Truman Delusion

Reading Time: 11 minutes

Mga boss alam nyo ba ung palabas na truman show? Ung si Jim Carey?

Tungkol un sa isang tao kung saan wala syang ideya na ang buong buhay nya ay vinivideo ng para ma ibroadcast as a reality tv series. Lahat ng kilala nyang tao ay mga bayarang artista, walang totoo, walang pwedeng paniwalaan at ang buong mundo ay pinanonood sya.

Alam nyo ba na isa itong phenomenon in real life? Kung saan maraming mga tao ang naniniwala na ang kanilang buhay ay nakasulat sa isang script at lahat ay naaayon sa palabas.

Tara mga boss, pagusapan natin ang truman show delusion o truman syndrome.

Origins:

Ang psychaitrist na si Dr. Joel Gold at ang kanyang kapatid na pahilospher na si Iab gold ay pinag-aralan ang phenomen na ito at naglabas sila ng librong, Suspecious Minds: How Culture Shapes Madness.

Ang unang pasyente na nag inspir ng term na Truman Show Delusion ay mula sa isang lalaking nagngangalang Albert. Naniniwala si Albert na sya ay nakatrapp sa isang reality tv show.

Ayon pa sa kanya ang 9/11 ay hindi totoong nangyari at gianwa lang ito ng TV show para matakot sya at wag umalis dahil nga nakasetup na ang mga camera sa kanyang tinitirhan.

Nalaman ito ni Dr. Joel Gold kaya’t lumipad sya papuntang new york para makausap ng personal ang taong ito. Nuong nagkita sila in person, naniniwala si Albert na mayroong mga camera sa mata ni Dr. Gold.

Nabugnot na si Albert sa pagiisip na sya ay nakamonitor 24/7. Para sa kanya, kailangan nya ng tulong. Kaya’t humingi ito ng saklolo sa united nations. Sinubukan syang pigilan ng security guard pero bilabanan nya ito. At dahil dito sya ay inaresto at dinala sa psychiatric hospital.

Di rin nagtagal, 4 pang pasyente sa hospital na yon ang nagpakita ng parehas na behaviour o delusion, lahat sila nireference ang The Truman Show para maintindihan ni Dr. Gold  ang kanilang naeexperience.

Isang youtube channel na nagngangalang Johnny Benjamin ang nagopen up tungkol sa kanyang mental illness. Ayon sa kanya, sya ay nakararanas ng Truman Show delusion dahil nuong bata ito sya ay socially awkward at isolated.

Si Benjamin ay lumaki sa London at hindi ito naging madali sa kanya. Sya ay nag-aaral sa all boys school. Imbes na makisali sa mga sports, mas gusto nitong maglaro ng bahay bahayan at reality show. Habang tumatagal, ang mga kaklase nito ay nawiwirduhan sa kanya kaya’t di sya nagkaroon ng kaibigan.

Alam ng mga teachers agn kanyang pagkukunwari at akala ng mga guro ay isa lamang itong laro sa kanya kaya’t pinili ito ng school kung saan nagkaroon ng film project.

Matapos ang project, nakilala sya sa school at ang mga hindi kumakausap sa kanya ngayon ay lumalapit na.

Habang tumatanda sya, kapag nagkakaroon ng conincidence, mas lalong lumalakas ang hinala nitong nasa reality show sya. Halimbawa na lang, iniisip nya ang kanyang isang kaibigan tapos ilang minuto lang bigla itong magtetext, maiisip ni Benjamin na sinabi iyon ng director kasi nga iniisip nya. O kaya naman kapag merong kanta sa utak nya, at plinay ito sa radio the next day, iisipin nya na kasama ito sa isang scene.

Nuong tumungtong sya ng 20 taong gulang, nadiagnose na meron syang schizoaffective disorder. Kahit na nagiong aware sya sa kanyang mental issues, humahanap opa rin ito ng mga signs na nasa isang set ng reality show.

Delusions:

Ang Truman Show delusion ay hindi na bago kung tutuusin. In the past, kilala ito bilang grandiose delusion kung saan pinaniniwalaan ng isang indibidwal na sya ay isang sikat ni nilalang kagaya na lamang ni Jesus Christ.

Common ang delusion na ito sa mga taong may bipolar disorder, schizophrenia, substance abuse, dementia at psychosis. Ang mga taong nakakaranas ng grandiose delusions ay nagiging extreme pag nakakatake ng drugs, when i say extreme mga boss ung tipong magfefeeling butterfly kung saan pupunta sila sa isang mataas na building o lugar at sabay tatalon dahil naniniwala sila na kaya nilang lumipad.

Ang mga taong mayroong truman show delusoon ay nakakaranas din ng tinatawag na Persecutory Delusion. Ibig sabihin mga boss, naniniwala ang mga ito na sila ay pinaparusahan dahil sa kanilang mga ginagawa.

Kagaya ng isang movie, ang mga taong nakakaranas ng ganitong delusion ay naniniwala na ginagamit lang sila para sa entertainment ng ibang tao.

Isang pasyente na tinawag sa alyas na MR. E ang mayroong ADHD at depression na tumagal ng taon pero wala sa pamilya nito ang nakakaalam na sya ay vinivideohan ng gobyerno na parang eksperimento at lahat ay faked, ang kanyang pagpunta sa doktor, ang nga news sa TV at ang pakikipagsalamuha nito sa kanyang pamilya at kaibigan.

Inakala nya na ang buong set up ay matatapos ng christmas day dahil ang mga film crew ay magkakaroon ng holiday break.

Si Mr. E ay nadiagnose ng shcizophreniform disorder kung saan ang isang pasyente ay nagpapakita ng schizophrenia pero tumagal lamang ito ng less than 6 months.

Reflective System:

Ayon kay Dr. Gold, lahat tayo ay mayroong tinatawag na suspicion system sa ating utak kung saan ineevaluate nito ang potential social trait. Ang Suspicion system ay kinacounterbalanced ng reflective system kung saan ang ating utak ay humahanap ng sapat na ebidensya para magkaroon ng rational explanation na okay ang lahat. In short, ang ating utak ang nagsasabing wag tayo tumalon basta basta sa konklusyon.

Halimbawa, nakakita ka ng tao na sumusunod sayo habang papasok ka sa trabaho. Ang iyong suspicion system ay iisipin na baka isa itong masamang tao pero ang iyong reflection system naman ipapaalala sayo na baka isa lang din tong normal na tao na papasok din sa trabaho kagaya mo at nagkataon lang na nagkasabay kayong dalawa sa isang madilim na luigar.

Ngayon ang problema, sa ibang tao, nagiging imbalance ang isa. Kapag iniisip nila na ang taong ito ay masama, ito ang nagiging totoo sa utak nila at hindi na sila nakakapagisip rationally dahil mas nanaiig ang suspicion system.

Naniniwala din si Dr. Gold na maraming factors na nagcocontribute sa delusion na ito ay ang takot na wala na silang kontrol sa sarili nilang buhay at marami itong klase.

Halimbawa na lang ang isang may sakit sa utak na tao ay maaaring isipin na kinuha sya ng mga aliens at naglagay ng chip sa kanyang utak kung saan kinokontrol ang kanyang mga galaw. Wala syang choice kundi ang ipagpatuloy ang buhay at paulit ulit na mabduct ng mga alien. May mga ibang pagkakataon naman na imbes na alien, gobyerno ang naguupdact sa kanila.

Ang truman delusion ay halos kaperhas nito kung saan nawawalan na ng kontrol ang isang indibidwal sa kanyang kapalaran. Halos kaparehas din ng Matrix kung saan walang totoo at lahat ay kinokontrool ng isang overlord. Walang pwedeng tumakas. Teka prequel na ba to sa simulation theory?

Millenials:

Isa sa mga stereotype na klase ng millenials ay ang pangangailangan nila ng approval at attention sa pamamagitin ng pagpost ng kanilang mga buhay sa social media.

Ang mga henerasyon ngayon ay nagkakaroon na ng mind conditioning ng bata pa lang na ang views at likes ang nagsisilbing sukatan ng kanilang self worth. Ang pagiging kilala sa online at in person ay napakaimportante para sa mga kabataan ngayon. May mga pagkakataon na kapag hindi nila nakuha ang ganitong satisfaction nagkakaroon sila ng delusion para magcope sa kanilang nararanasan.

Ayon kay Dr. Gold, common ang ganitong klase ng delusioon sa mga nakatira sa mga urban areas o sa mga syudad. Dahil ang pagtira sa lungsod, lalo na’t malaki ay nakakapagparanas ng isolation kung saan pakiramdam nila walang nakakilala sa kanila.

Madalas itong nangyayari sa mga taong nakatira sa isang maliit na baryo kung saan kilala sila ng buong baranggay at pagkatapos pupunta sa syudad kung saan walang nakakakilala sa kanila. Ito ay posiblng magtrigger ng psychosis sa ibang mga tao.

Attention Seekers:

Sympre hindi naman lahat sumasangayon sa pag-aaral ni Dr. Gold. Ayon sa mga ibang skeptics, hindi totoo ang delusion na ito at ang mga pasyenteng pinag-aralan ni dr. gold ay mga attention seekers lamang.

Ayon pa kay Dr. Gold, marami syang natatanggap na mga email na nagsasabing ginagamit lang sya ng mga pasyente nya para maging sakit. Pero mas marami syang narereceive na mga email sa mga taong nakakaranas ng ganitong delusion kung saan iniisp nila na sila ay nasa isang reality show.

Si Dr. Gold ay nagsimulang pag-aralan ang 20 pasyente sa mga nag email sa kanya. Ayon sa kanya, ang karamdaman na ito ay nakakatkot dahil walang kakampi, walang pwedeng pagkitawalaan. Naniniwala si Dr. Gold na hindi ito ginusto ng kanyang mga pasyente.

Kayo mga boss, tingin nyo ba totoo ang delusion na ito o sadyang nasa mundo na tayo ng attention seeking fame whore?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Taong Aso – Cynocephali

UFO Part 1