Sino ba si Anubis?

Reading Time: 8 minutes

Sino nga ba si Anubis? Marami sa inyo nakakakilala na sa diyos na ito, and diyos ng pageembalsamo. Pero papaano nga ba sya naging diyos ng pageembalsamo? Sino ba ang kanyang mga magulang? Well kung napanood ninyo ang gods of egypt na pelikula, mapapansin ninyong kamukha nya si seth, could it be na si seth ang kanyang tatay?

Depiction:

Si Anubis ay isang itim na jackal, isang hybrid ng tao at aso. Mayroon itong matipunong katawan ng lalaki at isang ulo ng aso. Itim ang kulay nito hindi dahila ng mga aso ng egpytian ay mga itim, kundi, ito ay dahil sinisimbulo nito ang pagkabulok ng isang katawan at ang malulusog na lupa ng Nile River kung saan sumisimbilo din ng regeneration.

Si anubis ay protektor ng mga namamatay, sinisigurado nito na nabibigay ang kanilang karapatan pag sila ay nilibing at sinasamahan ang mga ito sa kabilang buhay para asistehan sa kanilang paglalakbay.

Si anubis ang kauna-unahang diyos na iginuguhit ng mga ehipto sa mga pader ng libingan para na rin sa proteksyon ng kanilang yumao. Kadalasan itong makikita kasama ang bangkay ng isang hari at binabanatayan ang mummification at funieral nito. May mga larawan din na kasama nitong nakatayo sila Osiris, Thoth at iba pang mga diyos sa hall of truth kung saan tinitimbang ang puso ng yumao.

Ang pinakapopular na depiksyon ni anubis ay ang nakaupo o nakatayo, hawak hawak ang golden scale at sinusukat ang puso ng isang kaluluwa laban sa isang puting balahibo o white feather of truth.

Ang anak nito na si Qebhet o kabechet ay nagbibigay ng malamig na tubig sa mga kaluluwa sa hall of truth at kinocomfort ang mga kaluluwa na kamamatay pa lang.

Ancient History:

Si Anubis ay egyptian god of mummification, sya din ang dyos ng mga patay originally bago ito mapunta kay osiris. Sya din ang diyos ng mga ligaw na kaluluwa. Si Anubis mga boss ay isa sa pinakamatandang diyos ng ehipto, possibly sya ay mula sa isa pang diyos na isang jackal din o isang aso, si Wepwawet. Dahil dito, madalas napapagkamalan si wapweawet ay si Anubis.

Ang kanyang imahe ay nakita mula sa libingan ng mga hari nuong first dynasty ng egypt taong 3150-2890 BC. Nagkaroon na din ito ng mga tagasunod at kadasalang ginuguhit ang imahe nito para sa proteksyon.

Pinanininiwalaan na si anubis ay amyroong epekto sa mga mababangis na aso at mga jackalas kung saan hinuhukay ng mga ito ang nakalibing na patay nuong predynasty period ng egypt, taong 6000-3150 BC kaya pinaniwalaan na si anubis ay isang diyos ng mga aso at ginagamit din bilang proteksyon sa mga ito.

Naglalagay din ang mga ancient egyptians ng mga mababangong halaman sa kanilang yumao dahil naniniwala ang mga ito na inaamoy muna ni anubis ang mga mummy at ang mga pure lang ang sasamahan nito papuntang paraiso.

Family:

Maraming kwento kung poapaano nabuo si anubis. May mga kwento na si Ra daw ang tatay ni anubis at si Nephtys ang nanay, ang iba naman si Seth daw habang ang pinakapopular na bersyon nito ay ang mga magulang nito ay sina Nepthys at Osiris.

Ayon sa kwento. Si Nephtys ay asawa ni Set at nagwapuhan ito kay osiris, ang kapatid ni Seth. Si Osiris naman ay may asawa at ito ay si Isis. Dahil nga gusto ni Nephtys si Osiris, isang araw nagbago ito ng anyo at ginaya nito si Isis at nagpakita kay osiris. Nagtalik ang dalawa at dito nga nabuo si Anubis. Pero nuong nalaman ni Osiris na ito ay si nephyts, iniwan nya ito sa takot na malaman ng kapatid nya ang kanilang kataksilan. Nalaman din ni Isis ang nangyari kay osiris at nephthys at kinupkop ang nasabing anak. Nalaman din ito ni Set at dahil dito pinaslang ni Set si Osiris.

Symbolism:

Ang imiut fetish o anubis fetish ay isang bagay na kaging sinasama ng mga ehipto sa paglibing ng kanilang mahal sa buhay. Pinaniniwalaan na ito ay mayroong mga mahika o spirito ni anubis kung saan ito ang naguugnay sa mundo ng mga buhay at ng mga patay. Pinaniniwalaan na ito ang nagbibigay ng proteksyon sa mga yumao.

Ang anubis fetish mga boss ay balat ng isang hayop na walang ulo kung saan nakatali ito sa sulo at sa dulo nito ay may lotus bud.

Ang mga flail at scepter naman ay sumisimbolo din kay anubis. Ang flail ay isang gamit sa pag-aagrikultura. Ito rin ang nagisisimbulo sa mga pharoh bilang mga provider ng pagkain sa kanilang mga nasasakupan. Habang ang mahabang tungkod naman ni anubis ang nagsisimbulo ng banal na kapangyarihan at isang sagisag ng kapangyarihan.

Mummification:

Bakit nga ba si anubis ang naging diyos ng mummification? Well, it’s kinda interensting mga boss.

Di ba nga nalaman ni Set ang nangyari sa kanila ni Osiris at ang asawa nito. Sa galit ni Set naghiganti ito sa kanyang kapatid. Pinaslang nya ito at pinira-piraso sa 14 na parte at saka tinapon sa ilog ng nile. Si isis naman gumawa ng search party kasama ang mga scorpions, mga babaeng kapatid nito at si anubis subalit ang nakuha lang nila ay 13 piraso at nireconstruct na lamng ni osiris ang final part gamit ang kanyang mahika.

Ang pagreassmeble kay osiris ay naging alamat at si anubis ang nagbuo ng mga piarapirasong katawan nito kaya simula nuon naging diyos na ito ng pageembalsamo.

Sa kadahilanang ito, ang mga pari na sumasamba kay anubis ay nagsusuot din ng ulo ng aso.

City:

Si anubis ay sinasamba sa buong egypt pero meron itong center, ito ay sa cynopolis. Segway lang mga boss, sa mga hindi pa nakakapanood, gumawa po ako ng video tungkol sa mga asong tao, ang mga cynocephali. Magandang documentary din po un, sa mga hindi pa nakakapanood. Back to the topic.

Ang cynopolis ay nasa upper egypt, sa may 17th nome. Ang ibig sabihin ng cynopolis sa griyego ay city of dog, which is saktong sakto naman dahil na din sa malapit na relasyon ng mga tao dito sa mga jackal at mga aso. Isa pa, naniniwala din ang mga ito na si anubis ay isang sinaunang lobo.

Isang dambana ang nadiskubre sa libingan ni king tuts nuong 1922 kuung saan ito ay gawa mula sa kahoy, plaster, lacquer at gold leaf. Sa dambanang ito, si anubis ay nasa kanyang animal form.

Beyond Death:

Simula pa nuong sinaunang panahon, naging napakalaking misteryo na ang mortal na kamatayan at pumukaw na din ito ng atensyon sa mga sinaunang ehipto at mga pharahos.

Si anubis ang naging simbolo ng tinatawag na “the great unknown” dahil sya ang nagdadala ng mga patay sa kabilang buhay. Si anubis ang nagbigay ng ideya na matapos ang mortal nating buhay ay naghihintay sa atin ang paglalakbay sa kabilang buhay.

Hindi lang pageembalsamo ang nagpakilala kay anubis. Sya din ay may malalim na kaalaman sa anatomy.

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Konektado ba ang pusa sa kidlat?

Bakunawa