The Gospel of Satan

Maraming tao ang nais hanapin ang tamang gawain at tamang aral upang sila ay makapunta sa langit o sa paraiso kapag sila ay mamatay. Ngunit ang masakit na katotohanan, marami ding tao ang naliligaw ng landas at napupunta sa kadiliman.

Ang iba ay hindi sadya, ngunit ang iba sila pa mismo ang gumagawa ng kanilang ikapapahamak. Magmula noon ay maraming tao na ang naghahanagad ng kapangyarihan at ang kanilang madalas na tinatawag well, si taning.

Kilalanin natin ang isang libro na pinaniniwalaang di umano ay nagtataglay ng kakibang kapangyarihan. Ang Grand Grimoire.

History:

The Gospel of Satan: Grand Grimoire is One of the Creepiest Medieval  Manuscripts Out There! | Ancient books, Ancient writing, Magical book

Ang Grand Grimoire o mas kilala bilang Red Dragon at Gospel of Satan ay isang libro na pinaniniwalaang nagtataglay ng kakaibang kapangyariihan. Pinaniniwalaan nga na ito ay ginawa ng isang tao na kinikilalang si Honorius of Thebes. Pinaniniwalaan din na nakasaping sa kanya si Satanas noong ginagawa at isinusulat niiya ang libro.

Hanggang ngayon, pinagtatalunan pa din kung bakit ba itong tinawag na “Gramoire”. Ngunit marami nga ang tumatanggap na ang salitang ito ay nagmula sa Old French word na “Grammaire”. Ang Grammaire sa ingles ay ibig sabihin ay Grammar. Ito angginagamit na katawagan sa mga libro lalo na sa mga librong nakasulat sa latin.

Ayon nga sa Ancient Origins, ang libro ay naglalaman ng mga gabay upang magtawag ng mga masasamang espirito at maging mga masasamang elemento. Pinaniniwalaan na ang libro ay nagawa noong 1520 AD at natagpuan naman sa libingan ni Solomon noong 1750.

Ang libro nga ay pinaniniwalaang nakasalat sa Biblical Hebrew o Aramaic. Dahil ancient languange ang ginamit sa libro, mas lalong tumibay ang paniniwala na ito ay napakalakas na libro.

Taong 18th century noong nagkaroon ng kopya ng Grimoire sa bansang France. Pinaniniwalaan nga na ang manunulat na si Antonio Venitiana Del Rabina ang nagsulat ng edisyon na ito at kinilala sa kanilang bayan magmula noon. Ang taong ito nga ay pinaniniwalaang nangalap ng impormasyon patungkol sa mga orihinal na panunulat ni King Solomon. Ang iba pang edisyon ng libro ay nilagyan ng date kung saan nagawa “Daw” ang mga ito noong 1521, 1522 o hindi naman ay 1421.

Ngunit marami ang naniniwala na ang mga ito ay naisulat noong 19th century. Ayon sa isang social histiorian na si Owen Davies, ang pinaka unang edisyon ng libro ay naisulat noong 1702 at tinawag na Bibliotheque blue version o isang literary format na binabasa ng lahat ng mamayan ng French. Ito ay nailabas noong 1750.

Ayon nga sa ilang mga research at report, ang orihinal na kopya ng Grand Grimoire ay nasa kamay ng Roman Catholic sa Vatican Secret Archives at hindi ito ipinapakita sa publiko. Ito nga din ay kilalang ginagamit ng mga voodoo practitioners, lalo na sa Haiti. Tinatawag nila itong Le Veritable Dragon Rouge.

Parts Of The Book:

Christianity - Satan and the origin of evil | Britannica

Ang libro na Grand Grimoire ay pinaniniwalaang nahahati sa dalawang parte. Ang unang bahagi nito ay naglalaman ng mga gabay kung paano matawag ang kinikilalang si Lucifuge Rocofale.

Ito lang naman ang kinikilalang in charge sa impyerno at pinaniniwalaan din na mismong si Lucifer ang nagtatag sa kaniya. Ipinapaliwanag nga sa unang bahagi ng llibro kung paano magtawag ng isang demonyo o isang masamang elemento, upang makatulong ito sa kanilang mga mithiin.

Dito nakalagay kung ano ang mga kailangang gamitin at kung paano mapapasunod ang demonyong iyong natawag. Ang pangalawang bahagi naman ng libro ay hinati sa dalawang bahagi. Ito ay ang Sanctum Regnum o Secrets de L’Art Magique du Grand Grimoire o Secrets of the magic art of the Grand Grimoire.

Ang Sactum Regnum ay nagtataglay ng mga gabay na kailangan gawin kung paano makagawa ng isang pact sa isang demonyo. Dito ay mapapasunod niya ito kahit wala ang mga kagamitan na tinutukoy sa book 1 ng nasabing aklat. Ngunit dahil sa ganitong kakayahan, pinaniniwalaan na mas delikado itong gawin dahil ito ay patungkol sa pakikipag isa sa demonyo.

Ang pangalawang bahagi naman na Secrets de L’Art Magique du Grand Grimoire, ay naglalaman naman ilang mga spells at ritual. Ang mga ito ay magagamit naman matapos gawin ang ilang mga ritwal na mula naman sa Book 1.

Ang ilang mga edisyon ng pangalawang bahagi ng Grand Grimoire ay nagtataglay ng mga katagang “Le Secret Magique, où le Grand Art de pouvoir parler aux Morts” o The Magic Secret, or the Grand Art of being able to speaking with the dead.

Bukod sa mga ganitong gawain, ang libro din ay nagppakilala ng iba’t ibang mga demonyo. Kung paano sila tawagin. Ilang mga spells upang yumaman o manalo sa lotto, makipag usap sa mga spirito, makapang-akit at kung ano pang mga kakayahan at mga bagay na maaring makatulong sa tao. Pinaniniwalaan din na nakalagay dito kung paano mag summon ng isang anghel.

King Solomon’s Book:

The Demons of King Solomon by Aaron J. French

Ayon nga sa mga historian, halos lahat ng impormasyon na nakalagay sa Grand Grimoire ay mula sa libro na ginawa ni King Solomon. Ang Key of Solomon at ang Lesser Key of Solomon.

So, para sa mga hindi nakakakilala kay Solomon. Ayon sa bibliya, si Solomon ang pinaka wais at pinaka tusong tao na nabuhay sa mundo. Ito ay binigyan ng diyos ng isang regalo patungkol sa karunungan, ngunit ginamit lamang niya ang karungan na ito upang suwayin ang utos ng Diyos.

Ayon sa paniniwala, ang Key of Solomon ay isinulat ng hari para sa kanyang anak na si Rehoboam. Ngunit hindi niya ito naibigay sa anak at itinago niya ito hanggang sa kanyangg pagkamatay.

Pinaniniwalaan nga na noong unang panahon ay isang Babylonian Philosopher ang nakatanggap ng mensahe mula sa isang anghel. Ang mensahe ay paraan upang mabigyan ng kakaibang mahika ang libro.

Doon nga ay naisalin na sa iba’t ibang lengwahe ang laman ng libro dahilan upang maintindihan ito ng iba’t ibang mga tao. Ang laman nga ng libro ay patungkol sa iba’t ibang mga spell, sumpa at iba pang mga instruction.

Ito nga ay isinalin sa ingles ni Liddell MacGregor Mathers na kilala din bilang 19th century magician. Ang ancient manuscript na ito ay matatagpuan sa British Museum at pinaniniwalaan na ito ay aktwal na turo ni Solomon. Dito nakalagay kung anong araw, oras, mga kailangan gawin bago gawin ang ritual at maging ang sasabihin upang maging matagumpay ito.

Ang Lesser Key of Solomon naman na siyang matatawag din na Lemegeton ay naglalaman ng ilang mahahalagng bagay patungkol sa witchcraft. Pinaniniwlaan na ang mga nakalagay dito ay ginamit ng isang Wiccan o isang naniniwala sa Paganism noong 20th century na si Gerald Gardner upang magawa ang ilang ritual.

Marami din ang naniniwala na ang isang English occultist, ceremonial magician, poet, painter, novelist, at mountaineer na si Aleister Crowley ay tinangkilik din ang gawain na ito.

Makikita nga sa Lesser Key of Solomon ang ilang mga sigils o mga magical cirlces, seals ng mga masasmang ispiito, mga larawan at mga incantation upang matawag ang mga ito.

The Demons in the Grand Gramoire:

The Grand Grimoire, Red Dragon: Kelly, Edmund: 9780244201760: Amazon.com:  Books

Ayon nga sa paniniwala, ang makapangyarihan na libro ay nagbanggit ng ilang mga pangalan ng matataas na demonyo o mga ispirito. Nariyan na nga si Lucifer ang kinikilalang emperor na minsan na ding nagiin anghel.

Ang kinikilalang prinsepe na si Beelsebub at ang grand duke na si Astaroth. Bukod pa dito, ipinakilala din ang anim na nasa mababang pwesto. Nariyan nga si Lucifuge Rocofale na prime minister, Satanachia na commander in Chief, Agaliarept na Commandant, ang lieutenant-general na si Fleurety, brigadier-major na si Sargatanas at ang marshal at inspector general na si Nebiros.

Ito nga ang pinaniniwalaang bumubuo sa gobyerno o pamumuno na mayroon sa impyerno.

Hanggang nagyon ay patuloy pa ding ginagamit ng mga kulto ang mga ganitong libro at ang orihinal na kopya nito ay nasa pangangalaga pa din ng Vatican at mahigapit na binabantayan.

Walang balita o report kung bakit nasa kamay ng vatican ang tunay na kopya ng libro at bakit hindi nila ito ipinapakita sa mga tao. Kung ikaw ang tatanungin,ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nila ito tinatago ?

 

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/8EUnk4rZcLk

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang babaeng Pilotong nagligtas ng maraming buhay kapalit ng kanyang buhay

Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang Luneta Tower