Si Lucifer at Satan magkaiba? | 7 prince’s of hell Part 2

Reading Time: 14 minutes

So part 2 ng ating 7 princes of hell, wala ng marami pang satsat, lets get into it.

Beelzebub:

Si beelzebub, baalzebul, beelzeboul, belzebub ay ang prinsepe ng mga demonyo. Ang beelzebub ay mula sa caananites at ang ibig sabihin ay “lord of the flies”. Si beelzebub karaniwan ay nilalarawan bilang isang higante at napakapangit na langaw o hindi naman kaya isang nilalang na sobrang laki at nakaupo sa isang trono. Ang mukha at dibdib nito ay parang namamaga, meron itong malalaking ilong, sungay, pakpak ng paniki, paa ng isang bibi, buntot ng isang liyon at punong puno ng makakapal na itim na buhok. Let the picture sink in sa inyo. Ang pangit diba?

Si beelzebub ay kinakatakutan na nuon pa man. Sa Hebrew, sya ay ang prinsipe ng mga demonyo nuong panahon na nabubuhay si kristo. Ayon sa mga pharisees nuon, si jesus christ daw ay inexorcise ang mga demonyo sa pangalan ni beelzebub. Makikita ito sa Matthew (12:24–29), Mark (3:22–27), and Luke (11:14–22).

Ayon naman sa testameng of solomon, sii beelzebub ay nakontrol ni king solomon sa tulong ng kanyang magical ring. Ayon dito, inutusan ni King solomon ang demongoy si ornias para sunduin si beelzebub at dalhin sa kanya. Sinubukan ni beelzebub na labanan si king solomon pero hindi nya kinaya ang kapangyarihan ng singsing. Oppsss, teka muna, mga religious viewers jan, wala ito sa bible, ang testament of solomon ay isang pseudepigrapha na isinulat sa pagitan ng 1st at third century Common Era. Ito ay naglalaman ng istorya ni King solomon kung saan ginawa nya ang templo sa pamamagitan ng pagutos sa mga demonyo. Ayan ha clear ulit tayo.

Para sa mga philisitines ang langaw ni  Ba’al zebub ay simbulo ng isang kaluluwa. Sa kaso naman ng demonyong si beelzebub, ang kanyang mga langaw ay nagsisimbolo ng kamtayan at pagagnas. Ang orihinal na baal ze bub ay spirito ng fertility at rebirth. Sa gospels naman ang kanyang pangalan ay naging beelzebub at nag evolved na bilang isang chief ng mga demonyo at prinsipe.

Si Beelzebub at si satan ay minsan ding kinunsidera na magkaiba ang paguugali. Ayon sa apokripikong gospel ni nicodemus, si Jesus christ ay binagyan ng pamamahala o karapatan si beelzebub sa impyerno bilang pasasalamat sa pagtulong nito na tanggalin si adam at ang iba pang sinaunang kristiano at maidala ang mga ito sa langit kahit na ayaw ni satanas. Nuong mga panahon na yon, si beelzebub ay mas nataasan si satanas.

Dumating ang 16th century. Ang demonologist na si Johann Wierus ay nilagay si beelzebub bilang supreme chieftain ng impyerno at si satanas ay nasa baba lamang nito. Ang kanyang pangalan ay mas sumabog nuong panahon ng withces trial, kung saan nagkaroon ng demon posession hysteria at kasama nga dito ang salem village. Sa panahon natin ngayon pinaniniwalaan na ang pangalang beelzebub ay ang pangalan ng diablo.

Ayon sa mga demonologists. Si beelzebuub ay isang cherubim bago pa ito nalaglag at sa ngayon, sya ang founder ng impyerno na order of the fly.

Asmodeus:

Si asmodeus ay ang demonyo na namamahala sa pangatlo sa 7 deadly sins at ito ay ang lust. Isa rin sya sa nagapi ni solomon.

Ang trabaho ni asmodeus ay ang pigilan na magkaroon ng sexual contact ang magasawa, sirain ang pamilya at pwersahin ang mga ito na gumawa ng adultery. Pinaniniwalaan din na si asmodeus ang isa sa pinakamasamang sa mga infernal demons ni satanas. Kadalasan nilalarawan sya bilang isang nilalang na may tatlong ulo kung saan ito ay ang ulo ng isang ogre, isang ram at isang bull, habang ang kanyang paa naman ay paa ng manok, may pakpak din ito at may buntot ng isang ahas.

Nakasakay ito sa isang dragon na bumubuga ng apoy. Si asmodeus ay pinaniniwalaang nagmula sa sinaunang persia. Ang kanyang pangalan ay mula sa salitang Aeshma, isa sa mga 7 archangel ng persian mythology. Nuong pumasok ito sa hebrew, mas nagkaroon ito ng mas mataas na pwesto at mas naging malakas sa mythology nila. Ayon sa mythology ng hebrew, sya ay parte ng seraphim, ang pinakamataas na grupo ng mga anghel. Nuong ito ay bumagsak, inuugnay ito bilang asawa ni lilith na kilala din bilang isang demon queen of lust. Mayroon ding kwento na isa sya sa mga anak ni Adam at lilith.

Sa kwento naman ni king solomon, nabind nya rin ang demonyong ito pero mautak si asmodeus. Nuong natapos na ang templo ni king solomon, tinanong ni solomon kung bakit malalakas ang demonyo eh sya mismong pinuno ay nabind. Sinabi nito na papatunayan nyang malakas sya kung tatanggalin ni solomon ang bind at ang sinsing nito. Ginawa naman ni solomon at nuong nangyari iyon ay pinalayas si solomon sa jerusalem. Naging hari si asmodeus sa ginawang templo ni solomon at kinuha rin ang mga asawa nito. Subalit nakabalik si solomon sa tulong ng isa nyang asawa kung saan nakita nito ang singsing na nasa tyan ng isda. Pag balik ni solomon, nilagay nya si asmadeus sa garapon.

Satan:

Si satanas ang personification ng kasamaan at ang pinuno ng lahat ng demonyo. Ang salitang satan sa hebrew ang ibig sabihin ay “adversary”. Habang tumatagal, si satanas ay mas nageevolved habang tumatagal at sya na nga ang naging opposite side ng kabutihan at kalaban ng panginoon. Ang prinsipe ng kadiliman. Ang kanyang layunin ay ilayo ang mga tao sa panginoon para madala nya ito sa impyerno.

Sa katunayan mga boss, sa genesis hindi binanggit ang pangalan ni satan altho dito kwinento ang isang ahas na nangakit kay eve na kainin ang prutas. Sa old testament, may ilang mga salita patungkol kay satan, isa na nga ang istorya ni job kung san binigyan ng permiso ng panginoon na subukan ito.

Sa new testament naman mas naging personified si satan kung saan dito binanggit na sinubukan nitong linlangin si kristo. Sa mark tinawag syang satan, sa matthew at luke sya ang tester o devil. Sa Luke 10 naman sinabi ng panginoon na nakita nya si satan na nahulog ng parang isang kidlat mula sa langit. Isang kaperhas ng kwento ni lucifer. Ayon din kay luke, si satan ang pumasok kay judas para traydorin si hesus.

Sa john Chapter 8 verse 44 sinabi dito na si satan ay “murderer from the beginning” implying na sya ang nasa garden of eden. Habang sa John 12:31 naman sinabi ni Jesus christ na sya ang namumuno sa mundo. Sa 2nd corinthians 2:10-11 naman, sinabi ni paul na ang pagpapatawad ang makakatalo kay satan. Sa kaperahas na sulat sinabi nito na kailangan ng mga tao na maging alerto dahil sa satanas ay kayang magdisguise bilang angel of light.

Sa hebrew naman, si satan ay may kapangyarihan sa kamatayan at ang mission ni hesukristo ay ang malampasan ito. Sa revelation naman, si satan ay inilalarawan bilang isang dragon at isang ahas.

Nuong second century, si Justin Martyr ang nagsabing si Satan at ang ahas ay iisa. Ang pagbagsak ni satan sa kamay ng panginoon ay napredict na sa isiah at ito nga ang pagbagsak ni lucifer. Iniugnay nya rin si satan bilang sons of god, o ung mga watchers at ang rango nito sa langit ay nasa grupo ng powers and principalities.

Kagaya ni Justin, ang mga sinaunang kristiano katulad nina theopilus at tertullian ay naniniwala na si satan ang ahas sa eden.

Si origen ang unang nagugnay kay satan at lucifer.

Si satan ay hindi galit nuon sa tao o nagseselos dito. Pero nuong inutusan sya ni michael na isang archangel na lumuhod sa gawa ng panginoon at sambahin si adam, dito na nagkaroon ng pagtatalo. Ayaw ito ni satan dahil nga inferior si adam at sya ang dapat sambahin ni adam not the other way around. Lahat ng anghel na hindi sumunod sa utos ng panginoon ay pinaalis nya ng langit at bumagsak sila sa lupa.

Ang ideyang ito ay hindi agad kumagat sa kristianismo nuong unang panahon. Si satan ay naging diyos ng mga pagan. Ang ideyang ito ay nabuo dahil si satanas ang may hawak sa sangkatauhan dahil sa kasalanan na ginawa nila adam at eve.

Time unknown, naassociate si satan bilang tagapamahala ng impyerno. Simula 16th century, ang kanyang primary rolw ay ang subukin ang sangkatauhan.

May iba’t ibang pananaw ang mga theolgoans.Ayon kay Daniel Ernst Schleiermarcher, isang ministro sa reformed church, wala talagang satan. Bagkus isa lamang itong metaphor patungkol sa kasamaan. Ayon naman kay st. Augustine, si satan ang may karapatan sa atin at lahat tayo ay sa kanya mapupunta, subalit ito ang dahilan kung bakit namatay si kristo. Para iligtas tayo sa kamay ni satanas.

Lucifer:

Ang pangalan ni lucifer sa latin ay “light bringer” ay iniuugnay ito sa venus, ang morning star. Ang katauhan ni lucifer ay isang anghel na sobrang taas ng pride at dahil dito ay pinalayas sya sa langit kasama ang kanyang mga kapatid na naniniwala sa kanya at pag bagsak nila sa langit, sila ay naging mga demonyo.

Ang nagiisang biblical reference patungkol kay lucifer ay matatagpuan sa isiah 14:12.

“How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which didst weaken the nations!”

Altho ang reference na ito ay posibleng patungkol sa mayabang na hari ng babylon, kung saan ang babylon ay bumagsak kasama ang hari nito. Nuong 390 hanggang 405 Trinanslate ni Jerome ang bibliya sa kanyang libro na latin ang vulgate at dito pinangalanan nya si lucifer bilang leader ng mga fallen angels.

Sa pangalawang libro naman ni enoch na kilala din sa tawag na slavonic apocalypse of enoch, pinagalanan ang leader ng mga fallen angels bilang satanael. Ayon sa libro, ginawa ng panginoon ang mga rango ng anghel nuong pangalawang araw, hinugis ang mga ito gamit ang apoy mula sa bato. Binagyan sila ng damit at sandata na umaapoy.

Si lucifer ay mas nabigyan ng attention sa kristianismo. Ang mga sinaunang kristiano kagaya ni Origen ay inuugnay si satan kay lucifer, si augustine at jerome ay naniniwala din dito. Nuong dumating ang middle ages, si lucifer at si satan ay parehas na naiugnay sa diablo. Si lucifer ang prefall state ni satan o ung pangalan nito nuong nasa langit pa at nuong bumagsak ay naging satanas na.

Sa demonology naman, si lucifer ang emperor ng impyerno at mas mataas kay satanas na isa lamang sa mga lieutenants nito. Sya ang namamahala sa europeans at asians. Ang mga occultists naman at satanist ay inilalarawan si lucifer bilang archangel of light na kadalasan nagbabalat kayo builang tao para magbigay ng enlightenment at redemption.

Abaddon:

Teka ilang mins na ba to? sige na nga ituloy na natin. Bonus itong si abaddon. Isama na natin sa listhan.

Si abaddon ay ang angel of death and destruction. Ang salitang abaddon ay mula sa hebrew word na ang ibig sabihin to destroy o place of destruction. Si abaddon ay ang prinsipe na namamahala sa scenth hierarchy ng mga demonyo, kabilang dito ang erinyes o furies kung saan sila ang namumuno sa kasamaan, discord, gyera at pagwasak.

Originally, si abaddon ay hindi isang nilalang o anghel. Sa rabbini writings at sa old testament, ang abaddoon ay isang lugar ng pagkasira at isa rin sa rehiyon ng gehenna. Sa Job 26:6, si abaddon ay naiugnay sa sheol. Sa Job 28:22 naman dito pinersonify na si Abaddon kasama ng kamatayan. Sa Revelation 9:10 naman si abaddon ay pinersonify bilang king of abyss, ang walang hanggang impyerno.

Ayan mga boss, wag na tayong mag recap. Pero sa mga religious viewers, some of the information in here are not on the bible. Except sympre sa mga verses na binasa ko. Anyway, sana ay may bagong impormasyon kayong nakuha sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Sino Si Kamatayan

Lilith