Venom Types

Reading Time: 10 minutes

Ang kamandag ng ahas ay talaga namang napakadelikado. Daan daan ang klase ng ahas at karamihan dito sila umaasa para makakuha ng makakain. Ang kanilang mga kamandag ay may protein, enzymes at iba pang molecular substance. Ang mga lason na ito ay sinisira ang cells o hindi naman kaya ang nerve impulses. Ang mga ahas, hindi lang basta winawaldas ang kanilang mga lason, base sa kanilang sitwasyon ang paglabas ng dami ng kanilang venom. Ano nga ba ang kamandag ng ahas?

Venom:

ang kamandag ng ahas ay galing sa kanilang modified salivary glands. Ang primary component ng isang venom ay protein. Ang mga proteins na ito ang nagpapalakas sa kamandag ng ahas. Mayroon din itong enzymes kung saan tumutulong itong pabilisin ang chemical reaction na syang nagbabasag ng mga chemical bonds sa pagitan ng mga large molecules. Ang enzymes na ito ang tumutulong sa pagsira ng carbohydrates, proteins, phospholipids at nucleotides. Tumutulong din ito sa pagpapababa ng blood pressure, pag sira ng blood cells at pagpigil sa mga muscles.

Ang isa pang component ng kanilang venom ay ang polypeptide doxin. Ang polypeptides ay ang grupo ng aminos acids. Ito ay tumutulong sa pagpigil ng mga cells at pagpatay sa mga ito. Ang ibang mga components ay nakikita sa lahat ng makmandag na ahas habang ang ibang components naman ay sa piling species lang.

Ang kamandag ng ahas ay nahahati sa 3 uri It ay ang mga cytotoxins, neurotoxins at hemotoxins habang ang ibang mga uri naman ng ahas ay mayroong specific toxin para maapektuha ang specific cell at ito ang mga cardiotoxin, myotoxins at nephrotoxin.

Cytotoxin:

Ang cytotoxin ay isang nakakalasong sangkap na sumisira ng body cells. Ang cytotoxin ang pumapatay sa mga cells sa isang tissue o sa isang organ. Mas kilala natin ito sa tawag na necrosis. May mga tissue na kapag nasira ng lason na ito ay maliliquify o matutunaw. Ang cytotoxin ay tumutulong sa mga ahas na mas madali niyong madigest ang kanilang mga pagkain. Kapag ito ay pumasok sa isang katawan, posibleng ang mga cells sa biktima ay mag undergo ng cell death o kilala sa tawag na apoptosis. Ang apoptosis mga boss ay self destruction. Magsisimula ang pagsira ng cells ng biktima sa parte kung saan tinuklaw ito ng ahas.

Ang Cardiotoxins ay ang cytotoxin na pumpatay ng heart cells. habang ang myotixin naman ang syang dahilan ng necrosis, ang tinatarget nito ay ang mga musclecells habang ang nephrotoxin naman ay pinupuntirya ang kidney cells. Maraming mga makakamandag na ahas na may mga combination ng mga ito at ang iba peron pang neuro toxin o hindi naman kaya hemotoxin.

Ang mga ahas na mayroong cytotoxin ay ang mga puff adders, gabon adders, mozambique spitting cobra, western spitting cobra at marami pang iba.

Neurotoxin:

Ang neurotoxin ay ang sangkap na nakakalason sa nervous system. Kapag ang neurotoxin ay pumasok sa biktima, sisirain nito ang chemical signals o tinatawag na neurotransmitters na sya nagpapadala sa baway neurons. Ang lason na ito ay may kakayahang pabagalin ang produksyon ng neurotransmitter o hindi naman kaya ay pigilan ito. Ang neurotoxin ay nagbibigay ng muscle paralysis at kasama na dito ang respiratory muscles na syang nauuwi sa kamatayan. Ang mga ahas na may ganitong kamandag ay ang mga cobra, mamba, sea snakes, death adder at mga coral snakes. May ibang species ng ahas na merong specific neurotoxin.

Ang mga black mamba ay may calciseptine na syang pumipigil sa nerve impuls trasnduction kung saan hinaharangan nito ang mga voltage gated calcium channels.
Ang mga cobra naman ay may cobrotoxin na syang nakakapagparalisa sa kanilang biktima.
Ang eastern green mamba ay kayang guumawa ng calcicludine, ito ay kaparehas ng caliseptine kung saan inaantala ang mga nerve signals. Hindi lang yan ang kamandag ng eastern green mamba, meron din itong fasciculin-1, ang lason na ito ang nagbibigay ng uncontrollable muscle movement, kombulsyon at paghirap sa paghinga.
Ang mga blue coral snakes naman ay may lason na calliotoxin. Tinatarget nito ang mga sodium channels at pinipigilan itong sumara, dahilan ng pagkaparalisa ng buong katawan.

Hemotoxin:

Ang hemotoxin ay tinatawag na blood poisons. Meron din itong ctyotoxic effect at inaantala ang normal na pagdaloy ng dugo. Ang lason na ito ay tinatarget ang mga red blood cells, na syang nagiging dahilang ng blood clotting o pamumuo ng mga dugo. Ito rin ang pumapatay sa mga tissue at mga organs. Ang pagsira ng red blood cells at pamumuo ng dugo sa katawan ay magdudulot ng malalang internal bleeding. Ang pagdami ng namamatay na mga red blood cells ang sya ding nagaantala sa pagfunction ng kidney. Dahil sa blood clotting, ang biktima ay magkakaroon ng heart failure na syang ikamamatay nito. Ang mga vipers at pit vipers ang karaniwang nagpproduce ng hemotoxin.

Injecting:

Paano nga ba nagiinject ng kamandag ang mga ahas? Oo alam natin na dahil ito sa kanilang matutulis na pangil. Pero ang venom injection ay may 4 na main components. Ito ang mga venom glands, muscles, ducts at pangil.

Ang venom gland ang specialized glands na mtatagpuan sa ulo ng mga ahas at dito nakaimpok ang kanilang mga lason.
Ang muschles naman ang tumutulong sa pagpapalabas ng kamandag ng mga ito, wether thru injecting o thru spitting kagaya ng spitting cobra.
Ang ducts naman ang nagsisilbing daanan ng kamandag papunta sa pangil nito.
Ang pangil ang syang external component at ang pinakaimportante para mainject ang kamandag.

Ang pamilya ng mga vipers ay very developed ang kanilang way ng pagiinject. Bago pa tuklawin ng isang viper ang kanyang biktima, nilalabas muna nito ang kanyang dalawang malaking pangil. Ang dami ng venom na naiinject ay depende sa ahas at sa laki ng kalaban nito. Karaniwan, matapos nilang tuklawin ang kanilang biktima, pinapakawalan nila ito at pagkatapos ay susundan nila hanggang sa manghina ang biktima.

Ang mga cobra, mamba at affers naman ay kpareha ng injection at delivery ng mga vipers pero ang pinagkaiba lang ng mga ito ay ang kanilang pangil. Ang mga vipers ay may movable fangs habang ang mga mambas at cobras naman ay may fixed front fang at maliit lang ito kumpara sa mga vipers. Kaya naman pag tumuklaw ang mga ito, kadalasan dinidiinan nila ang kanilang pagkakagat at hindi bumibitaw.

Samantalang ang mga colubridae naman kagaya ng mga boomslung at twigsnakes, ay may isang bukas na canal sa bawat pangil nito na nagsisilbing daanan ng kanilang kamandag. Ang mga ahas na na to ay kadalasan hindi binibitawan ang kanilang biktima at meron ding fixed fangs.

Epekto sa ibang ahas:

Alam natin na ang mga ahas ay ginagamit ang kanilang kamandag para sa kanilang biktima, eh pano na lang kung kinain nila ay isang nakakalason na hayop? o hindi naman kaya ang kapwa nila makamandag na ahas? Mga boss ang kamandag ng ahas ay kailangan maiinject sa bloodstream ng kanilang biktima. Kaya naman kapag kinain sila ng isang nilalang at hindi nila ito natuklaw, hindi mamamatay ang kumain sa kanila. Sa kadahinalanang pagdating ng ahas sa tyan ng kumain sa kanya, ang mga protein based venoms ay sisirain ng stomach acids at mga digestive enzymes. Ang lason ng ahas ay madidisassemble sa isang amino acids. Pero, kapag ang kamandag o lason ng ahas ay somehow, napunta sa circulasyon ng dugo, ang resulta ay posibleng kamatayan.

Ang mga ibang ahas nag evolve at nag karoon na ng immunity. Habang ang ahas naman na kaparehang species halimbawa ang cobra vs cobra, hindi ito tatalaban ng kamandag ng bawat isa dahil ang kanilang katawan ay may mga antibodies o antivenom para protektahan sila. Pero hindi ibig sabihin nito ay protektado na sa ibang ahas, protektado lang sila sa kaperahas nila ng species ang kamandag ng ibang ahas ay maapektuhan pa rin sila.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pterosaurs

Ang kwento ng Pandoras box