The Real Karaoke Inventor

Reading Time: 8 minutes

Hindi maitatanggi na likas sa mga filipino ang pagkahilig sa kanta, sa katunayan halos karamihan ng may bahay mayroong karaoke, hindi ung karaoke na malaki ha, ung tipong dvd karaoke lang. Sa kasamaang palad, isa din ito sa mga instrumento ng isa pang urban legend na ginawa ko, ang my way.

Kayo mga boss alam nyo ba kung sino ang nakaimbento ng karaoke? Panigurado sasabihin ng iba sa inyo ay dito sa atin may iba na magsasabing mga hapon ang unang nakaimbento. Well, sino nga ba sa dalawa?

Meaning:

Ang salitang karaoke ay mula sa salitang hapon. ang kara na ibig sabihin ay walang laman at ang oke naman simplified word na okesutora o orchestra sa inges. Isa itong klase ng interactive entertainment kung saan ang mga singers ay susundan ang recorded music gamit ang mikropono.

Ang karaoke machine ay mayroon ng mga installed na kanta at andito na nga ang mga popular na kantang alam natin ngayon. Ang lyrics ng kanta ay lumilitaw sa video screen minsan kasabay ang isang simbolo o hindi naman kaya nagbabagong kulay ito. Ang karaoke market ay nagkakahalaga ng kulang kulang 10 bilyon.

Inventor:

Ang kauna unahang karaoke styled machine ay inembento ni Daisuke inoue sa Kobe, Japan nuong 1971. PEro audio company na clario ang unang commercial producer ng nasabing machine dahil wala naman itong patent.

Sa japan common na ang mayroong musical entertainment sa isang dinner o sa party. Si inoue na isang drummer ay laging tinatanong ng mga guest na mag perform para makasabay sa pagkanta ang mga customers. Nuong nakita ni inoue ang potential na pwede itong pagkakitaan, gumawa sya ng isang tape recorder like machine na nagpapatugtog ng kanta kapag hinulugan ito ng 100 yen coin. Ito nga ang kauna unahang karaoke machine na tinawag na Juke8.

Imbes na ibenta ang kanyang mga ginawang karaoke machine, pinaupa nya na lang ito para ang mga tindahan di na kailangang bumili pa ng bagong kanta. May kamahalan ito nuong panahon na yon dahil ang 100 yen nuong 1970 ay makakabili ka ng pagkain para sa dalawang tao pero hindi rin ito alintana ng mga hapon.

Sa kasamaang palad hindi nya ito pinatent. Mga boss kailangan ang pagpapatent ng isang bagay lalo na pag imbensyon mo ito. Ang patent ang nagbibigay karapatan sa imbentor. Hawak nya ang buong rights dito kung gusto nyang idestibute, i import o ibenta. Ngayon pumunta naman tayo sa susunod na topic.

Patent:

Dito sa atin sa mga hindi pa nakakilala ang imbentor ng karaoke ay si Roberto Del Rosario na sya ring presidente ng trebel music corporation. Inimbento nya ang Karaoke Sing Along System nuong 1975. Ayan mga boss, malayo ang agwat, 4 na taon bago naimbento sa atin ang karaoke.

Mas maganda ang imbensyon ni del rosario dahil ito ay mayroon amplifier speaker, isa hanggang 2 tape mechanism, may tuner o hindi naman kaya radyo at meron din itong microphone mixer kung saan pwede mong lakasan ang echo o reverb para kunwari ay talagang nasa concert ka. Pinatent nya ang kanyang imbensyon nuon 1983. Si Del rosario ang naunang nagpatent ng nasabing imbensyon kaya naman sya ang kinukunsedera na first patented producer.

Ipinaglaban ni Del rosario ang karapatan sa kanyang imbensyon kaya naman ng file ito ng infringement case laban sa isang chinese company at nuong 1996 nanalo ito sa kaso dahil sya ang patent holder.

Si Roberto del rosario ay sumakabilang buhay na nuong August 2003.

Konklusyon:

Ayan mga boss, kung ilalagay natin sa timeline, ang nag imbento talaga ng karaoke machine ay ang mga hapon sa katunayan pag sinearch mo sa wikipedia ang karaoke, hindi mo makikita ang pangalan ni Del Rosario na nag imbento, bagkus ang nakalagay ay si Daisuke. Saka mga boss, hindi lang isa o dalawa ang juke 8 na nagawa, sa katunayan merong 25000 na karaoke ang nagawa.

Pero good sport naman si daisuke dito dahil ayon sa kanya malamang kung sya daw ang nagpatent nito, hindi ito lalaki ng ganito ngayon. Sa katunayan nuong unang inembento nya ang juke 8, kinumbinsi sya ng bayaw nya na ipatent ito.

Dahil sa medyo kakaunti lang ang info sa video, dagdagan natin ng karaoke facts mga boss.

#1

Ang single booth na nakikita ninyo sa mga malls ay tinatawag na hitokara na ang ibig sabihin ay lonely karaoke. Ang karaoke ay inembento para sa mga pagsasalo salo at kasiyahan. Pero dahil may mga taong hindi sanay kumanta o hindi naman kaya isang introvert o gusto lang alalahanin ang theme song ng ex nila, ang hitokara ang bagay sa mga sitwasyon na ito. Pwede kang sumigaw, umiyak, lahat, ng hindi ka nangangamba na merong nanghuhusga sa pagkanta mo.

#2

Kung merong russian roullete meron ding karaoke roullete ito ung random na pipili ang karaoke ng kanta para kantahin mo, karaniwan tong ginagawa sa mga kasiyahan kung saan pataasan ng score. Pero kilala rin ito sa tawag na kamikaze karaoke.

#3

Mga boss alam nyo ba ang ibig sabihin ng KJ? hindi kill joy ha. Eh ung Dj? panigurado alam nyona yan. Ang KJ ay karaoke jockey kung saan ito ang nagaanounce ng kanta, performers at nagmomotivate sa mga audience at sa performers. Wala pa akong narinig na karaoke jockey dito sa pinas.

#4

Ayon sa Guinness world records, ang pinakamahabang marathon ng karaoke ay mula sa italy nuong September 23 2011 na ginawa ni Leonardo Polverelli. Ang kanyang performance ay tumagal ng 101 hours, 59 minutes at 15 seconds. Ang buong act na ito ay umabot ng 5 araw at nakakanta sya ng 1295 songs.

#5

Ang pinakamalaking karaoke party naman ay nangyari sa Bristol motor Speedway sa tenese usa nuong august 22 2009 kung saan may roong 160,000 na katao na sabay sabay kumanta ng friends in low places ni Garth brooks.

#6

Ang kauna unahang world karaoke championship ay sa finald ginanap nuong 2003. Isa itong international event, ang mga participants ay galing sa ibat ibang bansa. Nuong 2006 naman si Ryota Kaizo na mula sa japan at si Astrid Nicole na mula sa panama ang nanalo sa karaoke world championship.

#7

Ang china ang may hawak sa record ng longest karaoke session. Meron itong 456 hours, 2 minutes and 5 seconds,  in short nasa mga 19 days ito at nakakanra sila ng 6.281 karaoke songs.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pre adamic civilization

Spitting Cobra