Sinornithosaurus

Reading Time: 7 minutes

Sino ba naman mag-aakala na ang isang dinosayr na ito ay isang nakakatakot na halimaw. Hindi lang nakakatakot ang itsura nito, may baon din itong kamandag. Although may pakpak, ang dino na ito ay hindi nakakalipad. Ang kanilang mga pakpak ay para lamang sa pang glide.

Discovery:

Ang pangalan nito na sinornithosaurus ay kombinasyon ng latin at greek na salita na ang ibig sabihin ay chinese bird lizard. Kasama ito sa genus ng mga featherd dromaeosaurid dinos na nabuhay nuong early creaceous period sa Yixian Formation. Ang Yixian Formation ay kilala na natin sa tawag na China.

Nadiskubri ito nila Xu xing, Wang Xialin at Wu xiachun ng Institute of Vertebrate Palentology and paleoantrhophology ng Beijing nuong 1999. Ang specimen na kanilang nakita ay halos kumpleto at narecover nila ito sa Liaoning Province sa China.

Classification:

Merong 2 species ang sinornithosaurus, ang una ay ang S. Millenii o Millinnium Chinese Bird Lizard na nadiskubre nuong 1999. Ang pangalawa ay ang S. Haoiana o hao’s Chinese Bird nuong 2004. Altho halos magkaparehas sila, magkaiba angfeatures ng bungo at hips nito. Subalit dahil na din sa mga maraming pagkakapareaha, kinukunsidera na ang S. Haoiana ay ang malaki nitong specie.

Ang species na ito ay non avian ibig sabihin hindi mga ibon subalit may mga pakpak ssila. Ayon sa pag-aaral, posibleng ang Sinornithosaurus ay katulad ng mga microraptor kung saan ginagamit nito ang kanilamg nga pakpak kapay tumatalon mula sa mataas na lugar, halimbawa sa mga puno para mag maghunt o tumakbo mula sa kanilang predator.

Nuong 2001 naman, nadiskubre ang pangalawang specimen. Ito ay sobrang kumpleto pati ang mga markings ng balahibo nito ay napreserved kaya naman ito ang pinakaaccurate na magrerepresenta ng sinornithosaurus. Pinangalanan nila itong dave. Ang dave ay isang cultural reference sa china kung saan isang comedy sketch na hinahanap ang kanilang kaibagan na si Dave.

First Venomous:

Sa jurassic Park, iminulat sa atin ng palabas ang kauna-unahang venomous dinosaur. Pinkilala sa atin ito bilang “Spitter” at  isa itong theropod. Sa mga hindi pamilyar, pag  sinabi nating theropod ito yung mga dinosaur na bipedal o nakatayo sa kanilang hind legs at mayroong maliliit na forelimbs katulad na lang ng TREX. Clear tayo sa therapod ha. Balik tayo mga boss sa spitter, ang spitter na pinakita ng jurasic park ay dilophosaurus at sa pelikula nakita natin na ito ay nandudura ng kanyang kamandag sa biktima nito kung saan nakakabulag ang lason. Pagkatapos mabulag ay kakainin na ito ng dino. Subalit ito ay maling info ng Jurassic Movie. Dahil ayon sa mga eksperto, walang patunay sa fossil remains nito ang mga parte na isang venomous na hayop.

Pero sympre hindi jan natatapos ang pag-aaral, sa katanuyan posibleng ang sinornithosaurus ang kaunaunahang venomous dino. When i say posible, i will discuss sa susunod na slide. But for now, let us discuss kung bakit kinukunsidera na ito ay isang venomous dinosaur. May tatlong ebidensya na ang dino na ito ay venomous, unang una ay ang mahabang pangil nito na posibleng pagdaanan ng venom. Ang pangalawa ay ang mga grooves nito sa ngipin. Ang pangatlo ay ang maliit na butas sa bungo nito na eksaktong eksaktong paglagyan ng venom glands.

Hunting:

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang mga dinos na ito ay mga stealth hunters. Parang isang makamandag na ahas na nagaabang. Ang kanilang primary diet ay ang mga maliliit na dinos o ibon. Ang mga ito ay kadalasan nag-aabang sa itaaas ng puno at kapag lumampas na ang kanilang biktima, bigla itong tatalon sa puno sabay deliver ng venomous strike.

Ang mga ngipin nito na mahahaba ay eksaktong eksakto para sa mga main prey nila na mga ibon. Dahil ang mga ibon ay may makakapal na balahibo kaya naman pag kinagat nila ito hindi agad babaon kung ang kanlang mga ngipin ay maliliit.

Venomous or non Venomous?

Ito na ung sinasabi ko kanina, ung part na pinaniniwalaan dahil may mga ibang scientist na hindi ito ang mga patunay na ang sinornithosaurus ay makamandag.

Ayon sa mga ibang eksperto, ang dahilan kung bakit may mahahaba itong ngipin ay para sa mga pagkain nito na karaniwan ay ibon. Hindi ito indikasyon na sila ay may lason.

Ang venom grooves naman na nakita ay hindi kaparehas ng mga hayop na mayroong venomous bite. Isa pa maraming mga hayop na mayroong groove teeth pero hindi sila venomous o poisonous. Katulad na lamang ng mandrill, ang mandrill ay isang uri ng primate na may mahahabang pangil at may mga grooves din ito subalit wala naman silang lason. Hindi porket may groove teeth ay may lason na agad, maaring ginagamit nila ito sa pagsagpang ng mga laman ng kanilang pagkain.

Ang alleged venom gland na nakikita skull ay meron din ang ibang mga therapod dino’s supporting the idea na hindi ito venomous.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Truman Delusion

UFO Part 2