Taal Volcano

Reading Time: 32 minutes

TOPICS

Marami na kayong Nakita mga videos tungkol sa Taal volcano, pero I am sure wala pang ganito kahaba. As usual icocover natin ang mga major information. Kung meron mang kulang o mali, please write it down sa comments para macompile natin at mapin.

Nitong mga nakaraang araw, nagdagsaan sa facebook timeline ang mga tungkol sa pagsabog ng bulkan, ang mga kaawa awang mga hayop na naiwan, ang nakakatakot na kidlat na Nakita sa bulkan at worst ang mga hinayupak na mga tao na sinasamantala ang kalamidad at pinakyaw ang mga gas masks para maibenta ng mas mahal. Makakarma din kayo mga hinayupak kayo. Mga walang kwentang tao eh, alam ko gusto nyong kumita pero wag naman sa ganyang paraan. Nak ng teteng eh.

On the lighter side, mas marami akong nakikitang mga vloggers at mga private individuals na nagpapadala ng tulong, isa na nga dito ang kasamahan ko sa work na nangalap ng pondo mula sa aming office para makabili ng mga kailangan ng ating mga kababayan.

January 12,2020, isang balita ang gumising sa buong bayan ng bansang Pilipinas. Ang bulkan na ito ay sumabog.

Feature:

 

Ang bulkan na ito ay makikita sa gitna ng Taal lake na makikita sa bayan ng Batanggas. Ito lang naman ang pinaka mababang bulkan sa buong mundo, pero huwag kang judgemental dahil isa ito sa pinaka kinakatakutan ng bansang Pilipinas.

Kung titignan, ang bulkan ay napapalibutang ng malaking lawa. Ayon sa mga pag-aaral, ang bulkan na ito ay nabuo mula sa iba’t ibang malakihang pagsabog ng iba pang bulkan noong unang panahon. Ang taas lamang ng bulkan na ito ay nasa 311m at mayroong laki na halos 23 square meter. Ayon sa mga pag-aaral, kung titignan ang lawa ng bulkan, makikita ang halos tatlongpu’t limang presensya ng iba’t ibang bulkan. Pinaniniwalaan na kung ito man ay sasabog, hindi lamang isang beses o higit pa.

Ang bulkan na ito ay matatawag na “Tuff Cone” o minsan ay matatawag na “Ash Cone”. Hindi sigurado kung ano ba talaga ang pinagmulan ng halos 47 craters na mayroon ang Taal. Ito lang naman ang mga maliliit na butas sa lupa, ayon sa iba; maaring ito ay resulta ng ilang mga nakaraang pagsabog ng bulkan ang tingin naman ng iba ay maaring dahil sa ilang pagguho. Ang mga bato na maaring makita sa taal ay mga uri ng Olivine basalt at Andesite.

Sa matagal na panahon, hindi lamang nagmula mismo sa bunganga ng taal ang ilang pagsabog na naganap. Ang ilan ay mula sa iba’t ibang bulkan na nakapalibot dito. Nariyan ang mga pinangalanan na Binintiang Malaki, Binintiang Munti, Pira-piraso, Calauit at Mt.Tabaro.  Ang limang ito ay napabalitang nagahatid ng malalakas na pagsabog noong nagdaang panahon.

Ayon sa History, naitala ang tatlongpu’t tatlo o tatlongpu’t apat na pagsabog na nagmula talaga sa bunganga ng bulkan. Ang mga pagsabog na ito ay magmula pa noong 1572. Sa pagtagal ng panahon, sa bawat pagsabog na nagagawa ng bulkan na ito, nangyayari din ang ilang mga pagbabago at paglaki ng mismong isla.

Eruption Type:

 

Mula noong unang sumabog ang bulkang Taal noong 1572, ilang pagsabog na din ang sumunod. Ayon sa International Association of Volcanology and the Chemistry of the Earth’s Interior o IAVCEI; isinama nila ang Taal bilang isa sa matatawag na “Decade Volcano”.

Ayon sa grupo “to direct attention to a small number of selected, active volcanoes world-wide and to encourage the establishment of a range of research and public-awareness activities aimed at enhancing an understanding of the volcanoes and the hazards posed by them.”

Ang grupo ng mga “Decade Volcano” ay ang mga bulkan na delikado para sa mga maraming mamamayan, kung kaya’ty dapat pag-aralan at bigyan ng sapat na atensyon upang mabantayan kung ano man ang magaganap dito.

Hindi lamang basta-basta naglalabas ng kung ano-ano ang mga bulkan. Sa mga pag-aaral mayroon pitong uri kung paano sumasabog ang isang bulkan. Nariyan ang Hydrothermal eruption, Phreatic eruption, Phreatomagmatic eruption, Strombolian and Hawaiian eruptions, Vulcanian eruptions at Subplinian and Plinian eruptions

Ang pinaka maliit na uri ng pagsabog ay kung saan, dahil sa init na lumalabas sa bunganga ng bulkan ay natutunaw nito ang mga batong nakapalibot dito. Mula sa mga napulbos na bato, magsisimulang sumama sa hangin ang mga abo na mula dito. Ang ganitong uri ng eruption ay matatawag na Hydrothermal Eruption.

Ang isang pagsabog naman kung saan ang isang magma ay nagmula sa ilalim ng tubig, simple science, ang isang magma na nadikitan ng malamig na tubig; ito ay mabubuo at magiging bato. Sa pag-angat ng magma sa ibabaw ng bunganga ng bulkan isa na itong bato, ngunit dahil sa init na nagagawa ng hydrothermal systems, ang tubig sa ibabaw nito ay sobrang init.Dahil dito ang magma ay matutunaw at magiging abo.Ito ang tinatawag na Phreatic eruption at isa ito sa pagsabog ng taal ngayon.

Ang Phreatomagmatic eruption, ito naman ang uri kung saan ang panibagong uri ng magma ang nabuo dahil sa init na nagagawa ng hydrothermal at kung ito ay madidikit sa kahit anong tubig ay maaring sumabog at maging apoy.

Strombolian and Hawaiian eruptions, Ayon sa pag-aaral ang ganitong uri ng eruption ay hindi gaanong kadelikado. Well ayon sa pag-aaral. Ang dalawang ito ay halos parehas lamang ngunit ang apoy na kanilang ibunubuga ay magkaiba. Ang Strombolian eruption ay ang minsanang pagsabog na mayroong lava at mula ditto, ang iba’t ibang lava fragments ay maaring tumalsik sa malayo. Ang Hawaiian eruption naman ay nakakagawa ng tinatawag na Fire fountain at ang bunganga neto ay parang kalderong puno na kung saan ito ay umaapaw ng lava. Dahil sa pag-apaw, ang lava ay gumagapang sa lugar na madadaanan neto.

Ang mabilisan at maliit na pagtalsik ng ilang mga lava ay matatawag na Vulcanian eruptions. Mula sa bunganga ng isang bulkan, magkakaroon ng ilang mahinang pagsabog at maglalabas ng ilang mga lava Fragments. Ang usok at mga abo  na magagawa nang ganitong uri ng pagsabog ay magkakaroon ng taas na halos 20km.

At ang pinaka huli at ang  pinaka malakas na pag-sabog sa lahat ay ang matatawag na Subplinian at ang  Plinian eruptions. Ang ganitong uri ng eruption ay maaring magdala ng pag-ulan ng mga nagbabagang lava mula sa pagputok ng bulkan. Hindi lamang isang beses ngunit tatagal ang mga pagsabog ng halos ilang minuto o di kaya’y ang mas malala ay tatagal ng ilang oras.

Mula sa malakas na paglabas ng isang apoy sa bunganga ng bulkan na maaring umabot sa taas na 20km, mabubuo sa itaas neto ang malaki at malawakang usok na mayroong dalang mga abo mula sa mga napulbos na bato mula sa lugar.

Types:


Kung mayroong uri ng isang eruption, mayroon din uri ng isang bulkan. Ayon sa mga lumabas na pag-aaral, ang bulkan ay mayroong tatlong uri. Nariyan ang composite o strato, shield at dome.

Ang composite volcano, kung ilalarawan ang bulkan na ito. Makikilala ito sa patusok nitong bunganga o ang labasan ng apoy. Ayon sa pag-aaral, ang mga bato at iba pang bagay na makikita sa bunganga ng bulkan na ito ay mula din sa kanyang ibinubugang lava. Ang isang composite volcano ay maaring lumaki ng halos 8000 feet.

Dahil sa laki ng bulkan na ito, ang lava na maibubuga at mailuluwa ay hindi na maaring makapinsala dahil bago pa ito mapunta sa ibaba ng bulkan; ito ay matutuyo na. Lava ang tinutukoy natin ditto boss ha, ang pagsabog ay makakapinsala pa rin, ang lava hindi na makakapinsala pero ang pagsabog sure yan malakas. Ilan sa mga uri ng composite volcano ay ang  Mount Fuji (Japan), Mount St Helens (USA) at Mount Pinatubo (Philippines).

Pangalawa ay ang tinatawag na Shield Volcanoes, ito ang bulkan na mababa lamang. Ang kadalasang eruption na nagagawa nito ay hindi naman malakas, ngunit ang lava na nailalabas nito ay madami at mabilis dumaloy ibig sabihin, delikado para sa mga malalapit na mga bahay at residente. Ayon sa ilang research, kahit na hindi ito delikado kung ito man ay maglabas ng apoy; delikado ito para sa mga bagay na maaring daanan ng lava neto.

Ang pinaka huli ay ang Dome o (Acid Lava Cones), Ayon sa pag-aaral; ang isang acid lava ay mas makapal kumpara sa isang normal na lava.

Taal Eruption History:

 

Ayon sa History, magmula noong 1977; ang Bulkang Taal ay patuloy na nanahimik. Alamin natin ang ilan sa pinaka kilalang pagsabog na nagawa ng Bulkang Taal.

Ayon sa research, halos 34 na ang pagsabog ng Taal pero ito ay hindi magkakapareho. Ang ilang dahilang ng minsanang paggising neto ay dahil sa pagtatagpo ng mainit na magma at malamig na tubig. Ang ilang pagsabog naman ay dahil sa mga gas na mayroon ang isang bulkan.

So, tignan natin ang mga pangyayari mula noong unang panahon.

Ang pinaniniwalaang unang pagsabog na naitala at nagawa ng Taal ay noong taong 1572, inilalarawan ito bilang isang phreatomagmatic eruption; na ang Taal mismo ang gumawa. Matapos ang unang pagsabog na nagawa neto, nanahimik ang Taal ng halos labing’siyam na taon.

Noong 1591, 1605 to 1611, 1634, 1635, 1641, at 1645 ang mga naitalang pagsabog. Mapapansin na magkakalayo ang taon ngunit ang mga ito ay sunod sunod ang mga pagsabog at kinilala bilang isang phreatic eruption.

Noong 1707, ang pinakamalaking crater na makikita sa isla ng Taal ay sumabog. Ang Crater na ito ay kinilala bilang “Binintiang Malaki crater”. Ito ang inaakala ng karamihan na bulkang Taal. Noong taong 1715, ang crater na ito ay muling sumabog.

Noong taong 1716, ang bulkan na makikita sa gilid ng taal na kinikilala bilang Calauit ay sumabog. Ang bulkan na ito ay nakalubog lamang sa ilalim ng lawa ng taal. Ang maliit na bulkan na ito ay nakagawa ng isang  underwater, phreatomagmatic eruption.

Noong taong 1709 at 1729. Ang isang Crater na kinikilala bilang Binintiang Munti crater ay nakagawa ng isang phreatomagmatic eruption. Noong 1731, nagkaroon muli ng isang underwater eruption, ngunit ito ay naganap naman sa Pira-Piraso. Mula sa pagsabog na ito, naibalita ang din ang ilang pagdaloy ng mga iba’t ibang gas sa tubig at ilang mga rock Fragments. Mula din sa pagsabog ng bulkan na ito, nagkaroon din ng pag-ulan ng mga bato.

Noong August 11,1749. Naglabas muli ng ilang mga baga ang main crater ng Taal. Dahil sa lakas ng pagsabog neto, malala ang naging epekto neto para sa mga residente na nakatira mismo sa lugar kung saan nakapalibot sa lugar. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PhiVolcs, ang naganap na pagsabog ay matatawag  na phreatomagmatic eruption at ito ay hindi normal dahil inilarawan nila ito bilang isa sa pinaka malakas at malala.

Noong taong 1754 mula May 15 hanngang December 5, isang  phreatomagmatic/plinian eruption ang naganap na mula mismo sa main crater ng Taal. Isipin mo na lamang kung ang dalawa sa pinaka malakas na eruption ay nagsama at sumabog sa iisang bulkan, ang resulta ay paniguradong nakakatakot. Dahil sa malakas na pagsabog neto, apat na bayan sa batangas ang nalubog mula sa abo, sa mga bato na inuluwal at pinaulan ng bulkan. Isama pa ang tsunaming naganap na dahilan upang malubog din sa tubig ang mga bayan na ito.

Noong taon na iyon, hindi din nakaligtas ang mga tao mula sa alikabok na dala ng bulkan at ilang pag-ulan. Hindi ito ito normal na ulan dahil ito ay mayroong dalang acid, nagkaroon din ng schock wave mula sa pagsabog. Pitong buwan bago humupa ang lahat ng ito sa bayan ng batangas at sa mga lugar na naabutan ng mga abo.

Hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga mamayan sa lugar, ilang sunod-sunod na pagsabog at pagbuga ng mga bato, abo, at apoy ang nagawa ng Taal.

Mula noong taong 1790, 1808, 1825, 1842, 1873, 1874, 1878, 1903 hanggang 1904. Ang ilan sa pagsabog ay kinilala bilang phreatomagmatic at ang iba naman ay phreatic eruption.

Isa na namang malalang pagsabog ang naganap noong 1911, isang malakas na phreatic eruption ang naging dahilan upang muli nanamang umulan ng bato at ilan pang mga matitigas na bagay na mula sa mismo sa Taal. Naireport na halos 1,335 katao ang pinaniwalaang namatay mula sa pangyayaring ito. Mula din sa pangyayaring ito, ilang paglubog ng mga maliliit na isla ang napabalita. Pagkalat ng abo, nagkaroon muli ng pag-ulan ng acid at schock wave.

Pero hindi pa tayo tapos, hindi pa dito natatapos ang mga pagsabog. Noong 1965, hindi nakuntento ang Taal at naghanap pa siya ng kasama upang magdala ng malaking takot sa mga tao. Noong taong na iyon, pumutok ang Taal kasama ang Mt.Tabaro na makikita kasama sa isla ng Taal. Sa pagsasanib pwersa ng dalawa, daan daaang tao ang namatay. Kinilala ito bilang violent phreatomagmatic eruption.

Makalipas ang isang taon matapos ang malalang insidente, muling nagbuga ng apoy ang Mt.Tabaro at nadala nanaman ng pag-ulan ng mga bato sa lugar. Ang phreatomagmatic eruptions ay naganap mula sa bulkan na ito noong 1966 at 1967.

Magmula noong pumutok kasama ng Taal ang Mt.Tabaro, hindi na din mapigilan ang mga sumunod na pagbubuga nito ng apoy at mga abo. Naganap naman ang isang Strombolian eruptions sa crater ng Mt.Tabaro noong 1968 at 1969. Dahil dito, nagkaroon ng lava flow sa lugar at ilang fire fountain sa bunganga ng crater neto. Noong 1970 ,1976 at 1977; ang lahat lang naman ng eruption na naganap sa tatlong taon na ito ay mula sa Mt.Tabaro.

So, magmula noong 1977 ang Taal at ang mga bulkan sa paligid neto, marahil ay napagod na at nanahimik hanggang ngayong taon. Ngunit muli nanamang nagising ang Main Crater ng Taal at nagsimula nanamang magpakalat ng abo sa ilang kalapit na lugar.

Ayon sa ilang balita, bago pa maganap ang nangyari neto lamang January 12, 2020 sa Taal. Nakakitaan na ito ng ilang mga sensyales na ito ay gising nanaman mula noong taong 2008.

Ayon sa PhiVolcs noong 2008, nagkaroon ng ilang volcanic earthquake at ilang mga nakakabahalang tunog na nagmumula sa lokasyon ng bulkan. Ayon din sa report, sampung beses itong nangyari sa loob lamang ng isang araw; mula 5:30 ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Nakaramdaman din ang mga mamayan na malapit sa isla ng Taal ng halos intensity II na lindol.

Noong sumunod na taon, naibalita ang halos siyam na volcanic quakes mula noong June 13 hanggang June 19 noong 2009. Ayon sa National Disaster Coordinating Council o(NDCC), pinag-iingat nila ang mga residente kahit na hindi nakikitaan ng ilang pag-usok ng kahit anong bulkan sa isla ng Taal. Ipinatupad din ng PhilVolcs ang Alert Level 1, at ipinagbawal muna ang paglapit sa bunganga ng bulkan at maging sa isla neto.

Noong 2010, dahil sa pag-iiba ng temperatura ng tubig sa lawa ng bunganga ng bulkan. Itinaas sa Alert level 2 status. Ayon sa report, ang kalupaan ng isla ay umiinit at nagkaroon na din ng ilang pag-usok. Matapos neto ay naging normal muli ang lahat, ngunit noong buwan ng Abril at Hulyo noong 2011; nagpatupad muli ng alert level 2 na tumagal ng halos labin isang linngo. Dahil ito sa pagsisimula ng pag-init at patuloy na pag-usok ng bulkan. Nagkaroon din ng ilang paggalaw ng lupa at pagkarinig ng mga kakaibang tunog. Ilang magma na din ang nakikitang lumulutang sa lawa ng Taal.

Netong nakaraang taon lamang, nagkaroon ng halos 57 volcanic earthquakes na nangyari noong buwan ng noyembre taong 2019.

Ngayon ay buhay na buhay nanaman ang main crater ng Taal, at ipinatupad ang alert level 4 sa lugar ng Batangas maging sa mga kalapit na bayan. Dahil sa patuloy na pagbubuga neto ng usok, nakitaan din ito ng volcano lightning.

Kung sakaling ang Bulkan na ito ay muling pumutok, inaasahan na maaring magkaroon ng Tsunami. Take note mga boss, hindi pa sumasabog ng tuluyan ang bulkan, nagaalburuto pa lang ang taal o volcanic activity pa lang ito, wala pa ung erupted talaga.

Monitoring:

Paano ba nila nalalaman ang pagsabog ng bulkan I hear you ask. Well listen closely.

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagpredict kung kailang puputok o sasabog ang isang bulkan ay wala pang nakakagawa. Ngunit gamit ang ilang mahahalagang gamit, at mga kaalaman; maari nila itong bantayan upang makakita ng kahit anong senyales. Dahil sa mga ilang pag-aaral, nalaman ng mga eksperto kung ano ang nangyayari sa loob ng isang bulkan.

Ang tinatawag na Seismometers, ang ginagamit upang makita kung malaman ang posibleng lakas at posibleng araw ng pagsabog ng isang bulkan. Again, possible hindi natin masasabing 100% accurate ang prediction ng seismometer. Isa din sa ginagamit ang Tiltmeters at mga GPS satellites, gamit ang mga bagay na ito; maaring malaman ng mga eksperto kung ano ang nangyayari sa isang lupa na malapit sa lulgar ng isang bulkan. Dahil mainit ang ilalabas ng isang bulkan, bago ito sumabog, mapapansin ang ilang paglaki at ilang pag lobo ng kalupaan.

Gamit ang ilang mga robots na tinatawag ng mga eksperto bilang “Spiders”. Nababantayan at nalalaman nito ang gas na lumalabas mula sa bulkan. Ayon sa ilang mga pag-oobserba, madalas ay nagkakaroon ng pagtaas sa sulphur dioxide kung ang isang bulkan ay malapit nang sumabog.

Gamit din ang ilang temparature measurement, malalaman na malapit nang maglabas ng magma ang isang bulkan dahil sa init na dala neto. Isa sa pinaka mahalaga ay ang gamit upang tumingin sa mga nagdaang pangyayari. Kung ang mga eksperto ay titingin sa nakaraan, maari silang makakita ng kaparehong sensyales at magakakroon sila ng ideya kung ano ba ang dapat na gawin.

Types of tephra:

So, what is Tephra? mula sa mga bato na natunaw ng init mula sa pagsabog ng bulkan, ang mga ito ay magiging alikabok. Ito ang Tephra.

Isa itong pinong pinong abo na mula sa mga nasirang glass shards. Ayon sa research, ang pagkilala sa uri nito ay maaring malaman sa laki at sa itsurang taglay neto. Mababase din ang uti neto kung anong klaseng eruption ang pinag mulan neto.

Nariyan ang Scoria-fall deposits, ito ay nagmula sa isang Strombolian eruptions. Mula ito sa mga basaltic to andesitic vesiculated pyroclasts na makikita sa bunganga ng isang bulkan.

Ang isa pa ay ang Pumice-fall deposits, ito naman ay maaring magmula sa isang Plinian eruptions.

Halos lahat ng pagsabog at pagputok ng isang bulkan, nakakagawa ito ng Tephra. Mula sa mga maliliit na bato, at ilang batong parang bomba na bumabagsak sa langit na halos mayroon lamang laki na (>64 mm, 2.5 inches diameter). Dahil ang isang ito ay magaan lamang, mas malayo ang nararating neto kumpara sa mga buo at malalaking bato na mula sa pagputok ng bulkan.

Ang mga abong ito ay maaring pagsimulan ng isang sakit or worsts kamatayan. Ang mga kumakalat na abo ay isa ding problema para sa mga mamamayan. Dahil ito ay nadadala ng hangin, maari netong maapektuhan ang mismong pinagkukuhanang nang tubig ng isang lugar. Maari itong makaapekto sa mga pananim at mga daanan at iba pang establishmento.

Dahil ang abong ito ay mayroong dalang nakakalason na chemical, maari netong maapektuhan ang kinakain ng isang hayop at ng isang tao. Dahil sa dami neto, maari nang lumubog ang isang malaking bagay tulad na lamang ng isang bahay at ng isang sasakyan. Ito ang perwisyong dala ng isang abo na mula sa bulkan.

Geological hazards:


So, ano pa nga ba ang maaring mangyari kung sakaling magkaroon ng malakihang pagsabog ng isang bulkan? Kung aaralin, ang pagpaparamdam pa lamang ng isang bulkan ay mayroon nang panganib na hatid. Ayon sa mgha eksperto, mayroon apat na uri ng waves kung saan ito ang nagiging dahilan kung bakit sa pagsabog ng isang bulkan ay maaring makaranas ng iba’t ibang paggalaw ng mga bagay sa ibabaw ng lupa.

Ang pinaka una dito ay ang tinatawag na sound wave o P wave. Kung sino man ang madadaanan ng wave na ito ay paniguradong gagalaw kahit na ito ay malaking gusali pa. Ang sumunod dito ay ang tinatawag na Shear waves o S waves. Ayon sa research, ito ang uri ng wave kung saan dumadaan malapit sa surface ng earth. Dahil sa S waves, ang paggalaw na magagawa ng lupa ay “Side to Side”. Ang pinaka huli naman ay ang tinatatawag na slow low-frequency surface waves. Ang wave na ito ang maaring pagsimulan ng isang Tsunami.

Kung ang isang gusali ay matibay at natagalan ang lahat ng paggalaw, delikado pa din ito kung ang malaking tubig na ang kalaban niya.

Hindi lamang ito ang maaaring magawa ng isang pagputok ng bulkan. Kung sobra ang lakas na hatid neto, maari netong mahati ang ilang kalupaan. Dahil na din sa lindol na dala neto, maaring maapektuhan ang ilang fault na makikita sa lugar. Ang gamit upang malaman ang lakas ng isang normal lindol ay magkaiba kung paano malaman ang lindol na gawa ng isang pagsabog ng bulkan.

Gamit ang tinatawag na Richter scale, kung nairecord neto ang 5.5 magnitudes asahan na ang paghihiwalay ng kalupaan. Mula sa lakas na 5.5, ang mga lugar na madalas daanan ng lindol ay delikado na ang buhay. Maaring mahati ang lupa sa layo ng tatlo hanggang apat na kilometro mula sa fault line na pinagmulan neto. Ngunit maari din itong mahati sa dalawa na may layo na 300 meters wide sa isa’t isa.

Mula din sa lindol, maaring magkaroon ng landslide sa mga matataas na lugar. Pagbagsak ng mga bato mula sa itaas ng bundok, maari din magkaroong ng rock avalanches.

Ayon sa ilang balita, isang rock avalanches ang nangyari noon sa Huascaran sa bandang Peru. Ang lindol ay naganap noong 1970 na naging dahilan upang mamamtay ang halos 20,000 na katao sa lugar.

Sa pagputok din ng isang bulkan, asahan na ang pagdaloy ng isang lava. Ito ang nagbabagang bato na lumabas sa bunganga ng isang bulkan. Ang bagay na ito ay maaring dumaloy ng mabilis o maari ding mabagal. Dahil sa init ng bagay na ito, ano man at sino man ang madaanan neto ay paniguradong mawawala sa mundo. Pero ayon naman sa mga eksperto, hindi malayo ang nararating ng bagay na ito.

Ang isa sa pinaka kinakatakutan ng mga tao ay ang pagkakaroon ng Tsunami matapos ang malakas na pagsabog. Ang tsunami, minsan ay mula din sa malakas na lindol o di naman kaya paggalaw ng lupa sa ilalim ng dagat. Ang ilan sa pinaka kilalang tsunami na nangyari matapos ang isang pagsabog ng bulkan ay noong Krakatau volcanic eruption na nangyari noong 1883. Mula sa pagsabog ng ng bulkan na ito, ang tubig ay tumaas ng halos 125 feet above sea level at naging dahilan ng pagkamatay ng libo libong tao sa lugar na dinaanan.

Ang mga ito ang mga maaring asahan at paghandaan kung sakaling maganap ang kinakatakutan ng mga Pilipino. Wag naman sana, kaya makinig sa mga awtoridad, kapag pinalikas, lumikas. Wag matigas ang ulo.

Volcanic Lightning:


Bulalord, Nakita mo ba ung picture ng taal, ung may kidlat, paanong nagkaroon ng kidlat ang bulkan? Hindi bas a ulap lang yon I hear you ask.

Volcanic Lightning o Volcanic  Thunderstorm. Ito ang bagay na aktwal na nasaksihan ng mga mamamayan sa bayan ng Batanggas. Magmula noong nagsimulang maglabas ng usok ang bulkan, laman na ito iba’t ibang posts sa social media. Dahil sa hindi maitatangging kagandahan ng isang kidlat sa loob ng malaki at mataas na usok, ang iba ay namangha; habang ang iba ay natakot. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng bagay na ito?

Sa totoo lamang, walang malinaw na sagot kung ano nga ba talaga ang hatid na senyales ng bagay na ito. Isa itong phenomenon na kung saan nangyayari sa tuwing sasabog ang isang bulkan. Ayon sa ilang mga research, ang lubos na pagkilala sa bagay na ito ay matagal na pinag-aralan ng mga eksperto.

Pinaniniwalaan na ang isang volcanic lightning ay maaring magmula sa dalawang lugar. Ayon sa pag-aaral, mula sa nabubuong mabigat na ash cloud sa ibabang bahagi ng bunganga ng bulkan papunta sa taas hanggang makaabot sa gitna kung saan kinakatagpo ang volcanic smoke. Ang mga mababang kidlat na nakikita sa bulkan, ay pinaniniwalaang dahil sa pagdidikit ng magkaibang ash particles, sa pagdidikit ng dalawang bagay na ito, mabubuo ang isang static electricity na dahilan upang makabuo ng isang kidlat. Ayon sa mga ekperto, maari din itong magmula sa mga nabubuong alikabok at mga tubig na umaakayat paataas, habang ang dalawang ito ay patuloy na umaangat magsisimula na din mabuo ang ilang yelo. Kung  ang lahat ng ito ay nagsama-sama at nagtapo, magkakaroon ng electric charge na pagsisimulan ng isang kidlat.

Ngunit ang lahat ng ito ay walang kasiguraduhan. Hanggang ngayon isa pa lang itong theory. Pero ang mga nasabi ay mga posibleng paliwanag kung bakit nagkakaroon ng kidlat ang pagputok ng isang bulkan.

Duration,Alert Levels,Precaution:


Pag-usapan naman natin kung ano ba ang iba’t ibang klase ng mga alert level sa Pilipinas. Ayon sa PhiVolcs, kung ang isang bulkan ay tahimik at walang kahit anong pagbabagong nagaganap sa lugar nito, ang Alert Level nito ay nasa “0” o Quiet or no alert,

Kung ito naman ay naglalabas na nang ilang pag-usok, at ilang pag-init ng lupa ang alert level ay maitataas na sa “1” o  Low level of volcanic unrest. Level 2 o Increasing unrest, kung ang tubig sa bulkan ng Taal ay nagsisimula nang kumulo at uminit.

Level 3 o Magmatic unrest kung ang ilang mga paglindol ay nararanasan na sa mga kalapit na lugar. Level 4 o Hazardous eruption imminent kung patuloy pa din ang mga nararamdaman na lindol at mga ilang  mga kakaibang tunog  na nagmumula sa bulkan. Ibig sabihin, malapit na ang pagsabog ng isang bulkan.

Ang pinaka huli aya ang alert level 5 o Hazardous eruption in progress, kung saan ang bulkan ay pumutok na at naglalabas na ito ng mga Lava at nagkakaroon na din ito ng ilang Lava fountaining.

Dahil ang isang volcanic ash ay isang particle kung saan ito ay less than 2mm diameter na mula sa isang crystal at isang volcanic glass. Ang mga ito ay mula sa mga nabubuong magma at kung minsan ay mula sa mga rock fragments.

Dahil sa malakihang volcanic ash maaring magkaroon ng mga problema sa paghingha, magkaroon ng ilang lung problems, eye irritation at minor skin problems. Ngunit ang lahat ng ito, hindi lamang sa tao ang tama, maging sa mga hayop at mga halaman ay malaki ang magiging epekto neto.

Ayon sa ilang paalala, dapat at kailangan; ang lahat ng tao ay may kaalaman kung sakaling mangyari ang pagsabog ng isang bulkan.

Maghanda ng mga pagkain, tubig, damit at mga gamot na iyong madadala sa evacuation center. Kailangan din sumama sa mga taong magdadala sa iyo sa isang ligtas na lugar dahil kung ikaw ay nagmatigas, mas magiging mapanganib ang iyong buhay.

Maghanda din ng ilang gas mask, at ilang malilinis na panakip sa mukha para sa abo na kakalat sa lugar. Kung nasa loob lang naman ng bahay ay mas maiging isara ang lahat ng pinto at mga bintana na maaring pasukan ng hangin.

Maari din pumunta sa mga matataas na lugar, dahil ang tsunami ay maaring mangyari sa kahit anong oras matapos ang malakas na pagsabog.

Ang pinaka mahalaga ay alagaan at ingatan ang mga bata na iyong kasama sa bahay. Tumulong sa ibang taong nangangailangan. Isipin mo na lang kung sayo nangyari un, gusto mo ba balewalain ka din nila?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Disassociative disorder identity

Nasaan ang Antimatter?