UFO Part 2

Minsan na nating diniscuss ang origins ng UFO name, kung papaano at sino ang nagbigay ng pangalan dito pero ngayon mga boss we dive deeper.

History:

I know diniscuss ko na ito sa isang video pero quick overview lang baka kasi nakalimutan nyo na.

June 24 1947 Magaalastres ng hapon, si kenneth arnold na isang private pilot ay nasa himpapawid para hanapin ang nawawalang C-46 kung saan meron itong reward na 5,000 dollars.

Subalit hindi natagpuan ni Arnold ang nawawalang aircraft, bagkus ang natagpuan nya ay kakaiba. Ayon sa kanya nakakita ito ng matinding liwanag at sa loob ng 30 segundo, hinanap ni Arnold ang source ng liwanag na yon. Maya maya pa may nagflash na naman sa kaliwa nya. Dito nakita nya ang 9 na bagay na lumilipad sa himpapawid at meron itong isang leader na mas mataas ang lipad kumpara sa iba.

Ayon kay arnold, nuong tumagilid ang mga unknown objects na ito, kumislap sila dahil nasinagan ng araw at mabilis itong nawala.

Isang press ang nagrelease ng headline at nilagyan itong “flying saucer” base sa pagkakalathala ni Arnold.

Sa katunayan bago pa makita ni Arnold ang mga flying saucers, Nuong April 1947 ang Weather Bureau Meteorologists at ang mga staff nito ay trinack ang isang unkown object na lumipad ng sobrang bilis mula silangan papuntang kanluran. Mataops ang isang buwan, ang bagay na kanilang tinatrack ay lumitaw sa oklahoma, colorado, tennesse, georgia at new jersey. Hindi ito nirelease sa local press, nalaman lang ito matapos mailabas ang balita tungkol kay Arnold. In a sense, si Arnold ang nagopen up sa modern ufo sightings.

Sa katunayan ang “Saucer” ay nauna ng naihayag ng isang news paper 69 years bago pa nakita ni arnold at nalabas ng press ang balita. Ang Denison Daily Nes na isang texas news paper ay naglabas ng balita nuong January 25 1878 kung saan ayon dito isang magsasaka na nagngagnalang John Martin ang nakakita ng isang “large saucer” sa alapaap.

At dito na nga nagsimla ang panahon ng UFO.

Ancient History:

Nuong 1211 AD sa Gervase of Tilbury, nailathala ang kakaibang pangyayari.

Nangyari ito sa Borough ng Cloera. Araw ng linggo, ang mga tao ay nasa misa. Mayroong isang simbahan na tinayo bilang pag galang kay St. Kinarus. Nagulat ang mga tao ng biglang may isang ankla na bumagsak mula sa kalangitan. Nagsilabasan ang mga tao at dito nila nakita ang isang barko at meron itong mga sakay na tao. Ang barko ay nakalutang sa alapaap. Bumaba ang isang tao mula dito para tanggalin ang angla at nakaalis ang mga ito. Nuong bumaba ang lalaki mula sa barko sa langit, agad itong tinakbo ng mga tao at hinawakan ito. Subalit pinagbawalan sila ng kanilang bishop dahil baka mapatay nila ito. Pnakawalan ang lalaki at umakyat agad sa barko, pinutol nila ang tali at agad silang lumayag sa alapaap.

Sa isang 9th century latin manuscript, ang archbishop ng lyons ay nagpahayag ng pagkabahala patungkol sa isang french na trabahador kung saan naniniwala ito na mayroong rehiyon na tinatawag na Magonia kung saan ang mga barko na nakikita sa ulap ay galing dito.

Ang mga tao na nakasakay sa barkong ito ay may mga prutas mula sa ibang lugar kung saan nawasak na ito ng mga bagyo. Ayon pa sa archbishop, nakita nya mismo mo ang stoning o pambabato hanggan sa mamatay ang 3 lalaki at isang babae kung saan galing ang mga ito sa barko.

Nuong 19th century naman si Jacob Grimm ay nagbakasakali na ang Magonia na tinutukoy nuong 9th century ay isang rehiyon kung saan ang salita dito ay latin dahil ang ibig sabihin nito ay Magic Land.

Ito ba ay early references ng UFO? Siguro pero sa panahon natin ngayon marami ng eksplanasyon, masyado na tayong advance kumpara nuong panahon na nilathala ang mga ganitong pangyayari kung saan ang ibang mga ufo sigthings ay naiidentify na ng mga eksperto bilang bulalakaw o hindi nama kaya mga aurora display.

19th Century:

Nuong umaga ng June 1 1853, ang mga estyudyante ng buritt college sa tennessee ay nakakita ng 2 kumikislap na bagay sa may hilagang parte ng pasikat na araw. Ang isa ay katulad ng maliit na new moon habang ang isa naman ay katulad ng malaking bituin. Ang isa dito ay paliit ng paliit ang liwanag hanggang sa mawala habang ang isa naman ay palaki ng palaki. Ayon sa mga witness nakasteady lang ito at hindi gumagalaw subalit posible na naglalakbay ito ng straight line.

Si Professor A. C. Carnes ininterview ang mga estyudyante ay aton sa mga ito, ang nawalang liwanag ay biglang lumitaw ulit at palaki ng palaki habang ang kaninang malaki ay pawala ng pawala. Ang dalawang bilog na liwanag ay nagpalitan ng posisyon sa loob ng kalahating oras. Malakas din ang hangin subalit ayon sa mga nakakita ang liwanag ay hindi man lang gumagalaw.

Ayon kay Carnes, posibleng isa itong elektrisidad na dahilan ng phenomena. Posible na ang mga moisture sa mga ulap ang naging dahilan nito.

Nuong July 13 1860 naman, isang pale blue light ang sumakop sa bayan ng Wilmington, Delaware. Ang mga residente tiningnan ang kalangitan at dito nakita nila ang isang 200 foot long na bagay na may taas na 100 feet lamang. Sa likod naman nito, 100 feet ang layo mayroong pulang pulang bilog na bagay na lumiliwanag. Ang pang apat dito ay lumabas mula sa likod ng mahabang bagay. Ang mga ito ay tumungo ng south east, dinaanan ang delaware river at dumeretso sa silangang bahagi hanggang sa mawala na ito sa paningin. Ang insidenteng ito ay nireport nuong July 301860 sa Wilmington Tribune.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

UFO Part 1

Empath, nagsimula bilang science fiction