Sino ang Prince’s of hell? -Part 1-

Reading Time: 11 minutes

This has been requested a few times by a few people. Alam ko isa na naman itong mainit na topic sa mga religious viewers at preparado na ako sa mga bulalas na wala ito sa bible kahit na ilang beses ko nang pinaulit ulit. Ang mga info o data na maririnig ninyo sa video ay  pinagaralan ng mga theologian scholars base sa mga scriptures sa bible. Kung ano ang kanilang mga ugali at ang dahilan ng pagbagsak nila sa lupa. So without further a do let us start.

Demonology:

Mga boss ang demonology ay ang pag-aaral sa mga demonyo patungkol sa paniniwala sa kanila. Ang mga demonologist din ay inaaral ang pagsummon at pag kontrol sa kanila. Ang mga demonologys ay may part din ng pagiging archeologist dahil ang mga ito ay humahanap ng mga text o mga old literature patungkol sa isang entity, kadalasan malalayo at nasa liblib na lugar ang kanilang mga findings. Mostly hinahanap nila ay ang mga religious material para sa mga specific demon pati na rin ang paginteract ng tao sa demonyo na ito.

Sila rin ang nagcacatalog ng mga demonyo kasama ang origin, gender nito, ethnic background at kung saan religion ito nageexist. Ang pinakatrabaho talaga ng mga demonologist ay ang mag catalog ng mga demonyo dahil dito nadidistinguish ang pagkakaiba ng mga ito. Meron ding mga christian demonologist, ito ung mga nag-aaral patungkol sa demonyo na sinabi sa bibliya. Hindi sila mga satanista, sila ung mga nag-aaral ng mga demonyo. Hindi porket pinag-aaralan ang demonyo eh satanista na. I’ll give you an example, alam nyo naman siguro ang conjuring diba, ang anabelle at ang insidous. All of them was related to Edd and Lorraine Warren, ang mag-asawa ay mga demonologist. So clear tayo dito ha.

Origins:

May iba’t ibang nagbigay ng classification ng demons pero ang una kong nakita ay ang the lanterne of lights classsification of demon. nuong 1409 hanggang 1410 at ito ay nababase sa 7 deadly sins at sa 7 deadly sins na ito ay isang prince of hell ang namumuno. Sa pride, si lucifer, sa envy si Beelzebub, sa Wrath si satan, sa sloth si abaaddon, sa greed si mammon, sa gluttony si belphegor at sa lust si asmodeus.

Si peter Binsfeld naman ay may inaba sa list na ito nuong 1589 at tianwag ang mga ito ng princes of hell. Ang naiba lang ay si Beelzebub na napunta sa gluttony, Si belphegor naman ay sa sloth at ang nadagdag ay si leviathan na namamahala sa envy at si abaddon naman ay nawala sa listahan na ito.

Princes of hell:

Alam ko 7 princes lang ang nakalagay pero dahil dalawang version ito, iasama na natin si abaddon. Mag start ako sa less na kilala at least for me.

Belphegor:

Si Belphegor ay isang moabite god. Quick info mga boss, ang moabite ay ang mga tao na nakatira sa silangan ng dead sea sa highlands na ngayon ay central jordan na. Ang demonyo na ito ay na absorbed sa hebrew lore at napunta sa christianismo bilang isang major demon. Ang ibig sabihin ng belphegor ay “lord of opening” o “lord baal of Mt. Phegor”.

Isa syang moabite deity at kilala bilang Baal-Peor at siya ang namamahala sa fertility at sexual power.

Ang kabbalah ay ang magical o mystical books ng clasical judaism. Ayon dito si Belphegor ay isang anghel at ito ay nasa order of principalities bago pa sya nalaglag sa impyerno. Isa sya sa mga tinatawag na togarini o “the wranglers”.Sa christian demonology, si belphegor ay ang incarnation ng 1 sa mga 7 deadly sins at ito nga ang sloth.

Si Belphegor ay tinatawag ding demon of discoveries. Inuudyok nya ang mga tao na gumawa ng ingenious products and innovations na wala namang kasiguraduhang magtatagumpay. Ineencourage din nito ang pagpapafantasize kesa sa procreation.

Siya rin ang guardian ng france o infernal ambasador. Pinaniniwalaan na minsan itong nanirahan sa paris.

Cool fact mga boss, nakita nyo na ba ang paintings o drawings ni belphegor? ung mga old paintings and drawings kadalasan ay pinapakita ito na nakaupo sa isang kubeta. Sinadyang ginawa ito para mapakita sa awtoridad na minamaliit nila ang demonyo pero a kabila nito, pasikreto nilang sinasamba ito.

Mammon:

Si Mammon ay mababasa sa new testament ng bibliya. Sya ay inuugnay sa kayamanan at kasakiman. Sya ay inilalarawan bilang isang deity at isang demonyo na kasama sa 7 princes of hell.

Sa new testament nabanggit si mammon sa matthew 6:24 at sa luke 16:9-13

“No man can serve two masters: for either he will hate the one, and love the other; or else he will hold to the one, and despise the other. Ye cannot serve God and mammon.” Matthew 6:24

“9 And I say unto you, Make to yourselves friends of the mammon of unrighteousness; that, when ye fail, they may receive you into everlasting habitations.

11 If therefore ye have not been faithful in the unrighteous mammon, who will commit to your trust the true riches?

13 No servant can serve two masters: for either he will hate the one, and love the other; or else he will hold to the one, and despise the other. Ye cannot serve God and mammon..” Luke 16:13.

As you see mga boss, i only cherry picked ang mga certain verses na may word na mammon. Pero dito makikita natin sa Verse 11 na pinersonify si Mammon, hinting na si mammon ay isang deity o diyos. Sa demonology, si mammon ay prince of tempters. Ang pangalan ni mammon ang ibig sabihin sa aramaic ay riches.

Although si Mammon ay pinepersonify, walang exact image ang demonyong ito. Maya mga depiksyon na isa syang kulay pulang demonyo, minsan malaki o di naman kaya isang emperor na parang si julius caesar, minsan isa din syang matandang hukluban. Ang isang paraan para malaman na ito ay si mammon sa pamamagitin ng pagmamayabang nito ng kanyang kayamanan o hindi naman kaya ang pagiimbenta sa isang tao na pumunta sa kweba nya na puno ng kayamanan.

Simula nuong umusbong ang christianity sa pangagaral ng mga romano, ang mga sinaunang kristiano ay iniugnay si mammon bilang si plutus, ang diyos kayamana ng greco-roman. May iba rin na inuugnay si mammon kay julius caesar dahil ang emperor ang may kontrol sa roma at ang kayamanan nito.

Ayon naman kay gregory of nysa, isang bishop sa roman catholic ang naniniwala na si beezlebub at mammon ay iisa lamang.

Klinassify si Mammon sa libroo ni alfonso de spina na fortalitium fide kung saan hinati nito ang mga demonyo sa 10 grupo. Nilagay ni spina si mammon sa mataas na posisyon at inilarawan ito bilang demonyo na umaatake ng mga santo. When i say umaatake mga boss, tinetempt nya ang mga ito na mas umanib sa kanya.

Leviathan:

Ang leviathan ay mula sa herew lore, isang primordial demon of the seas. Si leviathan ay inilarawan sa libro ni Job na katulad ng isang malaking balyena at ito ay hindi basta basata tinatablan ng sandata. Ayon sa bibliya, ang leviathan ay isang halimaw sa tubig o isang dragon na nagbubuga ng apoy. Isa rin itong napakalaking nilalang, sa laki nito kaya nitong gumawa ng malalakas na alon.

Ang mga ibang scholars, naniniwala na ang leviathan ay mula sa isang alamat na galing sa ancient people na nakasalamuha ng mga jews. Katulad na lamang ng cananaite sea monster o kilala sa tawag na lotan o hindi naman kaya ang babylonian sea goddess na si tiamat.

Ayon naman sa jewish legend, ang leviathan ay unconcquerable at hindi basta basta matatalo, ang mga normal na sandata ay hindi tatalab dito. Ayon sa talmud, ang makakatalo dito ay ang mga archangel na sina michael at gabriel. Ayon naman sa ibang kwento, ang panginoon daw ang papatay sa halimaw na ito habang ang iba naman nagsasabi na ang behemoth daw at ang leviathan ay magkakaroon ng matinding laban bago dumating ang katapusan ng mundo.

Ang leviathan ang may hawak sa isa sa mga 7 deadly sins at ito ay ang Envy.

Mga boss, i cut off po muna natin dito dahil medyo marami ng impormasyon patungkol sa mga nasabing demonyo. Hindi ko ineexpect sa totoo lang na mahaba pala ang mga information patungkol dito. Akala ko kasya lang sya sa isang video. Sa totoo lang pwede naman natin paikliin, kaya lang anong sense kung ippresent ko ang kulang kulang na info kaya mas gugustuhin ko na lang na isegment ang mga videos pero detailed kesa naman isang buong video nga pero limited naman ang information. So sa susunod na video mga boss, itutuloy natin ang 7 princes of hell.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang mga kaso ng Reincarnation ng mga kilalang tao

Saan ba galing ang Deadly Sins (7 Deadly Sins Part1)