The Big One

Reading Time: 11 minutes

Kamakailan lang ginulantang tayo ng kalikasan. Isang malakas na lindol ang naganap. Masasabi kong malakas dahil nakita ko kung papaano mag-alugan ang mga poste at gusali. Mabuti na lamang at walang major casualties altho sa pampanga ang tinamaan talaga ng lindol na ito.

May mga kumalat sa facebook page na ito na nga daw ang preparation para sa the big one. May iba naman nagsasabi na ito na ang signs ng revelation habang ang iba nagsasabi na isa itong wake up call para sa ating mga tao. In fact may nakita pa nga akong post na “april 22” tapos duon sa mini book, merong statement regarding the earthquake. Nagkataon lang ba ito? o talagang na predict na ang lindol? Ano nga ba ang big one? bakit kailangan nating maghanda dito? Kailan ba ito mangyayari? Yan mga boss ang susubukan nating tuklasin ngayon. Dapat palitan ko na channel ko eh, sineskwela na dapat.

Earthquake:

First let us understand ano nga ba ang earth quake, for some alam na ito ay ang earth’s crust na nagkakaroon ng movement pero hindi lang yan ang dahilan ng mga earthquakes mga boss. Ilan na nga dito ang mga volcanic erruptions, meteor ompacts, underground collapsing katulad ng mga nagmimina at possible din mga nuclear test. Mga boss just to clarify lang, yan po ay mga possible cause ng quake, hindi ko po sinasabi na isa jan ang dahilan ng earthquake na naranasan natin kamakailan lang.

Ang most common na dahilan ng lindol ay ang paggalaw ng tectonic plates. Ano nga ba ang tectonic plate? Next slide please.

Tectonic Plate:

Ayon sa theorya, ang ating outer shell ng ating mundo ay nahahati sa iba’t ibang plates, think of the earth as a giant puzzle piece kung saan may mga lines ito at hindi sya isang perfect smooth planet.

Ang pinaka driving force ng mag galaw ng tectonic plates ay ang mga mantle. Ang Hot material na malapit sa earth’s core ay umaangat habang ang malamig na mantle rock naman ay pumapailalim. Ang init ng mantle ang nagtutulak sa tectonic plates at nagpapagalaw dito. Ang mga eksperto ay patuloy pa rin sa pag-aaral sa kung ano talaga ang nagpapagalaw sa mga plates.

Did you know mga boss na ang earthquake happens all the time? Yes it is true pero ang earthquake na yun ay masyadong mahina para madetect natin. May mga pagkakataon na magkakaroon ng pwersa ang dalawang mantle, nabubuild up ang force na ito at kapag ito ay narelease, ang pwersa na ito ang syang nagpapayanig sa ating kinatatayuan dahil nga na build up na ang force, kumbaga nagkaroon ng bara. Ang pagbabara na ito ay tumatagal ng taon minsan hundreds pa bago magkaroon ng effect ang conttinenal plate.

Ring of Fire:

Narinig nyo na to for sure. Ang pacific ring of fire. Ano nga ba ito bakit tinawag syang ring of fire and more specifically kasama ang bansa natin dito?

Ang pacific ring of fire mga boss ay ang area kung saan naitala ang maraming lindo at pagsabog ng bulkan. And sadly, yes, pasok tayo sa ring of fire. Ang ring of fire ay mayroong 40,000 kilometers at kasama na ang mga boundaries ng  juan de fuca, cocos, indian-australian, nazca, north american at ang philippine plates.

Alam nyo ba mga boss na sa 100 percent ng bulkan ng mundo, 75% dito ay matatagpuan sa ring of fire? Yes mga boss, kaya nga pinangangabahan ang tinatawag  na the big one. Karamihan sa plates sa ring of fire ay nagooverlap sa convergent boundaries at ito ang tinatawag na subduction zone. Pag sinabing subduction zone mga boss,ito yung mga plates na napupushed down papuntang mantle at natutunaw at sumasama na nga sa pagiging magma.

The Big one:

Ano nga ba ang the big one? Bakit ngayon pa? bakit hindi nuon? Nuong 2002 nagkaroon ng pag-aaral ang japan at naidentify ang west valley fault at dito nga ineexpect na mas malakas tatama ang lindol. Ang West valley fault ay dadaanan ang marikina, pasig, muntinulupa at patimog pa nito. Ayon sa pag-aaral, merong naitalang 2 major earthquake sa loob ng 1400 years at simula 16th century wala pang naitalang lindol na nagsimula sa west valley fault. Base sa estimated return period ng less than 500 years, ang fault ay posibleng umatake this century, possibly in the next few years.

Ayon kay dr. Norman Tungol ng Phivolcs’ Geology, Geophysics, Research and Development Division (GGRDD), ang movement ng fault ay nasa pagitan ng 200-400 years at base sa kalkulasyon na ito, malapit na ang due date ng fault. Dagdag pa ni tungol, dahil sa laki ng margin of error considering 200 years ang gap, it could be within a few years or few tens of years.

Ang big one ay may posibleng lakas mula intentisty 8 to 9 at may magnitude na 7.2.

Base sa lakas nito, maraming magbabagsakan na gusali lalo na ang mga luma at substandard. Ang mga buildings magsisigalawan, ang lupa ay magbubungkalan. Hindi lang yan, ilang araw at posibleng linggo rin natin mararamdaman ang aftershocks at hindi sila aftershocks na mahihina, may mga malalakas pa rin na syang mas mapapabagsak sa mga gusali na napahina na ng unang wave. Magkakaroon ng landslide at mababago ang landscape.

Imagine this mga boss. Nanginig ang buong kabayahan, sa sobrang lakas ng pagyanig di ka namakatayo ng direcho, nakarinig ka ng malakas na tunog. Maya maya pa narinig mo ang mga sigawan ng mga tao sa kani kanilang bahay. Narinig mo ang mga lagutok ng kahoy, ang mga salamin nag sibasagan, ang mga poste bumagsak at biglang nawalan ng kuryente. Ang pagyanig ay tumagal ng 50 segundo. Ito na mga boss ang pinakamatagal na 50 seguindo ng iyong buhay. Hindi sa tinatakot ko kayo mga boss, posible itong mangyari as per studies.

Gayunpaman, wala pa rin tayong kakayahan malaman kung kailan tatama ang sinasabing the big one. Walang exact date binigay ang phivolcs pero sigurado sila na mangyayari at mangyayari ang sakuna na ito at ito ang pinakanakakatakot dito kasi hindi natin alam, papaano na lang kung kalagitnaan ng gabi?

Prediction:

Ilang oras matapos ang lindol, naging viral ang mga post patungkol sa isang libro kung saan makikita dito ang date na april 22 at ang title ay the big one. Isa nga lang ba itong coincidence o totoong prediction? Ang libro ay may pamagat na the Didache bible, Daily catholic bible reflection.

First let us analyze ang nasa libro. unahin natin sa date, April 22, saktong sakto, nangyari din ang lindol. Now we go to the title, the big one, medyo sumablay ng konti kasi hindi naman the big one ang lindol na naganap dahil malayo ito sa west valley fault, remember ang big one ay magaganap sa west valley fault. Next we go to the context, ano bang sinasabi ng libro? Hindi ba nagkkwento sya patungkol sa prediction ng phivolcs tungkol sa tinatawg na the big one. The book did not predict na mangyayari ang lindol kasi wala naman specific na nagyari katulad ng gumuho ang specific na building. Still may subtle phrases kagaya ng topic, tungkol sa lindol ang sinasabi ng libro.

Nonetheless, in my opinion, nagkataon lamang ito. Still nakakakilabot ang messages kasi if you look into it, it stated “we sometimes forget that god is always with us”. Could it be na isa itong soft nudge ng maykapal para sabihin na anjan lang sya? Or could it be na nagkataon lang ang lahat? Ano sa tingin nyo mga boss? Nonetheless, we should be ready, i mean maganda ang magdasal sa diyos pero dapat samahan mo din ng action, be prepared, be wise sa mga kalamidad especially sa mga pagkakataon na bigla na lang ito aarangkada.

Effect:

Sa recent earthquake, mas napinsala pa ang pampanga kumpara sa castillejos. Alam nyo ba kung bakit mga boss? For sure sasabihin ng iba substandard na pagkakagawa. Well it could be partially true pero the main reason mga boss is ung structure ng lupa. Ang zambales mga boss, bulubundukin yan, meaning ang mga lupa dito ay matitigas. Ngayon kung icocompare natin sa pampanga, mas malambot ito kasi ang pampanga ay minsan naging sentro ng lahar so mas malambot ang structure ng lupa, in turn mas mabilis magwiggle ang mga structura at mas mabilis itong bumigay.

Ayon sa US geological survey ang pinaka epicenter na nadetect ng kagamitan nila ay sa Pampanga, pero iba ang sinasabi ng ating phivolcs. Ayon sa phivolcs ito daw ay sa Castillejos. Dagdag pa ng phivolcs, mas accurate ang readings nila dahil mas maraming equipment ang naka deploy sa ating bansa kumpara sa US na iilan ilan lang.

Kung mapapansin ninyo mga boss, hindi ako nag delve in masyado sa earthquake info, wala ang seismec waves, ricther scale at iba pa. Nagtackle lang tayo ng kakaunting info kasi plano ko gumawa ng seperate video to really understand the earthquake.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Time travel, ano ang history nito?

Mayan tribe (apocalypto movie)