Totoo ba ang Modern Illuminati? O isang prank na nagkatotoo?

Dito na tayo sa last part, Akala ko aabutin to ng 7 or 8 kagaya ng freemasons pero sa katunayan mga boss, the more i researched, the more i found out na gawa gawa lang sya. It is my opinion only, hindi ko sinasabing paniwalaan nyo ako. Again this video is only made to give out information, although my opinion may have effect on you, still, andito pa rin ang mga impormasyon.

Freemason and Illuminati connection:

First off, let us be clear, freemason and illuminati are different. Freemason ang isa sa pinakamatandang secret society. Ang illuminati ay ginawa ni Adam Weishaupt. It is true na naimpluwensyahan ang bavarian illuminati ng freemason tradition pero mga boss, most of the freemason groups, hindi nila inaacknowledge ang illuminati, may iba pa nga na badtrip dito kasi nga nadudungisan ang pangalan ng freemasons. Mas nauna ang freemasons, way way back bago pa ang illuminati tapos ang ibang mga conspiracy theorist sasabihin ang totoong nasa likod ng freemason ay mga illuminati.

Ang mga symbols on the previous videos, exists sa freemason, kaya nga ito rin ang dahilan kung bakit ang iba ay galit sa illuminati dahil nababahiran ng kasamaan ang kanilang samahan na kahit na sila ay mga theist naman. Now on the account of modern illuminati, i tried my best mga  boss pero wala talaga akong info kung kelan nagsimula ang modern illuminati. We know it started as a conspiracy, a prank probably, from there on tumatak na sya sa isip ng mga tao na meron pa ring grupo na in fact wala na based on historical events. So unlike freemason na alam natin ang mga lodges, alam natin ang mga members, alam natin ang kanilang mga meetings, ang illuminati ay hindi. As if they were just an idea.

It is possible na meron na ngang illuminati ngayon, lalo na’t meron na rin silang website. Sana clear tayo sa difference ng dalawa.

Symbols:

Isa sa mga diniscuss natin ay ang symbols at karamihan dito ay nakikita natin sa iba’t ibang bagay, isa na dito ang pera. Sa katunayan makikita rin ito sa mga mtv’s, politicians, news, meetings, may mga hand signs pa nga. Now mga boss, kagaya ng debunking natin sa moon landing, let us use our logic for a moment here. Hindi ba sobrang sikreto ng illuminati, then bakit sila magigive out ng clues? Think of it. I know sasabihin ng iba sa inyo, para pagusapan. Then it defeats the purpose of secret societies. Ano un, ginagawa nila at nagbibigay ng mga subtle references para sabihin na may pinaplano sila o isa silang illuminati. I mean come on. Lalo na ang mga symbols, halos lahat na ata ng may symbol na triangle, na korte na 6 bibigyan ng meaning. In fact mga boss merong isang empleyado na nagttarabaho sa isang broadcasting company at naglalagay sya ng mga logo ng illuminati, wala lang just for fun.

Tupac:

Isa ito sa mga conspiracy, na si tupac daw ay pinatay ng illuminati. Para sa mga bagets jan si tupac ay isang sikat na rapper, google search nyo na lang para di na humaba tong video natin. Anyway, bago namatay si tupac, ang kanyang huling album ay Don Killuminati: The seven day theory. Pangalan pa lang ng album parang nilulutong lechon na at ung mga kapitbahay nagaabang na. Ayon na nga namatay na nga si tupac. Ayon sa iba, ang salitang killuminati ay pinagsamang kill at illuminati. Ito daw ay dahil si 2pac ay kumakalas na sa grupo o nilalaban ang mga ito at dahil dito pinatay sya pero sa katunayan, ito ay narinig nya lamang nuong nasa kulungan sya. May iba namang nagsasabi na pineke nya ang sarili nyang kamatayan at babalik ito. Dahil ito mga boss sa kanyang album kung saan pinaniniwalaan na si Tupac ay nagpplanong baguhin ang kanyang rap name bilang Makaveli.

Michael Jackson:

Sympre hindi mawawala si MJ dito. Medyo hati ang mga conspiracist dito, ang iba sinasabi na isa syang miyembro ng illuminati at sya ay ginagamit para ibrain wash ang mga publiko. Let me ask you this mga boss, sa tinatagal tagal ni MJ sa industriya, sino sino ang mga nabrain wash nya? You might say yung mga kaso nya, remember, ibrainwash ang publiko. Eh di kung ganun, Hindi nya ginawa ang kanyang trabaho dahil nalaman pa rin.

May iba naman nagsasabi na hindi sya miyembro ng grupo bagkus nilalabanan nya ang grupo kasi kinocontrol nito ang music industry at ito ang dahilan kung bakit pinatay o namatay si MJ.

Jay-Z:

Ano ba naman Jay-Z, andun ka na nga sa soul selling, pati ba naman dito. Sa katunayan mga boss, maraming naniniwala na isa sya sa mga lider ng illuminati. Why? Lagi nyang sinasign ang pyramid. Huli ka na Jay-z. Illuminati leader! Pero kidding aside mga boss. Ang kanyang hand sign ay ang simbolismo ng diamond ng roc -a fella records. So asan ang diamond jan i hear you ask. Well mga boss, ang rock ay isang slang term ng diamonds, ayon sa origins ng gesture na yan.

You’ll be amaze mga boss dahil ang hand sign na yan ay hindi si Jay-Z ang nagpauso, kundi si Diamond Dallas Page, isang wrestler. In fact nakatrademark ito sa kanya. Which means na sya ang kaunaunahang nagpublish nito. Of course nuong nakita nya na ginagamit ito ni Jay-z, kinasuhan nya si mokong. Pero sympre, they settled. So clear na tayo sa hand sign.

Meron pang isang issue si Koyang, ang soul selling. Sa katunayan maraming mga conspiracist ang dinamay pa ang anak nito na si blue ivy. Ayon sa mga ito, pag binaliktad ang pangalan ng bata, yvi eulb na ang ibig sabihin ay lucifer’s daughter. hindi lang yan, ginawan pa ito ng ano bang tawag dun accronym, aun accronym nga. Ang blue aay Born Living Under Evil at ang ivy naman ay Illuminati’s Very Youngest. Takte kaya andaming nagsasabing “lord” ang pangalan ko sa dulo, isa daw akong pekeng propeta. Hay naku kayo talaga, inom kayo ng gamot next time ha. Wag kalimutan.

Sa katunayan ang yvi eulb ay isang gibberish word lamang, try nyo, punta kayong google translate tapos type nyo lucifers daughter tapos select nyo latin. Diba… Sadyang mapaglaro lang talaga ang isip ng mga tao at lahat binibigyan ng kahulugan. Pati bata idadamay sa mga kalokohan nila.

NASA:

Yes nasa ulit. LAgi naman tong laman ng conspiracy eh. Well i’ll be straight to the point sa isang tao. Ayon kasi sa mga hoaxers, pag tinaype mo ang kabaligtaran ng illuminati sa web address bar ng browser mo. Try mo lang open ka ng browser tapos type mo tong nasa screen “http://www.itanimulli.com/”. wait 5 seconds… Tapos na? Di ba magic, napunta sa nasa. So it was confirmed na ang nasa ay illuminati.

See this is the reason mga boss kaya andaming naniniwala sa mga conspiracy. Kung wala kang masyadong idea sa internet o hindi ka techy person sasabihin mo ay, wow, oo nga no. Tapos ikakalat sa friends and stuff at mas lalong kakalat. Mga boss, isa lamang itong redirect. Kahit sino po pwedeng gumawa nito, bumili ka lang ng domain at voila may conspiracy ka na. Pwede ring may gumawa ng 666 at magredirect sa youtube. Talagang ang iba sa atin, hayok lang sa mga ganitong ideya.

Media and Google:

Maraming nagkalat na videos sa internet especially youtube. Sabi nga ng mga hoaxers, ang illuminati daw ay hawak na ang mainstream media pati ang youtube infact ay kontrolado na din ng mga illuminati. Think of it, i mean really think of this mga boss. Hawak na ng illumaniti and yet may mga nakikita tayong mga videos against them at hindi ito pinapakielaman ng google o ng media. Maraming websites din na ineexpose ang illuminati but still nakapublish pa rin sila. Walang censorship or blocking na nangyayari. If you were a corporation or a group at makakasira ito sa organisasyon nyo, you would’ve take action. Logic na yan.

Tapos halos lahat na ata ng mga kilalang artista especially sa US na namatay, illuminati ang may gawa nito. I mean seriously. Lahat gagawan ng kwento basta sikat.

Dito sa youtube andami daming mga videos na nagkalat kesyo illuminati confirmed, illuminati si ganito. I am not saying they are wrong, in fact gumawa din ako ng mga simbolismo but to my defense, i was stating na ito ay mga conspiracy lamang, hindi totoo hanggat hindi napapatunayan. Ang gusto kong ipoint out mga boss is bago kayo maniwala, kagaya ng lagi kong sinasabi, do a quick fact check. Napakaimportante po nun. You may agree or disagree sa mga sinabi ko, and i respect that. Hanggang dito na lang muna mga boss. Change topic na tayo next video. Sana ay may bago kayong natutunan sa video na tio.

Source 1

Source 2

Source 3

Source 4

Source 5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang pagkabuhay at pagkamatay ng Dinosaur – Dino extinction-

Ano ang kwento sa likod ng Gloomy Sunday?