Time Travel – Causality, Blackhole, Wormhole at Time Dilation

Reading Time: 11 minutes

Naramdaman nyo na ba na parang ang oras ay sobrang tagal? Yung tipong nakikinig kayo sa teacher tapos sasabihin ninyo antagal naman ng uwian…. O kaya naman ung tipong nasa trabaho kayo tapos 15 minutes na lang uuwi na pero parang napakatagal ng oras. Pero meron din namang mga pagkakataon na sobrang bilis ng oras, lalo na pag nagiinternet ka o hindi naman kaya naglalaro ng computer, magugulat ka disoras na pala ng gabi.

Ang oras ay sadyang napakakumplekado kung iisipin mo. Ang modernong teknolohiya ay binigyan tayo ng relo para masukat natin ang mga oras. Ito ang ginagamit natin para malaman ang isang inaasahang pangyayar sa hinaharap.

Time Dilation:

Nuong late 17th century, nakonpleto ni Sir Isaac Newton ang Philosophiae Naturalis Principia Mathematica. Sa librong ito, nilatag nya ang mga konsenpto na nging basis ng lassical physics. Sa kanyang aklat, pinakilala nya ang laws of motion kung papaano ang mga bagay bagay ay gumagalaw sa space, kasama na rin dito ang law of universal gravitation at ang foundation for calculus. Dito rin binanggit ang absolute time.

Naniniwala si Newton na ang absolute time ay kaparehas ng isang universal, omnipotent god like kung saan parehas ito para sa lahat, kahit saan. Sa madaling salita, ang taong nakatira sa earth ay makakaranas ng parehas na oras ng taong nakitara sa mars. Ang paniniwala ni Newton ay ang oras ay nakahiwalay sa space.

Nuong dumating ang theory ni Einsten na Theory of Relativity nuong 20th century, dito sinabi ni einstein na ang time at space ay kontektado at ito nga ang diniscuss natin sa unang video na space-time. Pinaliwanag din ni einstein na ang space-time ay hindi flat kndi curved o warped.

Ibig sabihin nito, na kung ang isang bagay o tao ay nagttravel sa spacetime, ang oras ay babagal habang ito ay lumalapit sa malalaking mga bagay dahil ang spacetime ay nawawarped ng weight. Oo nga pala mga boss, proven na ito, maraming beses na tong sinubukan at pare parehas ang reulta. tianwag ito ni Einstein na Time Dilation.

Black Hole:

Ano nga ba ang black hole? Anong meron dito? As a quick overview, ito mga boss ang nangyayari kapag ang isang napakalaking star ay namatay. Sa katunayan merong dalawang klase ng black hole. Ang Schwarzschild at ang Kerr. We will discuss primarily boss ang Kerr. For now wala muna tayong pakialam sa isang klase ng black hole.

Nuong 1963 Si Roy Kerr na isang mathematician sa new zealand ang nagpropose ng isang realistic theory patungkol sa isang rotating blackhole. Ayon sa kanyang theorya kapag ang isang dying star ay nag collapse sa isang rotating ring ng isang neuron stars, ang kanilang centrifugal force ay maglalaban at hindi ito magiging singularity. Okay pause muna mga boss, ano nga ba ang singularity? Ang singularity mga boss ay ang sentro ng blackhole kuing saan kapag napunta ang isang bagay dito ay masstrech ito o mas kilala sa salitang spahgettified. So in a sense, ito ang pulling force ng black hole. At dahil nga wala itong singularity dahil na din sa rotating neutron, malaya na tayong makakapasok ng hindi hinihinila ng gravitional force ng black hole.

Kung sakali na ang kerr black hole ay nageexist, ayon sa mga siyentipiko, maari tayonng makapasok dito at lalabas sa isang white while. Ang white hole mga boss ay ang opossite ng blackhole. Kung ang blackhole ay pulling, ang white hole pinaniniwalaan na pushing. Naniniwala ang mga eksperto na sa dulo ng kerr black hole ay isang white hole kung saan itatapon tayo nito sa ibang dimension.

Ito mga boss ay hindi pa proven dahil hanggang sa ngayon wala pa ring kerr blackhole na napapatunayan.

Worm Hole:

Hindi lang kerr black hole ang posibleng pang time travel sa pst o future. Sa totoo lang mas naging popular ito sa palabas na star trek. Ito ay ang worm hole. Einstein theory of relativity allows the existence of wormhole dahil ayon sa theorya any mass curves space-time. Para sa mga medyo naguguluhan, imagine this, ikaw at ang kasama mo ay may hawak ng isang kumot at nakastretch ito, kapag nilagay mo ang isang bola, pupunta ito sa gitna, now kapag naglagay ka ng isa pang bola obviously pupunta rin ito sa gitna. Now let us put it in a four dimensional example.

Halimbawa ang kumot na ito ay nakatupi sa gitna dahil dito, magkakaroon ng curveture hindi ba. Kung ikaw ay maglalagay ng bola sa itaas, obcviously, magkakaroon curvuture sa taas nito pero sa baba still straight pa rin. Now kung maglalagay ka ng same size same weight na bola, magkakaroon ng eksaktong curveture sa baba. In short ang dalawang curveture ay magmemeet at ito nga ang tinatawag na worm hole.

Ang tunnel na ito ay magsasama at magkakaroon ng pagsasama ng magkaibang oras kung saan pwedeng maglakbay ang isang nilalang. Pero sympre, posible din hindi stable ang mga ito.

Cosmic Strings:

Ang ating universe ay posibleng mayroong network ng cosmic strings. Think of it this way, alam nyo naman siguro ang spider man hindi ba? ang mga dimensions ng iba’t ibang spiderman weave by madam web, parang ganun ang cosmic strings tho not like a spider web. Pinakilala ito ni Richard Gott nuong 1991 kung saan ayon sa kanyan, any cosmic string ay mas manipis pa sa isang atom at ito ay nasa matinding pressure. Ibig sabihin ang cosmic string ay may malakas na gravitationla pull kung saan ano mang bagay na naka attached dito ay makakapagtravel ng sobrang bilis.

Ayon kay Gott, para makapag travel back in time kahit isang taon lamang, kailangan ng string na mayroong kalahating mass energy ng ating entire galaxy o ang ating milkyway. SA madaling salita, kailangan hatiin ang mga atoms ng buong galaxy para lamang makapagtravel.

Causality:

Mga boss narining nyo na ba ang salitang causality? I will be honest with you mga boss, una ko itong narining sa manga/anime berserk. And yes i am a berserk fan, altho sa mga kid viewers natin, do not search that anime, kasi medyo dark ang setting nun, actually i could say very dark. Anyway i digress. ano nga ba ang causality? Ito mga boss ang tinatawag na cause and effect, everything has a cause.

If time travel exists, ang mundo natin ay magigign inhabitable na. Why? Think of it this way, Available na ang time travel in a near future, one can travel to past, or future. Kung sakaling may isang tao na nag travel back sa future at nakapatay ng isang hayop o halaman, in return, hundreds or probably thousands will be affected on that little action. Isa pa mawawalan na ng presensya ang oras sa atin, given the fact na anytime pwede tayong bumalik sa nakaraan. Wala ng pagkakamaling mangyayari and in return, ang mundo natin ay paulit ulit na mababago.

Dahil na din wala na tayong presensya ng oras, hindi na natin malalaman pa kung ang pangyayari ay nangyari ba ng nakaraan o hinaharap, isa ba itong cause? o isang effect? also, we will rely on time travel to the point na wala na tayong pakialam sa ating magiging outcome. In a sense, para na tayong isang baliw.

Sure maganda ang time travel na nakikita natin sa movies, lalo na sa dr. who. Maraming mga naliligtas ng hindi nababago ang timeline. Pero it was all fancy stuff. Kung iisipin mo ang mga bagay na ito, ako personally, i don’t want time travel. Siguro time travel as a viewer lang maganda, pero kung ikaw mismo makakainteract sa time na pinasukan mo, then isang pagkakamali lang a wave a cause and effect will trigger. Hindi mo alam, baka sa causality na yun, half of humanity pala na wipe out sa future.

Tipler Cylinder:

Ang theorya na ito ay kagaya ng cosmic strings na imposibleng mattempt sa panahon ngayon pero sympre it is still an idea. Ayon sa thorya na ito, kailangan natin ng malaking mass, actually 10x ng mass ng ating sun. Pagkatapos ito ay magroroll in sa very dense, long and thin cylinder. Well sa universe natin alam natin na ang sun ay isa lamang maliit na bituin, marami pang mas malaki dito, pero ang imposibleng gawin ay ang iroll ito sa isang cylinder. Hindi lang yan, ang cylinder ay kailangan ding mayronng billions of revolutions per minute.

Tesseract:

Yes mga boss, tesserace exists sa totoong buhay, hindi lang sa avengers. Sa geometry, ang tesseract ay isang 4 dimensional analogue of a cube. Kung napanood nyo ang interstellar, dito pinakita na nagtravel sya sa higher dimension kung saan nasa loob ssya ng isang dimension at nakikita nya ang iba’t ibang timeline. Ito mga boss ang example ng tesseract.

Kapag ang time traveller ay pumasok na sa tesseract, dito makikita ang iba’t ibang level ng time, iba’t ibang timeline kumbaga. Kung saan ang timetraveller pwedeng mamili kung saan nya gustong pumunta. Now this is fictional as of now, pero hindi natin alam, in the near billions of years, maachieve natin ang ganitong technology.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bucegi Mountain – Part 3

Time travel, ano ang history nito?