The Deja vu Experience

Reading Time: 17 minutes

Naranasan nyo na ba isang araw naglalakad kayo o kaya may kausap kayo tapos biglang magttrigger sa utak ninyo na, teka, parang nangyari na ito ah. I know karamihan sa atin naranasan na ito. Ito ay ang Dejavu, pero ano nga ba ito? Bakit tayo nakakaranas ng deja vu? Posible bang merong ibang dimension o parallel earth na nagsisignal sa atin nito? Tara mga boss tuklasin natin ang Dejavu.

Dejavu:

Ang deja vu ay isang french word na ang ibig sabihin ay already seen at meron itong ibat ibang variations, kasama na ang deja vecu na ang ibig sabihin already experienced, ang deja senti na ang ibig sabihin already thought at ang deja visite na ang ibig sabihin already visited. Ang French parapsychologist na si Emile Boirac ang unang nag-aral patungkol sa kakaibang phenomena na ito at sya rin ang angbigay ng pangalan dito nuong 1876.

Maraming mga references ng deja vu na hindi naman talagang deja vu. Magulo no? let me explain mga boss. Ang mga researchers ay may kany kanyang depenisyon ng dejavu pero generally ito ay inilalarawan bilang isang pakiramdam na nangyari na sayo pero alam mong hindi pa ito nangyayari. Nasan ang true deja vu jan i hear you ask. Well kagaya nga ng sinabi ko, hindi lahat ng nakakaranas ng ganitong feeling ay matatawag na deja vu. Halimbawa nakikipagusap ka tapos bigla mong naalala na nangyari na ito tapos alam mo ang susunod na mangyayari at nangyari nga. Yun mga boss is not a true deja vu. Yun mga boss ay tinatawag na precognitive experiences pero mamaya na natin ididiscuss yan. For now focus muna tayo sa deja vu, okay so ngayon ano ba ang totoong deja vu. Ang totoong deja vu mga boss ay ang pakiramdam na nangyari na ito ibig kong sabihin ung time na un biglang nagkick in sa utak mo na nangyari na ito kumbaga nasa gitna sya ng present at past pero hindi mo na alam ang susunod na mangyayari kahit na anong subok mong alalahanin ito. Un mga boss ang totoong deja vu.

Ang mga hallucinations minsan pinagkakamalan na deja vu pero hindi ito deja vu, ito ay dahil sa kanilang sakit o gamot na ininom kaya ang kanilang awareness ay tumataas. Habang ang may mga schizophrenia naman ay nagkakaroon ng false memories at napapagkamalan din na dejavu. Ang dejavu mga boss ay tumatagal ng 10 hanggang 30 segundo habang ang mga false memories at halluncinations ay mas matagal pa dito.

Research:

Ang deja vu ay napakahirap aralin. Kasi isipin nyo na lang 10-30 seconds lamang ito pagkatapos wala ka pang witness na nangyari ito o kahit sinong makakapagpatunay na hoy na deja vu ka. Kaya naman ang research dito ay limitado at wala pa ring conclusive na eksplenasyon. Ang mga nag-aaral ng deja vu ay peronal experience at recollection ang hawak nila at ito ang nagiging basehan ng kanilang pag-aaral patungkol sa deja vu.

Kagaya nga ng sinabi ko kanina si Emile Boirac ang nagpangalan sa nasabing pheonmena pero hindi ganun kalalim ang kanyang pag-aaral. Pinagaralan din ito ni Sigmund Freud kung saan ayon sa kanyang teorya, ang mga experienced na ito ay resulta mula sa repressed desires o mga memories na related sa isang stressful event kung saan hindi na ito basta basta naaccess na isang regular memory. Ang mga scientist ginamit ang theory na ito at pinangalanang paramnesia para maipaliwanag ang deja vu nuong 20th century.

Kamakailan lamang, ang mga researcher ay nagsimulang gamitin ang brain imaging technology. Umaasa silang madiskubre kung papaano ang ating memorya nabubuo, tinatabi at kinukuha. Dito natuklasan nila na ang medial temporal lobe ay involved sa ating conscious memory. Ito rin ay critical para sa ating long term memory. Ayon kay John D.E Gabrieli ng stanford university, ang hippocampus na mattagpuan sa medial temporal loba ay ang nageenable sa atin na maalala ang mga pangyayari habang ang parahippocampal gyrus naman ang nagsasabi kung ito ba ay pamilyar o hindi ng hindi kinukuha ang specific memory.

Napansin nyo ba habang tumatanda kayo mas kakaunti na lang ang deja vu experiences? Ayon sa pagaaral, ang highest dejavu experience ay malakas sa edad na 15 hanggang 25 at habang tumatanda mas lalong nawawala ang deja vu experiences. Ito pa mga boss, base sa mga reported occurrences, mas madalas itong nangyayari sa mga taong mahilig magtravel o hindi naman kaya ung mas mataas ang pinag-aralan. Now i know kaya pala hindi ko ito madalas maranasan..

Ayon naman sa mga ibang researchers pag mas stressed o mas pagod ka mas madali kang makakaranas ng deja vu habang ang ibang researcher naman says otherwise. Ayon sa iba mas madali ka daw makakaexpereince ng deja vu kapag refreshed at relax ka. Yan mga boss ang patunay kung bakit mahirap pag-aralan ang dahilan ng deja vu, ultimo mismong mga eksperto hindi magkasundo dito.

Meron ding reports na nag sasabing kapag mas open mindid o mas politically open ang isang tao, mas madalas itong makakaranas ng deja vu. Pero again mga boss, ito ay reports lamang, wala pa ring conclusive result kung anong nagttrigger nito.

Types:

Kagaya ng nasabi ko kanina ang mga scientist o mga ekspertong nag-aaral patungkol dito ay may kanya kanyang depinisyon at kategorya. Si Alan Brown, isang professor ng psychology sa south methodist university ay naglathala ng libro patungkol sa deja vu. Pinamagatan nya itong “The Dejavu Experience: Essays in Cognitive Psychoylogy”. Ayon sa kanya merong 3 kategorya ang dejavu. At sya ay naniniwala na ang deja vu ay isang biological dysfunction, implicit familiarty at divided perception.

Nuong 1983, si Dr. Vernon Neppe na director ng pacific Neuropsychiatric institute sa seattle ang nag proposed ng 4 na subcategories ng dejavu. Ito ay ang mga epileptic, subjective paranormal, schizophrenic at associtive. Idisciuss natin mga boss ang 3 uri ng dejavu, ito ay ang associative, biological at chronic dejavu.

Ang Associative dejavu ay ang pinakacommon na dejavu na nararanasan ng mga normal at mlulusog na tao. Dito nararanasan ang mga pagkakataong nakita, narinig o naamoy at ito ay magkikick in na naexperienced mo na ito before. MAraming researcher ang naniniwala na ito ay memora based experience at ang responsable sa experience na ito ay ang memory center ng ating utak.

Ang biological dejavu ay mas madalas mangyari sa mga taong mayroong temopral lobe epilepsy. Bago pa mangyari ang seizure, minsan nakakaexperience sila ng deja vu. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga researcher na malaman ang area ng ating utak kung saan nagsisignal ang deja vu. Subalit ayon naman sa ibang researcher ang taong nakaexperience ng biological deja vu ay naniniwala na nangyari talaga iyon previously kumpara sa feeling lang na nangyari na ito.

Nagkaroon ng pag-aaral sa United kingdom kung saan 4 na senior citizen ang ayaw ng manood ng balita dahil alam na nila kung anong mangyayari o kung anong sasabihin kahit na hindi naman talaga nila alam. O kaya naman ayaw nilang pumunta sa doctor kasi nakapunta na sila at wala ng dahilan para pumunta pa. Ayon sa mga researcher ang 4 na senior citizen ay nakakaranas ng failure sa kanilang temporal lobe. Pinangalanan ito ng mga researchers ng chronic deja vu. Ayon sa kanila mayroong mga circuits sa lob ng ating utak na naaactivate kapag nakakaalala tayo ng bagay, so in short sa chronic deja vu, ang switch para maactivate ang mga circuits na ito ay naka on na at dahil dito nagkakaroon sila ng mga memories na hindi naman talaga nangyari.

Precognitive Dreams:

Naalala nyo ba ung sinabi ko kanina regarding precognitive experience? Ano nga ba ang precognitive dreams? Ito mga boss ay ang mga panaginip na nagppredict ng future. May mga ibang researcher na naniniwala na ang precognitive dreams ay ang source ng maraming experiences patungkol sa Dejavu. Si JW Dunne na isang aeronautical engineer na nagdesigned ng mga eroplano nuong world war 2 ang nag conduct ng pagaaral nuong 1939 gamit ang estyudyante ng oxford university. Ayon sa kanyang pag-aaral, 12.7 percent ng kanyang subjects ay nakaranas ng mga panaginip na napredict ang hinaharap. Nuong 1988 naman si Nancy Sondow ay pinagaralan din ang precognitive dreams at halos magkaparehas lang sila ng resulta, kay nancy naman ay 10%.

Theories:

Dual Processing / Delayed Vision:

Si robert efron ay sinubukan ang isang idea sa veterans hospital sa boston nuong 1963. Ayon sa kanyan ang delayed neurological response ang dahilan ng deja vu. Dahil nga ang impormasyon ay pumapasok sa ating utak hindi lang sa isang lagusan, posibleng ang impormasyon na ito ay hindi nag sync ng maayos o nagregister ng maayos sa ating utak. Napagalaman din ni Efron na ang temporal lobe ng left hemisphere ng ating utak ay responsable sa incoming information. Napag-alaman nya rin na ang temporal lobe na ito ay nakakatanggap ng incoming information ng 2 beses na mayrong milliseconds delay sa bawat transmission. Ang unang transmission ay directly sa left hemisphere habang ang 2 transmission naman ay dumaan muna ito sa right hemisphere ng ating utak. Kung ang 2 impormasyon na iyon ay nadelay ng kakaunti, magttriger ang brain natin ng wrong time stamp at magreregister na isa itong previous memory kasi nga naprocess na ng ating left hemisphere at un ang dahilan kung bakit nakakaranas tayo ng parang pamilyar. FYI lang mga boss, isa itong valid theory na pinaniniwalaang dahilan ng deja vu.

Cellphone Theory:

Si Dr Allan brown ay sinubukang irecreate ang prosesso na iniisip nyang kaperahas ng Dejavu. Sya at ang kanyang kasamahan na si Elizabeth Marsh ay nagkaroon ng idea na subukan ang subliminal suggestion. Dito nagpakita sila ng maraming mga litrato sa iba’t ibang lokasyon sa isang grupo ng estyudyante. Matapos ipakita tatanungin nila ang mga ito kung ang lokasyon ay pamilyar sa kanila. Sobrang bilis ng pagflash nila ng mga litrato sa screen around 10-20 milliseconds lang. Mas mabilis pa sa pagkurap natin, ang pagkurap boss ay mayroong bilis na 300-400 milliseconds lamang. Nilagay nilang 10-20 seconds lang para ang ating utak ay mairegister ang mga litrato pero tayo mismo hindi natin ito malalaman dahil sa sobrang bilis.

Nuong tinanong na nila ang mga estyudyante sa mga lokasyon, mas marami ang nagsasabing pamilyar ang lokasyon na yon kahit na ang mga estyudyante ay first time pa lang makapunta duon. Sinubukan din ni Larry Jacoby at Kevin Whitehouse ng Washington University ang kaparehas na pag-aaral pero sa pagkakataong ito ginamit nila ay mga words. At ganun din ang naging resulta ng kanilang test.

Base sa ideang ito, pinangalana ni Alan Brown ang ideang ito bilang Cell Phone Theory o Divided attention. Ibig sabihin kapag tayo ay distracted sa ibang bagay, ang utak natin ay pinaprocess ang nasa paligid natin pero hindi ito nareregister conciously o ung alam natin. At kapag tayo ay nagfocus na, dito maaalala natin na nangari na ito dahil nga naprocess na ng utak natin ang ating nasa paligid. Sa mga nagtataka bakit tinawag itong cellphone o diveded attention theory, hindi ba kapag may kausap tayo o ginagamit natin ang cellphone at focus tayo dito, ang ibang mga bagay ay hindi natin iniintindi. In short distracted tayo.

Sa mga medyo naguguluhan pa rin. Halimbawa, dumalaw ka sa kaibigan mo. Tapos nasa labas kayo ng kwarto nya at hindi mo pa ito nakikita talaga ng nakafocus ang isipan mo. Behind the scenes ang ating utak ay pinoproseso na ang paligid, visually, smell at sound kaya kapag pumasok ka sa kwarto ng kaibigan mo, sasabihin mong, teka parang nangyari na to ah.

Memories Theory:

Ang theoryang ito nagpprpopse na marami tayong mga stored memories mula sa ating aspeto ng ating buhay, hindi lang sa sarili nating experience kundi pati na rin sa mga pelikula na pinanood natin, mga litrato at mga libro na ating binasa. Nagkakaroon tayo ng malakas na memory sa mga bagay bagay na nabasa natin kahit hindi pa natin naeexperience ito at habang tumatagal ang memoryang ito ay natutulak sa likod at nakakalimutan. Magttriger lang ito kapag nakaexperience tayo ng kaparehas ng memoryang iyon at un nga ang pakiramdam ng deja vu.

Kung medyo naguguluhan kayo mga boss, eto isang example. Nuong mga bata tayo nakapanood na tayo ng mga pelikula diba? mga palabas? at sa mga pelikulang ito may mga certain scenes at habang tumatanda tayo ang memoryang ito ay napupunta na sa likod o nakakalimutan natin paunti unti. At sa pagtanda mo, bumisita ka sa isang lugar na napanood mo nuong bata ka pa pero hindi mo ito maalala, ang lokasyon na iyon ay magiging pamilyar pero kahit anong isipin mong alalahanin, hindi mo na ito maaalala. Ito ay ang deja vu.

Parallel Universe Explanation:

Sympre hindi makokompleto ang video na ito kung wala ang multiverse theory. Ang mga physicist ay may iba pang eksplanasyon patungkol dito. Ayon kay Dr. Michio Kaku na isang phycisist, posibleng ang dejavu base sa quantum physics ay ang abilidad nating makapag flip between different universes. Consider this mga boss. Nasa isang kwarto ka at nakikinig sa isang radio. Ang radio mo ay nakatune in lang sa isang station. Pero sa loob ng kwarto mo ay maraming radio waves hindi lang ito iisa, anjan na ang 90.7, 96.1, 101.7 at marami pang iba. Nasa loob ng kwarto mo ang radio waves pero hindi mo sila nakikita obviously.

Ang bawat radio waves na ito ay may kanya kanyang frequency. kaya nga para makapakinig ng malinaw, kailangan ma itune in mo ang iyong radio sa tamang frequency. It also applies in our universe. Think of the radio waves as an parallel realities, nasa loob lang ng kwarto mo pero hindi mo sila maaccess. So papaano napapaloob ang deja vu dito? Think of it as nililipat nyo ang frequency, hindi ba may nasasagap kang ibang frequency? Ayun mga boss, ang dejavu ayon sa quantum physics ay ang pagvibrate o saglitang pagtugma ng dalawang universe sa panahong iyon.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ibang dimension gamit ang Elevator game

Pterosaurs