Santa Claus – Origins

Reading Time: 12 minutes

Karamihan sa atin kilala na si santa claus. Ang iba sa atin minana pa ang mga kwento ang iba naman nakita sa internet. Sino nga ba si santa claus at ano ang papel nito sa araw ng pasko?

Origins:

Si santa claus ay ang english form ng dutch na si St. Nicholas Sinterklaas. Si St. Nicholas ay isang taong takot sa dyos at kilala sa kanyang ginagawang charity at generosity.

Si St. Nick ay pinanganak nuong 3rd century sa patara. Ang magulang ni St. Nick ay mga mayayamang kristiano. Pinaniniwalaan din na ang heritage na st. nick ay mattrace back kay apostle paul kung saan pumunta rin ito sa patara ng pangatlong paglalakbay nya bilang misyonaryo 200 taon.

Pinaniniwalaan din na ang mga magulang ni St. Nicholas ay mga relihiyoso at matagal nanalangin sa maykapal na sila ay magkaanak. Dininig naman ng panginoon ang kanilang panalangin at ipinanganak nga si St. Nick. Dahil nagiisang anak lang sya, pinalaki ito ng puno ng atensyon at pagmamahal. Subalit dumating ang panahon na nagkaroon ng matinding karamdaman ang kanyang mga magulang dahil sa salot na dumating sa kanilang bayan at hindi ito nakaligtas.

Kahit na kinuha ng panginoon ang kanyang mga magulang, hindi tinalikuran ni St. Nick ang panginoon. Bagkus mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Ang pagkawala ng kanyang mga magulang ang naghubog sa puso ni st. nick sa kung anong nararamdaman ng taong naghihirap.

Dahil sa sya lang ang nagiisang anak, minana nya ang ari-arian ng kanyang mga magulang at ginamit nya ito sa mabuting paraan. Sa katunayan nagkaroon sya ng magandang reputasyon sa kanilang rehiyon at hinirang na archbishop ng Myra nuong nasa early 20’s nya pa lang. Indikasyon na kahit ganun pa lang ang edad nya, mature na ito at matalino.

Nuong naging bishop sya, nangari din ang pageexecute sa mga kristiano. Hindi rin nakaligtas si St. Nick dito, pinaniniwalaan na nakulong sya at tinorture dahil sa pagiging kristiano nito. Kinulong si St. Nick hanggang sa dumating ang panahon ni Constantine. Ang kauna unahang kristianong emperor.

Ang persecution ay nangyari nuong panahon ni Roman Emperor Diocletian at pinatupad din ng kanyang successor na si Galerius kung saan umabot ito ng 8 taon.

Narinig ni St. Nick ang kwento patungkol sa isang mahirap na lalaki at ang 3 babaeng anak nito sa isang bayan. Ang lalaki, hindi nya na kayang pakainin pa ang kanyang mga anak at natatakot ito na baka isang araw paalisin nya na lang ang mga anak nya dahil hindi nya na kaya pang buhayin sila. Alam ni St. Nick na kailangan ng tulong ng taong yon.

Kinagabihan, habang natutulog ang lahat. Si St. Nick dahan dahang pumunta sa tirahan ng nasabing mag-anak at palihim nya itong inwanan ng 3 bag ng ginto.

Kinaumagahan, nagulat ang mag-anak at tuwang tuwa dahil nakatanggap daw sila ng isang regalo. Pinaniniwalaan na simula noon si St. Nick ay nagbibigay ng regalo tuwing gabi sa mga tao.

Mga boss konting clarification lang, may mga nabasa ako patungkol sa istorya na to kung saan dapat ibebenta ng tatay ang kanyang tatlong babaeng anak. Pero regardless, naligtas pa din sila ni st. Nick.

Ang iba sa inyo nagtataka, papaano nga ba naging santa claus ang pangalan nya eh ang layo naman nito sa st. Nicholas. Dahil ito sa mga dutch settlers mga boss. Nuong pumunta sila sa US, dinala din nila ang kanilang lumang tradisyon at kilala nga si st. nick duon bilang sinterklass. Ang sinterklass ay mas nakilala natin sa pangalang santa claus. Ayan mga boss, alam nyo na kung saan nag simula ang pangalan ni santaclaus.

Association:

Matapos bawian ng buhay ni St. Nick nuong December 6, naging tradisyon na ang pagbibigay ng regalo para alalahanin ang kabutihan kanyang ginawa nuong nabubuhay pa ito.

Ang pista ni St. Nick ay ginagawa pa rin sa december 6 sa mga ibang bansa pero ang iba binago na ito, isa na nga dito ang america pati na rin pinas. Napakaganda nga namang isipin na ang tradisyon ng pasko na inuugnay sa kapanganakan ni kristo ay ang pagbibigayan ng regalo, ang kapanganakan ni kristo ang pinakamagandang regalo na natanggap ng mundo.

Pero mga boss, iba ang totoong dahilan kung bakit na usog ang gift giving sa december 25. Ito ay dahil sa mga leader ng sinaunang kristiano kung saan inakala nila na si St. Nick ay masyadong nakikilala at mas nagiging popular kumpara sa hinirang nilang kapanganakan ni kristo. At dahil nga dito, pinagsama nila ang pista ni St. Nick sa december 25.

Widespread:

Ang pasko ay hindi pa kilala nuon katulad ngayon. Sa netherlands, pinagpatuloy nila ang celebrasyon ni St. Nick at nuong nagmigrate ang iba ay ikinalat nila ang kanilang tradisyon. Nuong dumating sa england ang pasko, at sa iba pang karatig bansa, naging isa itong pagan holiday, ang saturnalia. Kung saan ipinagdiriwang ito sa labas, puno ng alkohol at makukulit na komunidad. Nawala ang presensya ng pagbibigay ng regalo.

Nuong dumating ang early 19th century, dito nabago ang pagdiriwang sa pasko. Dahil na din sa mga makata at mga manunulat kung saan inilarawan nila ang pasko bilang isang christmas celebration at binuhay muli ang presensya ni St. Nick.

Transformation:

Paano nga ba nabago ang isang mapayat na lalaki papunta sa isang matabang matanda? Nuong middle aged, si St. Nick ay inilarawan bilang isang matangkad, mapayat at may mahabang balbas. Habang si Santa naman ay isang matabang lalaki na mayroong pulang kasuotan. Ang kanyang kasuotan ay maiuugnay natin kay st. Nick dahil ganito ang mga sinusuot ng mga bishop. Pero ang kanyang katabaan ay malayong malayo.

Sa katunayan mga boss, mattrace back natin ang pagbabagong ito sa mga libro. Isa na nga dito ang libro ni Washington Irving nuong 1809 kung saan ito ang kauna unahang St. Nick na mayroong tobacco at nakasakay sa isang sasakyan na lumilipad sa kalangitan.

Nuong 1821 naman ang tula na The Chiildrens friend ang naghubog kay santa clause at inuugnay nga ito sa Pasko. Sa pagkakataong ito mga boss, dito na nabuo si santa claus. Nawala na si St. Nick bilang isang gift giving saint at napalitan na nga ni santa.

Nuong dumating ang 1822, sinulant ni Clement Clark moore ang A visit from st. Nicholas o mas kilala din sa title na the night before christmas kung saan 6 na bata ang hindi naniniwala kay santa claus. Dito mga boss ang kaunaunahang paglalarwan kay santa at ang kanyang 8 reindeer.

Nuong dumating ang 19th century, Ang kanyang damit ay nagbago na at mas tumaba na ito. Dito rin binanggit na si Santa ay naninirahan sa north pole kung saan ginagamit ang kanyang mga reindeer sa paglalakbay.

Ang kilala nating santa clause ngayon ay ginuhit ng isang kilalang kilalang political cartoonist nuong era na un na si Thomas Nast. Kung saan medyo pinapayat nya ng konti si Santa at binagyan ito ng mukhang lolo.

Disapproval:

Hindi lahat ay tinanggap ang tradition. Isa na nga dito ang russia. Bago pa ang russian revolution, ang kilalang christmas figure ay si Grandfather frost na halos katulad ni santa claus. Nuong nabuo ang sovient union, ang mga komunista ay pinahinto ang pagdiriwang ng pasko at pagbibigayan ng regalo.

Subalit dumating ang 1930 at kinailangan ni Stalin ng supporta kaya pinayagan nya muling lumitaw ang presensya ni Grandfather frost pero hindi pa rin sya payag sa pagiging christmas figure nito, bagkus pinakilala nya ang bagong grandfather frost as a new year gift bringer. Ang move na ito ay hindi naging matagumpay, nagpakalat pa ang soviet ng panibagong disenyo kung saan ang suot ni grandfather frost ay kulay asul para hindi ito mapagkamalang si santa claus.

Ang mga taong nasasakupan ng russia tinanggap ang ganitong tradisyon pero nuong nawala ang pagkakahawak ng soviet sa mga bansa, unti unti rin nawala si grandfather frost at bumalik nga si santa claus.

Urban Legend:

Itong urban legend na ito ay kilala sa ibang bansa, dito sa atin, honestly we simply dont care. Naalala nyo ba ang ads ng coke? Oo mga boss ung may santa claus? Ayon sa urban legend, ang costume daw ni santa ay mula sa coke at posibleng sila mismo ang may IP o intelectual property kay santa.

Hindi ito totoo mga boss. Bago pa naimbento ang coke, si St. Nick ay nagsusuot na ng bishop red robes, maraming robes ang isang bishop, may berde, asul at kayumanggi pero pula ang paborito ni St. Nick.

Katulad din ng diniscuss ko kanina, ang imahe ni santa claus ay nabuo na nuong 1800 pa lang. Samantalang ang code ginamit lang sa advertisment si santa nitong 1920 at ang kanilang model ng santa claus ay mula kay thomas nast. Si Haddon Sundblom ang nagdrawing ng coke santa at kinuha nya ang modelo ni Thomas pero mas pinaganda nya pa ito at binigyan ng masayang aura, ang sigarilyo din ay pinalitan nya ng bote ng coke.

Ayan mga boss hindi totoo na si santa ay gawa ng coke. Marahil ang ibang mga tao nuon ay nakilala lang si santa nuong pinalabas ito ng coke kaya tumatak sa isip nila na ang coke ang unang may design ng santa claus.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo bang gumuho na ang Mundo nung 2012

Megalodon