Totoo ba na ang mga berdeng bata ay galing sa inner earth?

Reading Time: 14 minutes

Topics

Pinaniniwalaan na ang kwento ng dalawang bata na ito ay may katotohan at iba sa mga kakaibang kwento na nagmula sa england tulad nalang ng robin hood, king arthur at iba pa.

Story:

Mayroong dalawang kwento patungkol sa dalawang bata na ito.

Ayon sa isang historian noong 12th century na si William Parvus o mas kilala bilang William of Newburgh o Newbury, noong panahon ng pamumuno ng hari na si King Stephen (ruled 1135 – 1154). Ikinuwento niya sa kanyang libro ang istorya ng dalawang bata sa kanyang libro na “Historia rerum Anglicarum” o History of the Deeds of the English noong taong 1189.
Noong 12th century sa lugar ng england, sa isang village na tinatawag na wolpit sa bayan ng Suffok ay mayroong dalawang kakaibang bata. Isang batang babae at lalaki ang nagsasalita ng lengwahe na hindi maintinidihan ng mag taong naninirahan sa bayan na iyon, at ang tanging kinakain nila ay raw beans at ang pinaka kakaiba ay ang kanilang kulay. Ang dalawang bata ay kulay berde. Ang dalawang bata na ito ay napadpad lamang sa bayan ng woolpit,pinaniniwalaan na ang dalawang bata na ito ay galing sa kalapit na bayan kaya iba ang kanilang salita, ayon sa kanila ay galing ito sa Fornham St. Martin.

Ayon sa kwento ay binigyan ng pagkain ang dalawang bata nang sila ay matagpuan ngunit hindi nila ito kinakain kahit na sila ay gutom na gutom at halos matumba na. Sa hindi inaasahan na pagkaktaon ay dumating pa ang ibang taga bayan mula sa pag-aani ng mga beans, kinuha ng mga bata ang mga dahon ng beans kung saan tumutubo ang mga ito at umiyak ng makita na wala na ito sa dahon at naisipan ng mga tao sa bayan na kumuha ng sitaw at ibinigay ito sa dalawang bata. Hindi tulad ng pagtanggi sa mga unang pagkain na inaalok sa kanila ay agad nilang kinuha ito at kinain. Dumaan ang buwan mula nang matagpuan nag dalawng bata, ang tanging kinakain lamang nila ay hilawa na sitaw at hilaw na broad beans. Ngunit dahil sa tulong ng mga tao sa lugar ay natutunan na din nilang kumain ng mga normal na pagkain tulad ng tinapay at magmula noon ang kanilang kulay nilang berde ay unti-unting nagbago at nagiging normal na kulay ng balat ng tao.

Natuto na din ang mga bata na magsalita ng Ingles dahilan upang masabi nila na sila ay galing sa lugar na kung saan ang isang santo na tinatawag na Saint Martin of Tours ay kanilang sinasamba. Ayon sa dalawang bata ay inaalagaan nila ang mga alagang kambing ng kanilang ama ng makarinig sila ng ingay tulas ng sigawan at pagtunog ng kampana na galing sa kanilang simbahan at hindi nila namalayan na nakalayo na sila sa kanilang lugar at napunta sa bayan ng Woolpit. Nasabi din nila na ang kanilang pinagmulan ay isang Christian country na kung saan ay madami ang nakatayong simbahan ngunit madilim at halos hindi nasisinagan ng araw na aakalain na madaling araw o takipsilim palagi.

Noong nabinyagan ang dalawang bata sa lugar ng woolpit ay nagkasakit at nanghina ang batang lalaki dahilan para mamatay ito kaagad, ngunit ang babae ay nabuhay, lumaki at naikasal pa sa isang binata na taga Kings’s lynn sa bayan ng Northfolk.

Ayon naman sa isang English Chronicler na si Ralph of Coggeshall, sa isiniyang “Chronicum Anglicanum” o English Chronicle. Si ralph ay nakatira sa bayan ng Cogshell na kung saan dalawampu’t anim na milya ang layo sa bayan ng Woolpit o sabihin natin an Apatnapu’t dalawang kilometro. Sinabi ng taong ito na nakuha niya nag kwento patungkol sa dalawang bata mula sa kumupkop dito na si Richard de Calne ngunit walang patunay na ito nga angtaong kumupkop sa dalawang bata.

Kung ipagkukumpara ang kwento ni Ralph at ni William, makikita ang ilang pagkakaiba. Ayon nga kay william na natagpuan ang dalawang bata noong naging hari si King Stephen,ayon naman kay Ralph ay natagpuan ang dalawa bata noong panahon na ang tagapagmana na si Henry II ang namumuno noong 1154-1189. Ayon din kay Ralph ang batang lalaki ay namatay bago pa ito matuto ng salitang Inglish at tanging ang batang babae ang natuto sa salitang ito at nakapag kwento ng kanilan istorya.

Ayon pa kwento ni Ralph, ang dalawang bata ay nanggaling sa lugar kung saan ang lahat ng makikita ay kulay berde at naligaw ang dalawang bata sa pagsunod sa mga kambing na kanilang binabantayan hanggang sa makarating sila sa bayan ng Woolpit. Hindi lamang natapos ang kwento ni ralph sa pagtanda at pagpapakasal ng babae, nagtrabaho din daw ito at naging tagapag silbi sa tahanan ni Richard de Calne at ayon kay calne ang babae daw isang “nimium lasciva et petulans” o sobrang bastos at walang galang.

Green Skin:

Kahit na magkaiba ang kwento ng dalawang manunulat ay mayroon itong isang pagkakapareho, ang kulay ng dalawang bata ay berde. Dahil nga hindi pa sapat ang kaalaman ng mga tao patungkol sa mga kondisyon sa katawan ay hindi nila maipaliwanag kung bakit ganito ang kulay ng dalawang bata.

Ngunit sa pag usbong ng panahon ay mayroong paliwanag sa kanilang kulay. Pinaniniwalaan na mayroong sakit na ” hypochromic anemia” na kung saan ang sakit na ito ay sakit sa dugo na nagpapabago sa kulay ng balat ng isang tao na maaring maging kulay berde. Ayon ng sa kwento ni William ay matagal na hinid nakakain ang dalawang bata at halos mahimatay na sa gutom at ang batang lalaki ay malubha ang sakit. Kung ang dalawang bata ay totoo na naligaw at hindi kumain ng mga masusustansyang pagkain sa loob ng ilang araw o ilang buwan, maari nga na magkaroon ito ng Vitamin deficiency.

May ilan na naniniwala na nag dalawang bata na ito ay galing sa ibang mundo o mas kilala sa tawag na “Alien” dahil sa kanilang kakaibang salita at kasuotan, at ang kakaiba nilang kulay. Ayon sa libro ng isang manunulat na si Robert Burton, ang ‘The Anatomy of Melancholy’ na ang dalawang bata ay nahulog mula sa langit. Noong 1996 naman ay isang article ang lumabas sa isang analog magazine ang hypothesised ng isang astronomer na si Duncan Lunan na ang dalawang bata ay aksidenteng nakapunta sa bayan ng Woolpit mula sa kanilang planeta, dagdag pa na ang kanilang planeta ay mainit at ang kabilang side ay malamig.

Ayon sa kwento ng dalawang bata, nagbago ang kulay nang dalawang bata mula noong nakakain ito ng mga normal na pagkain dahil dito ay mas tumibay ang paniniwala na mayroon ngang Vitamin deficiency ang dalawa, o di kaya ay mayroon silang nalanghap na kung anong toxic sa kanilang paglalakbay.

Ang Isang gamot upang magamot nag sakit na ito ay uminom ng gamot at kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad na lamang ng gulay at mga prutas.

Earth’s Core:

May ilang nagsasabi na galing lang din ang mga bata sa mundo mismo, ngunit hindi sa lugar kung saan madaling puntahan ngunit napakahirap. Ang ideyang antipodes ang tinitignan na posiblidad na nagawa ng dalawang bata. Ano ba ang antipodes ? ito lang naman ang paraan ng pagpunta sa isang lugar na kung saan hindi ka lilipad o dadaan sa dagat. Maaring nag dalawang bata ay naisipan na lamang maghukay sa likod bahay o di kaya’y may nakitang butas at dahil sa kuryosidad ay pinasok nila ito at nakapunta sa lugar ng Woolpit.

Maliban sa Antipodes ay tinitignan din na posibilidad nag pagkakaroon ng hollow earth. Ang teoryang hollow earth ay nagsimula noong 1600’s mula sa isang English natural philosopher at polymath na si Edmund Halley. Ang taong ito ay nagpakita ng isang bagong paraan sa pagtingin sa stucture ng mundo, na ito nga daw ay isang hollow o mayroon pang mundo sa loob ng ating mundo. Ang teoryang ito ni edmund ay nagmula sa isang calculation ni Newton sa density ng mundo at nang buwan(moon) na ang kinalabasan ay mali. Ngunit nakatulong ito kay edmund upang maipaliwanag ang misteryo ng hollow earth na matagal niyang pinaghirapan. Sa tulong ng magnetic compass variations, o ang mabagal na shifting ng magnetic lines ng declination ay isa pinaka importante na kanyang inoobsebahan. Ayon kay Edmund ang mundo ay mayroong apat na magnetic poles ngunit hindi niya makita o malaman kung nasaan ang mga ito. Ginugol ng Edmund ang buhay upang makita ang mga poles na ito, naglayag na siya kung saan-saan gamit ang iba’t ibanglaki ng sasakyang pandagat ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya matagpuan ang kanyang hinahanap. Pinaniniwalaan din ni Edmund na may nabubuhay na tao sa ilalim ng atong mundo, ayon sa kanya ang mga luminous material sa isang mineral roof na matatagpuan sa bawat lugar ang nagiging simpleng liwanag ng mag nabubuhay sa ilalim ng ating mundo.

Matapos maipahayag ni Edmund ang teoryang ito ay nagbigay ng ideya sa ibang manunulat na dito nga nagmula nag dalawang bata.

Children Of Banjos:

Isang Kwento pa ang lumaganap noong 1887 sa bayan ng Banjos sa bansang Spain. Ilang trabahador ang nag-aani ng kanilang pananim ng biglang may narinig silang nakakatakot na pag-iyak. Sa kanilang paghahanap ay natagpuan nila ang dalawang bata na babae at lalaki, (Sounds Familiar ?) natagpang dalawang ito mula sa labasan ng isang kweba, sumisigaw sila ng kakaibang salita at damit nila ay parang gawa sa isang malambot na bakal at ang kakaiba ay ang kanilang kulay na kulay berde.

Kung mapapansin ay halos kaparehas ang kwento na sa kwento ng mga bata na natagpuan sa Woolpit. Kung pagkukumparahin natin ang dalawang kwento, natagpuan ang mga sa magkaibang at napakalayong taon. Taong 1188 sa bayan ng Woolpit at taong 1887 sa bayan ng Banjo. Ang mga bata sa Woolpit ay parang kabute na bigla na lamang sumupot samantalang ang bata sa banjo ay natagpuan sa isang kweba sa panahon ng tag-ani. Parehas na hindi maintindihan ang kanilang salita, hindi Ingles at hindi Espanyol. Ang kwento ng dalawang bata sa Banjo ay binigyan ng paglalarawan ang kanilang suot na damit, na kumpara sa mga bata sa woolpit ay inilarawan lamang sila na mayroong kakaibang kasuotan. Ang apat na bata hindi kumakain ng kahit kung hindi Benas lamang. Ang dalawang batang lalaki sa kwento ay namatay at sinabi na ang batang babae ay nabuhay. Ayon sa batang babae na taga woolpit aila ay nanggaling sa lugar kung saan puros berde ang makikita sa paligid at ayon sa batang babae na taga banjo ay sila ay galing sa lugar na makulimlim. Ang bata na nasa banjo ay nagsabing sila ay nakarinig ng sigawan at itinulak sila kasama ngh batang lalaki sa isang butas, at kumpara sa batang babae na taga woolpit nakarinig sila ng mga kamapana. Sa dulo ng dalawang kwento ay matapos ang limang taon sa paninirahan ng batang babae sa bayan ng banjo ay namatay ito, na kung ikukumopara sa bata sa woolpit na humaba ang buhay at nakapag asawa pa.

Lumabas ang kwento ng mga bata sa Banjo sa iang libro nng isang manunulat na si Mackliln, ang “Strange Destinies” ngunit hindi ito galing sa kwento sa ng mga bata sa woolpit, pinaniniwalaan na kinopya ito sa isang libro ni Thomas Keightley na “The Fairy Mythology” noong 1850.

Noong mabasa pa ng ibang manunulat ang kwento patungkol sa kwento ng mga bata sa woolpit ay nakagawa sila ng isang conclusion na, ang history ay naulit o pinaglalaruan tayo ng mga aliens. Ngunit kung hahanap ng patunay tungkol sa kwento na mga batang taga banjo ay walangh makita at isa pa ay walang bayan ng Banjo’s sa na makikita sa Spain.

Naulit nga ba? o nagpasalin-salin na lang ang kwento ay walng katotohana ang lahat ng ito.

Sources

Sources

  1. http://talesoftimesforgotten.com/2019/09/28/who-were-the-green-children-of-woolpit/
  2. https://www.avclub.com/it-wasnt-easy-being-green-for-these-mysterious-children-1821936142
  3. https://www.ancient-origins.net/unexplained-phenomena/green-children-woolpit-12th-century-legend-visitors-another-world-002347
  4. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vitamin-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355025
  5. http://anomalyinfo.com/Stories/1887-august-green-children-banjos
  6. http://www.jasoncolavito.com/blog/the-green-children-of-banjos-another-case-of-false-evidence-and-outright-lies

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Kung MATH ay universal, Paano at Kailan Ito Natuklasan?

Bakit mas mahina sa kuryente yung mga flatscreen TV?