Totoo bang may lumikha sa atin? – Inteligent design

Reading Time: 14 minutes

May dalawang major theory tungkol sa origins of life. Ito ay ang Evolution at creationism. Ang evolution ay ang opinyon ng siyensya kung papaano nagsimula ang ating lahi habang ang creationism naman ay ang religious explanation nito.

Ano nga ba ang Intelligent design? Ito mga boss ay ang paniniwala na tayong mga tao ay hindi nag developed through natural process bagkus merong isang intelligent being na gumawa satin at ito nga ang resulta ng ating complexity at diversity.

Ayon sa evolution nagsimula tayo as a single organism from there nag branch out tayo thru evolution. Habang sa Intelligent Design naman, ay bawat specie ay may kanya kanyang common ancestral. Naniniwala sila sa micro evolution pero hindi sa macro evolution. What i am saying, ang pusa pwede maging sabertooth pero hindi ito pwede maging wolf via mutation.

Tayo nga ba ay gawa ng intelligent design o isang aksidente sa kalawakan?

Origins:.

Nuong 18th at 19th century, at bago pa dumating ang theory of evolution ni darwin ang argument of design ang kinikilalang origins ng ating mundo.

Nuong dumating ang 1802 ito ay klinaro ng watchmaker analogy ni William Paley. Ayon sa analogy, halimbawa nakakita ka ng isang relo sa isang kapatagan, alam mo ang relo na yun ay isang complex na bagay at meron itong purpose. Marami itong parts na kinakailangan para gumana at maipakita ang oras. Kapag nakita mo ang relo, alam mo na isa itong product of design at hindi by chance.

Pero ng dumating ang 1859 ang argument from design ay napalitan na ng ipublish ni darwin ang  The origins of species. Ang biological science ay agad na tinanggap ang origins of species base sa ebidensya nito. By year 1940 halos lahat ng biologist sa buong mundo ay naniwala sa eksplanasyon ni Darwin na natural selection ang driving force ng evolution.

Nuong 1991, ang law professor na si Philip E. Johnson ay nilaunched ang intelligent design movement sa pamamagitan ng kanyang best selling book na Darwin on Trial. Ang movement na ito ay agad na nakakuha ng momentum lalo na sa US at nuong 1996, ang discovery institute ay nilaunched ang Center for the Renewal of science and culture o CRSC. Ang Mission ng CRSC ay pag-aralan at ipromote ang Intelligent Design bilang isang scientific theory.

Ang intelligent design movement ay parang apoy na mabilis kumalat. 8 years matapos ang movement, ang Kansas Board of education ay nagkaroon ng botohan kung saan tinanggal nila ang evolution sa science curriculum at ang desision na ito ay dahil sa masugid na pagkakampanya ng Intelligent Design.

Nuong 2004 naman, ang dover Area Schoo Board sa pennsylvania ay nirequire lahat ng public school sa kanilang distrto na ituro ang intelligent design alongside evolution sa mga science classes.

Intelligent Design VS Creationism:

Base sa intelligent Design, ang universe at ang mga inhabitants nito ay hindi lang basta nag evolved by blind chance na tinutukoy sa darwinism. Ang argumento ng intellteg design ay base  sa butas ng theory of evolution o yung hindi maexplain ng theory of evolution at dahil dito, mayroong presensya ng intelligent designer.

Hindi kagaya ng creationism, ang Intelligent designer ay hindi naman pinupunto na ang panginoon ang sinasabing intelligent designer. Bagkus ayon sa theoryang ito merong isang designer na gumawa lahat nito. Ang designer na ito ay pwedeng ang panginoon pero pwede ring extraterrestrial race o iba pang mga supernatural force kagaya na lamang ng flying spaghetti monster. Isa pa, ang intellgent design ay hindi kumukuha ng argument sa bibliya bagkus sila ay humahanap ng loop holes para maipakita na meron talagang designer.

Although ang mga sumusuporta sa Intelligent Design ay naniniwala na mayroong maliit na posiblidad na mag evolve ang isang species pero sa kaparehas lang na species nito. Meaning to say, ang ancestral ng unggoy ay hindi pwedeng maging ancestral nating mga tao.

Ang goal ng intelligent design supporters ay idebunk ang darwinism bilang dominant origin theory at tanggalin ang naturalsim. Ang naturalsim mga boss ay ang paniniwala na ang mga bagay bagay ay pwedeng maexplain by natural causes.

Irreducible Complexity:

Irreducible Complexity. Ito mga boss ay mula kay Michael Behe na isang supporter ng Intelligent Design. Ayon sa kanya isa lamang itong fancy phrase na ginamit nya sa kanyang ideya kung saan ang isang system ay mayroong several interacting parts at ang pagtanggal ng isang parte na ito ay magiging useless ang nasabing system.

Medyo malabo ba? So here’s an example. Isipin ninyo ang mouse trap. Typically meron itong 5 parts, ang kahoy na nagsusupport ng contraption, ang metal na papalo sa daga para maipit, ang spring para masuportahan ang paghampas ng metal at ang trap o catch, para marelease ang spring at ang metal. Kapag isa dito ay tinanggal mo, wala ng kwenta ang mouse trap, therefore ang mouse trap ay irreducibly complex.

Ang isang cell halimbawa na lang, meron itong complex molecular machines. Kapag isa sa mga molecular machines na iyon ay nawala, ang cell ay hindi na gagana.

Isang inexample ni Michael dito ay ang Flagellum. Ang flagellum ay mga appendages o galamay sa isang bacteria para makatulong na pag galaw nito. Ang flagellum ay mayroong 30 different proteins para mapagana ito, ang iba nagfufunctiion as motor, ang iba naman nagiging galamay para hawiin ang ibang mga bacteria. Kung wala ang isa sa 30 proteins na ito, ang entire system ay hindi na gagana.

Ayon sa mga proponents ng Intelligent Design, hindi ito kayang gawin ng natural selection dahil bago gumana ang isang system, kailangan present lahat ng parte nito. Therefore, merong intelligent designer na naglagay lahat ng parte para tayo ay gumana.

Pero may sagot ang ibang eksperto dito. Ayon sa kanila kahit na ang sinasabing irreducibly complex machines kagaya ng flagella ay hindi gagana kung kulang ng isang parte, ito ay useful pa din sa ibang functions. you see mga boss, ang evolution ay nagpproduce ng complex biochemical machines sa pamamagitan ng pagkopya, pagiiba at patcocombine ng mga proteins na ginagamit previously sa ibang paraan.

Specified complexity:

Nuong 1986, si Charles Thaxton na isang physical chemist at creationist ay ginamit ang salitang specified complexity mula sa impormasyon sa ating DNA, dahil ang ating DNA ay may mga specific messages na magagawa lamang ng isang intelligent Designer.

Ang Term na specified complexity ay mula kay Willam Dembski na supporter din ng intelligent design. Ayon sa kanya, kapag ang isang bagay ay nagpakita ng specified complexity, meaning parehas na complex at specified, ito ay ginawa ng isang matalinong nilalang o ito ay dinesign.

Halimbawa ang isang letra ng alphabet ay specified, meaning inspecify natin ang letter pero kapag nagbuo tayo ng sentence ito ay complex pero hindi specified. Ayon kay Charles, ang mga nabubuhay na nilalang ay may pareparehas na characteristics lalo na ang mga patterns molecularly, ang ating mga dna which is composed of letters which is specified and complex.

Ayon naman sa mga ibang supporters ng evolution theory, mas maeexplain ng evolution ang complexity dahil ginagamit nito ang selective evolution. Tungkol naman sa complexity ng DNA na ito daw ay dinesign, ayon sa ibang scientist, wala pang recognizable pattern ang DNA kaya’t hindi pa natin alam kung ito ba ay by chance o ito ay dinesign.

Law of conservation of information:

Mayron pang isang argument si Dembski, ang law of conservation of information ay isang patunay na ang natural process ay hindi kayang magkaroon ng karagdagang biological complexity. Ginamit nya dito ang claims ng mga creationist kung saan ang evolution ay nagviolate sa second law ng thermodynamics. To put it simply mga boss, ayon sa law na ito, ang universe ay may tendency na mag decrease ang complexity. Therefore ang susunod na tanong, papaanong magkakaroon ng evolutionary process na makapagproduce ng complex life forms mula sa primitive life forms eh ayon sa law decreasing hindi increasing ang complexity. GAyunpaman, nadebunk na ito nga mga eksperto dahil ang second law of thermodynamics ay nagaaply lamang sa closed systems at ang biological system ay hindi closed.

Fine-tuned Universe:

Ang mga supporters ng intelligent design ay kadalasan ginagamit na argument ang fine tuned universe. You see mga boss, ayon sa kanilang argument ang universe ay perfectly placed, kasama na nga dito ang values ng fundamental physical contastants, ang mga nuclear forces, elecromagnetis at ang gravity sa pagitan ng fundamental particles pati na rin ang ratios ng masses ng bawat particles. Kung isa dito ay maiba, then ang ating universe o mundo ay magiging iba, kumbaga isa itong bowling effect na mababago hindi lang ang isa kundi pati ang nakapaligid dito. Kaya naman naniniwala ang mga supporters ng Intelligent design na mayroong higher being na gumawa nito lahat exactly the way it is.

Pero katulad ng mga nauna, meron pa ring argument ang ibang mga eksperto dito. Totoo na mababago ang mundo o ang universe pero merong tinanggal ang mga ID supporters dito, un ay ang ability to support life. Hindi porket nabago ang way ng universe ibig sabihin hindi na makakasupport ng buhay,. Life as we know it may exists pero magiging kakaiba ito, ang mundo natin magiging iba, depende sa kalalabasan ng pagbabagong ito.

God of the Gaps:

Panigurado narinig nyo na ang salitang god of the gaps. Lalo na kung mahilig kayong manood sa youtube ng mga debate ng evolution vs creationism. Sa mga hindi pamilyar ang God of the gaps ay isang common reason kapag hindi na maexplain ng siyensya. Halimbawa na lang merong isang pangyayari at ang science hindi alam kung papaano ito nangyari o anong purpose nito, therefore, magaasume na na ang Panginoon ang may gawa ng pangyayyaring iyon.

Kaya lang habang mas tumatagal, ang siyensya mas nagiging advance kaya’t unti unti ng napapaliwanag ang mga bagay bagay. Kapag ang siyensya ay napaliwaang ang nuoy kakaibang phenomena, ang God of the gaps ay uurong sa iba pang hindi mapaliwanag na bagay.

Creationisnm Support:

Ang intelligent design ay nagkaroon ng malakas na support sa US. Ayon sa mga tagasuporta nito, ang kanilang theory ay scientific at hindi base sa religious belief at dahil ito ay scientific, dapat ito ay kasama sa pagtuturo ng evolution sa mga science classes.

Pero may ibang bumabatikos dito, ang intelligent design ay hindi scientific bagkus isang metaphysical theory at ito ay dapat tinuturo sa philosphy at hindi sa science class.

Mayroong mga claims na ang majority ng funds ng Discovery intstitute ay mula sa mga christian fundamentalists organizations at mga individuals. Isa na nga dito ang philanthropist na si Howard Ahmanson, isang evangelical christian na nag donate ng millions of dollars. Ang Maclellan Foundation ay nagdonate din ng hundreds of thousands of dollars.

Ayon naman sa discovery institute, ang kanilang research ay dinedetermina ng board of directors hindi ng mga financial supporters.

Dahil dito, ang iba ay naniniwala na ang inteliigent design movement ay isang calculated approach para maipasok ang creationist view bilang orgins of life sa mga eskwalahan.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ouroboros

Saan nagmula ang virus?