SM Supermalls

Reading Time: 4 minutes

Bago pa makilala kung ano ang SM ngayon, nagsimula din ito sa pagiging maliit na tindahan. Si Henry Sy ay nagtayo ng isang malaking tindahan ng sapatas nuong Otober 1958 na pinangalanan nyang Shoemart. Ang kaunaunahan nyang tindahan na ito ay matatagpuan sa manila.

 

At dito na nga nabuo ang kanyang consepto kung saan meron syang mga tindahan at may mga produkto na ilalagay dito. Nuong 1972 napalaki nya na ito at naging fullblown store na.

 

2.

Ang kaunaunahang SM shopping center ay itinayo nuong 1985 at isa sa pinakamalaking mall sa pilipinas. Ngayon, isa din ang SM sa may pinakamalaking mall sa buong mundo. Ang SM City North Edsa ang may hawak ng pangatlong trono sa pinakamalaking mall sa buong mundo. Ito ay may sukat lamang na 497,912 squatre meters.

 

Ayon sa SM, ang SM city north edsa ang nag imbento ng one stop shopping complex at ang malling na naging pasttime nating mga pinoy. Ang mall na ito ay mayroong 800 retail shop, 200 resto at 4000 parking slot.

 

3.

Sa loob ng  30 taon ang SM ay hindi napigilan ng mga competitors nito kagaya ng ayala, robinsons at iba pa. Sa ngayon meron na itong higit 60 malls sa buong pilipinas.

 

Isa ang SM  sa mga nagbigay ng daan daang trabaho sa ating mga pinoy. Sa tatlong isla ng pilipinas namely luzon, visayas mindanao ay may nakatayong malalaking SM Malls din. Dito sa Luzon ang SM MOA at SM North Edsa, sa visayas naman ay ang SM Seaside CEbu at sa mindanao ay ang SM Lanang sa Davao.

 

4.

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi lang dito ang SM sa pilipinas, nagexpand din ito maging sa ibang bansa. Sa china, meron nang 6 na SM Mall ang naitayo. Meron din sa Guam. Subalit hindi kagaya ng mga malls natin dito, ang SM Mall sa Guam ay maliit lamang.

 

5.

Siguro naman alam nyo na kung bakit walang mercury drug sa SM. Pero iilan lang ang nakakaalam na meron itong dalawang istorya.

 

Ang unang istorya, di umano si Henry Sy nuon ay nagtitinda ng sapatos at gustong kumuha ng kapirangot na space na pagmamay ari ng mercury drug. Hindi pumayag ang mercury drug dito at simula nuon itinatak na ni Henry Sy na hindi nya papayagan ang Mercury drug na umupa sa establishimento nya.

 

Ang pangalawang rason ay nagmula sa kanyang Anak na si Tessie Sy. Nuong 2002 sinabi nya sa philippine star na ang may ari ng mercury drug na si Mariano Que at ang pamilya nito ay magkaibigan. Ang rason lang kung bakit walang mercury drug sa loob ng SM ay dahil hindi sila magkasundo sa rental rates.

 

6.

Hindi lang ang mercury drug issue ang nalink sa SM, pati na rin ang pangalan nito ay mayroon ding istorya. Alam nating lahat na ang ibig sabihin ng SM ay shoemart, subalit merong ibang nagsasabi na hindi daw talaga ito ang totoong meaning ng SM.

 

Ang totoong kahulugan di umano ng SM ay nagsimula nuong Martial Law period. Di umano si Henry Sy ay dikit ni Marcos at sumama sa pagtakeadvantage sa mga mamamayang filipino. Kaya naman ang ibig sabihin daw talaga ng SM ay Sy-Marcos.

 

7.

Ang kauna unahang nagperform na local artist sa mall of asia ay ang Eraser Heads habang ang international star naman ay si Lady Gaga.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nakapaikit kapag bumabahing?

Mga kakaibang palaka