UFO Part 1

Reading Time: 12 minutes

Alam ko diniscuss na natin ang Area 51 pero mga boss consider this as an overview of the deeper videos of whats to come.

Nuong December 9 1965 daan daang katao ang nakawitness ng isang kakaibang bagay na nagcrash sa kagubatan ng kecksburg Pennsylvania.

Nuong umaga ng December 27 1980, 2 US Air force Security patrolmen ang nakakita ng glowing metallic object na palutang lutang sa Rendlsham Forest

Sa pagitan ng 1989 hanggang 1990 daan daan ang nagreport na nakakita sila ng triangular shaped objects sa himpapawid ng belgium.

Nuong January 5 2000, isang bussiness owner at iilang pulis officers ang nakakita ng isang malaki at maliwanag na bagay sa alapaap sa may illinois.

Libo libong tao ang nagrereport na may nakita silang kakaibang bagay na nasa alapaap, minsan mabagal at biglang bibilis, minsan parang tumitibok. Kahit dito sa atin may mga reports na nakakita ng ufo. Ito nga ba ay mga alien spaceships, military aircraft? o heavenly bodies?

Quickview UFO:

Nuong mid 20th century, ang US air force ang nagpangalan sa mga bagay na to bilang UFO o Unidentified flying object. Hindi porket UFO ay alien na, ito ung mga bagay na hindi pa nakikilala sa radar ng airforce, halimbawa mga weather baloons, mga eroplano sa ibang lugar o ibang bansa, mga unknown lights o unknown aircrafts. Pero habang tumatagal, ang UFO ay mas naiugnay sa mga bagay na hindi natin maipaliwanag. Ang mga aliens.

Government and UFO:

Nuong 1940’s ang United states ay nakatuon sa pagreresearch patungkol sa UFO. Ang US airforce nuong 1948 ay nagsimulang magimbestiga sa ilalim ng programang Project sign. Nuong tumagal, ito ay napalitan bilang Project Blue Book. Simula 1948 hanggang 1969 mayroong humigit sa 12,000 UFO sigthings. Oo mga boss madami ito pero alam nyo ba na 11,917 dito ay nadiskubre na terristrial objects lamang? kagaya ng mga sattelites, weather baloons at weather phenomena katulad ng mga repleksyon ng kidlat. Ayon sa report mayroong 701 cases na nareport na wala pa ring eksplenasyon kung ano ito.

Gabi ng summber ng 1947 nuon, ang mga residente sa labas ng Roswell ay nakakita ng kakaibang liwanag sa himpapawid at maya maya pa nakarinig sila ng malakas na tunog na para bang isang bagay na nagcrash. Kinaumagahan si Mac Brazel na isang ranch foreman ay pumunta sa kanyang mga tupa para icheck ang mga ito. Dito nya natagupan ang kakaibang mga debris. Agad nyang kinontak ang local sherif at ang local sherif naman ay tinawag ito sa mas mataas sa kanya. Eventually ang debris na ito ay nadala sa Roswell Army Air Field at nilipad papuntang Wright Field sa Dayton Ohio.

Nuong July 8 1947 naman, si Colonel William Blanchard ng 509th Bomb Group sa Roswell ay nagpatawag ng press at dito sinabi nya na ang kanilang natagpuan sa Roswell ay isang crashed Disc. Ilang oras matapos nito, si General Roger Ramey, Commander ng  8 air force sa fort worth army air field sa texas ang nag patawag ng pangalawang press conference at pinabulaanan nya ang unang pressconference, ayon sa kanyan ang debris na nakuha nila ay mula sa isang wather balloon at ang radar detector nito. Pero sympre obciously ang pinaniwalaan ng mga tao ay ang naunang press conference at obviously ito ay pilit na tinatago ng gobyerno.

Naniniwala ang mga UFO believers na ang gobyerno ay nakakuha ng alien craft pati ang mismong alien. May mga eyewitness din na nagsasabing may nakita silang mga katawan na dinala ng mga military. May iba naman nagsasabi na nakita nilang inautopsy ang alien.

May ibang mga UFO witnesses na nagsasabing pinuntahan sila ng mga men in black hindi ung palabas mga boss ha, mga lalaki na nakasuot ng black suits at sila ay pinapatahimik patungkol sa kanilang mga nakita. Ang mga men in black ay hindi agad nakilala sa publiko, sumabog lang ang impormasyon na ito nuong pinublis ni Gray Barker ang kanyang libro na “They knew too much about flying saucers” nuong 1956. Pinaniniwalaan na ang mga men in black ay posibleng ang mismong mga aliens o hindi naman kaya nga secret agents ng mga gobyerno kung saan sinusubukang patayin ang apoy patungkol sa mga ufo sigthings.

Nuong 1969 shinutdown ng Air Force ang Project BlueBook. Ayon sa kanila walang conklusibong ebidensya patungkol dito. Kahit na sinabi ng gobyerno na tapos na ang project blue book, marami paring naniniwala na ang gobyerno ay may tinatago patungkol sa sekretong project na to.

Sightings:

Ang UFO sightings ay madalas maiugnay sa alien abductions kung saan ang biktima ay dinadala sa isang alien spacecraft at dito sya pinageeksperimentuhan at may mga reports din na naginterbred sila u yung nakikiagptalik sa mga tao para masubukan ang human alien hybrid. Ang mga UFO ay naiuugnay dinsa mga crop circles.

Ang mga UFO ay kadalasan nasisisi din sa mga animal mutilations. Mga baka, kambing, kabayo at mga usa kung saan natatagpuan ang mga ito wala ng dugo na para bang hinigop at ang iba sa mga organs nito ay wala na. Ang mutilation ay naiuugnay sa mga UFO dahil sa precision ng surgery nito na halos imposibleng magawa ng normal na tao.

Kapag nagkakaroon ng UFO sigthings may mga strange phenomena na narereport katulad ng interferance sa mga tv o radio ung tipong biglang magkakaroon ng static. O hindi naman kaya mga electrical disfunction kung saan ang mga appliances ay magmamalfunction. Ang mga UFO Spacecraft ay kadalasang nagiiwan ng mga hints katulad ng sunog na lupa o mga halaman o hindi naman kaya naflat ito na para bang merong isang bagay na lumapag dito. Ang mga puno nagsitumbahan dahil sa bigat nito.

Ano nga ba ang mga ito? ito ba ay alien spacecraft mula sa extraterrestrial beings o ito ay mga terrestrial objects na hindi pa natin na identify? SA mga naguluhan mga boss, ang ibig sabihin ng terrestrial ay related sa earth o galing dito sa ating mundo habang ang extraterrestrial naman ay sa labas ng ating mundo. Sa katunayan nagkaroon ng survey sa amerika patungkol dito at halos majority ng mga amerikano ay naniniwala na mayroong intelligent life na nageexist sa labas ng atung mundo. 60 percent ng poll na ginawa ng CNN nuong 1997. Ayon sa poll, 50 percent naniniwala na ang mga aliens ay nagaabduct o nangunguha ng mga tao habang 80 percent naman ang naniniwala na ang gobyerno ng US ay may tinatagong sikreto patungkol sa aliens.

Encounters:

Totoo nga bang nagaabduct ang mga aliens ng mga tao? Maraming naniniwala na oo. Pero ang posibleng unang account ng alien abduction ay mula sa new hampshire na sina Barney at Betty Hill. Septner 19 1961, ang mag asawa ay nagddrive sa isang rural raea sa central new hampshire ng may bigla silang makitang liwanag na gumagalaw sa itaas ng himpapawid. Habang papalapit ito ng papalapit sa kanila, nakita nila na ito ay malaki at flat na mayroong multicolored lights at maraming mga bintana.

Kinuha ni Barney ang kanyang binoculars at sinubukan itong tingnan. Dito nakita nya na may mga nilalang sa loob nito. Dahil sa takot ang mag-asawa ay agad pinatakbo ang kanilang kotse para makauwi na agad. Subalit ilang araw matapos nito, si Betty ay nagkaroon ng masasamang panaginip at sa panaginip na ito, nasa looob sya ng isang aircraft.

Sinalang sila sa hypnosis at dito naaalala nila na dinala sila sa alien spacecraft at piangekspermentuhan. Totoo nga ba na sila ay na abduct? Maraming naniniwala pero sympre marami ding hindi sumasangayon dito. Ayon sa ilang skeptics, ang alien na inilarawan ni Barney ay kaperahas ng alien sa outer limits at ang nakapagpadagdag sa paghihinala ng mga skeptics, ang outer limits ay pinalabas 12 days bago pa ang hypnosis. Posible bang ito ay isang hoax at ang dinidescribe ni Barney ay ang nakita nya sa isang TV? Well it still remains a mystery mga boss.

Pero hindi lang yan ang reports ng alien encounters. Maraming mga abductees ang nagsasabi ng parehas na pakiramdam kung saan sobrang liwanag at hindi sila makakilos. Tapos nararamdaman nila na sila ay binbuhat pataas sa alien spacecraft at dito ineexamine sila at pinageeksperimentuhan. May iba pang nagsasabi na kinukuha daw ng mga aliens ang mga sperm or egg cells para itest kung sila ba ay makakabuo ng alien-human hybrid. May iba ring nagsasabi na nakita nila ang kanilang mga offspring sa kanilang susunod na abduction.

Ang mga paglalarawan na ito ay parang imahinasyon lamang pero ayon sa mga ilang researcher, ang mga alien abducties ay pareparehas na mayroong post-traumatic stress disorder dahil ang mga ito ay mga war veterans. Kung saan nuong pinakinig sila ng tunog na halos kaperahas ng tunog na naexperience nila nuong sila ay naabduct, ang kanilang mga kamay ay nagpapawis, ang mga muscles ay nagccontract at bumubulis ang tibok ng kanilang mga puso. Ito ay ayon sa July 2004 issue ng Psychological Science na nilathala nina Richarc Mcnally at ng kanyang mga kasamahan.

Ang nakakapagtaka dito, ang ilan sa mga abductees ay nawawala at nirereport sila as missing. Pag nakita na sila karniwan meron silang mga kakaibang surgical wounds o hindi naman kaya mga sugat sa katawan.

Although ang mga alien reports ay nag peak nitong last half century, hindi na ito bago nuon pa man. Sa katunayan sa anceint indian sanskrit text inilalarawan ang mga lumilipad na mga bagay at tinatawag itong vimanas. Ginamit ito ng mga diyos para makipaglaban sa alapaap.

“The movements of the Vimana are such that it can vertically ascend, vertically descend, move slanting forwards and backwards. With the help of the machines human beings can fly in the air and heavenly beings can come down to earth.”

Totoo nga ba ang mga UFO o sila ay gawa lang ng malikot nating imahinasyon?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Truman Delusion

UFO Part 2