Santa=Satan?

Mga boss, gusto ko lang iclarify na i believe in christmas spirit, ung tipong family gathering. You see mga boss, habang nagreresearch ako, andami kong nakitang info patungkol kay santa claus bilang isang demonyo. Hindi si krampus mga boss ha, iba un, well,  gagawa tayo ng video about din duon. Pero for now dito muna tayo kay santa.

Totoo nga naman, kapag dumarating ang pasko pag tinanong mo ang mga bata kung kanino hihiling ng regalo, well may mga nagsasabi sa mga magulang, ninong etc, pero karamihan sa mga ito, sasabihing hihiling sila kay santa claus ng regalo. Bakit nga ba kay santa? Bakit hindi kay kristo?

Habang click ako ng click ng link, ang iba nakikita ko kesyo si santa daw pag inayos mo ang pangalan ay satan, o at ang claus nya ay claws talaga o ung kuko kaya pag pinagsama, satan claws. Ewan ko mga boss, again, bago po mag react, we are entitled to our own opinion. This video was made for informational purposes. Hindi po ako nagtatanim ng ideya sa mga viewers, its up to you, the viewers kung papaano ninyo ito itatake.

Santa’s Magic:

Ayon sa the night before christmas, inilarawan si santa bilang isang “jolly old elf”. Nakakapagtaka ang linyang ito dahil ang mga elf ayon sa websters new world dictionary ay maliit at makulit na fairy kung saan naninirahan sa kakahuyan at kabundukan. Hindi lang din sya nakakalipad, dala dala nya ang isang magical sleigh kung saan andito ang mga regalo ng bata sa buong mundo. Ang mahika nuon pa man ay inuugnay na sa mga demonyo at pinagbabawal ng bibliya.

Gayunpaman, cinecelebrate natin ito, sa katunayan tinawag pa nga ang araw ng pasko na “the most magical time of the year”. Ayon din sa bibliya, Galatians 5:19-21, ang mga nagsasanay ng ganitong gawiin ay hindi makakapasok sa kaharian ng panginoon. Ang masama pa dito, karamihan sa atin ay ineencourage ang ating mga anak kay santa claus at pagnagtanong ang mga bata kung papaano mangyayari na makakabili si santa claus ng laruan at makakapasok sa bahay, anong sinasagot ng mga ibang magulang? Magic?

Base sa personalidad ni Santa Claus isa syang sorcerer. Kagaya ng mga mangkukulam, may kakayahan syang lumipad gamit ang kanyang mahika. Pinaniniwalaan din na si santa claus ay isang pagan spirit kung saan ginamit ang pangalan ni st. nick para mas maging kaaya-aya ito sa mga kristiano.

Names:

Pumunta naman tayo sa mga reindeer, wala ba kayong napapansin sa mga pangalan nila? 2 dito mga boss ay ipinangalan sa pagan gods. Si Cupid ay ang roman god ng sexual love at sa greek nakilala ito bilang si eros sa greek gods. Ang isa ay si doner na isang diyos ng kidlat sa german.

Hindi lang sa santa claus sya kilala, sa katunayan kilala din sya bilang father christmas. At anong sinabi sa atin ng panginoon patungkol dito? Matthew 23:9 “Do not call anyone on earth your father; for One is your Father, He who is in heaven”. Kilala din sya sa tawag na Kris kringle kung saan ang ibig sabihin nito ay Christ Child. Kung ilalatag natin, binibigyang diin nito na si santa claus ay si hesu kristo at diyos.

Santa is God:

Ang pinakamimithi ni satanas ay ang trono ng pinakakataas taasan. Kaya naman hindi imposible na si santa ay gawa ng diablo na binulong sa isang mortal na syang nagpakalat sa tradsiyong ito. Hindi lang yan, si satanas ginawang diyos si santa claus ng palihim ng hindi man lang natin nalalaman.

Unang una mga boss, si Santa ay bumibisita kada taon mula sa norte. Ang mga ibang scholars pinaniniwalaan na ang kaharian ng diyos ay nasa northern part ng universe.

Pangalawa, kagaya ng diyos, si santa claus ay immortal, hanggang ngayon nabubuhay sya sa atin. Pasalin salin ang kanyang kwento, ang kanyang legacy.

Pangatlo, may kakayahan si santa na baliin ang batas ng kalikasan, paano? kaya nyang paliparin ang kanyang mga reindeer, kaya nyang ipunin ang regalo ng buong mundo sa kanyang lalagyan, kaya nyang magkasya sa isang chimeneya at isang hawak nya lang sa ilong nya ay makakapasok sya dito. Lahat to mga boss binibigyang diin na si santa ay makapangyarihan.

Pangapat, kagaya ng panginoon, si santa ay may kakayahang makita kung gumagawa ka ng mabuti o masama.

Panglima, kagaya ng panginoon, sya ang naghahatol sa mga tao, sabi nga sa phrase na to “you better watch out, you better not cry, you better not pout, I’m telling you why, Santa Claus is coming to town”

Panganim, kagay ng paninoon, dapat katakutan si santa.

Panganim, si Santa ay mayroong book of remembrance kagaya ng sabi sa bibliya. Dito sa listahan na to chinicheck ni santa kung naging mabait o masama ang isang bata.

Pangpito, kapag gusto mong makatanggap ng regalo mula kay santa pero naging masama kang bata, kailangan mong humingi ng tawad sa kanya.

Ito ang mga patunay na si santa claus ay gawa ni satanas. Imbes na mag celebrate ang mga tao dahil sa tinakdang kapanganakan ni hesu kristo, ang mga tao ay nagcecelebrate at nanghihingi ng regalo kay santa.

Gifts:

Ang regalo sa atin ni kristo ay ang buhay na walang hanggan sa mga susunod sa kanya, pero si santa anong regalo sa atin? Kunwari ang mga mababait na mga bata ay nireregaluhan nya pero ito ay mga materyal na bagay lamang. Dito pinapakita mga boss na si santa ay pinapalitan ng mga materyal na bagay ang ating pananampalataya sa panginoon.

7 deadly sins:

Greed: Pag dumarating ang pasko, karamihan sa atin kahit matatanda nagbabakasakaling reregaluhan tayo ng ating mga kamag-anak ng mga magagarbong regalo. Ang mga tindahan kadalasan nag sasale pa, mga commercials nagpapalabas para iencourage ang mga bata na kulitin ang kanilang mga magulang na bumili ng kanilang laruan.

Envy: Hindi lahat tayo pare parehas, may mahihirap, may mayayaman. Lalo na sa christmas party exchange gift. Minsan mabubunot mo isang sabon tapos ung kaibigan mo ang regalo sa kanya toaster at nakasama pa sya sa raffle ng 32 inches led tv. Dito papasok ang inggit mga boss.

Gluttony: Sino ba naman hindi umattend sa pagsasalo salo ng hindi busog na busog o hindi naman kaya lasing. Marami sa atin ang ganito. Nagpapakasarap dahil minsan lang ang ganitong handaan. Nagpapakabusog kahit na parang sasabog na ang tyan o kaya ung tipong hindi na makatayo sa kalasingan.

Sloth: Pag dumating ang pasko, holiday ito at kadalasan mga sarado ang establishimento. Ang mga may anak kadasal nagpupunta sa mga malls shopping etc, pero karamihan sa mga tao, nasa bahay lang, natutulog dahil bangag kagabi. Tinatamad kumilos at sinasamsam ang buong araw na walang gagawin.

Pride: Marami sa atin ang mga mayayabang, mga show off ika nga. Pagmamayabang ang mga handa, popost sa FB tapos hindi naman din mauubos. O hindi naman kaya bibili ng napakagandang gamit tapos hindi naman gagamitin, pagyayabang lang. Kasama sa Pride yan mga boss.

Lust: Well… basta may alak…. may balak…..

Wrath: Kadalasan natin itong nakikita sa mga ATM machines, groceries at iba pang mga naghihintay. Yung tipong magwiwithdraw 10 atm ang dala at lahat un sabay sabay iwiwithdraw, dahil dito magkakaroon ng pagtatalo. Oh hindi naman kaya ung mga nasa groceries, ung item na binili mo walang barcode tapos hahanapin pa, ang ibang mga customer magpaparinig sayo dahil antagal ng pila at dito na nga magsisimula ang mga away.

Mga boss, ang 7 deadly sins ay example lang na mga nangyayari sa pasko. Sa katunayan, nangyayari ang mga ito kahit hindi pasko. Kahit sa normal na araw. Kaya lang mas madalas itong mangyari lalo na pag may celebrasyon.

Mga boss gusto ko lang ulit iclarify, naniniwala ako sa christmas spirit, naniniwala ako sa family gathering. I don’t believe in santa, siguro nuong bata ako oo, pero ngayon hindi na. Panawagan na lang siguro para sa mga magulang. Pwede ninyong i lived up ang tradisyon, pero i would suggest na instead na kay santa manghingi o magdasal ang mga anak ninyo, help them pray sa totoong diyos. Pwede nyong ipaliwanag ang tungkol kay santa pero suggestion ko ay itanim ninyo sa mga puso ng mga bata na si kristo ang nagtutupad ng panalangin at nagbibigay ng regalo sa pasko, hindi si santa claus.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang jonestown ba ay isang cult?

Rudolph The Red Nosed Reindeer