Sino ang gumawa ng pagibig?

Reading Time: 12 minutes

Topics

I love you, mahal kita, te amo, mi amore, saranghae, aishiteru, wo aio ni.
Ang mga slitang ito na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo upang masabi ng isang tao na siya ay “umiibig” sa isang tao. Pag-ibig o Love; Hindi naman sa bitter tayo, ngunit masasabi na dahil sa bagay na ito, marami ang pusong sugatan #walangforever. Maraming kabataan ang umiiyak at halos magpakamatay ng dahil dito. So,ang “Love” ay nararamdaman natin para sa mga taong mahalaga sa atin. Magulang, kaibigan at mga alagang hayop. Kung ikaw ang bagay ay mahal mo o minamahal mo, ito ay iyong aalagaan.

Ngunit paano ba natin malalaman kung tayo ay mayroon tinawatag na Love para sa isang tao o bagay? Masasabi mo lamang ba “ay mahal ko to” ng basta lamang? Dahil ang lahat ng bagay ay mayroong pinagmulan, alamin natin kung saan ba nagsimula ang bagay na ito. Ang tanong na ito ay mula kay kc ck at ito ang ask bulalord.

Where did the word love came from:

Mula sa mga Ancient Greek philosophers, ang bagay na ito ay binigyan nila ng limang uri. Nariyan ang familial love na kung saan para sa ating pamilya(in Greek, Storge), friendly love or platonic love ito ay para sa mga kaibigan na mahalaga sa iyo (Philia), romantic love na para sa iyong kasintahan (Eros), guest love o pag-ibig para sa mga taong bumibisita sa atin (Xenia) at ang divine love na para sa Diyos (Agape).

Ayon sa research, ang isang pagmamahal ay maaring maibigay, maiparamdam at maipakita sa iba’t ibang paraan.
So kapag sinabi nating love, hindi kasama dito ang lust ng isang tao. Kapag sinabing love, ito ay pure emotion lamang. Ang love ay hindi din maihahantulad sa relasyon na mayroon ka para sa iyong kaibigan, well iba ang naiibagay na pagpapahalaga sa isang kaibigan.

Dahil nga ang pag-ibig ay walang sapat na pag papaliwanag, ito ay nabigyan ng iba’t ibang depinisyon ng iba’t ibang tao. Kapag sinabing love, ito ay pagbibigay ng kasiyahan sa iisang tao, pagpapahalaga sa isang bagay, ang pagiging masaya para sa natatamo ng isang tao, pakikipag-isa at higit sa lahat ay ang hindi pag-intinidi sa sarili.
Sa panahon ngayon ang pag-ibig ay mas nakikita natin sa dalawang tao na nga-iibigan. Ito ang kakaibang pakiramdam ng isang tao na hindi niiya nararamdam maging sa kanyang pamilya o sa kahit sino kundi sa iisang tao lamang na iyon.

The Origins of Love:

Listen closely sa mga inlabebers jan, ditto malalaman nyo kung saan angmula ang salitang soulmate at ung katagang tunay na kapareha.

Ayon kay sa philosopher na si Plato, sa ganitong paraan nagsimula ang isang pag-ibig. Noong unang panahon ay mayroong tatlong uri ng tao. Ang isang lalake na galing sa araw, ang isang babae na mula sa mundo at isang nilalang na hindi alam kung ito ba ay isang babae o lalaki na nagmula sa buwan.

Ayon kay plato, ang tatlong tao na ito ay nagtataglay ng pabilog na katawan at mayroong apat na kamay at apat na paa. Kung gagamitin ang imahinasyon aakalain na dalawang taong nakatira sa iisang katawan, dahil ito ay may dalawang ulo, na nagtataglay ng mga pares ng tenga at mga mata. Dahil ang dalawang ito ay magkatalikod, maari itong lumakad paatras at pasulong.

Ayon sa kwento, kahit na ganito ang katawan at itsura ng mga nilalang na ito. Hindi maiikaila ang kanilang mga taglay na kapangyarihan at katalinuhan.Dahil sa kanilang taglay na kakayahan, sila ay umakyat sa langit at pinagkatuwaan ang mga diyos na naroroon.Sa galit ng Diyos na si Zeus, ito ay kanyang pinarusahan.Ang mga ito ay pinaghiwalay at binigyang ng tig-isang katawan.

Sa pagpapaliwanag ni plato, dito nagsimula nag konseptong “looking for one’s other half”. Dahil sa galit ng mga ito mula sa kanilang natanggap na parusa, hanggang ngayon ay hinahanap pa din ng mga tao ang kanilang kapareha. Dahil naghiwa-hiwalay itong dalawang babae, lalake at isang hindi alam kung ano ang uri. May mga babae at lalaking nakakahanap ng kanilang kapareho mula sa kanilang kapwa.

Ayon sa kay Aristophanes na kinikilala bilang “Father of Comedy” na siyang naging tagapagsalita ng kwento ni Plato. Pinaniniwalaan nito na ang mga homosexual na tao ay ang mga pinakamatapang o hindi naman ang pinakawalang hiya sa lahat again ito ay mula kay Aristophanes kaya wag kayong magalit kaagad. Sa pagpapatuloy ng kwento, magmula noong nahanap na nang mga tao ang kanilang kapareho ito ay hindi na humihiwalay pa sa tabi ng isa’t isa.

Ayon kay Aristophanes, upang hindi na mangyari ang ganitong uri ng parusa o kahit anong malalang parusa mula sa mga Diyos; ang mga tao ay kailangang maging mabait at kailangan na nila itong sambahin. Kung ang mga tao ay pipiliing sumamba sa Diyos ng pag-ibig na si Eros, maari itong tumulong sa kanila upang madaling mahanap ang kanilang mga nawawalang kapareho.

Mula sa pananaw ni Plato, nagkaroon din ng ilang katanungan kung bakit hindi na lamang hayaang na mahiwalay ang mga ito at huwag ng pagkaabalahan na hanapin. Maghanap na lamang ito ng ibang kapareha na maari nitong makasama. Ang sagot, kung kasaling makakita man tayo ng ibang tao, hindi maiibigy nito ang pakiramdam na kayang ibigay ng ating tunay na kapareha.

Ngunit para sa iba, hindi nila sinamba ang diyos ng pagibig na si eros bagkus ang mga ito ay nagdadasal at sumasamba sa Diyos ng apoy na si Hephaestus. Ang kanilang ipinapanalangin ay magpasindi ito ng isang apoy upang ang mga kaluluwa at katawan ng mga tao ay madali nang magkita at mabuo na muli. At dito na pumasok ang tinatawag na “Soulmate”

Ayon sa isang movie na pinamagatang “Hedwig And The Angry Inch“, ang palabas na ito ay patungkol sa isang genderqueer singer na mula sa pa Germany. Ang palabas ay umiikot sa mapaglarong tadhana ng protagonist na si Hedwig. Dahil sa inaakala netong ang lalaking kanyang kilala noon ay matatawag na niyang “Soulmate“, ngunit bandang huli ay nagkamali lamang ito. Sa pagkasawi ni Hedwig, kinanta niya ang “Origin of Love“.

Ayon sa nagsulat ng kantang ito, ibinase niya ang kanta mula sa kwento ni plato. Ayon sa ilang lyrics ng kanta

“The last time i saw you we had just split in two
he was looking at me, i was looking at you
you had a way so familiar i could not recognize”

Ayon pa sa isang kanta na mula sa palabas ay ang pagkanta ni Hedwig ng “Wicked Little Town“. Dahil napagtanto niyang ang lalaking minahal niya ay hindi talaga nakalaan sa para sa kanya, ang taong ito ay kailangan na niy ang layuan. Ayon sa ilang lyrics,

“And there’s no mystical design, no cosmic lover preassigned”
“Maybe there’s nothing up in the sky but air,”

Kung iintindihin ang mga ito, isa lamang ang ipinapaliwanag. Walang gumawa ng pag-ibig, walang Diyos ng Greece na kumukontrol ditto.

The Color Wheel Model of Love:

Ayon sa research, noong 1973 ang psychologist na si John Lee ay gumawa ng isang libro. Ang librong ito ay pinamagatan niyang “The Colors of Love”. Ayon sa psychologist na ito, ang pag-ibig ay mayroong tatlong uri.

Nariyan ang Eros love, na kung saan intimate, passionate love; ang ganitong uri ng pag-ibig ay pinagsamang physical at emotional love. Ang Eros love ay naibibigay para sa ideal person ng isang tao. Sumunod naman ay ang tinatawag na Ludos; ang Ludos ay nagmula sa Greek work na ang ibig sabihin ay “Game“. Ito ang klase ng love kung saan isang laro at hindi seryoso, sa panahon natin ngayon ang mga gumagamit ng ganitong klaseng pagibig ay ang mga tinatawag na “Playboy” at “Playgirl” minsan ding binansagan na pakboy at pakgirl. Ang pinaka huli ay ang Storge; ang greek term na ang ibig sabihin ay “Natural Affection“. Para sa magulang, kaibigan, kapatid at iba pang tao na iyong pinagkakatiwalaan at pinahahalagahan.

Ayon sa libro ni John Lee, ang tatlong uri ng pag-ibig ay maaring mapagsama. Kung ang mga ito ay pagsasama-samahain makakabuo ito ng halos anim pang uri. Kung pagsasamahin ang Eros at ang Ludos Love makakabuo ng tinatawag na “Mania“. Ang mania ay ang matatawag na Obsessive Love kung saan baliw ka parang sa taong ito. Sumunod ang Ludos at Storge love na kung pagsasamahin ay makakagawa ng Pragma love. Ang pragma love ay kinikilala bilang Realistic and practical love, ito ang uri ng pag-ibig na kung saan ang isang tao ay nagbibigay lamang ng tama at hindi sobra. Ang mga taong ito ang hindi nawawalan ng pagmamahal sa kanilang sarili. Ang pinakahuli naman ay ang Eros at Storge love na makakabuo ng tinatawag na Agape Love. Ito ang matatawag na Selfless Love, ang pagmamaghal na kung saan wala ka nang ititira para sa iyong sarili.

Mula pa noong unang panahon, ang pag-ibig o ang pagmamahal sa isang tao ay isang nang kilalang bagay. So sino ang nagpauso ng love? Madaming lalabas na resulta kung ito ay isesearch mo sa internet. Madaming kwento na din ang naglabasan. Mula sa iba’t ibang bansa at kanilang paniniwala.

Ngunit ang totoo, ang pagmamahal ay isang bagay na hindi maaring mapigilan ng isang tao. Ito ay isang bagay na mararamdaman mo na lamang bigla at nang hindi mo namamalayan. Hindi lamang sa iisang tao, ngunit sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Alam ko hindi ito ang inaasahan mong sagot boss kc ck, gayunpaman sana kahit papaano ay may nakuha kang bagong impormasyon mula dito. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  1. https://en.wikipedia.org/wiki/Love
  2. https://www.javatpoint.com/full-form-of-love
  3. https://www.regain.us/advice/love/why-the-origin-of-love-is-so-meaningful/
  4. https://www.verywellmind.com/theories-of-love-2795341

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang ark of covenant nga ba ang trono ng panginoon dito sa mundo?

Mga kilalang tao na nakaranas ng Near Death Experience