Totoo ba ang ahas sa robinson?

Reading Time: 11 minutes

Robinsons snake, ang daming request nito sakin at andami na ding gumawa ng video. Well, ang channel na ito dapat ay skeptic channel dahil lahat hinahanapan ko ng lohikal na sagot. Well anyway, im sure pamilyar na kayo sa urban legend na to. Kesyo may ahas daw sa ilalim ng robinsons at nangunguhaw daw ng mga babae. Bakit hindi lalaki? Bakit babae lang? Isa pa, papaanong nagkaroon ng taong ahas considering na iba ang DNA structure ng ahas sa tao. Yung mga gantan na tanong, teka. Di kaya kapatid sya ni medusa?

Sa mga ibang tao pag kwinentuhan mo ng ganito, panigurado sasabihin ay oo naring ko yan, meron nga dun sabi ni ganito o sabi ni ganyan, nakita nga daw ni ganito. Tapos nung nakaraan may nawala daw na babae. Eh bakit walang police reports? Let’s analyze this urban legend shall we? Teka lang, bago ka magpatuloy, kung ikaw ay isang conspirashit at malakas ang paniniwala na ito ay totoo, please lang wag ka ng tumuloy manood.

Andito ka pa rin? Good, magsimula na tayo.

Legend:

Si John Gokungwei, Isang Filipno Chinese tycon ang biniyayaan ng dalawang anak, isang normal na batang babae na si Robina Gokung wei at ang isa, well…. isang kakaibang nilalang. Isa itong kalahating tao at kalahating ahas. Although walang nakakaalam kung ano ang totoo nitong itsura kung ito ba ay may ulo ng ahas o tao o may ktawan ng ahas o tao. Mostly ang interpretation nito ay katulad ng nakagisnan natin, si Medusa.

Ayon sa kwento, tinago daw nila ito sa publiko. Symore nga naman isang taong ahas, imaginine nyo ang magiging uproar ng media nunon tapos isa pang kilalang tao. Ang mga nakakita naman sa taong ahas ay binabayaran nila para manahimik. Sympre bilang may dugo ng ahas, ang gusto nito ay fresh meat. Binibigyan sya ng mga buhay na hayop para gawing hapunan.

Isang araw naging agrisibo ang batang ahas at inatake ang nag-aalaga sa kanya. Nalasahan nito ang karne ng isang tao at nagustuhan nya ito. Simula nuon ang gusto na lamang ng bata ay ang karne ng isang tao.

Habang tumatagal, ang batang ahas ay lumalaki at sa sibrang laki nito, ang kanilang mansion ay hindi naging maliit na para dito. Isa pa naging delikado na rin ang taong ahas dahil kumakaiun na din ito ng tao.

Nagkaroon ng plano, ang gumawa ng isang shopping mall sa lungsod at sa ilalim nito ay may malaking kwarto na syang magiging kwarto ng taong ahas. Dahil na din sa pagkasensitibo ng impormasyon, nagire sila ng mga architects mula sa ibang bansa.

Nuong matapos na ang gusali, dito na nilagay ang taong ahas. Para pakainin sya, ang mga dressing room ng mga babae ay kinustomized. Niilagyan ng mga spy camera ang mga ito at ang mismong fitting room ay nilagyan ng remote controlled floors na syang bubukas sa isang pindot ng remote.

Ang nilalang na ito ay mayroong special taste sa mga magagandang babae. Kaya’t ang mga ito lamang ang kanyang pinipili. May mga kwento kwento na ang mga sales clerk ay bigla na lamang nawawala. May mga ilan pang mga magulang na sumusugod sa mall para tanungin ang managers dahil ang huling alam nila, pumasok ang anak nila sa trabaho at hindi na umuwi. Pero hindi rin alam ng managers ang isasagot dahil ang karamihan sa kanila ay wala din naman talagang idea sa mga nangyayari.

May mga kwento pa na binibayaran na lamang ang mga magulang at ang mga makukulit na talagang hinahanap ang kanilang kamag-anak ay pinapakain sa nasabing taong ahas.

Isang araw, isang kilalang actres na si Ms. Alice Dixon ang pumunta sa mall na yon para magshopping. Sa kasamaang palad, pumasok sya sa maling dressing room. Nakita sya ng taong ahas at nainlove sa kagandahan ni Alice. Pause muna, so papaanong nakita ng taong ahas si alice? May dalawang variation yan, una mayroong mga cctv at ang TV ay direktang nakalagay sa kwarto ng nilalang kaya’t nakikita nya ang mga babae. Ang 2 kwento, one way mirror ang salamin ng fitting room at dito nakita ng taong ahas si Alice Dixon.

Nuong binuksan ng taong ahas ang trap floor. Sa kabutihang palad, nakakapit si Alice sa sahig at hindi sya tuluyang nahulog. Pero nakita nya ang isang nilalang sa ilalim nito. Nakatakas si Alice mula sa kanyang kamtayan. MAy ibang bersyon naman ng kwento na nainlove ang ahas kay alice at hindi sya pinatay hanggang sa nakatakas si Alice.

Ayon sa kwento, si John Gokungwei ay inutsan ang kanyang abugado na isettle ang kaso. Binayaran si Alice ng napakalaking pera at sinabing manirahan muna sa ibang bansa hanggang sa ito ay makalimutan na ng publiko.

Mayroon pang isang aktres na nahulog sa patibong at sa kasamaang palad, hindi na ito nakaligtas. Ito ay si Rita Avila. Again, ito ay kwentong barbero, mamaya ideconstruct natin ang statement sa kwnetong ito.

Ayon naman kay Robina Gokungwei, ang kanyang kakambal na ahas ay pinanganak nuong binuksan niula ang kanilng department store sa cebu taong 1985. Ang kanyang kakambal na ahas ay ang source ng knailang yaman dahil ito ay nangingitlog ng ginto. Pero may kapalit ito, at un ay ang karne ng isang tao. Katulad ng naunang kwento ang ahas ay nasa ilalim ng department store at nag-aabang ng kanyang makakain.

Interview:

May mga nabasa ako sa internet na ininterview daw si Alice at inamin ang kwento at may paiyak-iyak pa. Pero wala akong makitang video nuon, kahit news sa tabloid na inamin ni alice ang kwento. Wala. Hindi ko alam kung namandella effect kayo o talagang hindi ko lang makita ang video.

Ayon kay alice isa lamang itong espekulasyon. Pero sympre maraming hindi naniniwala dito at iniisip na binayaran lang si Alice para manahimik.

Analysis:

Lets go to the appearance first, dahil walang paglalarawan ang nasabing nilalang ang ating imahinasyon ang maglalaro dito. Pwedeng ang kanyang ulo ay isang ahas at ang katawan ay tao, pwede ding buntot ng ahas at katawan ng tao, katulad ng mga Naga.

Sinabi sa kwento na ito daw ay malaki kahit ang mansyon ay naging masikip para dito. Ibig sabihin, kung ito nga ay ahas, ito ay isang boa constrictor at hindi isang viper. Wala itong kamandag therefore ang kanyang mga biktima ay pinapaluputan nya hanggang sa mamatay.

Ngayon base sa kwento pinapakain nila ito ng karne ng isang hayop, assuming buhay. Kung ganun, ang tastebuds nito at possibly ang buong ulo nito ay hindi sa tao. Dahil kung ito ay sa tao, mas developed ang ating taste buds na malasahan ang mga pagkain and im sure bago ito pakainin ng karne sinubukan muna itong pakainin ng lutong pagkain at kung ito ay ulo ng tao, i doubt kakain ito ng raw meat. Therefore we can assume na ang ahas sa robinson ay may ulo ng isang ahas.

Ngayon pumunta naman tayo sa malls, ang sabi sa kwento bigla na lang daw mawawala ang mga babae.

Since na establish na natin na may ulo ito ng isang ahas, therefore ang killer instinct din nito ay isang ahas. Ibig sabihin kapag may target sya papatayin nya at kakainin nya ng buo at hindi na magtitira pa. Kung totoo nga na nawawala ang mga babae, ilan beses sya kumain sa isang buwan?

Kung titingin tayo sa animal kingdom ang isang python o sawa, ay kayang tumagal ng 10-14 days ng hindi kumakain, depende sa laki ng kinain nito. So kung sya ay kasing laki ng isang tao, at kumain sya ng isang buong tao, posible na nasa mga 30-40 days ang itatagal bago sya muling kumain. Ibig sabihin kailangan may nawawala at least monthly para mameet ang qouta na ito.

Ngayon ang tanong mayroon bang reported na nawala? Malamang ang banat dito ay, sympre binayaran. Kung ganun nga, malamng na itago nga nila ang mga reports.

Next thing is base sa kwento, capable itong makakita at makapili ng kanyang biktima at sya ang mayhawak sa trigger. Lets picture this, isang ulo ng ahas pero utak ng tao. Ewan ko pero hindi sila akma dahil malaki ang utak natin kumpara sa isang ahas.

Lastly we have DNA. Sa panahon natin ngayon, imposibleng magsama ang DNA ng isang ahas at tao. Oo may mga narinig kayong balita na kesyo nanganak daw ng ahas. Dalawa lang yan, kung hindi birth defect, hoax ang kwento at mostly ito ay hoax kagaya na lamang nung binalita sa koronadal city na kesyo nanganak daw tapos nung sumikat ang balita, dun nalaman sa likod ng kwento na nagpaabort daw, ewan ko dun.

Tayong mga pinoy madaling maniwala sa mga ganitong bagay lalo na pag narinig mo ang katagang, “oo sabi ng tito ko nakita nya daw ung taong ahas” o kaya “oo sabi nung mga construction worker o engineer duon, totoo daw ang kwento”. Kung kayo ay naniniwala, then ireply nyo ang part ng analysis sa video na ito at tanungin nyo ulit ang sarili nyo. Totoo bang may taong ahas sa robinson?

Alam ko ung mga reptilian conspiracy na naman ang papasok dito, kesyo napapaligiran na tayo ng mga reptilian aliens na kayang magbagong anyo bilang tao. Personally, hanggat hindi nakikita ng dalawa kong mga mata, hindi ako naniniwala pag dating sa conspiracy. O di naman kaya pag walang historical and scientific evidence, hindi ako basta bastang naniniwala.

This is bulalord officially saying, i do not believe in robinson snake conspiracy.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo ba na ang Rothschild ay hawak ang 80% ng mundo

Dante’s Purgatory