Time travel, ano ang history nito?

Isa sa mga pinapangarap natin ay ang time travel, Well sino nga bang may ayaw nito. Kapag meron kang gustong baguhin sa buhay mo, time travel lang, o kaya pag gusto mong manalo sa lotto time travel sa future tapos balik sa present. Well when we have time travel capabilities, hindi na natin alam ang past at future kasi pwede na tayong magexists in between. Ano nga ba ang time travel? Posible nga ba ito?

Technically speaking nagtitimetravel na tayo mga boss. How? The process of changing, we age katulad ng mga planets at mga stars soon they will wither and that is how we are travelling in time.

Early documents:

Ang kaunaunahang dokumentasyon ng time travel ay patungkol sa isang hindu epic, ang mahabharata. Ang mahabharata ay isinulat nuong 4th century BC pero ang origins ng epic ay nasa pagitan ng 8th to 9th century bc. Ang kwento ay patungkol kay king kakudmi kung saan ito ay naghahanap ng perpektong kabiyak para sa kanyang anak na babae na si Revati. Si Revati ay nagiisang anak nito at pinaniniwalaan na napakaganda at matalino kaya naman halos walang lalaki ang nagtangkang makapareha sya.

Si Kakudmi ay sinama si Revati sa brahmaloka para bisitahin si Brahma, ang diyos na lumalang sa hinduismo. Dito nanghingi sila ng suwestiyon patungkol sa pwedeng mapangasawa ng kanyang anak. Si Brahma ay nanonood nuon ng musical performance kaya naghintay ang dalawa na matapos ito bago kausapin si brahma. Subalit sinabi ni brahma na iba ang oras sa lugar nya kumpara sa kanila at ang lahat ng kinukunsidera nilang mga posibleng mapangasawa ni revati ay patay na.

Nuong 250 AD kung saan ang mga kristiano ay inuusig ng romano dahil na din sa utos ni Emperor Decius. 7 batang lalaki ang inakusahan na kristiyano. Binigyan sila ng panahon para bumaliktad at sambahin ang mga diyos ng romano subalit hindi sila nakinig. Imbes na sumamba sa mga diyos ng romano, ang mga ito ay pumunta sa isang kweba sa may bundok para magdasal hanggang sa nakatulog ang mga ito. Dahil na din sa kanilang desisyon, ang empror nuon ay nagutos na saraduhan ang kweba.

Ang emperror namatay isang taon matapos nito. Nuong dumaing ang panahon ni theodosius the 2nd, nagkaroon ng heated discussion patungkol sa ressureksyon ng mga katawan sa araw ng paghuhukom pati na rin ang buhay tapos ng kamtayan. Isang land owner ang nagdesisyong buksan ang kweba para gawing cattle ple. Nuong binuksan na ang kweba, dito nya nadiskubre ang mga taong natutulog sa loob nito. Inakala nila na isang araw lang silang nakatulog laking gulat nila na

ilang siglo na pala silang natutulog.

Ang 7 lalaki ay namatay din kalaunan at duon nilibing sa kweba kung saan sila natagpuan. Ang kweba ay matatagpuan sa eastern slope sa bundok ng panayirdag sa turkey. Ang mga tao dito gusto nilang mas malapit sa kweba dahil na din kinukunsidera itong banal.

Nuong dumating ang 1895, si H.G. Wells ay nagpublish ng libro at tinawag itong the time machine. Akthough isa itong literature, ito ang nagbigay ng enerhiya sa nakatagong imahinasyon ng karamihan sa tao nuon. Si Wells ay naniniwala sa time travel kaya naman ang kanyang libro ay punong puno ng kanyang sariling interpritasyon. Sa katunayan, ginawa na itong movie at napakinggan na rin sa radyo. Ang latest film ay nito lamang 2002.

Einstein theory:

Nuong 20th century, si Einstein ay nagdeveloped ng theory at tinawag nya itong special relativity. Sa totoo lang mga boss medyo mahirap ipaliwanag ito dahil hindi natin ito nararanasan sa pang-araw araw nating buhay. So susubukan kong ipaliwanag sa abot ng aking makakaya, i maybe wrong but please correct me in a polite way.

May dalawang principles ang theory ni enstein.

ang una ay ang principle of relativity kung saan ang laws of physics ay hindi nagbabago kahit na sa mga bagay na gumagalaw in a constant speed. Ang pangalawang key principle ay ang principle of the speed of light kung saan ang speed of light ay parehas sa lahat ng nanunood, regardless sa kung ano ang kanilang motion relative sa light source.

Ang teoryang ito ang gumawa ng fundamental link sa pagitan ng space at time. Ang universe ay pwede nating tingnan bilang 4 dimension, merong 3 space dimension at ito nga ang up/down, left/right at forward backward at ang isa ay ang time dimenson. Ang 4 dimensional space na ito ay tinatawag na space time continuum.

Halimbawa nasa spaceship ka at naglalakbay ito ng constant speed kalahati ng speed of light, hawak hawak mo ang isang laser, sa taas mo ay mayroong salamin at sa paanan mo naman ay may detector. Kapag inangat mo ang ilaw sa may salamin, magbobounce ito at tatama sa detector in a straight line. Ayan ang makikita mo habang nasa loob ka ng space ship.

Ngayon halimbawa, meron kang isang kaibigan na nasa isang spaceship din, kapag sya ay tumingin sayo at minonitor ang pag galaw mo, iba ang makikita nito. Hindi na straight line, bagkus ito ay magiging diagonal path na. In a nutshell, ikaw na nasa spaceship, hindi mo mararamdaman na naglalakbay ka ng mabilis at ang makikita mo lang ay ang ilaw tumama ng pababa sa detector subalit sa labas dito makikita ang pagtravel ng ilaw in a diagonal path.

Dahil dito ang pagtravel ng laser from point a to point b ay magkaiba sa iyo at ng kaibigan mo. Ito mga boss ang tinatawag na time dilation kung saan ang oras ay mabagal na dumadaloy.

Another example 15 years old ka ng umalis ka sa mundo at sumakay sa spacecraft ng may bilis ng 99.5% ng speed of light. Habang nasa kalawakan ka, nag celebrate ka na ng 5 birthday, in short, 5 years sa kalawakan. Pagbalik mo ng earth, supposedly 20 ka na. Subalit ang iyong mga kalaro at mga kaibigan sa earth ay 65 years old na. Dahil ito sa time dilation. If we put it to time travel, pag umalis ka ng 2019, 5 years lang ang tinagal mo sa space pero pag balik mo ay 2069 na, in short nakapagtime travel ka na.

Several test was made para maprove ang theory ni einstein. At in fact, we have proof that ito ay totoo. How? GPS. Ang GPS mga boss ay kumukuha ng information sa sattelite. Ang satellite na nagbibigay ng impormasyon ay nagttravel ng 14,000 km per hour at umiikot sa ating mundo ng 2 beses kaya ang mga atomic clocks nito ay mas mabilis. Ayon sa theorya ng special relativity, ang orasan na mabilis na gumagalaw ay mas mabagal ang pagikot. Hindi lang yan ang nakakaapekto sa sattelite, ang mga ito ay 20,000 km above the earth at ang gravity ay hindi ganuon kalakas. Ayon sa special relativity, gravity curves space and time, kaya naman ito ay mas mabilis ang ikot. Kaya ang resulto, ang mga atomic clocks ng sattelite ay nauuna ng 45 microseconds per day.

So in a sense mga boss, the faster you go considering speed of light, the slower the time is. Pero sa gravity naman, the weaker the gravity, the faster the time.

Godel’s Universe:

Si Kurt Godel ay kaibigan ni Eintstein at kasamahan nito sa Princeton University Institute of advance study. Ayon sa incompleteness theorem ni godel, kung sakaling ang universe ay nagaaccelerate at the same time ay nagrorotate then ang rotating universe ay pwedeng maging isang time machine.

Obviously the universe is not rotating, it is expanding. In a sense, kung ang ating universe ay nagrorotate, magiging normal na para sa atin ang time travel.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Time Travel – Causality, Blackhole, Wormhole at Time Dilation

The Big One