Taong Aso – Cynocephali

Reading Time: 12 minutes

Mga boss pamilyar kayo sa mga pusa ng egypt diba? eh sa mga aso ng egypt? Example si anubis. Alam nyo ba na marami ng nalathala patungkol sa tinatawag na dog headed people na naniniraahan sa malayong lugar?

Malamang ang iba sa inyo my idea na dito. Ang mga dog headed man ay kilala sa tawag na cynocephalus. “cyno” ang ibig sabihin dog. Cephalus naman of the head. Kagaya ni anubis, ang Egyptian God. Meron itong ulo ng isang aso. Sya din ang diyos ng kamatayan at pageembalsamo. Si anubis ay makikita sa mga egyptian tomb.

Hindi lang yan ang account ng mga cynocephalus. Merong mga written accounts ng mga exploreres, conquerors at missionaries sa asia, india at africa at hindi lang yan consistent ang kanilang pagkakasulat. Sa katunayan ang mga nilalang na ito ay nilarawan daang taon na ang nakakaraaan. Merong mga sinulat si St. Augustine, Alexander the greatm Marco Polo at kahit na si Christopher Columbus.

Altho kahit na maraming evidence patungkol sa cynocephalus, wala pang nakikitang buto na inilatag sa publiko na makakapagpatunay na sila nga ay totoo. Subalit ang mga detalyadong mga paglalarawan at pagdedeyalye sa kanila ay talaga nga namang nakakapagtaka.

First drawing:

Ang pinakamatandang reference ng cynocephalus ay matatagpuan sa libya kung saan nakaukit ito sa mga bato 4000 taon na ang nakakaran. Sa bato makikita inukit ang isang giraffe, elepante at dalawang nilalang na may ulo ng isang aso na hinahatak ang isang katawan ng rhinoceros. Ang iba pang mga imahe sa lugar na ito ay isang taong aso na may hawak hawak na pamalo at sa baba nito ay isang sanggol na taong aso. Sa isang bato naman dala dala nito ang Auroch, ang isang ox like na hayop na extinct na sa panahon natin. Nakakakuha din ng intertest ang isang carving, kung saan nakaguhit dito ang isang tao na may larawan ng isang elepante pero sa itsura nito, mukhang tinatanggal nito ang kanyang maskera. Pero iba ang mga cynocephali, ang paglalarawan sa kanila ay hindi maskera.

First Written History:

Ang kauna unahang pagkakataon na naisulat ang nilalang na ito ay nuong 5th century. Sinulat ito ng isang greek physician na si Ctesias. Nuong mga panahong yon, ang physician ay bumalki sa greece mula sa indya at isinulat nya ang kanyang detalyadong karanasan. Kasama na nga dito ang cynocephali at mga pygmies at mga kakaibang tigre.

Un short, inilarawan nya na ang siblisasyon ng mga taong aso ay nasa 120,000. Tinawag nya ito ng “swarthy-with long hairy tails, living in lofty inaccessible mountains” sa india. Ang kanilang mga ngipin ay mas malalaki kumpara sa normal na aso at ang kanilang mga kuko ay mahahaba. Dagdag pa nito wala syang narinig na salita, ang narinig nya ay tahol ng mga aso at dito nagkakaintindihan ang bawat isa.

Dagdag pa nya, ang mga cynocephali ay natutulog sa mga dahon o mga damo sa kweba ng mga kabundukan at kaya nilang mabuhay ng mahigit 200 taon. Sa lakas at isolation ng mga ito malabong matalo ito sa isang gyera. Masyadong mabibilis ang mga ito at napakagaling na mga hunters kung saan madali nilang napapatay ang kanilang mga biktima, mga pagkain. Hindi nila kinakain ang kanilang pagkain ng fresh, niluluto muna nila ito sa sikat ng araw. Dagdag pa ni tesius, mga shepherds din sila, kung saan nag-aalaga sila ng mga tupa, kambing at mga asno.

Ang pinakamayaman sa kanila ay may may-ari ng mas maraming tupa, nakasuot ng linen, habang ang iba naman ay nakasuon ng animal skin. Kumakain din sila ng matamis na prutas na  tinatawag na “Siptakhora” kung saan nakolekta ito sa mgabalsa kasama ang bulaklak na kulay lila na ginagamit sa pangkulay. Pinapadala nila ito kada taon sa hari ng india kapalit ng mga tinapay, arina, bulak at mga armas katulad ng espada at pana.

Ayon din  kay ctesias, katuladlang sila ng mga iba pang indiano. Nakakaintindi sila ng lengwahe ng indiano pero hindi nila nabibigkas ito. Nakikipagusap sila sa pamamagitan ng pagtahol, at sign language. Dagdag pa nito ang mga babae ay naliligo kada buwan at ang mga lalaki ay hindi naman pwera na lang sa kanilang mga kamay.

Other Writtent Accounts:

Sa parehas na siglo, hindi lang si ctesius ang naglathala patungkol sa cynocephali. May mga iba pang greek writers at historian ang naglathala sa nilalang na ito at isa na nga dito si Herodotus.

Nilakbay ni Herodotus ang ang silangang rehiyon ng libya at inilarawan ang tirahan ng mga nomads. Ayon sa kanya mabundok ito, puno ng punong kahoy at maraming mababangis na hayop. Isa na nga dito ang cynocephali.

Ayon naman sa Roman author na si Claudius Aelian, inilarawan nya ang mga hayop sa rehiyon. Ayon sa kanyang paglalarawan ang mga cynocephali ay mga matatapat at hindi ito nananakit ng tao. Hindi rin ito nakakapagsalita pero kaya nitong umalulong at sympre nakakaintindi sila ng lengwahe ng mga indians.

Dagdag pa nito, ang pagkain ng mga cynocephali ay mga ibang hayop din at walang hirap kung ito ay kanilang hulihin. Niluluto din nila ito sa init ng araw matapos nila itong pira-pirasuhin. Kagaya ng sinabi ni Ctesius, ang mga ito ay mayroong alagang kambing at tupa at dito kumukuha din sila ng mga gatas na syang iniinom nila. Ayon pa sa kanya ang buong katawan ng nilalang na ito ay nababalot ng buhok at ang rehiyon kung saan sila nakatira ay mahirap mapuntahan at mahirap din silang mahuli. Batid pa nya, ang mga cynocephali ay nililinis ang shell ng isang mani bago ito kainin, umiinom din ito ng mga alak at kumakain ng well seasoned food.

Kagaya ni Ctesius, ang paglalarawan ni Herodotus ay talaga namang sobrang detalyado.

Matapos ang ilang dekada, si Alexander the great ay sinakop ang india at sya rin ay naglathala ng isang sulat patungkol dito para sa kanyang philospher teacher na si aristotle. Ayon sa kanyang sulat, natagpuan nya ang cynocephali at dagdag pa nito nakabihag sya ng ilan. Inilarawan nya ang mga ito na mabangis, tumatahol at sumisinghal na mga hayop. Sa sulat na ito na kanyang pinadala kay aristotle, sinama nya ang isang manuscript na sa ngayon nga ay mas kilala natin sa tawag na “beowulf”

Matapos ang 1500 years, maraming mga explorers conquerors at kahit mga christian missionaries ang nagsabing nakakita sila ng taong aso. Kahit si King Arthur ay sinabing nakita nya ang mga ito at sya at ang kanyang kawal ay natalo ang mga taong aso na sundalo sa kabundukan ng edinburgh scotland.

Si St. Augustine na nabuhay nuong 430 ay isa sa maimpluwensyang tao sa kristianismo at sya ay nakatagpo rin ng cynocephali at iba pang mga lahi at sinabi na sya mismo ang nagpakalap ng salita ng panginoon sa kanila. Ayon pa kay st. augustine, kinkilala sila as “morally dumb, sometimes even demonic” – but nonetheless, “redeemable.”

Isang manlalakbay naman na italiano nuong 13th century at ang unang nagdokumento patungkol sa mga mongols. Ayon sa kanya, isang engkwentro sa pagitan ng mga hukbo ng Khan at ng mga taong aso ang nangyari malapit sa lake baikal na ngayon ay kilala natin bilang russia.

Ayon dito, ang mganilalang na ito ay mga halimaw, may ulo sila ng tao pero ang mga mukha ng mga ito ay aso. Kapag nagsalita ang mga ito ay tumatahol na parang isang aso.

Isa pang account ng paglalathala sa mga cynocephali ay  mula sa isang christian theologian na si ratramnus. Isa sa kanyang mga monghe ang nagtanong sa kanya kung anong gagawin nito kapag nakatagpo sya ng taong aso, kung maliligtas ba ang mga kaluluwa nito, kung papangaralan nya ba ang mga ito, o titingnan ito ng parang isang hayop dahil ayon sa simbahan ang mga ito ay mga hayop. Si Ratramnus ay kumunsulta sa kanilang elder at nagpadala ito ng sulat na “A Letter on the Dog-headed Creatures” kung saan sinubukan nyang kumbinsihin ang kanyang mga superior na ang mga taong aso ay anak ni adam at payagan ang mga itong maconver sa kristianismo at hindi tratuhin bilang isang hayop.

Isa pang paglalarawan ay mula kay vincent of beauvais na isang dominican friar. Dito sinabi nya na isa itong hayop na may ulo ng aso pero kung kumilos ay katulad ng aso kaya kapag panatag ito matuturig isang tao pero kapag nagalit, nagiging malupit at maaring gumanti sa sangkatauhan.

Nuong 13th century naman ang kilalang kilala na mananaliksik na si Marco Polo ay inilarawan ang mga cynocephali bilang mga barbaric cannibals. Sa kanyang paglalakbay sa isla ng Angamanian, malapit sa pampang ng burma sa may indian ocean, sinabi nya na ang mga tao na walang hari, kinukunsidera nya na ligaw na hayop. Nilarawan nya na ang mga cynocephali ay may ulo ng isang aso, ang mga mata at ngipin ay katulad ng isang aso at ang mga itsura nito ay kamukha ng mastiff dogs. Sila ay malulupit at kakainin kung sino man ang kanilang mahuhuli na hindi nila kapeho.

Ang mga sinaunang dokumento patungkol sa cynocephali ay mula sa india at persia, ang mga ito ay unti unti ring nakita ng ibang mga tao sa may gawing kanluran at habang papatagal ng papatagal ang panahon, mas nagiging violente ang paglalarawan sa mga ito at mas nagiging barbaric.

Nuong 15th Century naman, si Christopher Columbus ay dumating sa haiti. Dito nakita nya ang lalaki na may isang mata lamang at mga taong aso na mga cannibals kung saan nuong nakahuli ang mga ito ng bihag, pinugutan nila ito ng ulo at ininom ang dugo, pinutol din ang private parts nito.

Sa US mayroon ding sightings ang taong aso. Ang pinakakilalang sighting ay nuong 1887 na nakita sa Michigan. May taas itong 7 feet, matipuno ang katawan at ang kanyang alulong ay para bang isang sigaw ng tao. Ang sightingsna  to ay nagpatuloy, kadalsan kada 10 taon.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

First Blackhole Image

Truman Delusion