Sino Si Kamatayan?

Reading Time: 7 minutes

Si kamatayan ay talaga naman nakakakilabot. Isa itong nilalang na pumukaw sa ating mga imahinasyon. Pero totoo nga ba si kamatayan?

Maraming relihiyon ang naniniwala na kapag namatay ang isang tao, merong isang espiritu na mag gagabay dito at ito nga si kamatayan. Sa greek mythology, si Charon ang nilalang na ito, dinadala nya ang mga kaluluwa gamit ang isang bangka mula sa mundo ng nabubuhay papunta sa daigdig ng mga patay. Maraming bersyon si kamtayan, sa ibat ibang relihiyon at ibat-ibang paniniwala.

 

Bibliya

 

Hindi lang sa pelikula o sa mga alamat natin makikita o mababasa si kamatayan. Pati sa banal na aklat nabanggit din ito. Si kamatayan ay isa sa 4 hourseman sa libro ng revelation.

Revelation Chapter 6 Verse 8

“When he opened the fourth seal, I heard the voice of the fourth living creature say, “Come!” And I looked, and behold, a pale horse! And its rider’s name was Death, and Hades followed him. And they were given authority over a fourth of the earth, to kill with sword and with famine and with pestilence and by wild beasts of the earth.”

Sa bibliya hindi sinabi na si kamatayan ay nakasuot ng isang hood o hindi naman kaya may dala dala itong karim. Ang nabanggit lang dito ay ang kanyang maputlang kabayo.

 

Paniniwala

 

Sa Greek mythology ang naguugnay kay kamatayan ay si Thanatos. Siya ang kakambal ni Hypnos, Diyos ng pagtulog. Ang paglalarawan kay thanatos ay hindi ganun kapangit o hindi sya talagang nakakatakot. Ayon sa greek mythology si thanatos ay isang lalaki na may pakpak at may hawak hawak na espada.

Dito makikita na ang mga greek ay hindi nilalarawan ang kamtayan na isang masamanag pagkakataon bagkus tinatanggap nila ito bilang parte ng buhay.

Sa Breton Mythology naman pati na rin sa cornish at norman french folklore, si kamatayan ay kilala bilang si Ankou. Ang paglalarawan dito ay kapareha ng imahe ng kamatayan na alam natin. Pinaniniwalaan na isa itong kalansay o hindi naman kaya sobrang payat na lalaki na nakasuot na itim na hood at mayroong dala dalang karim.

Ayon din sa ibang kwento, para itong isang anino ng isang matandang lalaki na mayroong salakot. Mayroon itong 4 na itim na kabayo na syang tumutulak sa kanyang sasakyan para madala ang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Pinaniniwalaan din na si kamatayan ay nagsimula kay ankou. Pero may iba na hindi naniniwala dito.

 

Paglalarawan

 

Bagamat ang buhay at kamatayan ay hindi mapaghihiwalay at di maiiwasang maging bahagi ng mundong ito, hindi palaging si kamatayan ay may daladalang karim at hinahatid ang mga kaluluwa sa kabilang buhay.

Kung titingnan natin ang kasaysayan nuon, maraming pagkasawi ang nangyati nuong late fourteenth hanggang early fifteenth century. Ito ay mas kilala sa tawag na black death.

Ang peste na ito ay dumagsa sa ibat ibang bayan, maraming namatay. Dahil nga ang peste ay nakakahawa, ang mga pari hindi pumapayag na basbasan ang mga namatay. Dahil dito, maraming mga katawan ang hindi nailibing. Dahil na din sa dami ng katawan at nakikita ito ng mga tao, hindi maaalis sa isipan ng mga nakaligtas nuon na ang kalansay ay simbolo ng kamatayan.

Ang salot na ito ay pinangalanag black death sa kadahilanang ang mga biktima ay misteryosong nababalot ng mga itim na pigsa kung saan lumalabas ang dugo at nana. Pati ang balat ng biktima ay nagkukulay itim din.

Ang itim din ang sinusuot ng mga namatayan sa isang lamay. Kaya naman ang mga pintor nuon ay inuugnay ang kulay itim sa kamatayan. Nuong unang paglalarawan kay kamatayan, ang sandatanag hawak nito ay espada o hindi naman kaya palakol hanggang sa pinalitan ito ng karim at dito na nga nabuo ang persona ni kamtayan.

 

Kasarian

Maraming mga debate ang nangyari patungkol sa totoong kasarian ni kamatayan. Isa ba itong lalaki o isang babae? Una sa lahat, bilang isang simbolo ng kamtayan, Ito ay posibleng walang kasarian. May mga kwento na isa itong lalaki, lalo na sa greek mythology, subalit meron din namang mga kwento na isa itong babae.

Sa poland, si kamatayan ay isang babae at pinaniniwalaang isang kalansay ng matandang babae kung saan parehas ito ng kamatayan na kilala natin. Ang pinagkaiba lang nila ay ang kanilang suot, si kamatayan na lalaki nakasuot ng itim habang ang kamatayan naman sa poland na babae, nakasuot ng puti.

Sa scandinavian mythology, pinaniniwalaan din na si kamatayan ay isang matanda at pangit na babae. Pinaniniwalaan na ang matandang babaeng ito ay may daladalang walis o hindi naman kaya kalaykay at makasuot ng itim na balabal. Ayon sa kwento, kapag ito daw ay may dalang walis, lahat ng nasa lugar na yon ay mamatay pero kapag ang dala nito ay kalaykay, may mga iilan ilan na makakaligtas.

Sa Lithuanian mythology naman, si kamatayan ay kilala sa tawang na giltine. Katulad ng mga nauna, isa rin itong matandang babae na may pagkapangit ang mukha, meron din itong mahabang ilong na kulay asul at nakakalason na dila. Ito rin ay may suot na itim na balabal at may daladalang karim.

Ang konsepto ng buhay at kamatayan ay hindi pa natin lubos na naiintindihan. Wala pang namatay at bumalik ng may pruweba na nakita nga nila si kamatayan, kung totoo ngang may kamatayan at kung ito ba ay lalaki o babae. Maraming naniniwala na isa lang itong kwento para maging panakot. Pero ang kamatayan ang nagsisilbing paalala sa atin na ang pgkasawi ay isang katotohanan at kailangan natin itong harapin. Maaring kumatok ito sayo sa panahong hindi mo inaasahan.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Black Knight Sattelite, Isang Alien o isang thermal cover?

Crop Circles