Si Michael The Archangel ba ang tagapagtanggol ng Sanlibutan?

Reading Time: 10 minutes

Ano bang alam natin kay Michael the archangel. We know for a fact na nasa ginebra gin sya, pero joking aside. Pag sinabing st. Michael o michael the archangel ang unang papasok sa isip ng iilan sa atin ay ang anghel na tumalo kay satanas. Fun fact pala sa inyo mga boss, para sa mga hindi nakakaalam, sa islam, christianity, at judaism, ang tawag sa kanya ay michael the archangel, or simply michael. Habang sa roman catholic, other eastern orthodox, anglican at lutheran, tinatawag syang saint michael the archangel or saint michael. Para sa mga religious viewers. Mostly ang data dito ay mula sa roman catholic, dahil karamihan sa mga ibang christian sects o ibang religions ay hindi naman masyadong pinag-aaralan ang mga anghel. Please be advised.

Scripture References:

Si michael the archangel ay 5 na beses binanggit sa bibliya, 3 sa old testameng at 2 sa new testament.

Sa daniel 10:13-21, 2 beses binanggit ang pangalan ni michael dito. Sinabi ni Gabriel kay daniel na ang prinsipe ng persia ay hindi sya pinahintulutan nito hanggang sa dumating si michael, ang chief prince para tulungan ito.

Sa daneil 12 naman, Ang anghel ay nagkkwento tungkol sa katapusan ng mundo at ng antichrist at pagdumating ang panahon na yon, si michael ay muling lilitaw.

Sa Jude 1:9, ikwienento dito ang paglalabanan ni satanas at michael sa katawan ni moses. ang kwentong ito ay matatagpuan din sa apocryphal book, ang assumption of moses o testimnoy of moses. Si Michael ay itinago ang libingan ni moses pero dahil alam ito ni satanas, sinabi nya ito sa mga jews para magkasala dahil sympre sasambahin nila ito bilang bayani. Si Michael din ang nagbabantay sa katawan ni eve ayon sa isa pang apocryphal book na revelation of moses.

Lastly we have Revelation 12:7, dito binanggit ang paglalaban sa kalangitan. Si Michael at ang mga anghel nito ay nilalabanan ang isang dragon.

Dahil sa mga nabanggit na talata, alam natin na si michael ay lalabanan si satanas. Sya rin ang tutulong sa mga kaluluwang nanampalataya laban sa mga kaaway lalo na sa ooras ng kamatayan. Sya ang magiging champion ng sangkatauhan, ang old law ng jews, at ang new testament ng mga kristiano.  Sya din ang magdadala ng mga kaluluwa para hatulan.

Habang sa quran naman, isa sya sa mga dalawang nabangit na archangel. Ang isa ay is jibrail o gabriel. Ayon sa sura 2:98.

“Whoever is an enemy to God, and His angels and His messengers, and Jibrail and Mikhail! Then, God (Himself) is an enemy to the disbelievers”

Ranking:

Ang theologian na si St. Basil at iba pang mga greek Fathers ay binigyan ng rango si Michael bilang prince of angels. May ibang naniniwala na si Michael ang prinsipe ng seraphim. Pero iba ang paniniwala ng isa pang theologian na si St. Thomas Aquinas, ayon sa kanya, si Michael ay prinsipe ng last choir ang mga angels.

Ayon naman hymn of the mozarabic breviary, si St. Michael ay nasa taas ng 24 angels at ang greek liturgy naman inilalarawan sya bilang highest general.

Veneration:

Si Michael ay naiiuugnay sa isang medicinal spring na sumibol sa Cheretopa malapit sa colossae kung saan lahat ng maysakit na naligo duon at ininvoked ang blessed trinity at si Michael ay gumaling. Ayon sa kwento ang mga pagan nuon ay sinubukang sirain ang sibul sa pamamagitan ng pagpapadala ng agos dito, subalit hindi ito nagtagumpay dahil isang kidlat ang tumama sa isang bato, dahilan para magkaroon ng panibagong daanan ang mga tubig. Pinaniniwalaan na ito ay ang apparisyon ni Michael.

Sa constantinople, si Michael ay inilalarawan bilang isang great heavenly physician kung saan ang kanyang sanctuaryo ay nasa sosthenion. Dito pinaniniwalaan na lumitaw si Michael kay emperor constantine. Ang mga maysakit ay kadalasang natutulog dito at naghihintay sa manifestaion ng arkanghel. Ang kapistahan ni Michael ay ipiniagdirawang nuon ng June 9.

Ang mga kristiano naman ng ehipto ay inalay ang nile sa pangagalaga ni Michael. Ang nile mga boss ay kinukunsidera na life giving river. Ang kapistahan ni michael ay ipinagdirawang ng November 12 at kada 12 ng bawat buwan ay mayroong special commemoration ang arkanghel.

Sa normandy naman, si Michael ay patron ng mga mandaragat at ang sanctuaryo nito ay matatagpuan sa diocese of coutances kung saan pinaniniwalaan na dito nagpakita si michael. Sa germany, matapos ang evangelization, si michael ay pinalitan ang pagan god na si wotan, kung saan maraming mga kabundukan ang tinatrato bilang banal na lugar, kaya naman maraming mga simbahan sa germany ang matatagpuan sa mga bundok. Fun fact pala mga boss, ang diyos na si wotan ay si Odin.

Prayer:

Mga boss mayroong dasal para kay michael the archangel. Hinawa ito ni pop leo XIII nuong nagkaroon ito ng prophetic vision tungkol sa kalungkutan at giyera.

Matapos magcelebrate ng misa, ang papa ay nakikipagusap sa kanyang mga kardinal ng bigla itong nahilo at bumagsak. Ang mga cardinal nuon agad na tumawag ng doktor. Wala ng pulso so pope leo at nangamba ang mga ito na baka patay na sya. Maya maya pa biglang nagising ito at sinabing nasaksihan nya ang nakakatakot na pangyayari.

Sa kanyang vision, pinakita dito na binigyan ng diyos si satanas ng pagkakataong pumili ng isang century kung saan susubukin nito ang pananampalataya ng simbahan. Si Taning ay pinili ang 20th century.

Dahil dito, gumawa ng dasal ang papa para kay michael.

“St. Michael the Archangel,

defend us in battle! 

Be our protection against the wickedness and snares of the devil. 

May God rebuke him, we humbly pray, and do thou,

O Prince of the heavenly host, by the power of God,

thrust into Hell Satan and all the other evil spirits

who roam about the world seeking the ruin of souls.”

Nagutos si pope leo na isama ang dasal na ito sa misa simula nuong 1886. Natigil lamang ito nuong 1968 kung saan ipinagutos ito ni Pope Paul VI.

Nuong 1994, si Pope john paul 2nd ay inenganyo na magbigay ng dasal kay michael. Binigyan diin nya din na ang dasal na ginawa ni pope leo ay muling irecite sa mga misa. Pero keep in mind, na hindi sya nagpasa ng utos dito, ito ay kanyang suhestion lamang.

Exorcism:

Dahil nga si Michael ay kinukunsiderang protector, nasama din ang dasal na ito sa exorcism ritual.

Ang kakaibang version ng dasal ay naisama sa excorcism formula na pinublished nuong 1890-1891 para magamit ng mga bishops at mga pari na pinapapahintulutang magexorcist.

Sa katunayan, ang paggamit sa dasal ni michael ay naidokumento na din at naipalabas na din sa ilang pelikula kagaya nalang ng exorcism ni emma. Kung saan matapos syang dasalan ng exorcism rites kasama na nga dito ang dasal para kay michael ay bumalik ito sa kanyang ulirat at ayon sa kanya, nakita nya ang paglalaban ng mga nilalang, si lucifer, beelzibub, ang legions ng mga demonyo at pati ang kanyang ama ay kinalaban si Michael at ang paglalaban ng dalawang panig ay patindi ng patindi. FYI mga boss, sa mga nagtataka bakit napasama ang kanyang ama, abusadong tatay po kasi ang kanyang yumaong ama.

Ganun din ang nangyari kay Robbie, kung saan matapos ang mahabang exorcism ritual, naramdaman ng demonyo ang presensya ng arkanghel at ang mga ito ay lumabas sa katawan ni robbie. Pero sa pagkakataong ito, wala syang maalala nuong sinapian sya.

Ilang araw ding nakikipaglaban ang 2 pari sa sumapi kay ronald doe. Natapos lamang ito nuong tinawag o sinambit ng mga pare ang dasal para kay michael at sa puntong iyon, duon lang nila napalabas ang demonyo. 7 minuto matapos nito, si ronald ay nagising at sinabing wala na ito. Ayon sa bata, nakita nya kung papaano talunin ni michael si satanas sa kanilang labanan.

Hanggang dito na lang muna mga boss, Sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Source 1

Source 2

Source 3

Source 4

Source 5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Kapre

Danag