!”

Ayon sa presidente, huwag sayangin ng iba ang kanilang oras upang mapaalis siya sa pwesto. Ayon sa Former national security adviser na si John Bolton, ang taong ito ay alam ang lahat nang baho at sikretong gawain ni Trump. Si Bolton ay handang maging testigo matanggal lamang si Trump sa pwesto. Ayon sa isang statement na inilabas ni Bolton ,

“During the present impeachment controversy, I have tried to meet my obligations both as a citizen and as former National Security Advisor.”

“Accordingly, since my testimony is once again at issue, I have had to resolve the serious competing issues as best I could, based on careful consideration and study. I have concluded that, if the Senate issues a subpoena for my testimony, I am prepared to testify.”

So ano ang balakid sa planong ito? dahil lang naman sa sariling panuntunan nang senado sa US patungkol sa pagpapatalsik ng isang presidente. Ang impeachment kay Trump ay patuloy na nadedelay dahil sa ilang article nang House speaker na si Nancy Pelosi’s.

Ngunit ang ilang balita ay maari nang mapatalasik nang tuluyan si Trump sa anumang araw ngayong Enero, pagkabalik neto sa kanyang bakasyon. Ito ay dahil sa ginawa nyang pagatake at pagpatay sa iran.

Next Step:

Matapos ang mga pangyayaring ito, ang mga susunod na panyayari ay hindi pa sigurado. Ngunit ang sinasabi ng halos karamihan ay ang pagkamatay na ito ay susundan pa nang maraming pagkamatay (well wag naman sana).

Ang pagganti nang Iran ay inaasahan na nang karamihan lalo na nang mga nasa US. Ayon sa ilang mga manunulat tulad na lamang ng isang British-Iranian journalist na si Christiane Amanpour, matapos lamang ang pagluluksa ng mga Iranians, magaganap ang kanilang pag-atake.

Ayon sa world affairs columnist and analyst na si Frida Ghitis, si Soleimani kasama ang kanyang mga Quds ang isa sa nagbibigay pondo para sa ilang terorismo na nagaganap sa ilang parte nang mundo. Maganda man ang pagkamatay ng taong ito, hindi maiitatangi na ito ang isa sa pinaka delikadong nagawa ni Trump.
Ayon sa paniniwala nang manunulat na si Frida, ang pagkamatay ni Soleimani ay isang malakas na lindol, at ang mga susunod na mangyayari ay ang mga aftershock na malapit nang maganap.

Ayon sa Secretary of State na si Mike Pompeo, ang mamayan nang US ay nasa mabuting lagay na. Ngunit kung ang American Middle East analyst, author, at negotiator na si Aaron David Miller ang tatanungin; ang mga naganap na panagyayari ay isang hudyat na kailangan nang lumisan ng kahit sinong US citizen sa Iraq, dahil maaring ang mga ito ang unahin nang malakihang pag-atake Iranian Forces, na inaasahang tatagal ng ilang buwan o taon.

Hindi ito ang unang gawa ni Trump upang ilagay sa piligro ang kanyang mga nasasakupan, nabalita noong 2018 ang pagpapakawala nang 59 Tomahawk missiles sa Syria. Dahil sa kanyang nabalitaan na ang presidente ng bansang ito ay nagpakawala ng chemical weapons sa mismong lugar kung nasaan ito. Ang kanyang plano ay hindi niya ipinaalam sa kongreso nang US. Ayon sa isang statement ng chairman of the House Foreign Affairs Committee na si Eliot Engel ,

“Even if this strike was in self-defense, no current congressional authorization covered it and the President needs to notify Congress within 48 hours pursuant to the War Powers Resolution,”

Kung tatanungin ang isang professor, research at law na si Mary Ellen O’Connell, Ang ginawa ni Trump ay hindi illegal, kahit na madaming nagawang kasalanan ang taong ito. Ito ay ayon sa isang article kung saan hinahayaan na magpaputok ng kahit anong baril o gumamit nang kahit anong gamit panlaban ang isang militar; kung ang kalaban nito ay may armas, ayon sa Charter of the United Nations chapter VII Article 51

“Nothing in the present Charter shall impair the inherent right of individual or collective self-defence if an armed attack occurs against a Member of the United Nations, until the Security Council has taken measures necessary to maintain international peace and security.”

Ayon sa professor, noong pinatay si Soleimani ito ay walang dalang armas at hindi masasabing self-defense. Madaming batas ang hindi sinunod si Trump mula sa kanyang gawain, idagdag pa ang executive order na ipinatupad ng presidente ng US noong 1976 na si Gerald Ford. Ang pagbabawal ng Assasination ng kahit sinong Foreign leaders o sino mang malalaking tao mula sa isang bansa.

Ang pinapangamba ng isang former United States Army officer na si Mark Hertling patungkol sa mga nangyayari sa Iran at US. Ikinakatakot neto kung ano ang maaring magawa nang mga bata, matatalino, malalakas na mga manlalaban nang Iran.

Ang magagawa na lamang ng mga tao na nakatira sa US ay maghanda at asahan na nakahanda ang militar America sa mga mangyayari.

Allies and Enemies:

Okay tumalont ayo sa konklusyon, sabihin na nating world war 3, pero wag naman sana. Sino ang mga maaring magkakakampi kung sakaling magkaroon nang malakihang giyera sa panahon na ngayon?

Kung sakaling mangyari ang World War 3, ang bansang Iran ay mayroong nasa kalahating milyon na active servicemen, idagdag na din ang halos 82 million na mga tao na umalis ngunit nakareserve kung sakaling maganap ang giyera.

Ang Iran ay mayroon lang namang allistic missiles, tanks, attack helicopters, fast jets at mga gunboats. Ayon sa isang sites, ang malaking laban ng Iran sa Us ay ang mga malalaking bundok at malalaking kagubatan na maaring pagtaguan ng kanilang hukbo. Ang lugar din ng Iran ay napapalibutan nang dagat at disyerto, sa ganitong lugar, mahihirapan lumaban ang kahit sinong lulumusob sa kanila. Alam na din na gumagamit ng Cyber attack ang Iran para sa kanilang mga kalaban, upang mang hack ang secret file at kung anong mahahalagang information na hawak ng kalaban.

Dahil sa mga joint exercise na ginagagawa ng China, Iran at russia sa Gulf sa Oman, maaring ang dalawang malaking bansa ay aanyayahan ng Iran na maging kaalyansa.

Ang Russia ay mayroong tens of thousand troops na nakabase sa Syria. Kasama ang Special forces, ang mga ito ay may hawak na 400 anti-aircraft missile na kinikilala bilang isa sa pinaka advance na missile sa buong mundo. Maaring maging kaanib ng Iran ang Russia, dahil ang US ay madami na ding nagawang kasalanan sa bansang Russia.

Kung sakaling magsimulang umatake ang mga Iranians, hindi mawawala sa kanilang listahan ang bayan ng Israel. Ngunit ang Israel ay maaring maging kaanib ng US, ang bansang ito ay mayroong nuclear weapons at mga advanced fighter jets na maaring gamitin sa kahit anong oras kung sakaling sila ay atakihin.

Ang US ay maaring makahanap ng kakampi mula sa Asia, tulad na lamang ng Japan , Australia , at maaring din humingi ng tulong sa India. Ayon sa required, kung kakalabanin ng China ang US, kailangan muna netong maghanap ng isang malaking kakampi na maaring magpatumba sa US. Russia is waving at you china.

Strategy:

Sa panahon ngayon, ang dalawang bansa ay mayroong mga malalaking gamit na maaring gamitin para sa isa’t isa.Ngunit hindi sigurado kung sino ba ang mananalo sa labanan na ito. Ang sigurado ay magigng madugo ang lahat nang maaring mangyari.

Ayon sa Vox, ang US ay maaring manalo kung papasabugin nila ang mag Iranian ships, parked warplanes, missile sites, nuclear facilities, at mga training grounds kasama na ang mga mahahalagang pasilidad na makikita sa Iran. Kung ito ang kanilang gagawin, maaring mapahina nila ang hukbo at ang lakas ng Iran sa ilang araw o linggo. Ngunit ang planong ito ay malabong mangyari ayon sa mga eksperto.

Noong naganap ang Millennium Challenge na nangyari noong 2002, lumabas na maaring ang barkong panlaban nang US ay mapapalubog at mapapatumba ng hukbo nang Iran. Kahit na kilalang malalakas ang mga ito, lumabas sa resulta na kaya itong patumbahin ng Islamic Republic’s forces.

Maari naman ang mga US troops ay pumasok nang palihim sa teritoryo nang Iran, ngunit isa din ito sa mahirap na gawin.

Ayon sa mga analyst, ang Iran ay maaring hindi manalo sa US ngunit makakapagbigay ng malalang pagkasira sa bansang ito. Si Retired Marine Lt. Gen. Vincent Stewart ay nilaan ang kanyang apat na dekadang serbisyo sa paglilingkod sa military intelligence at cybersecurity communities.

Ayon sa research, ang taong ito ay nagpadala ng sulat sa the Cipher Brief noong July 2 , 2019

“The Iranian strategy would be to avoid, where possible, direct conventional force-on-force operations,”

“They would attempt to impose cost on a global scale, striking at US interests through cyber operations and targeted terrorism with the intent of expanding the conflict, while encouraging the international community to restrain America’s actions.”

Ang pinaka malakas na sandata ng Iran ay ang kanilang Cyber hacking skills. Gamit ang mga computer, at mga paghack neto, maari silang makagawa ng malaking gulo kahit nasa bahay lamang ang mga ito. Isa sa mga uunahing aatakihin ng mga Iranian ay ang mga bansang kaalyado ng US tulad na lang Israel sa tulong ng kanilang kaalyado na mga taga lebanon na tinatawag na Hezbollah.

Ang Cyber hacking skills nang mga iranian ay matagal nang kalaban ng US, magmula pa noong 2011. Noong atakihin ng Iran ang halos apatnapu’t bangko ng Americans banks kasama na ang JPMorgan Chase and Bank of America.

Ayon kay Stewart,

“I would expect them to have begun selected targeting through socially-engineered phishing activities focused on the oil and gas sector, the financial sector and the electric power grid in that order,”

Ang ilang balita ay ang mga hackers ng Iran ay gumagalaw online upang makuha ang ilang mahahalagang information ng mga empleyado ng mga malalaking kompanya; gamit ito makukuha nila ang password, at mga mahahalagang impormasyon.

Ayon sa top cybersecurity official sa Department of Homeland Security na si Christopher Krebs,

“When you combine this increase with past destructive attacks launched by Iranian-linked actors, we’re concerned enough about the potential for new destructive attacks to continue sounding the alarm,”

Ang mga ganitong impormasyon ay isang kasiguraduhan na ang laban sa dalawang bansa ay malala.

Philippines and WWIII:

So kung ang ating bansa at ang WWIII ang pag-uusapan, wala tayong laban. Aminin man natin yan o hindi. Nabasa ko pa nga na talo daw ang kahit sinong hukbo na susugod sa atin dahil meron tayong aswang, kapre, tikbalang, tyanak at kung ano ano pa. Pero kung sakaling makikisali ang ating bansa at umanib sa kahit anong bansa, paniguradong kawawa ang ating kalalabasan.

Kung titignan, ang ating bansa ay wala nang laban sa China para ipaglaban ang ating isla na Spratly Island. Yun pa lang, tiklop na tayo. Ang islang ito ay tinatayuan na nang iba’t ibang pasilidad ng China at wala man tayong nagagawa.

Ang totoong kalaban ng ating bansa ay hindi ang iran o us, bagkus ang china. Kapag nangyari ang world war 3, panigurado ang china ay isesecure kaagad ang bansang pilipinas na mapasakamay nila. Isang katok lang satin ng china, wala na. Sympre hindi tayo papayag, lalaban tayo but still, army and weaponry wise, wala tayo sa kalingkingan. So sana talaga, wag masama ang china sa alitan ng dalawang bansang ito.

Ang magandang balita ay ang ginawa ng ating butihing presidente na lumayo at huwag makialam sa kahit anong kaguluhan ngayon.

What if:

Kung sakaling mangyari man ang pandaigdigang labanan na ito, narito ang ilang tips upang makasurvive, mula sa iba’t ibang tao.
Una, siguraduhin na nasa mabuting lagay ang lahat ng mahahalagang papeles, pasaporte.
Isecure ang mga pera na naitatabi siguraduhin na ang perang naipon sa matagal na panahon ay nasa mabuting lagay nang sa ganon, pagkatapos ng giyera ay mayroon kang huhhugutin sa iyong bulsa.
Magtabi ng pagkain, gamot, mga mahahalagang bagay, selpon. Magimbak ng maraming pagkain dahil panigurado yaan ang mauubos ka agad dahil magkakaroon ng panic buying.
Ang mga maaring puntahan upang pagtaguan ay hindi bundok. Madalas ang bundok ang maaring pamahayan nang mga lumalaban na militar laban sa ibang bansa. Mabuting ilayo ang sarili sa gulo , pumunta sa mga lugar na alm mong hindi aabutan ng gulo upang ikaw ay mabuhay pa at hindi mapahamak.

World War 3 MEMES:

Ang seryosong usapan na ito ay ginagawa na lamang katatawanan ng ibang tao. Magmula noong lumabas ang balitang ito, halos lahat ng social media users ay tinitingnan ito bilang isang malaking Joke. Para sa mga kabataan na nakatira sa US, ang paraan na ito ay isang paraan upang mawala ang kanilang takot at pangamba. Lingid sa kanilang kaalaman na ang kagulugahan ay maaring maganap kahit anong oras.
Ayon sa isang 16-year-old na si Deena Allen

“We knew it would happen—we prayed it wouldn’t—but it happened,” “Humor is my top tier coping mechanism,” “At first I was looking [on Twitter] and was thinking this is really bad, and then I was like, why am I laughing?”

Ang kanyang post sa Twitter ay umabot na nang 13.8 thousand likes at na retweet na halos 2,000 times. Ayon naman sa isang 18-year old na twitter user na si Nathan Burcher

“Social media also has a massive impact on the way the world deals with different situations,”

Kahit na sila ay nangangamba , ito lamang ang kanilang magagawa upang maibsan ang nangyayari sa kanilang bansa.

Well, ang dalawa magkaalitan na si trump at Soleimani ay isa ding fan ng mga meme.Mayroong pangyayari na gumamit ng memes si Soleimani upang takutin si Trump.

World war 3???

Kung titignan ng mabuti ang lahat nang nagyayri sa mundo, magmula nang matapos ang WWII. Kung mangyayari ang world war 3 dapat nuon pa dahil marami ng dumaan na matatawag na close calls, ngunit ito ay walang nakakapansin. Sa pagitan nang mga malalaking bansa, walang nagtatakang umpisahan talaga dahil sa pinsalang maaring matamo.

Ayon sa ilang research, ang mga nuclear weapon ay isa sa malaking bagay na kailangan pasalamatan at katakutan. Dahil sa pinsala na maging dala nang bagay na ito, natatakot ang ilang bansa na tamaan ng bagay na ito. Gayunpaman, kapag nagsimula na talaga ang giyera at nagkaroon na ng nuclear war, baka wala ng matira sa atin dahil sa sobrang samang epekto ng radiation. Madami pa din ang bansang hindi nakikialam sa alitan ng tulad na lamang ng Japan, malaysia, France at united kingdom pati na rin ang pinas hindi nakikialam ang pangulo natin ditto.

Kagaya nga ng sinabi ko sa community posts, malabong mangyari ang world war 3. Unang una wala ang 2 key players para sa world war 3, ang ruso at tsino. Okay sabihin na nating nakisali ang tsino at ruso sa gulo, sumawsaw sila at nagkaroon na ng putukan then it will possibly be the end of us, panigurado kasi sasakupin tayo ng mga tsino at ano ba naming laban natin diba. Pero Malabo pa ito dahil sympre kapag sumawsaw ang china at Russia, hindi lang naman US ang kakalabanin nila, ang ibang mga malalakas na bansa ay kalaban din nila, andyan na ang British, india, France, japan at iba pa. Gayunpaman wag na sanang matuloy na masabit ang iba pang bansa.

Sources

Sources

  1. https://www.bbc.com/news/world-middle-east-24316661
  2. https://www.npr.org/2019/01/31/690363402/how-the-cia-overthrew-irans-democracy-in-four-days
  3. https://www.pri.org/stories/2020-01-03/history-us-iran-relations-timeline
  4. https://www.bbc.com/news/world-middle-east-24316661
  5. https://edition.cnn.com/2020/01/05/opinions/us-iran-history-ware-intl/index.html
  6. https://www.wikiwand.com/en/Qasem_Soleimani
  7. https://edition.cnn.com/2020/01/04/politics/trump-iran-soleimani-strike-concerns/index.html
  8. https://www.dailymail.co.uk/news/article-7853703/Iran-threatens-attack-White-House-crushing-powerful-retaliation.html
  9. https://edition.cnn.com/2020/01/05/tech/iran-cyberattacks-retaliation/index.html
  10. https://www.bbc.com/news/world-us-canada-50831350
  11. https://abcnews.go.com/Politics/trump-calls-speedy-end-impeachment-amid-escalating-tensions/story?id=68096699
  12. https://edition.cnn.com/2020/01/03/opinions/opinion-soleimani-roundup/index.html
  13. https://www.dailymail.co.uk/news/article-7848703/How-Iran-crisis-lead-World-War-Three.html
  14. https://www.vox.com/world/2019/7/8/18693297/us-iran-war-trump-nuclear-iraq
  15. https://www.quora.com/Where-would-the-Philippines-stand-in-a-World-War-3
  16. https://www.quora.com/What-would-you-do-and-where-would-you-go-if-World-War-broke-out-involving-your-countryhttps://www.insider.com/wwiii-memes-iran-after-us-strike-commander-qassem-soleimani-2020-1

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Luka Rocco Magnotta

Qwerty – COMPLETED