Sabertooth Cats

Talaga nga namang nakakaintimidate ang laki ng mga pangil ng saber tooth. ang mga tiger ay mga stealth hunters, kadalasan nag-aabang sa madilim na lugar o hindi naman kaya nagtatago sa mga masusukal na parte ng gubat at kapag nakita na nila ang kanilang pagkain ay agad nitong sasagpangin ang likod para mabasag ang spinal cord o hindi naman kaya ang leeg nito. Pinaniniwalaan na ganito ring mag hunt ang mga saber tooth.

Saber tooth cat

Pag tinanong kayo ng teacher ninyo o kaya ng tropa kung anong hayop ito at pinakita ang litrato, malamang sasabihin ng iba sa inyo saber tooth tiger. Incorrect yan mga boss dahil hindi sila mga tigers, ang tamang tawag sa kanila ay saber tooth cats. So papaanong nasama ang tigers sa pangalan nila? Well kagaya nga ng sinabi ko kanina, ang hunting patterns nila ay katulad sa tigre hindi lang yan, pati na rin ang kanilang build. Ang ibang mga saber tooth species ay may malalaking pangangatawan na halos kasing laki ng isang oso.

Kaya naman ito ang nakakapagpadagdag sa fire power nila o ung lakas nila sa paghuhunting. Kayang kaya nilang patumbahin ang mga prehistoric bison. Oo nga pala, kanilang genus ay tinatawag na smilodon at may ibat ibang klase ito.

Discovery

Ang kilalang saber tooth cat ay ang mga smilodon dahil sobrang dami ng fossils nito. Karamihan sa mga fossils ay natagpuan sa Rancho La Brea Tar pits sa californa. Pinaniniwalaan na ginagamit ng mga saber tooth ang mga tar pits para sa easy meal. Ang mga malalaking mammals na mastuck dito ay talagang hindi na makakalabas ng buhay.

Genus

Ang smilodon family ay may 3 species. Ang Smilodon gracilis na pinakamaliit at may bigat lamang na 120 hanggang 220 pounds habang ang smilodon fatalis ay may bigat na 350 hanggang 620 pounds, ito din mga boss ang nakilala nating saber tooth. Ang pangatlong species ang pinakamalki at may bigat ng 490 to 880 pounds. Pinaniniwalaan din na ang Smilodon gracilis ay ang ninuno ng dalawa pang species.

Tails

Ang mga saber tooth ay mas bulky kumpara sa modernong leon. Ang kanilang mga paa at katawan ay medyo maliit at dahil dito mas malakas ito. Di lang yan, mas marami din silang muscle mass. Ang isang modernong leon ay kayang tumimbang ng 500 pounds habang ang sabertooth naman ay may timbang na 600 to 750 pounds.

Ang mga sabertooth ay may maliliit na buntot, hindi kagaya ng mga malalaking pusa natin ngayon. Ang mga buntot ay ginagamit ng mga pusa pang balance kaya naman ang mga sabertooth ay mas malakas kumpara sa ibang pusa pero sympre mas mabagal sila dahil na din sa pagkawala ng buntot. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi sila tinatawag na saber tooth lions o saber tooth tigers. Instead tinatawag silang saber tooth cats.

Social

Ang mga fossils na natagpuan ay nagmumungkahi na ang mga saber tooth ay mayroong social structure. Ang ibang mga sabertooth fossils ay may ebidensya na nagkaroon sila ng matinding injury katulad ng broken bones o hindi naman kaya dislocated hips. Pero base sa mga fossils ang mga injuries na ito ay unti unting gumaling din o hindi naman kaya ang mga saber tooth ay nabuhay ng may ganitong injury sa mahabang panahon. Kung nasa wild mga boss, ang mga ganitong injuries ay fatal, madali silang madadali ng iba pang mga hunters.

Dahil dito mga boss, ang mga paleontologists ay naniniwala na ang mga saber tooth ay mga pack hunters, ang mga

malulusog na mga saber tooth ay pinoprotektahan ang kanilang mga injured na kasama at nakikisalo din sa mga pagkain.

Teeth

Ang mga saber tooth ay kilalang kilala sa kanilang mga ngipin, ang dalawang sobrang haba na mga ngipin na halos katulad ng curved knife blade hence the name. Ang ngipin ng matandang smilodon fatalis kayang humaba ng 7 inches o 18 centimeters kung susukatin natin halos kasing haba ito mula sa middle finger hanggang sa wrist o sa pulso ng isang average na tao.

Pag pinanganak ang isang sabertooth, hindi agad malaki ang ngipin nito, sa katunayan nagsisimula ito bilang isang baby teeth katulad ng ibang mammals. Habang tumatanda, ang baby teeth ay nawawala at napapalitan ng mga maliliit na saber canines.

Ang mga ngipin ng tiger ngayon ay mabilis tumubo, sa katunayan ito ang unang lumalaki pero mas mabilis ang pagtubo ng ngipin ng mga saber tooth. Sa katunayan, kada buwan dumadagdag ng 8 millimeters sa loob ng 18 buwan hanggang sa makuha na ang desired length nito.

Sa laki ng ngipin nito, ang unang papasok sa ating isipan ay pang atake o pang killer move ang mga ngipin nito, pero hindi mga boss. Ang smilodon fatalis ay kayang ibuka ang kanilang bibig ng 120 degrees at ikakagat sa kanilang pagkain. Ginagamit nila ang kanilang pangil para sa mga malalambot na laman at hindi para sa mga mga matitigas na buto.

Ang mga bungo ng mga sabertooth ay hindi kayang ihandle ang ganung kalakas na pressure kapag ginamit nila ito pangkagat sa matigas na buto. Hindi rin ganun kalakas ang kanilang mga muscles para diinan at hawakan ang kanilang mga pagkain kapag ito ay nagsimulang mag struggle o magtatakbo. Kaya naman ang mga sabertooth ay tinatarget ang mga malalambot na parte ng kanilang kalaban kagaya ng tyan o hindi naman kaya leeg.

Hunting

Dahil sa wala ng buhay na saber tooth ngayon, wala talagang nakakaalam kung papaano ang kanilang behaviour. Ang mga paleontologists ay mayroong dalawang primary source kung papaano nila nailalarawan ang buhay ng mga ito. Ang isa nga ay ang mga fossils ng mga ito at ang pangalawa ay ang mga relatives nito o ung mga modern tigers and lions.

Dahil na din sa kanilang lakas at malalaking katawan, mas epektibo ang kanilang paghuhunting sa pagpapatumba ng kanilang mga pagkain kumpara sa hahabulin. Ang ngipin din nila ang nagpapatunay duon. Kapag nakatakas ang kanilang mga prey hindi na nila ito hahabulin, susundan na lang nila at namamatay ang mga ito hindi dahil sa kagat kundi dahil sa pagkaubos ng dugo.

Hindi rin sila humahawak sa kanilang kagat o ung hindi aalis pag sinagpang na nakikita natin sa ibang mga lion na kahit makaladkad sila hindi nila bibitawan ang pagkakagat. Ang mga sabertooth ay hindi ganito, dahila ng kanilang dalawang malaking canine teeth ay makapal lamang sa likod at harap nito pero sa gilid ay mas manipis ito kaya kapag ginawa nila iyon, ang kanilang mga mahahabang ngipin ay mababali. May iilan ilan lang na fossil record na bali ang pangil ng saber tooth, suggesting mga boss na ang mga saber tooth ay pinapatay ang kanilang prey sa pamamagitan ng pag slash o pag stab ng kanilang pangil at papakawalan hanggang sa mamatay ito at makain nila.

Extinction

Ang mga smilodon cats ay ang pinakakilalang sabertooth. Dito kasama nila ang mga ibang ice age mammals kagaya ng woolly mammoths, mastodons at ground sloths. Lahat ng nabanggit ay nag extinct 10,000 years ago dahil na din sa climaate change, terrain change at moslty human hunting.

Pero sympre kung tutuusin ang saber tooth ay hindi basta basta mahuhunting dahil isa rin silang hunter. Sa katunayan mga boss ang main reason ng kanilang extinction ay kaperahas ng livyatan at megalodon. Ang pagkawala ng main food source. Ang mga sabertooth ay kadalasan hinuhunting ang mga hayop na mas malaki dahil mas mabagal ito kagaya na nga ng wolly mammoth. Pero dahil nag extinct na sila, ang mga saber tooth ay nahirapan ng mag hunt ng kanilang pagkain dahil ang mga maliliit na hayop ay mabibilis. Ito ang naging pangunahing dahilan ng kanilang extinction.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Anong klaseng Empath ka?

Maria Labo – Urban Legend