Sirena

Reading Time: 15 minutes

Dito sa pinas maraming tawag ang isang sirena. Sa katunayan ilang beses na din nagkaroon ng teleserya patungkol dito. Tayong mga pilipino mahihilig sa mga ganitong topic, sa mga hindi maipaliwanag, sa mga nilalang na nakalathala sa mga aklat. Well, siguro lahat naman ng tao hindi lang tayo. Likas na kasi sa tao ang ganitong pagiisip. Anyway, lumalayo na tayo sa topic mga boss.

Kagaya nga ng sinabi ko maraming tawag ang sirena dito sa atin, anjan na ang kataw ng west visayan, litaw ng ilokano, magindara ng bikol, mambubuno ng zamables, syokoy at ugkoy ng mga tagalog at mga bisaya. Lahat yan tutuklasin natin mga boss. Oo nga pala, gumawa ako ng video patungkol sa sirena in general mga boss, dito diniscuss ko ang kwento ng sirena at ang mga klase ng mga ito.

Paniniwala:

Ano nga ba ang sirena ng pilipinas? For one mga boss hindi ito katulad ng sirena na nadiscuss ko kung saan nasa dagat ang mga ito. Ang sirena dito sa atin pinaniniwalaan na naninirahan sa mga malalalim na ilog o talon. Mayroon ding mga kwento ng mga sirena na nasa dagat pero karamihan mga boss ay naniniwala na ito ay nasa mga ilog lang.

Ayon sa mga matatanda, ang sirena ay mapanlinlang. Nagbabalat kayo ito bilang isang kaawa-awang babae at pag lumapit ka dito, goodbye philippines na. Ang mga sirena ay meron ding mga blow hole o ung parang sa mga balyena. Ito ang ginagamit nila sa paghinga. Makikita ito sa kanilang mga batok. Pinaniniwalaan din na ang mga sirena ay hindi kayang matulog ng tuluyan. Kumbaga para silang tulog manok.

Pinaniniwalaan din na ang mga sirena ay mayroong magagandang tirahan sa ilalim ng tubig kung saan nababalot ito ng pader na ginto at magagandang mga bato. Hindi rin nila pinapatay ang mga batang nakukuha nila, bagkus ito ay kiukuha nila para palakihin. Pinaniniwalaan din ang mga taong bigla na lang nawawala sa ilog ay kinuha ng sirena at ikinulong. Ang mga ito ay may mga boses na nakakapangakit at maririnig lang ito ng kanilang mga biktima. Kapag ang biktima ay lumapit na sa tubig, bigla nitong kukuhanin ang biktima o hindi naman kaya ang tubig ay biglang aangat para ilaglag ito sa tubig.

May kwento din na tinatanong di umano ng mga sirena ang kanilang mga biktima sa kung anong paborito nilang kainin. Ayon sa mga matatanda, dapat iwasang sabihin ang meat o fish, dahil kapag sinabi ito ng biktima, ang sirena ay lulunurin ang biktima dahil sa pagkain ng kapwa nya isda.

May mga paniniwala din na ang mga sirena ay normal na tao pagdating sa lupa at kadalasan binubulngan nito ang biktima para sumama sa kanya sa ilalim ng tubig kung saan lulunurin nga ito.

Ang mga kataw naman ay pinaniniwalaan na isang napakagandang dilag na may napakagandang kutis ay mayroong alon alon na buhok. Kadalasan itong nakikita sa mga bato malapit sa dagat kung saan pinapatuyo ang buhok nito sa araw. Ang mga kataw ay inaakit ang kanilang biktima na lumapit at bigla nila itong dadakmain at ibaba sa kailaliman ng tubig. Kapag bata ang kanilang biktima, papalikihin nila ito at pag matanda na ay papakasalan. Dahil na din sa kapangyarihan nito, hindi nalulunod ang mga biktima na dinadala nya sa kanyang lugar.

Ang mga mambubuno naman ay pinaniniwalaang may dalawang buntot. Ang mga buntot ng mga lalaking sirena ay maiitim at makaliskis samantalang sa mga babae naman ay nababalot ng maliliwanag na kulay. Ang mga mambubuno ay matatagpuan sa mga ilog na mayroong lagusan at ang bahay nito ay punong puno rin ng ginto at mga magagandang bato. Ang mga sirenang ito ay dinadala ang kanilang mga biktima sa kanilang lugar para pakasalan ang mga ito. Pero ang pagkakaiba nito sa ibang sirena ay ang kakayahan nitong linlangin ang kanyang biktima na hindi man lang nalalaman na dinadala na ito sa kanyang lugar. Ayon din sa paniniwala, pinapayagan ng mga sirena na bisitahin nito ang kanyang mga kamaganak pero kailangan nitong bumalik. Kapag sinubukan naman nitong tumakas, ang sirena ay lulunurin ito at itatapon sa kailaliman ng dagat. Kapag dumalaw naman ang tao sa kanyang pamilya sa lupa, matatagpuan nito na sobrang tanda na nila, at ang iba ay pumanaw na. Ito ay sa kadahilanang, ang oras ay iba ang takbo sa mundo ng mambubuno. Pinaniniwalaan na ang isang araw ay katumbas ng isang taon duon.

Ang ugkoy naman o siyokoy ay pinaniniwalaang male counterpart ng sirena. Ang kanilang mga balat ay kulubot at mabalahibo habang mukha nito ay mukhang isda na may matutulis na pangil. Ang mga paa nito ay parang paa ng isang palaka.

Lokasyon:

Pinaniniwalaan na ang botocan falls ay tirahan ng mga sirena pati na rin ang pampanga river sa may norte ng manila. Dito naghihintay di umano ang mga sirena sa mga lumalangoy at nilulunod ang mga ito. Isang kilalang lokasyon ay ang municipality of atimonan sa quezon province. Dahil sa mga sigthings ng nasabing sirena, nagtayo sila ng isang rebulto ng isang sirena sa taas ng bato.

Kwento:

Sa vigan, isang maliit na lalaki ang nakatira sa may puno ng kawayan malapit sa ilog dito nya natagpuan ang isang sirena at naging asawa ito. Kadalasan umaakyat ito sa lupa at nagdidisguise bilang isang normal na lalaki at binibisita ang kanyang mga kawayan. Binibigyan nya ng sumpa kung sino man ang puputol ng mga ito. Ang kanyang katawang tao ay nagbibigay ng masasang na amoy ng isda.

Si Magindara ay mula sa bicol. Tinatawag silang aswang dagat. Altho ang mga magindara ay kumakain ng mga tao, hindi nila ginagalaw ang mga bata. Ito ang pagkakaiba nila sa ibang sirena. Naniniwala din nag mga matatanda na ang maguindara ay kayang mag summon ng isang aswang kung gugustuhin nya.

Ang bata at ang sirena:

Isang batang lalaki ang naglalaro ng mga bato malapit sa ilog ng makita nya ang isang napakagandang babae sa tubig. Ngumiti ito sa kanya at tinawag sya, sinabing kkwentuhan sya nito ng magandang istroya.

Ang batang lalaki, naengganyo dahil na din sa ngiti nito at magandang boses kaya naman lumapit ito sa babae. Nuong tumungtong na ang paa nito sa tubig, agad kinuha ng sirena ang bata. Dito nakita ng bata ang katawan ng babae na punong puno ng kaliskis at ang paa nito ay buntot ng isang isda.

Nagpipiglas ang bata subalit walang nangyari. Dinala ng sirena ang bata sa kanyang lugar. Dito nakita nya ang ang mga isda na parang lumalangoy sa hangin dahil sa linaw ng tubig. Maya maya pa, nakariting na sila sa isang bahay sa ilalim ng dagat. Nuong binuksan na ng sirena ang bahay, dito nakita ng batang lalaki ang napakagandang bulwagan. Ang mga pinyo at bintana ay nababalot ng black corals habang ang mga nwebles naman ay puro ginto.

Pinakawalan na ng sirena ang batang lalaki at umupo sila. Dito nagsimulang magtanong ang sirena. Tinanong nya kung kumakain ba ng isda o meat ang batang lalaki pero sumagot ito ng hindi. Nagtaka ang sirena kaya tinanong nya kung anong kinakain nito, sumagot naman ang batang lalaki ng kanin, asin at prutas. Natuwa ang sirena ng marinig ito at pinaliwanag na kung sakaling kumakain sya ng isda o meat, ay kaaway nya.

Ang batang lalaki nagsusumamo na umuwi na. Pero sinagot sya ng sirena na ito na ang kanyang bahay at hinawakan ang kamay nito at sinabing ipapasyal sya sa bahay. Ang unang dalawang kwarto ay may kama na puno ng ginto habang ang mga canopy nama ay namumukadkad ng perlas. Sa dining room ang mga gamit ay puro ginto rin.

Nuong matapos na ang kanilang tour, iniwan na ng sirena ang bata at sinabing bahay nya na iyon at kung anong nanduon ay sa kanya rin. Lumabas ang sirena sa back door. Dahil wala ring maisip na paraan ang bata, sinubukan nyang ienjoy ang kanyang pananatili duon. Sibalit hindi umaalis sa isip nya ang kanyang mga magualng. Ang sirena bumalik at pumasok sa front door, may dala dala na itong pagkain. Ang batang lalaki kunwari ay gustong gusto ang dala ng sirena. Sinabi ng sirena na kumain sya ng marami at lumaki na.

Nagpatuloy ito ng ilang araw. Nagtataka ang batang lalaki dahil kapag umaalis ang sirena, sa likod ito ng bahay dumadaan. Sinubukan nyang inspectionin ito kung meron bang sikretong lagusan. Dito nya natagpuan ang isang nakatagong pintuan. Subalit bago pa sya makalayo, narinig nya ang sirena na bumalik na. Agad nyang sinarado ang pinto at dali daling bumalik  para salubungin ito. Binalaan sya ng sirena na madilim sa likod ng bahay at wag syang pupunta rito.

Kinabukasan, nuong umalis ang sirena, ang batang lalaki ay dali daling binuksan ang pinto at dito nya nakita ang isang paso sa gitna ng kwarto. Tiningnan nya ito at nakita nya ang isang gintong mangkog na nakalutang sa loob nito. Naalala nya na pinapahid ito ng sirena bago umalis. Pinahid nya ang nasabing likido at agad na tumakas. Sinundan nya ang buhangin hanggang sa marating nya ang pampang. Dito natagpuan nya ang kanyang mga magulang.

Matapos nito, nakakarinig na sila ng pagiyak tuwing gabi at sinnasabi ng mga magulang na tinatawag ng sirena ang kanyang bilanggo.

Ang alamat ng sirena ng atimonan:

Matagal na panahon na ang nakakaraan, isang malakas na bagyo ang tumama sa isang maliit na baryo ng mga mangingisda nuong gabi. Dahil nga sa biglaan ito, ang mga mangingisda na pumalaot ay naipit sa nasabing bagyo. Lahat ng tao nangangamba para sa mahal nila sa buhay pero isang mirakulo ang nangyari. Lahat ng mangingisda na pumalaot ay nakabalik ng ligtas pwera sa isa. Dahil sa hindi na makita ang katawan ng mangingisda, ang kanyang paimlya ay pinaluksa na sya.

Matapos ang isang linggo, nagulat ang mga tao sa baryo ng makita nila na bumalik ito at maayos ang lalaki. Ikwinento nito na iniligtas sya ng sirena nuong gabing iyon. Sympre, ang mga tao hindi agad naniwala pero hindi natinag ang lalaki at paulit ulit nya itong kwinento. Madalas pumupunta ito sa mabatong lugar ng dagat para makipagkita sa sirena. Ayon sa kwento, binigyan ng sirena ang lalaki ng isang gintong suklay, ito ang magsisilbing pantawag sa sirena sa pamamagitan ng paglublob nito sa dagat.

Subalit isa na namang trahedya ang dumapo sa baryo. Inatake sila ng mga moro pirates. Matapos nito, wala ng nakakaalam kung anong nangyari sa lalaki. May ibang nagsasabi na namatay sya nuong umatake ang mga pirata habang ang iba naman nagsasabi na nangibang bayan ito at nakatagpo ng bagong pagibig.

Ilang taon matapos nito, ang mga lokal ay nakakita ng isang magandang babae na nakaupo sa malaking bato. Nakatulala ito sa kabundukan ng atimonan. Pagnilapitan ang babae, agad itong tatalon sa tubig at mawawala.

Maraming mga naniniwala na ito ang sirena na tinutukoy ng lalaki. At dahil nga dito, pinatayuan ito ng rebulto.

Influence:

Pano nga ba nagkaroon ng sirena sa pilipinas? Paano nating nalaman na sirena ang mga ito? Katulad nga ng nadicuss ko ang mga sirena ay known worldwide, at ito ay naimpluwensya lang sa atin. Pinaniniwalaan na ang sirena ay nagsimula sa ilocos region. Ang ilocos ay may ilog na may malalakas na underwater currents. Nuong spanish era, maraming reports na nalunod na mga tao sa lugar na ito. Ang mga ito ay masayang naliligo ng may bigla silang mararamdaman na hihila sa kanila pailalim at para bang nilulunod. Ang iba nakakaligtas ay sinabing nakipagbuno sa isang pwersa sa ilalim ng tubig.

Dahil sa walang lohikal na eksplinasyon, sinabi ng mga spaniards na ang mga nalunod ay kinuha ng isang nilalang sa ilalim ng dagat. Dito na nga nagsimulang kumalat ang sirena sa pilipinas.

Ayan mga boss ang sirena patungkol sa mythology ng pilipinas. NGayon alam na natin kung saan nanggaling ang salitang sirena. Hindi ko po talaga sinama ang mga alleged sightings kasi lahat po sila ay proven kung hindi hoax ay dugong ang nakita nila. Walang solid or concrete evidence na makakapagpatuna na nakita nga nila ay isang sirena.

Oo nga pala mga boss, alam nyo ba na ayon sa mga matatanda, kapag meron kang birthmark sa iyong eyball ay destined kang makakita ng isang sirena? Naku check nyo na mga boss baka isa pala kayo sa makakdiskubre ng sirena.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

UFO Part 2

Mga kwento ng time travel Part 2