Sobrang saklap ng sinapit ng ekspedisyon na nagawa nilang kainin ang isat isa

Isa sa pinaka malaking misteryo na kinikilala ng mga historian at mga archeologist ay ang isang ekspedisyon na naganap noong 1845. Pinaniniwalaan nga na ito ang kinikilalang “Greatest maritime mystery” noong 19th century.

Dahil nga ito ay isang misteryo, naglabasan na din ang iba’t ibang mga teorya at mga conspiracy kung ano nga ba ang nangyari sa malaking barko at sa mga taong nasa loob nito.

Alamin natin kung ano nga ba ang kwento sa likod ng isang ill fated o isang ekspedisyon na hindi maganda ang sinapit na pinangunahan ng taong nagngangalang Franklin.

Sir John Franklin:

Sir John Franklin | Royal Museums Greenwich

April 16 taong 1786 noong ipanganak si Sir John Franklin, mula sa Spilsby, Lincolnshire England. Ito ay isang English rear admiral at isa ding explorer. Sa murang edad na 14, pumasok na ito sa Royal Navy. Taong 1801 hanggang 1803, naglakbay ito sa Australia kasama si Matthew Flinders.

Taong 1805 naman noong ito ay nag serve sa labanan sa Trafalgar at maging sa labanan na naganap noon sa New Orleans taong 1815. Matapos nito ay pinangunahan nito ang isang barko na naglalayong marating ang North Pole noong 1818.

Mula 1819 hanggang 1822 naman ay nagsagawa ito ng ekspedisyon sa western shore sa Hudson Bay papuntang Arctic Ocean at sinuyod niya din ang Coppermine River sa northwestern Canada. Bago ito bumalik sa England ay nailabas na niya ang kanyang libro na pimagatang “Narrative of a Journey to the Shores of the Polar Sea, in the Years 1819, 20, 21 and 22”

Pagkatapos nito, sinundan muli ng pangalawang ekspedisyon sa kaparehas na rehiyon. Pinangunahan muli ni Franklin ang paglalayag mula sa coast westward ng North America, mula Mackenzie River sa northwestern Canada hanggang Point Beechey na ngayon ay kinikilalang Alaska.

Dahil sa paglalayag na ito, nadagdagan muli ang kaalaman ng mga manglalayag sa halos 1,200 miles o 1,832 km sa northwest rim ng North American coastline at ang mga impormasyon na ito ay nailagay naman sa “Narrative of a Second Expedition to the Shores of the Polar Sea, in the Years 1825, 1826, and 1827”.

Taong 1829 naman noong ito ay binigyan ng parangal at taong 1836 hanggang 1843 ay nagsilbi itong Governor sa Van Diemen’s Land na ngayon ay kilala bilang Tasmania.

May 19,1845 noong huli itong nakita ng mga tao at hanggang ngayon ay mistulang misteryo ang kanyang pagkawala kasama ang mga lalaking nakasama niya sa paglalayag.

The Ill Fated Expedition:

The Search for Sir John Franklin in the Arctic | 19th Century European  Paintings | Sotheby's

Ayon sa report, ang ekspedisyon na ito ay upang malaman ang magnetic mula sa north at gumawa ng halos siyam na buwang pag-oobserba sa maaring nagiging epekto nito. Ito nga ay iniutos ng Royal Society at ng British Association para sa advancement ng siyensya.

Taong 1845 noong si Franklin ay naglayag sa Canadian Arctic, upang maghanap ng impormasyon patungkol sa sikat na daaanan sa Northwest Passage na nagdudugtong sa Atlantic at Pacific Ocean. May 19, 1845 noong ang dalawang Royal Navy ships na HMS Erebus at HMS Terror ang umalis mula Greehithe, England para puntahan ang lugar na ito, sa pangunguna nga ni Sir John Franklin.

Dala ang halos 130 na kalalakihan at mga pagkain na tatagal ng halos tatlong taon, ginamit nito ang gawa sa kahoy at malaking barkong na nagtataglay ng bigat na 350-ton bomb vessels na Erebus at Terror. Ang mga barko nga na ito ay ginawa upang malampasan ang malalaking tipak ng yelo na kanilang dadaanan at nagtataglay din ng mga second-hand steam engine driving screw propellers.

Nasa edad na limanput siyam si Franklin at siya ay inatasan bilang navigator at scientist. Dahil nga ito ay isang veteran arctic navigation, geomagnetic researcher and colonial government.

Maraming tao at mga eksperto ang umasa at nag-akalang ang misyon na ito ay magiging matagumpa at ang mga sakay na tao ng dalawang malaking barko ay makakarating ng ligtas matapos ang tatlong taon.

Pinaniniwalaan nga na noong makalagpas ang mga barko sa Greenland, pinasok nito ang mundo ng yelo na ang tanging naninirahan lamang dito ay mga seals, whales at ilang mga polar bears. Ang mga manlalayag ay nakadaan pa sa mga lugar kung saan madalas pinangangasuhan ng mga indigenous people na nakitara sa mayelo at mabundok na lugar.

Noong 1846 na trapped sa yelo ang mga malalaking barko at ito ay nanatili sa lugar na ito hangggang isa’t kalahating taon. Noong June 11, 1847 mamatay si Franklin sa kanyang barko na hanggang nagyon ay makikita pa din na nakalubog sa northwest coast ng Nunavut’s King William Island.

Taong 1848 naman noong halos 105 na kalalakihan ang iniwan ang barko at nagdesisyon na maglakad upang makapunta sa mainland ng Canada. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang mga ito at hindi na nakabalik. Magmula nga noon ay hindi na nakita pa ang lahat ng kalalakihan na sumama sa ekspidisyon at ang mga barko ay hindi na bumalik pa sa kanilang dapat na daungan.

The Last report:

PDF) The last Franklin expedition: Report of a postmortem examination of a  crew member

Nagkaroon ng huling impormasyon kung hanggang saan na nga ba ang kanilang narating. Mula sa kanyang report, ang kanilang barko ay tumigil sa Disko Bay sa west coast ng Greenland upang kuhain ang kanilang mga supply na kanilang gagamitin sa paglalakbay. Noong July 1845, ang mga barko ni Franklin ay nakita pang dumaan mula sa Baffin Bay at sa west Lancaster Sound. Bago pa man makatawid ng Beechey Island ang kanilang barko, tatlong lalaki na sa kanilang crew ang namatay sa sakit na tuberculosis.

The Search:

The Search for Franklin Place Names – PWNHC | CPSPG

Taong 1850 noong ipinakalat ang ilang Royal Navy upang hanapin ang barko na ginamit nila Franklin. Taong 1854 naman noong nagkaroon ng halos dalawampu’t dalawang ekspedisyon para hanapin ang nawawalang mga tao.

Pinaniniwalaan nga na noong 1848 ay nagsimula nang maubusan ng pagkain ang barko na sinasakyan nila Franklin at doon ay inabandona ng Second-in-command na si Francis Rawdon Crozier ang barko na na-stuck sa yelo upang maglakad at maghanap ng pinaka malapit na trading post.

Dahil na din sa kakulangan ng kaalaman o maaring sumugal na din ang second-in-command, hindi na niya naisip ang maaring pagkaubos ng pagkain at sa lamig na kanilang haharapin sa kanilang paglalakad.

Noong nagsimulang maubos ang natitira nilang pagkain, nagsimula na ding magkasakit at mamatay ang ilang mga lalaking kanilang kasama. Ang mga nakitang buto mula sa mga paghahanap ay pinaniniwalaang makikitaan ng sign ng cannibalism. Kumbaga dahil sa walang pagkain, malamang ang mga may sakit o ang mga mahihina ay kanila na ring kinain para na rin sa kanilang survival. Ang bahagi nga na ito ay tinatawag na nagyon bilang Erebus Bay at Terror Bay.

Taong 1859 noong isang vessel mula sa pangalawang asawa ni Fraklin na si Lady Jane Franklin ang nakakuha ng mensahe mula sa isang crewman na siyang nagkuwento patungkol sa kinahantungan ng barko nila Sir John Fraklin.

Taong 1981 noong nakita ang ilang kalat na buto sa Arctic at pinaniniwalaang ito ay mga buto ng mga umalis sa barko ni Franklin. Taong 1984 naman noong nakakuha ng mga well-preserve na katawan ang mga eksperto mula sa Beechey Island. Mula sa mga test na isinagawa sa mga katawan, nakitaan nga ito ng mga lead sa kanilang tissue.

Pinaniniwalaan ng mga scientist na maaring ang mga crew sa barko ay nalason sa kanilang pagakin na nakalagay sa delata. Taong 1992 naman noong, idineklarang national hisrtoric site ang lugar sa Canada kung saan lumubog at nawala ang barko, ngunit hanggang ngayon ay wala itong exact location.

Taong 1997 naman noong nakipagkasundo ang Britain sa Canada, na kung sakaling sila ang makahanap ng barkong sinakyan nila Franklin, sila na mismo ang magiging may-ari nito.

Lumipas ang ilang taon, nito lamang 2008, ipinahayag ng Canadian Government na sila ay magsasagawa ng paghahanap sa British vessel na nawawala na pinangunhaan ng Six Parks Canada Team. Taong 2009 naman noong patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang 160-year-old canned soup at ito ay idinadagdag upang maging ebidensya na dahilan kung bakit namatay ang mga crew ay dahil sa pagkalason.

Taong 2010 naman noong nagkaroon ng pangalawang paghahanap ang Six Parks sa Mercy Bay off Banks Island. Dito ay kanilang nakita ang HMS Investigator na isa sa ilang dosenang Royal Navy vessels na naghanap noon sa Terror at Erebus. Taong 2012 hanggang 2013 isinagawa naman ng Six Parks ang dalawa pang paghahanap sa mga barko.

Dito ay kanilang natagpuan ang mga bone fragments, mga kuko, mga screws at mga sipilyo sa ilang tuyong bahagi ng lugar. Kanila ding sinuyod ang halos 2,200 football field na Arctic seabed.

Noong 2014 naman ay gumamit na nang underwater robotic drone upang mas tumagal ang paghahanap sa ilalim ng karagatan. Inireport na noong September 2,2016, ilang bahagi ng HMS Terror ang nakita mula sa Terror Bay na matatagpuan sa King William Island. Makalipas ang dalawa pabg taon nakita naman ang ilang bahagi ng Erebus sa South.

Finding the Ship:

Finding the Painting of the Ship Brooklyn

Nito lamang August 2019, sa pagtutulungan ng Parks Canada at ilang mga indigenous group team ng Canada, ipinakita sa publiko ang larawan ng barko na nakita sa ilalim ng karagatan at doon ay kanilang nakita na ang barko ay buong buo pa din kahit na ito ay nakalubog sa karagatan ng halos 170 years.

Nag launched ang mga researcher ng isang 3D-mapping technology upang maobserbahan ang lugar ng King William Island sa Nunavut. Sa unang pagkakataon ay napasok ng team ang loob ng barko, hindi lamang isang beses ngunit pitong beses.

Gamit ang isang remotely operated vehicle,nagawa nilang pasukin ang loob ng barko.Halos 90 percent ng lower deck nito kasama na ang tulugan at kainan ng mga crew ay napasok nga ng mga eksperto.

Sa kabuuan ay kanilang inireport na dalawampung magkakahiawalay na kwarto ang kanilang napasok at napag-aralan. Ayon sa mga eksperto, dahil sa temperatura na mayroon ang tubig, ang kakulangan sa liwanag na pumapasok dito ang siyang nakatulong upang hindi masira ang mahahalagang bagay at kagamitan sa loob ng barko.

Pinaniniwalaan din ng mga eksperto na ang makapal na sedement at mababang oxygen ang nakatulong upang ang mga mahahalagang dokumento tulad na lamang ng mga logbooks, mga mapa at ilan pang mga mahahalgang dokumento ay maari pang maisalba para malaman kung ano nga ba ang nangyari sa barkong ito.

Ayon sa head ng Park Canada’s underwater archaeology department na si Marc-Andre Bernier, hindi lamang ang mga furniture at mga cabinets ang nasa tamang lugar, ngunit maging ang mga drawers ay nakasarado ng mabuti.
“encapsulating objects and documents in the best possible conditions for their survival”.

Ang mga makikitang dokumento mula sa mga drawer na ito ay isang kayaman na maglalabas ng impormasyon patungkol sa tunay na kwento sa ekspedisyon na nagawa ni Franklin. Ayon sa report ng The Guardian, ang mga makikita at makukuhang kagamitan mula sa barko ay paghahatian ng gobyerno ng Canada at ng mga Inuit o mga indigenous people ng Canada.

Bago pa man mailabas sa publiko ang mga natagpuang kagamitan, ito ay ipinakita sa miyembro ng komunidad ng Gjoa Haven at nang mga batang estudyante dito.

Hanggang ngayon nga ay pinag-aaralan pa din ang flow ng tubig sa karagatan na kinalalagyan ng Terror at maging ng Erebus. Ang mga eksperto ay naglagay na din ng mga monitor devices para dito.

Talaga namanag napakalupit ng sinapit ng ekspedisyon na ginawa nila franklin. Ito ang kapalit ng kaalaman na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Ang kanilang mga nagawa na kadalasan buhay ang kapalit nang sa ganun ay hindi na tayo sumunod sa yapak kung saan sila nagkamali.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/zgHCcHZmQss

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mga sikretong lagusan sa ilalim ng pinas?

Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang Merlion (Ultramar) ng Pinas