Saan nagmula ang Halloween Part 2

Reading Time: 8 minutes

Kakaunti lamang ang impormasyon tungkol sa kaugaliang trick or treat tuwing halloween bago pa dumatiung ang 1930s. Ang mga naitala nuong halloween na part ng trick ay talaga namang nakakabahala. May iba na medyo harmless, katulad ng pagpindot ng doorbell sabay aalis ng mabilis hanggang sa pinakadelikado kung saan binabato ang mga bintana o hindi naman kaya ay sinusunog ang mga ding ding ng bahay. 

 

Ang pinakagrabe na naitala ay nuong 1913 sa Sheffield Alabama kung saan ang mga kabataan nuon ay nilagyan ang kanyon na nakalagay sa barangay nila ng maraming pulbura at saka pinasabog nuong kasagsaganb ng gabi.

 

Syempre dahil mga bata, hindi nila alam ang tamang dami ng pulbura. Kaya naman nuong sinindihan nila ito, sumabog ng pagkalakas lakas. Sa sobrang lakas nito, inakala ng mga tao na nagkaroon ng lindol. Ang kanyon tumalsik ng nnapakalayo at lahat ng salamin ng hotel na katabi ng kanyon ay nabasag.

 

Ang halloween nagkaroon ng pagbabago nuong late 1930 at early 1940.

 

Nuong 1942 kinansela ng Chicago City cancel ang Holloween celebration. Hindi lang nila kinansela ito dahil sa mga kalokohan ng mga kabataan na ginagawa tuwing halloween kundi dahil gyera nuon at kakaunti lamang ang supply ng asukal. 

 

Kung iisipin mo nga naman, parang ang sama icelebrate ang araw ng mga patay lalo na’t ang mga sundalo ng amerikano ay nakikipaglaban sa mga nazi. 

 

Ang anoka ang unang bayan ng amerika na nagdeklara ng malawakang celebrasyon ng halloween. Ito ay para na rin mapigilan ang mga kabataan sa pag gagawa ng kalokohan. Ang anoka ay nasa timog na bahagi ng minnesota.

 

Isang parada ang inorganisa nuong 1920. Dahil nga ito ang unang bayan na nagdiwang ng halloween, samu’t sari ang palaro dito, anjan na ang mga pillow fights, karera, at iba pa. Nagkaruon din ito ng mga fireworks.

 

Ang pista na ito ay nagtala ng 20,000 na manunuood. Ito ay mas mataas pa sa populasyon ng nasabing bayan nuong 1930. Ibig sabihin pati ang mga karatig bayan ay dumayo para lamang makicelebrate.

 

Ang mga germans ay tinatago ang kanilang mga kutsilyo ng isang linggo sa tuwing darating ang araw ng mga patay. Sa kadahilanang nangangamba sila na kapag bumisita ang mga mahal nila sa buhay sa kanila, msasaktan nila ito ng hindi inaasahan gamit ang kutsilyo.

 

Sa Eastern europe naman, kasama na ang poland, slovakia, at czech republic, ay iniiwan ang kanilang mga pintuan na bukas at mga upuan sa kanilang bahay para malayang bumisita ang kanilang mahal sa buhay.

 

Ang Mexico naman ay pinagdidiwang ang Dia de los muertos o day of the dead. Isa itong pre columbian aztech festival kung saan binibigyan ng galang ang diyos na si mictecachihuatl. Ang Dia de los Muertos ay pinaniniwalaan na mas sasaya ang yumao nila sa buhay na ipagdiwang ang kasiyahan kaysa sa kalungkutan. Kaya naman ang mga mexicano ay nag hahanda sa tuwing darating ito.

 

Alam nyo ba si shakespeare ay kinutya ang tradisyon ng halloween nuon?

 

Sa libro nyang “In the two gentlemen of Verona”, Si speed, ang tagapaglingkod ni valentine ay inasar sya tungkol sa kanyang minamahal, at sinabing parang asal bata sya sa pagbubuntong hininga, takot manakawan at isang pulubi na nagiingay sa isang hallowmas.

 

Ang pagkukumpara ni Shakespeare ay patungkol sa isang medieval tradition na tinatawag na souling. Kung saan nagbabahay bahay ang mga ito para kumanta o hindi naman kaya ipagdasal ang pamilya.

 

Ang bayad naman sa mga ito ay tinatawag na soul cake. Isang cake na may cross designed na pinatamis ng mga molasses at mayroong nutmeg, raisins o hindi naman kaya cinnamon.

 

Sa katunayan, ang tradisyon na ito ay patuloy pa rin sa portugal na kilala sa tawag na pao por deus o bread in the name of the god. Kung saan ang mga bata ay nagbabahay bahay at tumutula o hindi naman kumkanta pagkatapos ay bibigyan sila ng mga tinapay o kendi.

 

Karamihan ng mga simbolo na nakikita natin sa halloween ay may pinagmulan. Halimbawa ang mga itim na pusa ay mga familiars ng mga mangkukulam o hindi naman kaya sila ang mismong mangkukulam na may kakayahang mag shapeshift. Ang mga gagamba naman ay nakakilabot kaya naman kahit ang mga bata na hindi pa alam ang mga gagamba ay takot din sa mga ito. Habang ang paniki naman, ay isang misteryoso kung papaano ito naiugnay sa halloween.

 

Isang theorya ay nuong nagkaroon ng piyesta sa samhain, nagsiga sila ng mga bonfire na syang nag attract ng maraming insekto kaya naman ang mga paniki ay nagsiliparan din para makipiyesta.

 

Isa ring posibilidad na dahil ito sa buwan. Dahil ang buwan ng oktobre ay talaga namang maraming paniki lalo na sa northeastern united states.

 

Ang christian at pagan tradistion ang talaga naman nag palagablab sa apoy ng halloween. Pero isang pangyayari ang nagugnay sa mga mangkukulam sa araw ng mga patay.

 

Nuong 1589 si King James VI ay naglayag papunta sa north atlantic para kunahinin si Anne of Denmark. Nuong pabalik na sila sa scotland, nakaranas sila ng isang napakalakas na mga alon at napilitang bumalik. Lahat ng mga nasa barko inisip na gawa ito ng isang mangkukulam.

 

Pinaghinalaanan din nuon na ang mismong diablo ang lumitaw sa North Berwick nuong halloween taong 1590 kung saan inutusan nito ang mga mangkukulam na magdasal para gumana ang kanilang mahika at magtapon ng isang pusa sa tubig para ang bagyo ang pumatay sa hari.

 

Ang planong ito ay pinatunayan ng mga confessions mula sa mga taong hindi trinato ng maganda at inaming nakipagugnayan sa diablo sa north berwick church. Daang daang tao ang mga inaresto at ang marami dito ay pinatay o hindi naman kaya sinunog ng buhay dahil sa witchcraft.

 

Bukod sa samhain, ang isa pang selebrasyon na pinagkuhanan ng halloween ay ang Lemuria o Lemuralia, Ang araw kung saan ang mga romans ay pinapalayas ang mga kaluluwa o multo sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanilang sapatos, paglinis ng kanilang mga kamay at pagtatapon ng beans sa kanilang buong bahay.

 

Habang ang tatay ay nagtatapon ng mga beans sa paligid ng bahay nito, ang pamilya naman ay nakasunod at pinapatunog ang mga kawali para makagawa ng ingay at mabulabog ang mga multo at espiritu.

 

Ang buwan ng nobyembre nuon ay pinaniniwalaang malas. Eventually, ang kristianismo ay inadopt ang paniniwala at nilathala na ang lemuria ay ang sagradong araw para sa mga martir hanggang sa ito ay nausog nsa November 1 at tinawag na all saints day.

 

PDF
TIME
History
Americanwii
Anokahalloween
Travelchannel
Afar
Popsci

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mga kwento ng pagbebenta ng kaluluwa “Alleged”

Ano ang katotohanan tungkol sa Philadelpia Experiment? – COMPLETED