Totoo ba ang Atlantis o isa lamang itong kwento?

Reading Time: 24 minutes

Topics

Pinaniniwalaan na mayroong isang isla na minsan ay umusbong noong matagal na panahon,isang isla na kung titignan ay sobrang yaman at sobrang ganda.

Isang isla na masasabi mong isang paraiso, dahil na din sa pamumuhay ng mga nakatira dito.

Ngunit totoo nga bang nagkaroon ng ganitong isla noong unang panahon ?
Totoo ba na minsan itong umusbong at nakilala ng buong mundo ?
Sino ang mga ito, ano ang kanilang tunay na kwento ?

Atlantis & Plato:

Ang kwento ng isla na ito ay matagal nang palaisipan para sa mga eksperto. Ang isang napakagandang isla na nawala na lamang ng isang iglap at hindi na muli nakita pa.

Pinaniniwalaan na ang kwento na ito ay totoo, well ayon sa isang philosopher na si Plato. Ang Greek philosopher na ito lang naman ang nagpasimuno ng kwento patungkol sa isla. Ayon sa kanya, ikunwento ito sa kanya nang kanyang lolo, na pinagkuwentuhan ng kanyang kalolo lolohan. Halos walong libong taon na ang tanda ng kwento, narinig daw ito ng kanyang Great Great granfather mula kay Solon. Si Solon lang naman ang isa sa pinakamatalinong griyego na nabuhay. Ngunit ang kwento patungkol sa isla, ay ibinahagi lang din kay Solon ng isang pari na mula sa Ehipto.

The Story:

Alamin muna natin ang kwento ng lugar na ito.

Nag umpisa ang kwento noong naghati hati ng lupain ang mga Greek Gods. Ang mga hiwa-hiwalay na isla mula Spain hanggang Central America ay napunta sa pangangalaga ni Poseidon(Lord of the Ocean). Ang isa sa mga isla na ito ay halos kasing laki ng buong “Asia Minor”( Mula Italy hanngang Lebanon).

Sa paggagala ni Poseidon upang tignan ang bawat isla, nakita niya ang isang isla na tinuring niyang paraiso dahil sa sobrang gandang taglay nito. Ang mga dahon sa bawat puno ay kumikinang, at ang pastulan na sobrang linis at punong puno ng mga berdeng dahon. Ang bawat bulaklak sa lugar na ito ay mabango kung saan mahuhumaling ka sa mga amoy neto. Ang tubig na dumadaloy sa batis ay sobrang linaw.

Noong makita ng Diyos ang mga tao, napagtanto nitong matatalino at magaganda ang itsura ng mga tao. Dahil nga, bago pa lamang ang lugar, wala pang namumuno at samahan na nabubuo dito; kahit ang isla ay hindi pa nila nabibigyan ng pangalan.

Habang patuloy na nililibot nag isla, nakilala niya ang isang babae. Ayon sa kanya, ito ang pinaka magandang babae na nakita niya sa kanyang buhay. Ang pangalan ng babae ay Cleito, ang mga mata ng babaeng ito ay kasing asul ng kulay ng dagat. Dahil sa taglay nitong likas na kagandahan, inasawa ito ni Poseidon.

Dahil sa makapangyarihan si Poseidon, ang babaeng si Cleito ay pumatol sa kanya. Ang unang anak nila ay pinangalanan na Atlas, at pinangalanan ni Poseidon ang buong isla na “Atlantic” at ang mga nakapalibot na karagatan ay tinawag niyang “Atlantis”.

Kung ilalarawan ang Diyos na ito; isa itong barumbado, seloso, at walang tiwala sa mga mortal na tao. Maging ang kanyang asawa na si Cleito ay hindi niya pinagkakatiwalaan, dahil dito ay gumawa si poseidon ng tatlong malalalim na lawa na nakapalibot sa tahanan ng babae. Ang bawat lawa ay mayroong lawak at layo sa isa’t isa na isang kilometro.

Nang lumaki ang sampung anak ni poseidon na galing kay Cleito, ang mga ito ay ginawa niyang hari at binigyan kanya-kanyang bahagi ng isla. Sa utos ni poseidon, bumuo ng isang samahan ang kanyang mga anak na pinangunahan ni Atlas. Ang mga anak ni Poseidon ang namuno sa buong lugar ng Atlantic at tumulong sa lahat ng tao na nandito. Ang mga Atlanteans ay masisipag at matatalino, dahil sa kanilang natural na kagalingan sa lahat ng bagay ; nakagawa ang mga ito ng mga teknolohiya na ginamit nila upang mapaunlad ang buong isla.

Ang mga Atlanteans ay humingi ng permiso kay poseidon upang bumuo ng mga kakaibang gusali, pumayag si Poseidon sa mga tao. Sa gabay ng sampung hari at gamit ang mga kulay na puti, itim at pulang marmol, nakabuop ang mga ito ng malalaki at magagandang gusali. Nagtayo din ang mga ito ng isang palasyo sa bundok kung saan nakatira si Cleito, katabi din neto ang bawat palasyo para sa sampung hari ; bumuo din sila ng isang templo para kay Poseidon. Ang templo ay binuo gamit ang mga espesyal na bato at marmol, kasama na din ang ginto.

Ang mataas na templo na ginawa ng mga tao para kay poseidon ay isang palaisipan para sa mga taga ibang lugar na bumibisita sa isla. Ang patulis na tuktok ng templo ay halos umaabot hanggang ulap, at makikita din ang mga imahe kung saan si poseidon ay nakasakay sa kanyang karwahe. Ang nagsilbing kabayo ay mga nimpa at mga dolphin.

Gamit ang mahahabang tulay, ang paikot na isla ay nakakonekta sa isa’t isa. Ang natural na ganda nito ay nadagdagan pa nang magagandang hardin at maraming bukal na nagtataglay ng malinis at malinaw na tubig. Ang mga malalaking paaralan o unibersidad,laboratoryo,obserbatoryo,aklatan na maaring puntahan at bisitahin ng lahat ng tao sa isla.

Ang ibang bahagi ng lugar ay abala sa iba’t ibang industriya at kalakalan. Gamit ang mga nadidiskubre ng kanilang mga eksperto at mga mag-aaral, ginagamit nila upang ipangkalakal sa ibang bansa. Ang Atlanteans ay naghukay at bumuo ng isang malaking canal, gamit ang daan na ito maaring dumaan ang mga malalaking barko na galing sa ibang lugar upang makapasok sa kanilang isla.

Para sa mga taong bumisita sa lugar, lahat ng tao sa Atlantic ay magaganda’t gwapo. Namamangha din ang mga ito dahil sa magandang pamumuno ng sampung hari, at sa magandang relasyon ng mga ito sa kanilang pinamumunuan. Pinuri din ng mga bisita ang kakaibang talento ng mga tao, ang magandang dagat, ang malinis na hangin; ang maingay na palengke kung saan makikita ang mga taong nagbebenta’t bumibili ng magagandang gamit at masasarap na pagkain.

Dinagdag pa nag isang malaking kasayahan na nagaganap kada limang taon. Nakita ng mga bisita ang mga tao na masayang kumakanta’t sumasayaw sa bawat daan ng isla. Ang pagsasaya din ito ang araw ng pagsasama-sama ng sampung hari sa templo ni poseidon upang makipag usap sa mga tao ng atlantic.

Inilalalabas din ang mga malalaking toro mula sa kanilang kulungan. Ang mga ito ay nakatali lamang sa loob ng templo, kung kaya naman maraming tao ang nagkukumpulan upang tignan ang mahaba at matutulis na sungay; habang ang mga matatapang na kalalakihan, kasama na ang mga madirigma ng isla ay naghahanda para sa nalalapit na pangangaso.

Matapos ang pag-uusap ng mga tao at nang sampung hari, sinimulan na ang pagpapakawala sa mga toro. Ang mga kalalakihan ay nagsimula na ding hulihin ang toro, dahil ito ay mabigat at malakas. Hindi nagtagal, isang grupo ng mga kalalakihan ang nakahuli at nakapag patigil sa toro. Ang toro ay inalay kay poseidon, simbolo ng pagpupuri sa Diyos ng Karagatan. Ang ibang toro ay ibinalik mula sa pagkakakulong, atdito natapos na din ang kasiyahan.

Sa bait ng mga tao sa atlantic, hindi nila ipinagdamot sa ibang lugar at bansa ang kanilang karunungan. Umalis ang mga scientist kasama na ang mga technocrats upang ipamahagi ang kanilang kaalaman, tinuruan nila ang mga Egyptians at mga Mayans kung paano makabuo ng isang pyramids. Pumunta sila sa bayan ng mga griyego upang ituro kung paano magkurba ng isang tao o tinatawag na “Atlantes architecture”. Itinuro nila mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga kaalaman mula sa metal, pagtingin sa kalawakan, paggawa ng mesina, at iba pang bagay na makakatulong sa mga ito.

Ayon sa kwento, ang mga eksperto mula sa atlantic ang nag imbento ng mga letra. Pinaniniwalaan na ang mga ito ang nagturo sa mga tao kung paano magsulat at mag basa. May kumalat na balita patungkol sa isang bagay na natagpuan ng mga ekperto mula sa kanilang paglalayag. Ang balitang nakahanap daw ang mga atlanteans ng isang kakaibang force kung nagmumula sa labas ng kalawakan, kung sakaling makakuha sila ng enerhiya mula dito. Magagawa ng nang tao ang kahit ano na gusto nilang gawin.

Ngunit lahat ng ito ay hindi nagtagal. Ang ibang bansa ay nainggit sa tagumpay na natatamo ng mga tao sa isla at napagksunduan na ito ay sakupin at sirain. Pinaniniwalaan na noong 9500 BC, naganap ang madugong labanan ng maraming nasyon laban lamang sa atlantis. Habang nagaganap ang labanana ay nagkaroon ng malaking unos kung saan bumagyo at nagalit ang dagat.

Pagdating ng umaga, wala na ang dating maganda at mayamang lugar. Pinaniniwalaan na sinira mismo ni poseidon dahil sa inggit na natatamo ng mga tao. Ngunit walang maayos na paliwanag patungkol dito dito.

Life and People of Atlantic:

Ayon sa paniniwala, ang mga namumuhay sa isla ng Atlantis ay hindi normal na tao. Ito ay isang “Extra terrestrial”( uhm alien ?”) na pumunta sa mundo noong 50,000 years ago. Ayon sa paglalarawan, ito ay matatangkad, mapuputi at mayroong magagandang balat. May paniniwala na ang mga ito ay nagmula sa tinatawag na “Lyrian Star System”. Umaabot ng halos 800 na taon ang kanilang buhay, at kinikilala din sila bilang “Tall ones”.

Ang iba ay naniniwala na ang mga tao sa isla ay mga Titan. Ang nilalang na ito ay mga higante kung saan pinaniniwalaan na namuhay mundo noong unang panahon. Ayon sa mga buto na nahukay ng mga Archeologist, ang mga ito ay halos 7-12 foot. Ang mga buto na nahukay ay nanggaling mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Ayon sa ilang manlalayag na espanyol, na “Sinasabi” nakita nila ang mga ito. Mayroon itong dilaw na buhok at may taas na 8-12 foot. Ayon sa paniniwala, nakabuo ang mga ito ng isang genetic manipulation kung kaya nagkaroon ng maliliit na tao. Ang mga maliliit na nilalang ay ginawa nilang trabahador.

Ayon sa kwento, ang teknolohiyang ginagamit ng mga atlanteans ay kakaiba. Ayon naman sa paniniwala, ang teknolohiya ng mga ito ay may kakayahang kontrolin ang panahon. Kaya nilang magpanatili ng isang klima sa loob ng matagal na panahon, ngunit minsan ay trip nilang gumawa ng bagyo. Kaya din nilang gumawa ng isang bagay kung saan nakakaapekto sa mga bulkan. Dahil dito, ang ilang lugar na walang kaalam alam sa kayang gawin ng teknolohiya ay nawawalan ng tahanan at minsan ay namamatay. Naniniwala ang iba na ang mga teknolohiya ng mga ito ay nasa ilalim lang ng dagat, o di kaya’y nakabaon lamang sa iisang lugar.

Isa sa pinaka sikat bagay na mayroon ang mga atlanteans ang kanilang crystal. Pinaniniwalaan na ito din ang dahilan ng tuluyan na pagkawala ng isla.

Ayon sa kwento, ang crystal ay isa sa pinaka mahalagang bagay sa isla. Gamit ito, nakakabuo sila ng isang enerhiya upang makabuo ng isang bagay. Bagay tulad na lamang ng mga panggamot, bagay na gamit sa pag-aaral. Ang isang crystal ay may kakayahang maglipat ng isang energy, o di kaya’y magtago at magtabi ng isang enerhiya.

Ito ang ginagamit nila upang magkaroon ng mga buhay ang mga gamit na kailangan ng kuryente. Pinaniniwalaan na noong una ay ginagamit lamang nila ang mga nakukuhang enerhiya mula sa crystal sa mabuting bagay, ngunit may maga nakaisip na gumawa ng kalokohan. Nagkaroon ng aksidenteng pagkabuhay ng mga bulkan, nalusaw ang mga bundok, at pinaniniwalaan na nagkaroon din ng pagbabago sa axis mismo ng mundo.

Disappear:

Dahil sa kwento ni Plato sa biglaang pagkawala ng nasabing isla, may ilang teory ang lumabas kung paano ito nawala.

Ayon sa iba, ang Atlantis ay isang isla na makikita sa gitng Atlantic continent. Ayon sa isang libro na nagngangalang “Atlantis, The Antedilivian World” na isinulat ni Ignatius Donnelly. Ayon dito isang baha ang dahilan ng paglubog ng nasabing isla. Ang paggagalaw ng mga tectonic paltes na dahilan din ng pag galaw ng tubig sa karagatan ang tinitignan na dahilan ng manunulat na ito.

Marahil ay narinig mo na ang sikat na “Bermuda Triangle”. Ayon ulit sa isang manunulat na si Charlez Berlits, noong 1970’s sinabi neto na makikita ang isla sa kontinente ng Bahamas at kinain ng “Bermuda Triangle” ( I don’t think so )

Ayon naman kay Charles Hapgood sa kanyang libro noong 1958, ang atlantis ay ang Antartica sa panahon ngayon. Pinaniniwalaan ng taong ito, 12,000 years before ang crust ng mundo ay umikot. Dahil sa pag-ikot nito, gumalaw ang lahat ng kontinente sa mundo at napunta ang atlantis sa kinalalagyan ng Antartica nagyon.

May mga naniniwala naman na hindi totoo ang atlantis, ngunit ang kwento nito ay ibainase sa tunay na pangyayari. Pinaniniwalaan na ang naganap na pag-agos ng malakas na tubig sa Bosporus mula sa Mediterranean Sea, dahil sa pagkapuno ng tubig mula sa Black sea noong 5600 BC.

Ang isang lumang pangyayari na ikinakabit sa kwento ng atlantis ay ang “Minoan Civilization”. Pinaniniwalaan na ang mga tao na ito ang pinaka unang civilize island sa bansang europa, at ang mga ito din ang nagpasimuno ng mga salita at sulat ng mga european. Noong 1600BC, nagkaroon ng malakas na lindol dahil sa isang Volcanic Eruption. Dahilan sa pagsabog nang bulkan, nagkaroon ng malaking tsunami na dahilan upang mawala ang bayan na ito.

Exist:

Mula pa noong 19th century, ang paghahanap sa nawawalang isla na ito ay matagal nang ginagawa ng mga eksperto. Dumaan na ang halos 2,400 na taon, ngunit wala pa ding nakikitang ebiudensya na makakapag patunay na mayroong nang “Atlantis” na isla ang minsan ay nabuhay sa mundo.

Ayon sa ibang tao, isa lamang ito sa mga kathang isip na nabuo sa isipan ni plato, o di kaya ng kanyang mga ninuno. Ayon naman sa iba na naniniwala, ang kwento na ito ang nagbibigay ng inspirasyon para sa mga tao upang bigyan ng pansin ang mga nangyari mula pa noong unang panahon.

Maraming Historian, mga sikat na manunulat ang naniniwala sa Atlantis. Binabase nila ang kanilang paniniwala sa mga kwento ng mga Malays at mga Aztecs na sila ay minsang nagpunta sa nasabing isla. Ang mga sinaunang tablets na nagpapakita ng imahe ng dalawang kontinente(Atlantis & Lemuria), isama na din ang mga sinaunang mapa na kasama ang isla ng Atlantis.

Ayon kay Maxine Asher, ang Co-director ng isang scientific expedition kung saan pinaniniwalaan na nahanap ng kanilang grupo ang nawawalang isla ng atlantis. Nahanap nila ang isla sa kalaliman ng dagat. Noong 1973, nagbigay ng report ang kanilang grupo na nagsasabing,nakahanap ang mga scuba divers ng mga data kung saan makakapagpatunay minsan ngang umusbong ang nasabing lugar.

Natagpuan sa ilalim ng dagat ang mga mahahabang daan, na mayroong kakaibang desesnyo at katulad na katulad ng pagkakalarawan ng Philosoher na si Plato. Ayon sa isang Documento na tinawag na “History of Golden Ages”, nakalagay dito na mayroong nahanap na sirang gusali;pyramids; mga canals,at iba pang artifacts sa malalim na bahagi ng dagat sa Bahamas. Ang nasabing lugar ay malapit sa karagatan ng Europa at Africa, sinasabi na kasing laki din ito ng pinaniniwalaan na isla ng Atlantis.

Ang mga nakitang pyramid sa ilalim ng dagat ay pinasok at inobserbahan ni Dr. Ray Brown, kasama na din ang apat pa na divers noong 1970. Nakakita ang mga ito ng sira sirang daan, hindi kilalalng mettalic instrument, at isang istatwa na mayroong hawak na kakaibang bagay. Ang mga nakuhang crystal, at kakaibang materyal ay dinala sa isang unibersidad sa Florida upang pag-aralan.

Ayon pa sa ibang research, noong 1960’s sa isla ng Binini. Nakahanap ng parehong mga gusali ang nakita ng isang Doktor na si Mansan Valentine. Ang dagat na nakapalibot sa isla ng Cay Sal sa bahamas ay nakitaan din ng ganitong mga bagay. Maging sa Morocco, sa lalim na 50 hanngang 60 feet nakita din ang nasabing mga bagay.

May mga naniniwala na ang isla ay makikita sa ilalim ng Rio Grande Rise. Habang ang grupo ng mga hapones na tinatawag na JAMSTEC ( Japanese Marine Geological Agency) kasama pa ang isang grupo na mula sa brazil. Ayon sa balita, ang mga ito ay gusto lamang pag-aralan ng mga ito ang crust ng mundo. Sakay ang isang Submarine “Shinkai 6500”, mula sa ilalim ng rio grande rise nakahanap sila ng mga granite. Kung titignan sa pag-aaral, ang isang granite ay hindi maaring mabuo sa ilalim ng dagat. Ngunit kung makikita ito sa ilalim ng dagat, ito ay matatawag na “Basalt”.

Ang basalt ay nabubuo mula sa isang lava, kapag ito ay lumabas mula sa isang bulkan at nagtataglay ng isang init na halos 1100 hanggang 1250° C. So kapag lumamig ito, ito ay magiging solid rock.

So balik tayo sa Rio Grande, pinaniniwalaan ng mga hapones na mayroon itong kinalaman sa nawawalang isla ng Atlantis. Ayon sa mga, marahil ay dahil sa pag crash ng isang tectonic plate kaya lumubog ang nasabing isla. Ngnit hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan.

Ayon sa iba, ang isla ng Santorini na makikita sa Mediterranean. Pinaniniwalaan na ang isla na ang pinaka maihahantulad sa paglalalrawan ni plato kung titignan ang laki ng isla. Ang isla ng Santorini ay pinamahayan ng mga Minoans noong unang panahon, malayo man sa pangalan ng Atlantis marami pa din ang naniniwala na ito ang nasabing isla.

Ngunit ang islang ito ay sumabog lamang noong 16000 BC. Nabuhay si plato noong 428/427 BCE, at sinasabi na hindi hindi volcanic eruption ang sumira sa atlantis kung hindi isang flood o di naman isang lindol.

May mga nagsasabi naman na ang isla ng Atlantis ay katabi lamang ng isla Santorini. Ang isla na halos nakalubog sa sa lalim na 400 feet, na tinawag na Cyclades Island, sa laki ng isla na ito ang ilan sa bahagi nito ay umaabot sa ibabaw ng dagat. Ayon sa mga theorist, ang lokasyon ng isla ay isa sa pinaka ebidensya kung bakit kailangan itong bilang ang lumubog na Atlantis.

Ayon sa pag-aaral, ang mga nagsalin ng mga salita patungkol sa kwento ni plato ay nagkamali. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroong ng iba’t ibang paniniwala kung saan ba talaga matatagpuan ang isla ng Atlantis.

Para sa mga ibang theorist, ang isla ng atlantis ay lumubog dahil sa biglaang pagtaas ng tubig matapos mangyari ang Ice Age noong 8000BC. Ngunit, wala pang nagpapatunay patungkol sa teoryang ito.

Ayon sa isang research noong 2003, nakakita ang mga German scientist ng isang imahe na lumabas sa kanilang Sattelite. Ang imahe ay nakita sa Atlantic Coast, lumabas na ito ay kahugis ng nasabing isla ng Atlantis. Ayon sa isang Archeologist na si Richard Freund, nakahanap siya ng isang kakaibang ebidensya na walang katulad sa ibang mga ebidensya na nakita ng ibang researcher.

Si Freund ang nag-aral sa lugar na nakita, gamit ang mga infrared sattelite nahanp niya ang nabuong imahe. Imahe na pinaniniwalaan niyang gusali ng nasabing isla. Dahil nga nasa kailalim laliman ng putik ang mga imahe, nabuo ang teorya ni Freund. Ayon sa archeologist, tsunami ang dahilan kung bakit natabunan ang isla at lumubog ito sa putikan.

Upang mapag-aralan pa nang mabuti ang nasabing lugar, nag baon ng isang metal o “Rods” na kinabitan ng electrical cable. Noong ito ay nilagyan nila ng kuryente, sa pag-oobserba sa galaw ng kuryente,malalaman gaano kalalalim nakabaon ang isang bagay.

Ayon sa grupo ni Freund, may mga nakita silang pader, ngunit nag mga ito ay hindi makabuo ng isang ganap na konklusyon dahil hindi nahihirapan silang hukayin ang nasabing lugar.

Atlantis & Bible:

Para sa karamihan, ang bibliya ang isang gamit upang tumingin sa nakaraang panahon. Kumbaga ang Bibliya ang nagsisibing timeline ng karamihan. Ayon sa mga humanap ng ebidensya patungkol sa isla ng Atlantis, may mga makukuhang ideya kung magbabasa ng Bible.

May paniniwala na ang anak ni Noah na si Japhet ay inihahantulad kay Iapetus, ang anak nila Uranus at Gaia. Si Iapetus ang pinaniniwalang ama ng titan na si Atlas. Pinaniniwalaan din na ang Titan Atlas na ito ay ang hari ng Atlantis na si Atlas.

Ayon sa paniniwala, ang mga higanti ay anak ng Diyos na nabuhay sa Atlantis. Dahil nga pinaniniwalaan na anak ng Diyos at ng isang mortal ang mga namumuno sa isla. Mababasa sa

Genesis 6:4
“The Nephilim were on the earth in those days—and also afterward—when the sons of God went to the daughters of humans and had children by them. They were the heroes of old, men of renown. “,

dahil sa verse na ito, pinaniwalaan na ang diyos ay nagkaroon ng madaming anak. Pinaniwalaan na ang mga tao sa Atlantis ay ang mga Istraelites, at ang mismong Atlantis ay ang bayan ng Babylon.

Kung titignan, halos ang lahat ng ito ay walang matibay na basehan. Ang mga istraelites ay nabuo lamang matapos ang labanan mula sa mga taong namumuhay sa dagat laban sa mga lokal na tribo. Kung ang bayan ng Babylon ang tinitignan bilang isang Atlantis. Ang sagot ng iba, ang bayan ng Babylon ay hindi pabilog tulad na lamang ng sinasabi ni Plato sa kanyang kwento. Masasabi din na mas matanda ang Babylon kumpara sa nasabing isla ng Atlantis.

Marahil ay madaming “Atlantic” ang umusbong noong panahon dahil nakikita ito mula sa iba’t ibang lugar ng mundo. Sa bawat teorya, kwento, paniniwal, ang lahat ng ito ay hindi kapanipaniwala lalo na kung ang pinagmulan ng kwentong ito ay isa lang din kwento.

Sources

SOURCES

  • https://www.scribd.com/document/369209072/Atlantis-the-Lost-Continent
  • https://www.history.com/news/top-6-theories-about-atlantis
  • https://www.scribd.com/document/186511195/Atlantis
  • https://www.windows2universe.org/earth/geology/ig_basalt. html
  • https://www.atlantis-scout.de/atlantis_bible. htm

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Astral Projection?

Apelyido or last Name