Spanish Flu

Reading Time: 27 minutes

Topics

Sa panahon ngayon ay kunmakalat ang Corona Virus na kung saan idineklara na bilang pandemic ng Worlds Health Organization, ito ay nagbibigay ng takot sa mga tao hindi lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo. Dahil sa virus na ito, nagkakaroon ng panic at pagsasara sa ilang mga bayan upang maiwasan ang lalong pagkalat nito.

Pero alam nyo ba noong taong 1918, isang pandemic din ang kumalat sa buong mund ? Kung ikaw ay mahilig mag-ungkat noong nakaraang panahon, malamang ay alam mon a ito .Ngunit ano nga ba ang nangyari noong taon na iyon? Alamin natin kung ano ba talaga ang nangyari.

History:

Ayon sa Center for Disease control and prevention, ito na mismo ang pinaka malalang pangyayari na nangyari sa kasaysayan ng mundo. Ang Spanish flu o mas kilala bilang La Grippe Espagnole na kung saan pumatay sa milyong tao sa buong mundo again, milyong tao. Ayon sa report, ang dahilan ng pagkamatay ng madaming tao ay dahil sa tinatawag na H1N1 virus.

Hanggang ngayon ay hindi pa din alam kung saan ba talaga nagsimula ang pagkalat ng virus, pero tinawag itong Spanish Flu noon dahil mas nakilala ito noong dumating ang virus sa Spain noong November 1918. Dahil nga noon ay isa ang Spain na nanatiling walang pinapanigan habang nagaganap ang World war 1, ang bansa na ito ay malayang nakakapagbigay ng balita patungkol sa mga pangyayari. Ayon sa ilang report noong taong 1918 sa bansa ng United States, naunang nakita ang mga sintomas mula sa isang militar, at doon ay kumalat ang virus sa iba’t ibang bansa ng halos isang taon.

Ang virus na ito ay pumatay ng tao, bata man o matanda. Wala itong pinipili hindi katulad ng covid 19 na medyo ligtas ang mga teenager o adolescence, sa Spanish flu hindi, sa katunayan ang mga batang nasa 5 taong gulang ay tinamaan na agad nito at ang pinaka matanda ay nasa 65 years old. Ayon sa report, karamihan sa mga namatay ay nasa edad na 20 hanggang 40 years old. Dahil na din sa kakulangan ng impormasyon mula sa sakit na ito, naging dahilan ito upang hindi mapigilan ang pagdami ng mga taong namamatay.

Hindi nauipatupad ng maayos ang ilang mga bagay na kailangan gawin upang mas madaling maiwasan ang pagkalat ng virus, tulad na lamang ng paggamit ng ilang mga disinfectants, labis na pagsasama-sama ng mga tao at ilan pang mga bagay na kailangan gawin ay hindi nagawa. Exactly what is happening today pero sa panahon natin ngayon, we have learned from the past kaya’t sumunod sa pinaguutos ng gobyerno okay? Wag kayong tumulad kay ano na kinikwestyon pa ang direktiba ng gobyerno eh containment nga ang ginagawa ng ating pangulo. Anyway, wag na yan baka maissue pa yan dito.

Influenza:

Pag-usapan muna natin kung ano ba ang isang influenza. Para sa ilang taong hindi nakakaalam, ang influenza ay isang viral infection na kung saan umaatake sa respiratory system tulad ng ilong, lalamunan at baga. Madalas ay matatawag itong flu na kung saan maari namang magamot kahit hindi pumunta sa mga doktor. Pero para sa ilang kaso ng ilang mga taong mahihina ang immune system, may asthma, may sakit sa puso at ilan pang malubhang komplikasyon sa loob ng katawan ay mas malala komplikasyon nito sa kanila.

Ang isang flu ay isang lagnat na ating nararanasan, pagkakaroon ng sipon , pag-ubo at pagsakit ng lalamunan. Ang isang simpleng lagnat ay mararamdaman ng paunti-unti ngunit ayon sa mga doktor, ang isang influenza ay tatamaan ka ng madalian. Ang ilang sintomas ng flu ay ang pagkaakroon ng temperatura na aabot sa 38 C, papanakit ng ilang muscle, panlalamig at pagpapawis, pananakit ng ulo , palaging pag-ubo, panghihina at pagbabarado ng ilong at pananakit ng lalamunan.

Ang isang influenza ay maaring makuha sa hangin na kung saan mula sa taong umubo na iyong katabi o kalapit. Maari mong makuha ang hangin na kanilang inubo o ang droplets na kung saan papasok kaagad sa iyong katawan. Maari din sa ilang mga bagay na iyong hinahawakan, tulad na lamang ng isang computer at telepono na kung saan kapag ang kamay mo ay inihawak mo sa iyong mata o ilong ay makukuha mo na ang sakit na ito.

Ayon sa pag-aaral ng mga doktor, ang isang flu ay mabilis magbago na kung saan palagi itong nagpapakita ng panibagong strains sa loob lamang ng ilang oras. Ngunit ayon din sa pag-aaral, kung ang isang tao ay nagkaroon na nang influenza , maaring madali na lamang siya gumaling mula sa sakit na tumama sa kniya dahil ang kanyang katawan ay nakagawa na nang panlaban sa ganitong uri ng viruses.

Ang pag-inom ng gamot at tamang pag-aalaga sa sarili ay makakatulong upang gumaling kaagad mula sa sakit.

Patient Zero:

Ayon sa ilang paniniwala, ang flu na kung saan nakilala sa Spain ay maaring nagsimula sa Iberian Peninsula. Ngunit noong May 1918 ay lumabas ang isang balita sa Madrid patungkol sa sakit na ito. Ito ay noong tinamaan ng sakit ang Spanish King na si Alfonso XIII. Naniniwala ang espanya na ang sakit ay mula mismo sa France na kung saan dinala sa kanilang lugar dahilan upang mahawa ang kanilang tao.

Dahil nga din ang media noong WW1 ay patay kumbaga walang press freedom, ito rin ang dahilan upang mawalan ng balita patungkol sa ibang bahagi ng bansa. Dahil nga hanggang ngayon ay hindi pa din alam ng mga eksperto ang pinagmulan ng sakit, naniniwala ang ilang mga tao sa espanya na ito ay maaring nagsimula sa mga bansa katulad ng China noong 1817, France o hindi naman ay Britain noong taong 1916.

Ang ilang mga naiwang biktima o hindi naman ay nahawan ng sakit na ito ay patuloy pa din na pinag-aaralan ng mga eksperto ngunit , tulad nga nang nasabi ko ay hindi pa din alam ng mga eksperto kung ano ba ang dahilan bakit sobrang lala ng ipinadanas nito sa mga tao. Ayon sa ilang mga report, maaring sa United States talaga nagsimula ang malalang sakit na ito.

Ang Haskell County na kung saan nakapaloob sa Kansas ay ang pinaniniwalaan na pinaka unang lugar na nagkaroon ng biktima ng nasabing sakit. Ayon sa ilang mga report, makikita sa lugar na ito ang napakaraming baka at aso na kung saan pinaghihinalaan na pinagmulan ng virus. Ang ilang paniniwala pa ay ang paglipat ng ilang mga uri ng ibon na aabot sa halos 17 species sa lugar ng Haskell.

Sa panahon ngayon ay alam na nang mga eksperto na ang virus na mula sa ibon at mula sa tao ay maaring makaapekto sa mga aso. Kung ang dalawang virus na ito ay tumama sa isang nilalang, maaring mabuo ang isang panibagong virus na kung saan magiging lubhang mapanganib. Ayon sa report patungkol sa virus, nagsimula ito noong Enero noong 1918.

Isang local physician sa lugar na kinilala bilang Loring Miner ang siyang unang nagbabala sa Public Health Service ng United States patungkol sa sakit na maaring kumalat. Noon din ay lumabas sa isang diyaryo na “Santa Fe Monitor” ang balilta patungkol sa ilang tao at bata na nilalagnat, mayroong pheunomia, at nakakaramdam ng pangiginig, panghihina at pananakit ng katawan.

Ayon sa report, ang ilang mga tao na ito na mula sa Haskell ay nanggaling sa Camp Funston na makikita sa Central Kansas. Noong dumating ang buwan ng Marso, naireport ang pinakaunang sundalo na nakakaramdam ng isang influenza. Dahil nga ito ay nakadestino sa isang kampo, makalipas ang dalawang linngo, halos 1,100 na soldiers ang ipinadala sa ospital at halos ilang libo din ang naiwan sa kampo na nakakaramdam din ng sakit.

Noon pa lamang ay 38 na katao na agad ang namatay, ang ilan namang mga apektadong militar na mula sa Funston ay nadala ang sakit sa halos 24 hanggang 36 na malalaking kampo sa United States na kung saan agad na kumalat at libo libo kaagad ang naapektuhan na tao. Mula sa mga taong ito ay mas lalo pa itong kumalat sa ibang bansa.

Ayon pag-aaral na nagawa ng mga eksperto, ang kakayahan ng virus na tumama noong 1918 ay umaatake sa upper respiratory tract at maging sa baga na kung saan sumisira sa mga tissue na magiging dahilan upang maging bacterial pneumonias. Ayon sa isang Australian immunologist na kung saan iginugol ang kanyang buong career upang pag-aralan ang mga bagay patungkol sa influenza, matibay ang paniniwala nito na nagsimula talaga sa US ang sakit at nadala sa France noong dumating ang mga US soldier noong taon na iyon.

Kung ikukumpara ang napatay ng pandedmic na ito sa napatay ng AIDS sa loob ng halos apatnapung taon at sa napatay ng Bubonic Plague sa loob ng isang century, mas marami ang napatay ng Spain flu sa loob lamang ng isang taon. Tumagal lamang ng 15 months ang pandemic ngunit nnakapatay na ito ng halos kalahating tao na namumuhay sa mundo.

Noong una ay inakala ng ilan na hindi naman talaga nakakamatay ang pandemic na ito dahil ngakaroon ng report patungkol sa halos 10,313 na manlalayag ang naospital dahil sa sakit ngunit aapat lamang ang namatay mula dito. Noon ay naireport din mula sa French army na sa halos 1,018 na sundalo, 668 na katao ang naospital at 49 na katao ang namatay.

Noon din ipinasawalang bahala na lamang ng US Army medical bulletin ang nangyari at nagpadala ng report sa France na kung saan ang sakit ay nawala na at nagamot na nang tuluyan sa kanilang lugar.

Ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari, nagkaroon muli ng pagatake ang sakit na ito noong Setyembre. Ang hospital sa Camp Devens na kung saan 35 miles ang layo sa Boston ang nakipag tulungan sa 45,000 na militar upang mabigyan ng tulong ang halos 1,200 na pasyente at ay ang pagkamatay ng 84 na katao.

Noong taong September 7 naman ay ilang mga militar naman ang ipinadala sa ospital na kung saan nagdedeliryo at nasasaktan sa tuwing nahahawakan. So, isipin mo na lamang kung paano magagamot ng isang doktor ang pasyenteng nakakaramdam ng sakit sa tuwing nahahawakan. Ang hirap nun.
Ang mga militar na ito ay na diagnose ng sakit na Meningitis at sa pagdaan ng oras ay mas lalong lumalala ang kalagayan ng mga taong ito at ang mga ito ay nabigyan muli ng panibagong diagnosis na influenza.

Sa loob ng isang araw ay halos 1,153 na militar ang naireport na nakakaranas ng influenza. Ngunit kahit na ang mga ito ay nadala na sa ospital, naiiwan pa din sa barracks o kampo ang ilan pang mga namatay na at patuloy na nakakaranas ng sakit. Isang physician na kinikilalang si Roy Grist ang nagbigay ng paglalarawan dito.

Ayon kay Grist, ang mga taong naitakbo sa ospital ay nagsimulang magpkita ng isang normal na sintomas ng isang normal na sakit. Ngunit habang tumatagal, ang mga taong ito ay nakakaramdam ng kakaibang uri ng Pneumonia na noon ay hindi pa nila nakikita. Makalipas ang dalawang oras matapos maidala sa ospital, ang mga ito ay nagkakaroon na nang tinatawag na Mahogany spots sa kanilang mga pisngi at nagsisimulang mawalan ng hangin sa katawan.

Ang mga pasyente ay nagpapakita ng sintomas ng tinatawag na Cynosis na kung saan ang mga balat nito ay nagsisimulang maging kulay asul at doon ay unti-unti nang mamatay ang mga taong ito. Kada araw ay naitatala ang halos isang daang pagkamatay ng mga tao. Ayon sa ilang mga report, hindi lamang ang sakit mismo ang nakakamatay ngunit maging ang hindi pagpapalabas ng katotohanan sa mga taong walang alam.

Noon isang American Politician at lawyer na kinilala bilang si Woodrow Wilson ang nagmungkahi patungkol sa isang batas. Isang batas na magkukulong sa kung sino man ang maglabas o magkalat ng impormasyon patungkol sa nangyayari at makukulong ng halos 20 taon. Dahil dito, habang lumalaganap ang influenza sa America ay walang kaalam-alam ang mga tao dahil hindi ito sinasabi sa kanila.

Noon din ay dumating ang isang Navy ship mula sa Boston na naglalaman ng mga taong naapektuhan. Dahil dito ay nadala ang sakit sa Philadelphia na sa isang Navy Yard. Ngunit ayon sa public health director ng siyudad na si Wilmer Krusen, naglabas sya ng kanyang pananaw mula sa sakit na ito. Nangako ang direktor na makokontrol nila ang sakit at hindi na kakalat pa, hindi na din kailangan pang mangamba dahil sa wala pa namang tao ang napapabalitang namatay mula dito.

Subalit noong sumunod na araw, dalawang sailor ang namatay mula sa influenza, pero ayon sa mga health officials, nababawasan na ang mga taong may sakit. Noong sumunod na araw, 14 na sailor ang namatay kasama na ang pinaka unang sibiliyan, sa pagtuloy ng araw ay nadadagdagan ang bilang ng mga taong namamatay ngunit, walang katotohanan ang lumalabas sa madla.

Ang epidemya ay kumalat na sa Philadelphia at pumapatay ng halos 759 na katao sa loob lamang ng isang araw at 12,000 na katao ang namatay sa loob lamang ng anim na linggo. Naitala na halos 675,000 na Americano ang namatay sa Flu at ito ay pumatay ng halos 20 hanggang 50 million na katao sa buong mundo.

This is historical truth mga boss. Kaya wag masyadong magpanic sa covid, totoo na nakamamatay ito pero mas grabe ang ginawa ng H1N1, Dagdagan pa ng media blackout kaya’t walang kaalam alam ang mga tao, ngayon punong puno na tayo ng media, facebook, news, twitter youtube kaya wag masyadong magpanic. Sundin lamang ang pinaguutos ng ating gobyerno at maging hygenic, kung nahawa ka at least you did your part.

Cytokine storm:

 

So, ano nga ba ang mayroon sa virus na tumama sa buong bansa noong 1918? Bukod sa kawalan ng impormasyon, pagsasabi ng totoo at kakulangan ng pag-iingat na isa din sa dahilan kung bakit dumami ang mga taong namatay noong 1918. Ang pinaka tanong na bumabagabag sa lahat, paano naapektuhan ng virus na ito ang mga bata at mga taong malalakas ang immune system.

Dahil sa mayroon nang kagamitan sa panahon ngayon upang makilala ang iba’t ibang mga virus at bacteria, muling pinag-aralan ng mga eksperto ang virus na lumaganap noong taon na iyon. Ayon sa ilang report, nagawa ng mga eksperto na buhayin muli ang active virus mula sa ilang blueprint na nagamit noong 1918. Yes, nagawa ng mga eksperto na makagawa ng ganitong virus at iturok sa ilang laboratoty animal.

Baka ayan na naman tayo sa bioweapon conspiracy ha. Please wag muna ngayon.

Doon ay nalaman ng mga eksperto na ang virus na ito ay nagagawang mapagana ang tinatawag na “Cytokin Storm“. Ang virus na kumalat noong 1918 ang nagiging dahilan upang magbigay ng malakas na response ang immune system ng isang tao, lalo na nga ang Cytokin Storm ng katawan. Ngunit tandaan na kung minsan ay ang mismong immune system ng isang tao ang nagbibigay dito ng sakit.

Ayon sa pag-aaral ng mga doktor, ang cytokine ay isang inflammatory immunologic proteins na kung saan nakikipaglaban sa ilang infection at upang malabanan o maitaboy ang isang cancer. Dahil sa sobrang paglalabas nito ng panglaban, mamagawa nitong masaktan mismo ang katawan ng tao. Ayon sa pag-aaral, kung ang cytokine ay patuloy na naglalabas ng mga bagay na maaring makatulong sa ating katawan, magagwa nitong makapagbigay ng labis na inflammation o pamamaga at makapagbigay ng labis na fluid sa ating baga na kung saan pagsisimulan ng panibagong infection.

Ito na mismo ang pinaniniwalaan na dahilan ng mga eksperto kung bakit karamihan sa mga biktima noong 1918 ay mga kabataan na malalakas at malulusog. Imbis na ang mga taong ito ay makaiwas sa isang malalang sakit, ang sariling nilang immune system pa mismo ang nakagawa ng paraan upang sila ay mamatay. Pinaniniwalaan na ang kumalat na virus ay mula lamang sa H1N1 na kung saan nag-mutate na lamang at naging dahilan upang maapektuhan ang upper respiratory system ng isang tao.

Ngunit ayon sa ilang pag-aaral noong taong 2008, nakilala ng mga eksperto ang tatlong genes na kung saan nagbibigay ng kakayahan sa virus na mapahina ang bronchial tubes at maging ang baga ng isang tao, dahilan upang ito ay magkaroon ng bacterial pneumonia.

Bago tayo magpatuloy, nakasubscribe ka na ba? Kasi kung hindi pa, ano pang hinihintay mo at magsubscribe kana. Wag mo ding kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated.

END:

Ito na mismo ang nagbigay ng takot sa mga tao na lumabas, huminga at makisalamuha sa mga taong nasa labas. Ang gobyerno ay nagsimula na din ipasara ang ilang establishemento at ilan pang mga trabaho dahil sa nakakatakot na sakit. Dahil sa dami ng namatay, kulang na ang mga kabaong na magagamit upang paglagyan ng mga bangkay.

Pinagbawalan na ang pakikipag kamay at pinanatili na lamang ang mga tao sa kanilang mga tahanan. Ipinatigil na din ng ilang aklatan ang pagpapahiram ng libro at maghing pagdura ay kanila na din ipinagbawal. Bawat tao na makikitang dumudura sa daan ay hinuhuli ng militar at binibigyan ng isang card na nagsasabing

“You are in violation of the Sanitary Code.”

Ang mga tao ay napilitan na ilibing na lamang ng hindi nakalagay sa kabaong ang kanilang mga kamag-anak. Dahil na din sa ganitong gawain, tumagal ng halos dalawang taon ang pagsugpo sa epidemya at noong taong 1920 ay nasabing nawala na nang tuluyan ang virus. Pinaniniwalaan na ang sakit na tumama noong 1918 ay walang gamot ngunit may mga ilang report na nagsasabing namatay ang mga ilang taong naapekptuhan ay nakagawa ng paraan upang makagaling sa sakit.

The Blood Plasma:

Ayon sa ilang research, nagawa ng mga militar na masugpo ng lubusan ang flu gamit ang isang bagay na mula mismo sa taong gumaling na lamang dito. So, kung napanood mo na ang maze runner na kung saan si Thomas lamang ang nagsisilbing gamot upang makaligtas ang isang tao sa virus, ganito ang pinaniniwalaan na nangyari sa pandemic na naganap noong 1918.

Ang mga blood plasma na mula sa mga taong gumaling ay gagamitin upang makapagbigay ng tulong sa katawan ng taong lubha na ang sakit na nararamadaman. Ayon sa ilang report, noong ginawa ito ng mga doktor noong 1918, bumaba ng halos 50 percent ang pagkamatay ng ilang taong dumaranas ng sakit. Ayon nga sa ilang report, ilang paraan na ang nagawa ng mga doktor ngunit ang mga ito ay hindi nakitaan ng kahit anong solusyon. Ang pagbibigay lamang ng dugo mula sa taong gumaling ang kanilang nakitaan ng magandang resulta.

Corona Virus and the Spanish Flu:

Sa ating panahon ngayon, ang Corona Virus o ang NCOV ay naihambing na sa ilang pandemic na lumaganap noong mga nakaraang taon. Nariyan ang Black Plague na naganap noong 1300’s, ang Spanish flu noong 1918, at H5N1 noong 1997. Ngunit dahil nga hindi pa din lama kung saan ba talaga nagsimula ang covid-19, marami ang naniniwala na maariang ito ay ang panibagong Spanish Flu.

Ngunit marami pa din ang hindi katulad ng Spanish Flu na tumama sa buong bansa noong 1918. Alam ko naman na natatakot ka na mangyari ang mga bagay na nangyari noong 1918, ngunit ayon sa mga ekspeto, ang nangyari noon at ang nangyayari ngayon ay labis na magkaiba. Ang kagamitan noon at kagamitan ngayon ay malaki rin ang pinagkaiba.

Ang mga tao noon at ngayon ay magkaiba, at halos lahat ng bagay na mula noong 1918 ay mas lalo pang pinagaling at pinaganda ng mga eksperto. Dahil nga noon ay walang kagamitan upang magamot ang ilang sakit na dumapo sa isang tao, hindi kaagad ito nagagamot at huli na ang lahat at ang tao na ito ay mamatay. Hindi lubos ang impormasyon ng mga eksperto noon upang mapag-aralan ang mga taong nagsisimulang magpakita ng sintomas, dahilan upang huli na ang pagbibigay sa kanila ng atensyon.

Ang pinaka malaking pagkakaiba na din ng Spanish flu ay ang mga biktima nito na kung saan karamihan ay mga kabataan na malalakas ang immune system. So, kung titignan natin ang Corona virus ngayon, hindi man natin alam kung gaano na nga karami ang namamatay ngunit karamihan sa mga napapabalitang nasasawi at naapektuhan ay ilang mga tao na mahihina ang immune system o yung mga matatanda.

Ang gamit ng mga eksperto ngayon ay nakakatulong upang malaman kung sino ang nakakuha ng sakit, ang ilang mga test ay naibibigay upang magamot ang ilang mga sintomas na naibibigay ng covid19 dahilan upang ito ay mabantayan ng maigi. Ang mga ganitong gawain ay labis na iba noong nangyari noong nakaraang panahon. Kung ikukumpara natin ang pagkamatay ng mga tao noon at ngayon, makikita natin na sa loob ng bawat araw ay nadadagdagan ng malaking bilang ang mga namamatay at naapektuhan.

Kung ikukumpara natin ito ngayon, magpasalamat na tayo dahil kahit na mayroong naapektuhan ay kaunti lamang at ang ibang idinadaaan sa pag-aaral ay nagiging negatibo sa sakit. Ang mga doktor ay hindi nakakalimutan na magpaalala sa mga tao patungkol sa bagay na kailangan gawin. Ang mga eksperto ay patuloy na nagsasagawa ng pag-aaral upang makagawa ng isang eksaktong gamot para sa Corona virus.

Ang mga tao ngayon ay mayroong kalayaan na makapagbigay ng sarili nilang impormasyon patungkol sa impormasyon na hindi alam ng iba, na nagiging gamit upang makapagbigay ng babala sa iba. Ito ang pinaka malaking pag-kakaiba ng panahon at pangyayari noon at sa mga pangyayari na nagaganap ngayon.

Ang pagkakamali noon ay isang aral para sa mga gobyerno, eksperto at mga tao sa panahon ngayon.

Tulad na lamang ng naramdaman ng mga tao noong 1918, ganito na lamang din ang nararamdaman ng mga tao ngayong panahon. Dahil sa takot ay nagpapanic, hoarding at halos bilihin na ang buong grocery at magkukulong sa bahay. Well, hindi ko naman sinasabi na masama ang bumili ng maraming stock ng pagkain at maraming stock ng face mask at alcohol pero wag naman sana natin ibenta ito ng mas mahal pa. Yung tama lang sa pamilya nyo ang dapat nyong bilhin.

Tandaan rin natin na hindi lamang tayo ang tao sa mundo. Hindi lamang ikaw ang nangangailangan ng proteksyon. Maraming pamilya ang nangangailangan ng proteksyon mula sa virus. Isipin mo na lamang, kung halos naubusan na ang ibang tao ng face mask at alcohol, malaki ang posibilidad na maapektuhan ka pa din ng virus dahil lahat ng nakapalibot sa iyo ay may sakit.

Ang lahat ay uubo at lahat ng ito ay kakapit sa iyo at walang magagawa ang sandamakmak na alcohol para maligtas ka. Hindi naman ako galit, ang akin lang learn to think. Kung hindi ka naman lalabas ng bahay ay huwag kang bumili ng sandamakmak na face mask dahil sarling hininga hangin mo lang naman ang malalanghap mo sa loob ng bahay mo.

So, huwag na tayong magsisihan patungkol sa patuloy na paglaganap ng pandemic na ito. Ang mabuti pa ay makinig tayo sa payo, sa ipinatutupad ng ilang mga taong nakakataas. Isipin mo, sila na nasa labas, nakikisalamuha sa madaming tao upang malaman kung sino ang may sakit, samantalang ikaw na nagagalit ay nasa loob ng bahay at wala naman naitutulong.

Wala akong pinapatamaan.

So, magtakip ng ilong , bibig sa tuwing uubo o hahatsing.
Huwag humawak kung saan saan.
Manatili na lamang sa bahay kung wala naman importanteng pupuntahan.
Magdasal na din dahil madami pa tayong pagdadaanan, nasa pangatlong buwan pa lamang tayo ng taon.

Para sa mga nurses, doctor, healthworkers, pnp, military personel, lahat ng nasa frontline, saludo po ako sa inyo. Pagpalain po kayo at nawa’y bigyan pa kayo ng malakas na resistensya para kalabanin ang virus na ito sa pang araw araw na pagharap nyo ditto. Muli maraming maraming Salamat po.

Sa mga katulad ko na nasa bahay, mga regular na mamayan. Wag natin batikusin ang gobyerno sa panahon ngayon. Sumunod muna tayo, matapos ng lahat ng ito at Nawala na talaga ang virus, lahat ng hinaing ninyo ay tsaka nyo ilabas pero ngayon, hindi panahon para tayo’y magsiraan hindi panahon para kwestyunin ang utos ng presidente. Ang tanong jan, gusto mo bang mangyari ulit ang nangyari nuong 1918?

Sources

Sources

  1. https://www.cdc.gov/flu/pandemic-resources/1918-pandemic-h1n1.html
  2. https://www.history.com/news/why-was-it-called-the-spanish-flu
  3. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/flu/symptoms-causes/syc-20351719
  4. https://www.history.com/news/spanish-flu-second-wave-resurgence
  5. https://www.smithsonianmag.com/history/journal-plague-year-180965222/
  6. https://www.history.com/news/why-was-it-called-the-spanish-flu
  7. https://ourworldindata.org/spanish-flu-largest-influenza-pandemic-in-history
  8. https://www.history.com/news/spanish-flu-second-wave-resurgence
  9. https://www.history.com/topics/world-war-i/1918-flu-pandemic
  10. https://www.nytimes.com/2020/03/09/health/coronavirus-is-very-different-from-the-spanish-flu-of-1918-heres-how.html?auth=login-google

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mariana’s Trench

Isa bang dugo ng anghel, diyos, alien o isa lamang mutation ang RH negative?