Time Warp? Santiago Airlines Flight 513

Reading Time: 7 minutes

Mga boss naniniwala ba kayo sa time warp? yung tipong mala back to the future o di naman kaya ung mga napapanood natin sa videogames. Marami nang mga nagkalat na kwento tungkol sa mga eroplano o di naman kaya mga barko na nawawala lalo na sa kilalang bermuda triangle. Pero hindi yan ang topic natin ngayon mga boss. Pamilyar ba kayo sa Santiago flight 513?

Pagkawala:

 

Di umano, Ayon sa brazilian Aviation authorities, isang commercial airlianer Santiago flight 513 ay lumipad mula sa germany papuntang Porto alegre nuong September 4th 1954, lulan nito ang 88 na pasahero at 4 na crew member, subalit bigla nalamang itong nawala sa gitna ng atlantic ocean. Nagkaroon ng isang Massive search subalit walang natagpuan na kahit ano, walang ebidensya na bumagsak ang eroplano. Dahil na din sa tagal ng paghahanap, idiniklara na lahat ng pasahero ng Santiago Flight 513 ay patay na. 2 taon matapos nito, ang santiago airlines ay hindi na nagoperate pa.

Pagbabalik:

Matapos ang 35 na taon, may kakaibang nangyari. October 12 1989, isang eroplano ang nagpaikot ikot sa port alegre. Sinubukan ng tower na makipagcommunicate sa nasabing eroplano pero hindi ito sumasagot. Hanggang sa makapag landing ito ng maayos sa port alegre. Dahil na din sa walang komunikasyon sa tower, minabuti ng airport authorities na mag padala ng isang team at imbestigahan ang nasabing eroplano. Nagtataka ang mga crew dahil ang santiago airlines ay matagal ng hindi nagooperate, simula pa nuong  1956.

Nuong nabuksan na ng team ang eroplano. Duon nila nalaman kung bakit hindi sumasagot ang kapitan ng eroplano sa kanilang mga tawag. Duon nila napagalaman na ito ang Santiago Flight 513 na nawala 35 taon na ang nakakaraan at lahat ng pasahero ay andun pa rin, pati ang mga crew. Kumpleto lahat sila. Subalit…. Lahat sila ay mga kalansay na. Ayon pa sa report ang kapitan na si Miguel Victor Cury ay hawak hawak ang controls ng eroplano at ang makina ng eroplano ay naka idle pa.

Katanungan:

Nuong ito ay nilabas ng isang newspaper maraming katanungan ang lumitaw, maraming theorya at eksplanasyon ang pinagdebatihan. Isa na nga dito ang pagiging hoax nito o isang urban legend. Ayon kay Dr. Celso Atello na isang respetadong scientit at isang paranormal researcher, ang eroplano di umano ay dumaan sa isang time warp subalit hindi maipaliwanag ng doktor kung bakit lahat ng nasa eroplano ay mga kalansay na. Isa pa, papaanong napalapag ng maayos ang isang eroplano ng isang kalansay?

Dagdag pa ng newspaper, ang brazilian government ay inimbestigahan ang nasabing pangyayari subalit hindi na ito nag bigay pa ng kahit anong konklusyon. Samantalang ang aviation officials naman ay kinumpirma lang na ang eroplano ay bigla na lamang lumitaw sa kawalan at nakalapag ng maayos.

Cover up:

Dahil sa pangyayari, maraming nagalit sa ginawang pagsesekreto ng imbestigasyon at isa na nga dito si Dr. Atello. Maraming mga researchers ang tumawag sa gobyerno at nag demand na hayaang tumulong ang mga sibilyan sa pag iimbestiga. Maraming sumangayon dito at sinabi na karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan at kailangan ng gobyerno ng magsabi ng totoo at wag magmalinis.

Ayon kay Roderigo De Manha, isang retired physics professor, isang krimen sa siysensa ang ipagkait ang anumang nakilala na impormasyon, hindi mahalaga kung ano ito. Ayon pa sa kanya, kung ang eroplano ay dumaan ng time warp at merong ebidensya na magpapatunay dito, ang buong mundo ay dapat malaman ito. Ang ganitong pangyayari ang makakapagpabago sa siyensa.

Ayon naman sa iba, hindi ito pwedeng isiwalat ng gobyerno dahil posibleng magkaroon ng all out panic.

Ang Katotohanan:

Hoax to mga boss… Salamat sa panonood, bulalord out…

Teka… anjan pa rin kayo? Cge na nga, eto ang dahilan kung bakit hoax ang nasabing kwento. Unang una, imposibleng maipalapag ng isang kalansay ang isang eroplano. Pangalawa, wala pang nakakapagpatunay na totoo ang timewarp, hanggang sa palabas lang o video games lang natin ito nakikita pero sa totoong buhay wala pa kahit isa, hanggang sa kwento kwento lang.

Well alam kong hindi kayo satisified sa sagot mga boss, alam kong kailangan yo ng proof. Kaya bibigyan ko kayo. Ang nagpublish ng nasabing artikulo ay ang Weekly world news. Alam nyo bang hindi lang yan ang kanilang ginawa? Oo mga boss, ilang beses na nilang sinubukan ang ganitong gawain.

Flight 914 – Katulad ng Flight 513 di umano, ang eroplanong ito ay nawala din ng parang bula. Hindi lang yan, tatlong beses nilang sinubukang lokohin ang mga tao. Pero ayon sa nabasa kong info walang records patungkol sa disgrasya nng flight 914.

Hindi pa nakuntento sa dalawang istorya ang newspaper nato at nagrelease pa ng isa pang artikulo. Di umano nuong 1939 isang eroplano ang nawala at lumitaw 55 years tapos ng pagkawala nito.

Ayan mga boss, hindi lang ngayon nauso ang clickbait, nuon pa. Hindi masamang maniwala na totoo ang time travel pero sa case ng santiago airlines, isa lang itong kwento na ginawa ng isang newspaper para bumenta ang kanilang dyaryo.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

One Comment

Leave a Reply

Leave a Reply

Loading…

0

Saan nagmula ang virus?

Aswang Sa Bulacan