Spitting Cobra

Reading Time: 5 minutes

#1

Ang pangalang spitting cobra ay nakakalito dahil hindi naman talaga sila nandudura ng kanilang kamandag sa halip ay iniispray nila ito.

#2

Ang mga cobra na ito ay may maliit na butas a kanilang pangil at duon lumalabas ang kanilang kamandag pag iispray nila ito. Karaniwan tinatarget ng mga spitting cobra ay ang mata ng kanilang biktima.

#3

Mayroon silang kakayahan na mag spray ng kanilang kamandag sa layong 6.6 feet at ang masaklap pa nito, kaya nilang ulitin ito ng 40 beses sa maliit na panahon.

#4

Ang mga spitting cobra ay hindi ganun kalakas ang muscle at hindi kayang patayin ang kanyang biktima sa pamamagitan ng pagpalupot. Ang kanilang mga pangil ay maliliit lang din kaya naman kung gusto nilang patayin ang kanilang biktima, kailangan nitong diinan ang kagat at huwag bitawan. Pero kapag malaki ang kanilang kalaban, makakatakas ito at may pagkakataon na mapatay sila. Kaya naman para maiwasan to, ang ginagawa ng spitting cobra ay iniisprayan muna nila ang mata ng kanilang biktima upang mabulag.

#5

Ang kamandag ng spitting cobra ay hindi ganun kalakas kaya naman kahit na ito ay maispray sa iyong balat wala itong magiging problema. Pwera na lang kung na spray ito sa sugat mo.

#6

Hindi sila nagiispray sa isang lugar lamang. ayon sa pag-aaral, ang spitting cobra ay iniispray ang kanilang kamandag sa hugis na geometric oval shape. Inaanticipate nila ang galaw ng kanilang biktima kaya oval shape ang pag spray nila ay para na din sa accuracy na kahit gumalaw ang biktima ay matatamaan nila ito.

#7

Ang kamandag ng spitting cobra ay slow acting o mabagal ang epekto. Pero kahit ganun ang kanilang kamandag ay mayroong cytotoxin at neurotoxin na kayang sumira ng blood cells at mga tissues.

#8

Sa africa, mayroong 7 klase ng spitting cobra, Red Spitting Cobra, Ashes Spitting Cobra, Mozambique Spitting Cobra, Black necked spitting cobra at zebra spitting cobra. Habang sa asia naman ay mayroon ding 7 klase. Equatorial Spitting Cobra, Indochinese Spitting Cobra, Indonesian Spitting Cobra at Philippine cobra. Oo mga boss, ang philippine cobra ay parte din ng spitting cobra.

#9

Ang pinakamalaking spitting cobra ay ang Ashe’s spitting cobra na kayang lumaki ng 6.5 feet. Average lang yan mga paps, ang pinakamalaking natala na ashes spitting cobra ay umabot ng 9 feet.

#10

Mapunta naman tayo sa pinakamaliit, ito ay ang mozambique spitting cobra. Ito ay may haba lamang na 3 feet hanggang 5 feet.

#11

Ang pinakamakamandag na cobra sa pamilya ng mga spitting cobra ay walang iba kundi ang philippine cobra. Hindi lang yan, ito din ang may hawak na pinakamakamandag sa buong pamilya ng mga cobras. Kaya nitong pumatay ng isang matandang tao sa loob ng 30 minuto. Ang kamandag ng philippine cobra ay purong neurotoxin.

#12

Ang batang red spitting cobra ay diurnal o yung active twing umaga, habang ang matatandang red spitting cobra naman ay nocturnal. Ito ay para maiwasan na mag pang abot ang matanda at bata at makain ang batang red spitting cobra ng kanilang kalahi.

#13

Sabi nga nila kung sino pang maliit sya pang matapang, naaaply din ito sa mga cobra, ang mozambique spitting cobra ay ang pinakamaliit pero meron din itong aggresibong ugali. Kapag sila ay nakaramdam ng panganib tatayo ito at susubukan takutin ang kalaban sa pamamagitan nito. Pag hindi ito gumana, magpapatay patayan ito para lamang makaligtas.

#14

Ang black necked spitting cobra ang pinaka adaptable na cobra sa lahat, pwede itong panggabi o pangumaga depende sa buwan.

#15

Ang indochinese spitting cobra ay may dalawang personalidad. Pag gabi matapang ito at agrisibo haharapin kung sino man ang gagambala sa kanya. Subalit pag dating naman ng umaga, tamad ito at duwag. Pag kinompronta ito, agad itong lalayo.

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

The Real Karaoke Inventor

Lilith – Ang unang asawa ni Adam? (Jewish Mythology)