Totoo ba ang napakalaking pyramid sa Bosnian? O isa lang itong natural landscape?

Reading Time: 14 minutes

Sa unang tingin aakalain mo na isa lamang normal na tanawin ang bundok sa bosnian. Pero alam nyo ba na isa itong alleged pyramid?

Well, normal na na ng bundok ay parang triangle shape. So bakit ito naging pyramid? anong nangyari? Ang video na ito ay request ni Melvin Monilla at hear this, nuon pang April 24 2019 to nirequest. Diba antagal? Pasensya na boss Melvin at natagalan, hopefully mapanood mo ang video.

Pyramid:

Ayon sa claims, ang Bosnian daw ay mayroong 5 pyramid, ang nakikita nyo na pinakamataas ay tinawag na pyramid of the sun at ito ay may taas na 220 meters of 722 feet. Sobrang taas nito kung ikukumpara natin sa pyramid of giza, nanliit ang giza dito dahil sya ay musakat lamang na 147 meters o 482 feet.

Ang ibang mga alleged pyramid ay pinangalanang pyramid of moon, love, earth at dragon.

Actually hindi naman na iba ang pyramid sa france,Ang kakaiba ay ang laki nito. you see, ang mga pyramid na nakita sa france ay maliliit lamang, halos kasing laki lang ng bahay. With that in mind, posible nga kaya na pyramid ang nasa bosnian o isa lamang tong bundok at niloloko lang tayo ni Sam Osmanagic?

Discovery:

Si Sam Osmanagich ay isang amateur archeologist at native sa bosnian. Nuong 2005 nagkaroon sya ng book tour at napadpad sya sa Visoko. Habang tinatanaw ang magagandang tanawin, napansin nya ang kakaibang hugis ng isang bundok. Para itong isang perfect triangle, parang hindi bundok. Parang sinadya.

Pinuntahan nya nag bawat sulok ng nasabing alleged pyeramid at namangha sya sa kanyang natuklasan. Ang mga gilid nito ay nakatutok exactly sa 4 na direksyon, North, East, South, West.

Sympre may bombilyang umilaw sa ulo ni Sam, teka, napakaimposible naman kung ito ay natural, man made ito at patunay ang 4 na sulok na eksaktong eksakto.

Kahit na walang emperical evidence si Sam, ang kanyang statement ay pinutakti ng media, daan daan ang nag-volunteer para tulungan sya sa kanyang excavation at libo libo ang pumunta para makita ang tinawag na pyramid valley.

Makes me wonder, maghanap kaya tayo ng bundok na hugis pyramid dito sa pinas tapos sabihin natin pyramid discovered in philippines. Madami din kayang kakagat?

Claims:

Ayon kay Sam, ang pyramid ay posibleng ginawa ng mga Illyrians na ayon kay Sam, tumira daw sa bosnian area mula 12,000 hanggang 500 BCE. Naniniwala sya na ang bundok ng visocica, o na pinangalanan nyang pyramid of the sun ay hindi natural.

Sa kanyang expedition, nakakita sya ng mga tunnel na pinangalanan nyang ravne tunnels. Ayon sa kanya isa itong sinaunang underground network na ginawa ng tao. Ang laki ng tunnel na ito ay umaabot ng 2.4 miles o 3.8 km long. Dagdag pa nito, nakakita sila ng fossilized na dahon at ito ay 34,000 years old.

Hindi lang yan ang claims ni Sam, ayan sa kanya nakadiskubrei sila ng tinatawag na standing waves sa tuktok ng bundok at ang waves na ito ay mas mabilis pa sa speed of light. Akalain mo un.

Ayon pa sa kanya ang standing waves na ito ay patunay na mayroong cosmic internet o internet na hindi lang dito sa ating mundo nakakanonek kundi intergalactic na. Isinama nya rin ang ancient astronaut hypothesis sa kanyang claims.

Support:

Napakalaking news ito para sa bosnian. Kahit ang prime minister at ang dalawang presidente ng bosnian ay naniwala dito. You see, ang bosnian ay dumaan sa napakalaking dagok, tinawag itong bosnian war o genocidal war na nangyari nuong 1992 hanggang 1995. NAsa 100,000 libong katao ang pinatay at 2.2 million ang pinalayas sa kanilang bahay.

Kaya naman ang discovery ni sam ay naging maugong dahil isa itong stepping stone para sa kanila. Ang pyramid mania ay mabilis na kumalat at nagdatingan ang mga turista. Ang mga locals nagtayo na ng mga tindahan kung saan nagbebenta sila ng mga pyramid themed souveners kagaya ng tshirts, mug, wood carvings, orasan at kahit sinelas di nila pinaligtas.

Nuong kumalat na ito internationally, pati ang mga foreigners ay bumisita na rin sa sinasabing pyramid valley at in turn mas nagbibigay ito ng income sa bosnian.

Si Sam ay nakalikom din ng libo libong dolyares mula sa mga kilalang tao at kumpnaya. Kahit ang former prime minister na si Mahathir Mohamad na bumista sa visoko nuong July 2006 ay nagbigay din ng kontribusyon.

Sam Osmanagić:

Well sino ba si Sam?

Si Sam Osmanagic ay ipinanganak sa Zenica, 20 miles sa hilagang bahagi ng visoko.  Nagkaroon sya ng masters degree in international economics and politics sa  University of Sarajevo.

Ilang taon matapos nyang makuha ang kanyang masteral, napasakamay nya ang doctoroate in sociology of history. Bago pa nangyari ang bosnian war, si Sam ay umalis ng Bosnia at tumira sa Houston Texas.

Dito nagtayo sya ng metalworking bussiness. Habang nasa texas sya, naging interesado sya sa Aztech, Incan at maya civilizations at umaalis din sya at binibisita ang mga pyramid ng central at south america.

Nag publish sya ng librong “The world of the Maya” kung saan dito pinaliwanag nya na ang mga hieroglyphics ng mga mayan ay naglalathala na ang kanilang mga ninuna ay galing sa pleiades. Para sa mga hindi pamilyar ang pleiades ay isang open star cluster na matatagpuan sa constellation ng taurus. Ito ang pinakamalapit na star cluster sa ating mundo.

Ayon sa kanyang libro, ang mga pleiades ay unang dumating sa ating mundo at tinayo ang atlantis. Dagdag pa nito, ang Maya calendar na mayroong 26,000 year cycle ay natapos nuong 2012 at sinabing

“humankind might be raised to a higher level by vibrations that will “overcome the age of darkness which has been oppressing us”

May isa pa syang pinublish na libro na pinamagatang Alternative History. Sa librong ito pinaliwanag nya na si Hitler at ang iba pang mga nazi leaders ay nakatakas gamit ang isang secret underground base sa antartica nuong nakipaglaban ito kay admiral richar byrd.

So in short isang conspiracist itong si Sam.

Skeptics:

Si Dr, Amer Smailbegovic ang naatasang suriin ang thermal images sa paligid, ang kanilang goal ay hanapin ang thermal inertia. In laymans term, hahanapin nila ang mga parte kung saan mabilis lumamig kapag gabi at mabilis uminit kapag umaga.

Ayon kay Amer, nakakita sya ng 9 na thermal inertia at lima dito ay mula sa visocica valley. Walang idea si Sam at si Amer kung bakit ang mga man made pyramids na kinaclaim nila ay may thermal inertia.

Turns out, kaya may thermal inertia ang mga sinasabing man made pyramid ay dahil sila ay mga bundok lamang. Basically ang mga may matataas an geographic points kagaya ng mga bundok, bulkan o ridges ay mayroong lowest thermal interta.

Nakakita rin sya ng mga network tunnels at ayon sa kanya ito ay nagkukunekta sa mga pyramids. Kung sakali na totoo nga ito, eh di sana na publish na ang findings na ito.

So ano ang mga tunnels, hindi sila mukhang tunnel ng isang pyramid, thats for sure. Kasi kung tunnel ito ng isang pyramid, well this will be the first. Wala pang pyramid na nadiskubre na mayroong network tunnels na magkokonekta sa ibang pyramid. Dun pa lang ibang iba na ang claims nya. Ang mga tunnel na kanyang nadiskubre ay may malaking posibilidad na isang mining area, i mean look at the structure, halatang pinagminahan. Wala ring ebidensya na ang tunnel ay nagkokonekta sa visocica o sa iba pang mga pyramid kuno.

Ayon pa kay sam, nakadiskubre sila ng mga layers ng fractured conglomerate at may mga cracked sandstone playes na naseseperate ng clay. Patunay na isa daw itong manmade. Well, ito ay isang malaking kagaguhan ayon sa mga geologist.

You see ang bundok ng central bosnia ay nabuo ten million years ago, at hindi ito magic na poof koko crunch, bundok ka na. It takes millions of years, ang mga sediments ay inaanod ng tubig na syang naipon sa may paanan ng bundok at habang tumatagal natatabuna ng natatabunan. Ayon sa geologist, ang nadiskubre ni Sam ay normal lamang at walang kakaiba dito, ang bundok ay mayroong layer of thickness ng iba’t ibang sedimentary rocks, clayes, sandstones at conglomerates dahil sa tagal ng panahon ng pagkakabuo nito.

Mystery:

Parang ang hiorap paniwalaan na ang isang pyramid shaped like mountain ay may mga bagay na hindi maipaliwanag. Posible nga kaya na totoong pyramid ito o ang mga misteryo na ito ay dahil din sa nakapaligid dito?

Nuong April 2011, si Dr. Solobdan Mizdrak ay nakakuha ng electro magnetic signal sa tuktok ng pyramid of the sun. Ito ay nasa 28 Khz. Maraming mga eksperto rin ang sumubok sa EM test at parehas ang kanilang nakuha.

Ayon sa mga eksperto, ang nakuhang signal ay isang natural VLF atmospheric. Ang VLF atmospheric ay mga electromagnetic impulses na nilalabas tuwing may thunderstodms. So natural naman pala, anong misteryo duon i hear you ask.

Well ang natural VLF atmospheric ay may shorter duration lamang na nasa 500 microseconds lamang and guess what, ang Elecromagnetic sa pyramid of the sun ay halos continous. Ang 2nd mystery ay mas malaki ang magnitude nito sa natural VLF atmospheric and lasly ang shape nito ay perfect sinusoidal waveform na ibang iba sa VLF, ang FLV kasi ay sine or quasi-sine weave form.

Sa mga tunnels naman kung saan nadiskubre nila ang small bluelake. Nakita nila na mayroon itong ionization level of 43,0000 negative ions which is 200 times na mas mataas kumpara sa labas at base sa pag-aaral dito perpekto ito para sa ating katawan dahil dito nagsisimulang magself heal ang ating mga cells. So posible nga ba na mayroong kakaibang kapangyarihan ang mga tunnels?

Well for one, may mga taong nakapagpatunay na bumiusita sila sa Ravne Tunnel at soon after, ang kanilang mga sakit ay nawala. May nakapagpataas ng lung capacity, nakapagpabalik ng glucose level pati na rin ang blood pressure. Lahat ng yan is backed up with medical evidences so hidni natin pwedeng idisregard ito.

Conclusion:

Sa aking personal opinion, ang Bosnian Pyramid ay isa lamang normal na bundok, hindi ito ginawa ng isang alien o kung sinaunang tao. Sure may mga anomaly na nadetect kagaya ng energy, pero hindi lang un ang basehan para matawag ito na man made. May mga anomaly tayo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Now the negative ion sa mga tunnels. We cannot deny the fact na nakapagpagaling talaga ito, but was it an indication na ito ay man made? My personal opinion no, dahil underground maraming considerations na papasok, ang mga minerals sa underground, ang tubig, ang environment.

Sure may mga anomaly kagaya nga ng nabanggit na dalawa na mahirap isangtabi, pero when we factor all the data, medyo still in my opinion leaning pa rin ako sa isa lamang itong bundok.

Maraming naniniwala na ito ay totoo, lalo na sa bosnian, sympre kapag di ka naniwala dito, yari ka. Para sa ibang mga supporters, ang mga ibang eksperto ay walang ideya sa kung ano ang totoo, habang ang mga website na hindi sumusuporta ay mga tinatawag na basura. literally, un ang nabasa ko sa isang page, kesyo basura nga daw ang nakalagay sa ibang mga website na tinatatrato ang bosnian pyramid na isang pseudo archeological.

Nonetheless, we have our own opinion at the end of the day. You might not agree or agree sa mga sinabi ko, still this is what i have gathered.

This is bulalord, and i officially do not believe in bosnian pyramid.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit blue ang rarest color sa mundo?

Pagkakapareho at pagkakaiba ng bacteria sa virus