Totoo bang nakakasapi ang demonyo o espirito gamit ang ouija board at Sino si Zozo?

Reading Time: 14 minutes

Since maghahalloween na, pumunta tayo sa mga medyo nakakatakot na topics. Maglalabasan na naman ang mga ouija boards. Oh, panigurado ung mga grammar nazi jan sasabihin mali ang pronounciation. It’s Wee-Je not Wee-Ja. Tingnan nyo pa sa britannica.

Spiritual History:

Ang ouija board ay isang form ng automatic writing tinatawg din itong talking board. When we say automatic writing, ito mga boss ung kukuha ng papel ang isang psychic at magsusulat ng nakapikit at ito ay existing na nuong sinaunang panahon pa.

Matapos ang american civl war sa US, nagkaroon ng movement na tinawag na Spirtualism sa United States. Maraming mga mediums na nagsasabing kaya nilang kausapin ang mga patay at maraming sumuporta dito.

Marahil ang nagsimula ng ouija ay ang magkapatid na margaret at Kate fox. Dahil nuong 19th century, nagkaroon ng bali balita na nacontact nila ang espirito ng patay. NAgsimula ito sa isang prank, nakatira ang magkapatid sa isang bahay na gawa sa kahoy, sympre pag gawa sa kahoy, malangitngit yan.

May mga usap usapan nuon sa komunidad nila na ang kanilang tinitirahan ay mayroong nakalibing na katawan ng taong pinatay. Sympre mga dalagita, mga malilikot ang kanilang mga isip. Kaya isang gabi, tinalian nila ang mansanas at sabay ibabagsak na syang nagbibigay ng yabag ng paa na tunog.

Ang nanay nila, walang kaalam alam dito, kaya’t sinubukan nitong sundan kung saan nanggagaling ang tunog at dinala nga sya nito sa kwarto ng kanyang mga anak. May 2 option ang magkapatid. Aminin na sila ang may gawa ng kalokohan at maparusahan o sabihin na isa itong multo. Well, they choose the latter mga boss.

Sinabi ni Kate na ang multong ito ay si Mr. Split foot. Inutusan nya itong gayahin ang kanyang ginagawa, nuong pumalakpak ito ng 4 na beses, 4 na beses din ang kanilang narinig. Sympre natakot ang nanay dito. Tinanong ni Kate kung ilan ang anak ni Mrs. Fox at tama ang sagot nito gamit ang palakpak. Ang huling tanong ay, kung tatawagin ba ang mga kapitbahay, makikipagusap ba sya. AT dito na nga sumikat ang Fox Sisters.

Nuong walang pang ouija boards, ang mga mediums ay uupo sa isang lamesa at dito gagalaw ang mga gamit habang kinakausap ang mga patay.

History of Talking Boards:

Habang lumalaganap ang spiritualism, nagkakaroon ng iba’t ibang idea. Surely merong ibang paraan para kausapin ang patay hindi lang sa pagkalabog ng lamesa o mga gamit.

Nuong 1853, ang spiritualist na si Isaac T. Pease ay inembento ang Spiritual Telegraph Dial. Isa itong dial na merong letrang nakaayos at isang guhit na nagtuturo sa letra. Subalit nagkaroon ng kontrobersiya dito dahil napag-alaman na posibleng pwedeng lagyan ng pulley na syang magpapaikot sa dial.

Isang talking board din ang ginawa ni Madame Emile be Girardin kung saan isa itong lamesa na may movable top. Meron din itong wheel at axle. Sa gilid nito nakalagay ang mga letra at mayroong dalawang knob na hahawakan ng mga participants. Parang isang turntable mga boss.

Ang two worlds publishing naman ay gumawa ng Telephatic Spirit Communicator. Imbes na nakaarc ang mga letra, nakalinya ito ng straight.

Dahil nga nagigign sikat na ang mga talking boards, nakuha nito ang attention ng ibang bussinessman. May mga agam agam pa din kung sino talaga ang dapat icredit sa pagkakabuo ng oija board. Kung ito ba ay si Willam Fuld o si Elijah bond.

Nuong 1890 ang bussinessman na si Elijah bond ay pinatent ang isang planchette, ito mga boss ung parang patatsulok na kahoy sa oiuja board. Kasama sa patentn nya ay isang board na mayroong alphabet letters.

Nuong 1901 si Williuam Fuld ay binigyan ng pangalan ang nasabing board ng “ouija” at ayon sa kana sya ang nagimbento nito.

Nuong 1966, binenta ni Fuld ang ouija sa parker brothers nanaging subsidiary ng hasbro nuong 1991.

Spirutalist to Childrens Toy:

Well dito sa atin, hindi pa ako nakakaita ng ouija board na binebenta sa toms world o SM. Alam nman natin ano ang mga products ng Hasbro diba? From monopoly to Scrabble, hasbro ang may gawa nyan. Kaya’t hindi rin malabo na imarket nila ang ouija board as a kids game.

Ang oiuja board for girls ay nireleased sa merkado mostly sa US nuong 2008. Ang victorian era style na sun and moon ay pinalitan ng more cartoon like. Kasama nito ang isang lalagyanan ng mga cards at may mga tanong kagaya ng “Will I be a famous actor someday? and Who will call/text me next?”

Hindi ito nakaligtas sa mga magulang lalo sa mga religious parents. Inakusahan nila ang hasbro na nagbebenta ng laruan para ipalaganap ang occultism. Sa katunayan nagkaroon ng movement para iboycot ang Toys R us at ang hasbro nuong 2010.

Pero sympre patuloy pa rin itong makikita sa mga toy stores.

From Spirits to Demons:

Nuong unang panahon, hindi pa nalilink ang ouija si demon o ghost possesion. Isa lamang itong communication device and thats all about it. Pero nagbago ang lahat nuong pinalabas ang The exorcist nuong 1973.

Naging patok to sa takilya at ayon sa kwento ito ay true story, Si Regan na 12 taong gulang na bata ay napossessed ng isang demonyo matapos maglaro ng ouija board. Dito nabago ang pananaw ng publiko sa oujia board.

Dito na rin nagsimula ang mga nakaktatakot na pelikula sa ouija boards, ginamit rin ito ng mga writers para sa kanilang mga nobela. Kadalasan tong nagiging portal para sa kabilang mundo. Nuong unang panahon ang connection nito ay more on spiritual, ngayon, isa na to sa iniiwasan ng mga tao.

Ideomotor Effect:

Kung ano o sino ang nagpapagalawa ng oiuja board ay isang kontrobersyal na topic. Sa mga spiritualist, isa itong pwersa na hindi dito sa atin, para naman sa mga scienctist, well hindi kaya ikaw lang yon?

Ang mga eksperto ay tinawag itong ideomotor effect. Ayon sa ideomotion theory, ito ay galing sa ating unconcious mind at ito ang nagpapagalaw sa ating katawan ng hindi nalalaman ng ating isip. Malabo ba?

Ito, isang halimbawa ng ideomotor effect ay ang pendulum test. Ewan ko kung pamilyar kayo dito, pero maglalagay kayo ng isang bagay mostly lampis tapos nakalagay ang isang karayom na may sinulid. Hahawakan ninyo ang sinulid at itataas ang lapis, itutok nyo ito sa inyong palad. Hintayin nyo lang at unti unting gagalaw yan. Kapag ang lapis ay nagswing, ibig sabihin ang anak ninyo ay lalaki kapag bumilog babae. Sounds amazing, try nyo. Pero again, ito ay gawa ng ating unconcious mind. Ang ating mga finger muscles ay gumagawa ng napakaliit na movement na nagbubuild up sa pendulum at ito ang nagiging dahilan ng pagsswing. Sympre sasabihin nyo hindi nyo naman siniswing. Thats the idea. hindi nyo alam na ang mga muscles ninyo ang nagsswing.

And it plays a part sa oiuja. Pero syempre hindi satisified ang scientific community dito kaya nagkaroon pa ng isang tests. Nuong 2012 ang mga psychologists sa university of british columbia ay kumuha ng isang grupo ng mga tao. Tinakpan nila ang mga mata ng bawat isa at sinabing sila ay may kasamang isa o dalawang tao na naglalaro din ng oiuja board.

Nuong gumalaw ang board, sinabi ng player na hindi sya ang nagpagalaw, malamang ung kasama nya. Not knowing na sya lang naman talaga magisa ang naglalaro.

Cases:

Sure ayon sa scientific community, unconcious mind natin ang gumagawa ng movement. Pero hindi natin mapapagkaila ang mga reports dahil sa ouija boards.

Kagaya na lamang nuong November 2014, 35 estyudyante sa santa cruz de la sierra sa bolivia ang naglaro ng cup game aka ouija board. Dinala sila sa hospital at nakaranas ng pagpapawis, pagbilis ng tibok ng puso, pagaamok at sila ay nasa trans state.

Isa pang outbreak ang nangyari nuong October 2006 at June 2007 sa girls only catholic school sa mexico. Ayon sa report, isang estyudyante ang naglaro ng oiuja board para hulaan ang magiging resulta ng isang basketball game, inexpell sya sa school dahil sa ginawa nya pero sinumpa nya ang eskwelahan matapos nito. Ang ending, maraming estyudyante ang naapektuhan. Ang iba nahilo, ang iba hindi makalakad. Sa 4,000 estyudyante, 512 dang apektado.

Nuong February 2017, sa columbia, 20 estyudyante ang naposses matapos nilang maglaro ng oiuja board. MArami sa kanila ang sumisigaw na kukunin na daw sila ng demonyo.

Nuong 2016, 27 estyudyante ang sinapian matapos maglaro ng oiuja. Ayon sa mga estyudyante, nakakita sila ng isang matangad na lalaki na mayroong balbas at hinahabol sila nito at papatayin.

Ilan lang ito sa mga reports na nalilink sa paglalaro ng ouija board. Ang mga pangyayaring ito ay kinacategorized as mass hysteria. Okay, so bakit mass hysteria, halimbawa, kasama mo kong naglaro ng oiuja, tapos bigla akong naghuromentado, magkakaroon sa utak mo at ng mga kasama natin na posibleng hindi lang ako ang maging biktima, at pati kayo ay tatargetin din. This sets off a chain reaction, ang utak natin ay nakikisakay sa kung anong nakikita natin sa ibang tao.

Mass hysteria nga ba talaga? o baka naman dinalaw sila ni zozo?

Zozo:

Isa sa pinakapopular na kwento kapag pinaguusapan ang ouija board ay ang demonyong si zozo. Sya ang tinuturong dahilan ng mga oiuja board gone wrong.

May ibang naniniwala na si Zozo ay isang nilalang sa impyerno. Then again, lately lang naman na link si Zozo sa oiuja. Kagaya ng pagkakalink ng oiuja board sa demonic posssion.

Nagsimula ito nuong 2009. Si Darren Evans ang pinaniniwalaang unang taong nakaranas kay zozo. Naglalaro nuon si Evans at ang girlfriend nito ng ouija board ng makaenkwentro ng dalawa si zozo.

Tinakot ni Zozo ang kapatid ni evans na muntik ng mamatay. Dahil dito nagkaroon ng breakdown si Evans. Naghanap ito ng exorcist at matagumpay naman nilang napalayas si Zozo. Dahil dito nagtayo si Evans ng isang site na zozologist which is zozotheouijaspirit na ngayon.

Naging matunog si Zozo sa online at ang ibang film makers ay na inspire na gumawa ng pelikula at ito nga ang I am Zozo nuong 2012. Nagbigay din ito ng opurtunidad kay evans na lumabas sa iba’t ibang paranormal TV series. Hindi lang yan, nagreleased din sya ng librong “The Zozo Phenomenon”.

Si zozo ba ay totoong demonyo? o gawa gawa lang ito ni evans? Ayon sa mga zozo enthusiast, makikita ang reference nito sa dictionnaire infernal, isang demonological encyclopedia na sinulat ni Jacques Auguste Simon Collin de plancy nuong 1818. Pero ang nakalagay sa libro ay faked demonic possesion lamang kung saan ang isa sa mga demonyo ay nagngangalang zozo.

I myself hindi ko pa nattry ang oiuja board at ayaw kong itry ito. Sa mga mayroong anxiety disorders, disassocitive o trance states, mas maganda kung iiwas na lang kayo dahil ang oiuja board ay kayang magpalabas ng malalakas na emosyon mula sa player. Kayo mga boss, naniniwala ba kayo na totoong nakakacontact ito ng espirito o ang unconcious mind natin ang nagpapagana dito?

Source 1

Source 2

Source 3

Source 4

Source 5

Source 6

Source 7

Source 8

Source 9

Source 10

Source 11

Source 12

Source 13

Source 14

Source 15

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mabilis tayong maniwala sa Conspiracy?

Area 51 – The History