Sino ba ang pinakaunang Illuminated Group?

Reading Time: 13 minutes

Eto na ang request ng marami sa inyo, ang illuminati. As usual mga boss, madami na namang parts to. Bago tayo magsimula gusto ko lang ipaalam na ang isa kong kaibigan na youtuber ay gumawa din ng video ng illuminati, iyon ay si boss ed ng alam nyo ba to. Nasa description po ang link ng kanyang illuminati video. Tara mga boss simulan na natin.

First Illuminated Group:

Contrary to the popular belief, hindi Bavarian illuminati ang nauna pero sila ang naging mas popular, albeit sila ang talagang origins. What i am pertaining mga boss, although wala silang direct link, sa bavarian illuminati, mas nauna ang alumbrados na tawaging “illuminated”.

Ang alumbrados o illuminated sa salitang englis ay mga practitioners ng mystical form ng kristianismo sa espanya nuong 15th hanggang 16th centuries. Sila rin ang kaunaunahang biktima ng spanish inquisitions.

Beliefs:

Ang mga alumbrados ay naniniwala na ang kaluluwa ng isang tao ay maabot ang degree of perfection at kaya nitong maintindihan ang essence ng diyos at ang misteryom ng trinity. Lahat ng pagsamba, ay hindi nakinakailangan kapag nakuha na ang degree of perfection, ang mga sakramento ay wala na ring silbi at imposible na ring magkaroon ng kasalanan dahil isa ka na sa panginoon.

Ang mga taong nasa ganitong degree ay pwedeng makipagtalik o gumawa ng kasalanan ng hindi nababahiran ng kasalanan ang kanilang kaluluwa.

Nuong 1525, ang inquisition ay nag labas ng mga batas ng alumbradismo mula sa kanilang pagpapaamin. Nilabas nila ang 48 kautusan ng mga ito. Ayon sa kanilang batas, isang mortal na pagkakasala ang magbasa ng libro. Kasalanan din ang magmahal ng anak o hindi naman kaya iabng tao, kailangan mahalin ang isang nilalang mula sa panginoon. Kasalanan din ang gawin ang gusto ng isang nilalang.

History:

Isa sa mga opinakaunang lider ng alumbrados ay si Maria de Santo domingo na nakilala bilang si La Beata de Piedrahita. Anak sya ng isang labourer at pinanganak sa aldeanueva, sa timog ng salamca. Taong 1485, sumama sya sa Dominican order, para sa mga hindi pamilyar, ang dominican order mga boss ay iisang samahan ng roman catholic church na binuo ni St. Dominic nuong 1215.

Hindi nagtagal ay naging propeta at mystic si Maria. Ayon pa dito, kaya nyang makipagusap kay hesu kristo at kay birheng maria.

Nakarating ito kay Ferdinand of Aragon na isang hari, inimbitahan nya iro sa kanyang kastilyo at nakumbinsi na totoo ang sinasabi ni Maria. Ang mga dominicans nuon humingi ng direksyon kay Pope Julius 2nd. Nagkaroon ng series of trials si Maria sa ilalim ng inquisition. Si Maria ay pinaratangan bilang Pre-Alumbrados, pero hindi sya hinatulan bilang isang heritic dahil na din sa kanyang mga patron, na sina ferdinand, hari ng aragon, Francisco Cardenal Jimenez de cisneros na isang kardinal sa spain at ang duke ng alba. Grabe naman kasi mga supporters nya, kaya rin siguro walang nagawa ang mga inquisition kundi pakawalan sya.

Taong 1527 naman, si Saint Ignatius of Loyola ay nag-aaral sa Salamanca. Inukusahan ito na nakikisimpatya sa mga alumbrados. Mabuti na lang at winarningan lamang ito, pero sa iba ang hatol ay kamatayan.

Isang pari mula sa Seville na nagngangalang Fernando mendez ang nakakuha ng espesyal na reputasyon mula sa kanyang mga kasama. Pinaniniwalaan ng kanyang mga kasapi na sya ay isa ng santo sa langit at ang kanyang mga kagamitan ay ginagawang relics dahil dito. Kadalasan itong naghuhubad sa gitna ng misa dahil sya daw ay lasing sa pagmamahal ng panginoon at ginagamit ito upang makapagmanyak ng kasapi nitong babae. Si Mendez ay namatay bago pa sya makuha ng inquisition.

Nuong 1623, ang samahan ay umabot na sa pransya sa pangalang illumines. Nagkaroon ito ng maraming tagasunod sa Picardy taong 1634 nuong sumama ang mga kilalang personalidad kagaya ni Saint Georges de roye.

The Rise and Fall of Bavarian illuminati:

 

Adam Weishaupt, Most of you know this guy, lalo na sa mga mahihilig sa conspiracy. Pero para sa mga ilan, malamang sasabihin nyo sino ba yan? Well mga boss, he is the man who started it all. We go to his history mga boss, in order to understand Illuminati, kailangan nating intindihin on how and why it started.

Si Adam Weishaupt ay pinanganak nuong 1748 sa Ingolstadt, isang syudad sa Bavaria na ngayon ay kilala na natin builang germany. si Adam ay isang jewish na na convert sa kristianismo. Nuong natapos na ito sa kanyang pag-aaral, naging propesor ito ng Natural at canon law sa unioversity ng ingolstadt, nagpakasal at nagsiomula ng pamilya. Okay naman ang lahat hanggang sa dumating ang taong 1784.

Si Adam ay isang book worm, kadalasan nagbabasa ito sa silid aklatan ng kanyang uncle nuong bata pa ito. Ang bavaria nuon ay isang conserbatibong lugar at mostly catholic. Hindi lang Adam abg babubuwaka na ang simbahang katolika ay pinpigilan ang kanilang kalayaang makapagisip.

Dahil nga naniniwala ito na ang mga relihiyosong pagiisip ay hindi kayang pamunuan ang modernong pamayanan o samahan, nagdesisyon itong maghanap ng ibang “illumination” o isang set ng ideya na pwedeng maiaapply para mabago ang pamamalakad sa mga european states.

Ang freemasonry nuon ay unti unti na ring lumalaganap sa europa at naging matunog ito sa mga freethinkers. Dahil dito, inisip ni adam na sumama sa isang free mason lodge, subalit mas naging abala ito sa pagbabasa ng libro at napukaw ang attention nito sa Mysteries of the Seven Sages of Memphis at ang Kabbala at nagdesisyong bumuo ng sarili nitong secret society.

Si Adam ay hindi naman against sa religion, ang ayaw nya ay ang paraan ng pagpractice at pag impose dito. Inimbitahan nya ang mga sasali na “freedom from all religious prejudices; cultivates the social virtues; and animates them by a great, a feasible, and speedy prospect of universal happiness.” In short mga boss mas papahalagahan nito ang social virtues at para makuha ito kailangan nilang gumawa ng “a state of liberty and moral equality, freed from the obstacles which subordination, rank, and riches, continually throw in our way.”

Gabi ng May 1 1776, nabuo ang kaunaunahang illuminati malapit sa kagubatan ng Ingolstadt. Sa gitna ng madilim na gabi, mayroon lamang sulu na nagpapaliwanag ng kapiligiran at dito makikita ang 5 kalalakihan. Ang 5 unang miyembro ng illuminati. Sa gabi ding ito binuo nila ang mga batas na magiging gabay ng samahan. At first, ang requirement nila ay sympre kailangan ng consent ng miyembro na sasali ito, kailangan meron din itong malakas na reputasyon, kilala ang pamilya, may mga social connections at mayaman.

Nuong una mayroon lamang itong 3 levels. Novices para sa mga apprentice, Minervals at illuminated Minervals. Kaya minerval ang tinawag ni Adam sa 2 levels ay dahil ito sa dyos ng mga romano na si Minerva, you see mga boss, si minerva ay dyos ng kaalaman at ito ang the pinakamagandang magrerepresenta ng kanilang grupo dahil gusto nitong ipalaganap ang kaalaman o illumination.

Nagkaroon ng following ang grupo ni adam. Nuong 1782 mayroon na itong 600 estimated members. Kasama na dito ang mga kilalang tao sa bavarian, kagaya nila Baron Adolph Von Knigge at Mayer Arschel Rothschild na isang banker, sya din ang naging financer ng grupo. Nuong una ang membership ng illuminati ay restricted lang sa estyudyante ni Adam pero di rin nagtagal at nagexpand ito. May mga mayayaman, politiko, doktor, abugado at marami pang iba na mayroong mga posisyon ang sumama sa grupo at sa taong 1784, lumaki na ito at nagkaroon na ng 3000 estimated members.

Malaki ang naging papel ni Knigge sa paglaganap ng illuminati. Si Baron Knigge kasi mga boss ay dating freemason at naiadopt nito ang mga rites mula sa dati nitong grupo. Dahil dito nagkaroon ng mga secret name ang mga miyembro ng grupo. So adam ay binigyan ng secret name na spartacus at si knigge naman ay si philo. Kung nuong una ang levels ng illuminati ay 3 lamang mag naging complex ito at naging 13 degrees of initiation. Ang 13 degrees ay syang nahahati sa 3 levels o classes. Ang first class ay tinawag na illuminatus minor, ang second class ay tinawag na illuminatus dirigens at ang third class ay tinawag na king.

Nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang dalawa at kadalasang nagtatalo sa mga aims at procedures ng kanilang samahan. Dahil na din sa pressure at sulsol ng mga ibang miyembro. Si Knigge ay umalis ng grupo. Nuong nalaman ito ng isa pang myembro na si Joseph Utzscheneider, nagsulat ito at pinadala sa Grand Duchess ng bavaria at isiniwalat ang grupo. Siraulo din tong si Joseph eh no, tapos nilang makinabang sa samahan wawasakin nya sa pag-alis nya. this is the typical BS na tao.

Well sympre Dagdag bawas din itong si Joseph, parang ung kapitbahay lang namin dito. Sinabi nya sa kanyang sulat na ang suicide ay legitimate at ang mga kaaway o kalaban nito ay nilalason hindi lang yan, ang religion ay walang kabuluhan. Hindi lang yan, sinabi rin nito na ang illuminati ay palihim na kinakalaban ang bavarian kasama ang austria.

Dahil nga sa duchess nya ito pinadala, ito ay sinabi nya sa kanyang sasawa at ang duke elector ng bavaria ay nag issue ng batas nuong June 1784 na pinagbabawal lahat ng secret society na hindi pinapayagan ng batas. Nuong una akala ng mga illuminati ay hindi ito direct attack sa kanila, kasi hindi naman specifically na sila ang sinasabi sa batas. Subalit isang taon matapos,  March 1785, naglabas ng pangalawang batas na ipinagbabawal ang samahan ng illuminati. Ang mga ibang miyembro ay inaresto.

Nuong nagkaroon ng search operations sa mga bases ng illuminati, dito natagpuan ng mga pulis ang mga sulat tungkol sa depensa sa paguicide at atheism, isang plano na magkaroon ng female branch ang illuminati. Nakakita rin sila ng mga resipe kung papaano gawin ang mga medical inks, meron din dokumento kung papaano mag perform ng abortion. Lahat ng ito ay ginamit bilang ebidensya para akusahan ang ang grupo sa paglaban sa gobyerno at sa relihiyon.

Nuong August 1787, naglabas ng ikatlong kautusan at dito kinumpirma na ang samahan specifically illuminati ay pinagbabawal at nag malalaman na kasapi dito ay hahatulan ng kamatayan. Dahil sa pangyayari, si Adam ay natanggal bilang professor sa university of ingolstadt at pinalayayas. Tumira ito sa Gotha sa saxony kung saan nagturo sya ng pilosopiya sa university of Gottingen. Ang bavarian state ay kinunsidera na ang illuminati ay dismantled o wala na.

Dito na natapos boss ang illuminati. Ito mga boss ang recorded history. Pero sympre hindi pa rin nakaligtas ito sa mga conspiracy theorist. Pinaniniwalaan din na si Adam ay tumulong sa french revolution, again ito ay conspiracy lamang.

Mga boss hanggang dito na lang muna. Nagsisimula pa lang tayo sa illuminati, hindi pa natin nabubuksan ang can of worms. Sana ay may bago kayong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Vassili zaitsev

Engkanto