Tarantula

Reading Time: 9 minutes

Mga boss pag sinabing malaking gagamba ano ang unang pumapasok sa utak ninyo? Karamihan sa atin ang unang naiisip ay ang tarantula dahil ito ang gagamba na mas kilala ng karamihan sa atin. Dahil sa laki ng mga ito maraming mga natatakot sa tarantula pero sa katunayan ang tarantula ay  hindi agresibo at hindi ganuon kadelikado sa mga tao.

#1

Kahit na sa mundo ng gagamba sila ay malaki, ang mga tarantula ay karaniwan ding kinakain ng mas malaki pa sa kanila, kaya nman hindi ito lumalapit sa tao at kadalasan umiiwas. Hindi delikado ang kagat ng mga tarantula. May kamandag ito mga boss, pero hindi ito ganun kalakas para mapatumba ang isang tao. Kung ikukumpara ang kamandag nito, para lang itong isang bubuyog. Pero dahil sa laki ng mga pangil nito, imaginin nyo na lang na ang bubuyog na yon ay si jollibee.

#2

Pag naramdaman ng tarantula na nasa panganib ito, ginagamit nito ang mga paa nito para magpakawala ng barbed hairs o stinging hairs mula sa kanyang tyan papunta sa direksyon ng panganib. Kahit tayo ay naapektuhan nito, malalaman mong tinamaan ka ng mga buhok nito kapag bigla kang nangati. At ang iba nagkakaroon pa ng allergic reaction lalo na pag napunta ito sa inyong mga mata. Pero sympre, dahil dito, ang tarantula ay mawawalan ng buhok sa kanyang tyan.

#3

Ang mga babaeng tarantula ay matagal ang buhay. Kapag ito ay inalagan, umaabot ng 20 hanggang 30 years ang buhay nito. Subalit ang mga lalaki ay hindi ganun kswerte. Kadalasan tumatagal lang ito ng 3 hanggang 10 taon. Sa katunayan ang mga lalaking tarantula hindi na nagmomolt kapag narating na nila ang kanilang maturity, ang molt ay ang prosesso ng pag papalit ng exoskeleton nito.

#4

Ang mga tarantula ay hindi ginagamit ang kanilang mga sapot para matrap ang kanilang pagkain. Ang mga ito ay mga stealth hunters. Kadalasan dahang dahang lumalapit sa kanilang pagkain o hindi naman kaya nag-aabang. Ang mga maliliir na tarantula ay tinatarget ang mga insekto habang ang mga malalaking tarantula naman ang target nito ay mga palaka, daga at kahit na ibon hindi nito pinapaligtas.

Katulad ng ibang mga gagamba, ang tarantula ay may venom din. Ang kanilang venom ay nakakapagparalyze ng biktima nito at ang kanilang mga digestive enzymes naman ang nagpapalambot nito.

Ang kanilang kamandag ay may specific mix of salts, nucleotides, free amino acids, neurotransmitters, polyamines, peptides, proteins at enzymes. Dahil sa mixture nito isa itong target para sa scientific research kung saan posibleng magamit ang nasabing kamandag para sa anti parasatic effects.

#5

Ang mga tarantula ay mga delikadong nilalang. Kahit na ganun sila kalaki, maninipis ang mga balat nito lalo na sa may bandang tyan. Kaya naman kapag nahulog ito kahit sa mababang lugar lang, posibleng magkaroon ng rupture ang tarantula.

Kaya naman ang paghahawak sa tarantula ay hindi adviseable lalo na kung ito ay ipapahawak mo lang sa iyong kaibigan, siguro kung ang nag-aalaga okay lang dahil gamay nya na, pero sa ibang tao hindi adviseable dahil posibleng matrigger ang tarantula at maglikot at ano  sa tingin nyo ang unang instinct na papasok sa isip ng tao? Sympre ang pagpagin ang kamay.

#6

Ang mga tarantula ay mayroon ding mga kuko kagaya ng mga pusa, retractable ito. Although karamihan sa mga tarantula ay nasa lupa lang, may iba na umaakyat din ng puno at ito ang ginagamit nila para hindi sila mahulog.

#7

Kagaya ng iba pang mga gagamba, ang tarantula ay kayang gumawa ng silk. Ang mga babaeng tarantula ay nilalagay nila ito sa loob ng kanilang mga lungga, pinaniniwalaan ito ang nagpapatibay sa kanilang lungga. Ginagamit din ito ng mga babaeng tarantula para balutin ang kanilang mga anak o itlog. Habang ang mga lalaki naman ay dito nilalagay ang kanilang sperm.

Hindi lang yan ang gamit ng kanilang silk. Gingamit din nila ito bilang isang alarm system kung saan nilalatag nila ito sa may pasukan ng kanilang lungga para maaalerto sila at maging handa kapag merong panganib na paparating. Kamakailan lang, nadiskubre ng mga scientist na hindi lang sa spinnerets o ung banda sa pwet sila nakakapaglabas ng silk, kahit ang mga paa ng tarantula ay kayang maglabas nito.

#8

Ang pagmomolt o pagpapalit ng exoskeleton ay parte na ng buhay ng isang tarantula. Dahil dito, may kakayahan din silang gamutin ang mga sugat na kanilang na tamo. Kapag ang tarantula ay naputulan ng paa, sa susunod na magpalit ito ng exoskeleton, ang paa nito ay muling tutubo. Pero hindi naman ganun kaagad kalaki ang paa, depende sa edad nito, posibleng ilang beses ng pagpapalit ng exoskeleton bago tuluyang pumantay ang bagong paa.

Kadalasan ang mga tarantula ay kinakain ang sarili nilang paa na naputol. Ito ay para makuha ang protein na nasa kanilang mga paa at marecycle ito.

#9

Ang tarantula ay parte ng pamilya ng gagamba na tinatawag na Hairy Mygalomorphs. Paniniwala ng mga scientist na ang mga gagambang ito ay nasa mundo na milyong taon na ang nakakalipas at kakaunti lamang ang pagbabago dito.

Karaniwan ginagamit ng tarantula ang kanilang pangil sa paghuhukay ng lungga o hindi naman kaya hahanap sila ng isang lungga na nakahukay na at duon maninirahan.

#10

Ang karaniwang preadator ng tarantula ay mga weasles, hawk, owls, skunks at ahas pero ang pinaka kinatatakutan nila ang ang spider wasp. Mga halimaw ang mga spider wasp pagdating sa tarantula. Ang babaeng wasp ay pinaparalyze ang tarantula sa pamamagitan ng kanilang stings o panusok. Matapos nito ang wasp ay huhukay ng butas ng butas at dito mangingitlog ang wasp. Kapag ang mga itlog ay napisa, ang mga anak ng wasp ay kakainin ang tarantula. Ang tarantula mananatiling buhay ng ilang araw hanggang sa mapisa ang mga itlog.

#11

Ang mga tarantula na nakatira sa puno ay nakakahanap ng kanilang kapareha sa pamamagitan ng pagsunod sa amoy nito at ang babae naman ay magiiwan ng silk sa mga daraanan nito para masundan ng lalaki. Ang mating season ng tarantula ay nangyayari ilang beses sa isang taon, ang ibang mga species ng tarantula ay nanunuyo muna ang lalaki sa mamagitan ng pagsasayaw para tanggapin ito ng babae.

#12

Matapos ang kanilang mating, ang babae ay mangingitlog. Dadalhin ng babaeng tarantula ang kanyang mga itlog na nakabalot ng silk sa kanyang katawan.

Ang babaeng tarantula ay kayang mangitlog ng 50 hanggang 2000 anak at mapipisa ito ng 1 hanggang 3 buwan. Subalit ang karamihan dito ay nakakain ng mga ibang hayop.

#13

May ibat ibang kulay ang tarantula at ang iba dito ay threatened species na. Kadasalan hinuhuli ng mga tao at ginagawang exotic pet. Ang mexican red kneed tarantula ay nasa protected species at pinagbabawala ang international trade.

#14

Alam nyo ba kung saan ang galing ang salitang tarantula? ang tarantula ay pinangalan sa isang wolf spider na nakatira sa southern italy sa bayan ng taranto kung saan ayon sa kwento kapag nakagat ka nito, ang biktima ay kailangan magsasasayaw ng magsasayaw. Ito ay hindi dahil sa gagamba kung hindi, pinaniniwalaan na kailangan lumabas ang pawis para kumabas din ang lason sa katawan ng biktima.

#15

Ang mga tarantula ay kayang gumalaw ng mabilis pag ginusto nila. Pero may dahilan kung bakit mabagal ang kanilang paggalaw. Ang tarantula ay hindi ganuon kaganda ang paningin at ang mga pagkilos sa kanilang kapaligiran ay nadedetect nila sa pamamagitan ng vibrations sa kanilang mga paa at mga balahibo sa katawan. Sa paglalakad ng mabagal, ang tarantula ay mas nagiging sensitibo sa mga nangyayari sa paligid.

 

Kapag nakaramdam sila ng takot mabilis din itong aalis papalayo dito. Ayon sa pag-aaral kapag ang tarantula ay kumilos ng mabilis nawawala ang kanilang coordination kaya madalas itong nadarapa at kadalasan para bang lasing na tumatakbo.

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Crop Circles

Andromeda Galaxy