Saan nagmula ang Halloween Part 1

Reading Time: 8 minutes

Alam naman natin na ang mga walis ay simbolo ng halloween. Pero bakit nga ba ito ang ginagawang sasakyan ng mga mangkukulam? Well medyo rated R mga boss. 

Nuong unang panahon, pinaniniwalaan na ang mga mangkukulam ay mayroong tinatawag na hallucinogenic flying ointment. At ang ointment na ito ay pinapahid nila sa loob ng kanilang mga private parts, well ano nga ba ang magandang pampahid para talagang mapahid ito sa loob.

Isang pangyayari ang nadokumento nuong 1324 kung saan isang mangkukulam ang sinalang sa trial at natagpuan nila dito ang isang maliit na ointment na ginamit ng mangkukulam. Matapos ang ilang daang taon at dahil na din sa pasalit salit na kwento, inilarawan ang mga ito bilang lumilipad, simula sa isang board, aparador, lamesa hanggang sa isang walis. Ang walis ang tumatak na sa isipan ng mga tao.

Isang paniniwala na ang walis ay simbolo ng domesticity, ito rin marahil ang dahilan kung bakit ito ang mas tumatak sa isip ng mga tao. Well bukod dun sa paglalagay ng ointment.

Sa ibang mga kwento, ang itim na pusa ay kinokonsedera na isang swerte o hindi naman kaya simbolo ng kaunlaran subalit ang kanilang pagkaugnay sa pangkukulam ay mas kalat at dahil dito isa sila sa mga simbolo ng halloween.

Ang idea na ang mga pusa ay mga familiars ng mga witches ay nagsimula nuong 16th century kung saan napatunayan ito sa mga trials at mga confessions ng mga nasabing mga mangkukulam. Ang mga tao nuon sobrang takot na takot sa mga pusa kaya naman marami dito ang sinunog ng buhay. Well alam nyo na kung anong kasunod ng istoryang to, black death.

Ang mga itim na pusa ay kinatatakutan din nuon sa america dahil isa itong senyales na may mangkukulam sa bayan nila. Pero sa ngayon nagbago na, hindi na kinatatakutan ang mga itim na pusa pero karamihan sa atin ay iniiwasan pa rin ang mga ito dahil pinaniniwalaan na nagbibigay ito ng malas.

Dahil na din sa pagkaugnay nito sa pangkukulam, kadalasan tinotorture ang mga ito, binabato, o hindi naman kaya hinuhuli at inaalay sa ritual. Sa katunayan, ang mga ibang animal adoption centers ay hindi nagaampon ng mga itim na pusa.

Ayon sa Irish folk lore. Si Jack ay sinummon ang demonyo at inimbitahan itong uminom kasma nya. Ayaw ni Jack na bayaran ang kanyang nainom kaya kinumbinsi nya ang demonyo na maging pera at pumayag naman ito. Pero nuong naging pera na ang demonyo, imbes na ibayad ito ni Jack ay tinago nya ito sa bulsa nya kung saan anduon ang isang silver crucifix. Dahil dito hindi na nakabalik ang demonyo sa dati nitong anyo. Pinakawalan din ni Jack ang demonyo pero sa kundisyon na hindi sya gagambalain nito ng isang taon at kapag namatay sya, hindi nito kukunin ang kanyang kaluluwa. 

Nuong namatay si Jack, hindi ito pinayagang makapunta ng langit dahil na din sa ginawa nya nuong nabubuhay pa sya. Ang demonyo tinupad ang kanilang kasunduan at hindi kinuha ang kaluluwa ni Jack, kaya naman si Jack ay nanatili sa lupa. Binigyan na lamang ito ng demonyo ng nagaapoy na uling para magsilbing liwanag nito. Si Jack inukit ang isang turnip at dito nya nilagay ang uling.

Ang mga irish ay naglalagay ng mga jack o lanterns sa labas ng bahay nila para panakot kay jack at ng iba pang mga espiritu. Nuong napunta sa amerika ang paniniwalang ito, imbes na gumamit ng turnips, natuklasan nila na mas madaling ukitin ang mga kalabasa.

Kilalang kilalang simbolo ng halloween ang isang mangkukulam na lumilipad sa gitna ng liwanag ng buwan.

Ang mga mangkukulam lalo na sa paniniwala ng mga kristiano nuong middle ages ay may koneksyon sa mga demonyo. Ang kanilang mahika at ritwal ang kumukunekta sa mga ito. Pero bakit nga ba sila nglilitawan sa halloween? 

Maraming naniniwala na isa lamang itong tactical move ng greeting card industry.

Ang mga paniki ang talaga namang lagi nating makikitang dekorasyon sa halloween, pero bakit nga ba sila naugnay sa halloween?

Nuong pinagdiriwang ang Samhain, nagsiga ang mga tao at gumawa ito ng malaking bonfire. Dahil sa liwanag na dulot nito, ang mga insekto at maliliit na hayop ay nagsilapitan. Dahil dito, ang mga paniki nakita itong oportunidad bilang isang pagkain kaya pati sila ay nakisalo rin.

Hindi lang yan, bampira. Ito rin ang nakikitang dahilan. Ang mga bampira di umano ay kayang maging isang paniki. Sa katunayan merong mga paniki na umiinom ng dugo. Hindi lang sa hayop kundi pati sa tao at ang masaklap nito, wala kang mararamdaman, iniinom na pala ng paniki ang dugo mo.

Ngayon pag dumating ang halloween, ang tanong ay, anong isusuot mo sa halloween party? Anjan na ang sexy nurse, madre, bampira at iba pa. Pero nuong unang panahon hindi ganito ang costume.

Ayon sa paniniwala, ang Samhain na isang pagan holiday ay ang taon kung saan ang mundo ng mga buhay at patay ay mas manipis kaya naman mas madaling makakatawid ang mga kaluluwa at bumisita. Masamang balita ito para sa mga tao nuon kai nga naman baka masaming kaluluwa ang makakuha ng attention.

Kaya naman ang mga sinaunang mga tao ay nagsusuot ng costume, kadalasan mga ulo ng mga hayop o hindi naman kaya mga balat nito. Para hindi sila lapitan ng mga multo.

Dahil nasa usapang multo na tayo, hindi rin nawawala ito sa mga banners o ads na nakikita natin. Dahil nga ang araw ng sahmain ay ang pinakamanipis na naguugnay sa dalawang mundo, maraming multo ang gumagala dito. Hindi rin ibig sabihin ang multo lang na dadalaw sayo ay ang mahal mo sa buhay. May pagkakataon din na hindi lang sila ang dadalaw sayo. 

Kadalasan nakikita natin sa mga party ang mga dancing skeleton, mga cool na mga kalansay na sumasayaw. Ang day of the dead o dia de los muertos ay importante para sa mga mexicano.

Pinaniniwalaan ng mga mexicano na sa gabi ng october 31st, ang lahat ng mga namatay nilang mga batang kamag-anak ay muli nilang makakasama sa loob ng 24 oras at pagsapit naman ng nobyembre 2, ang mga matatanda naman ang makakasama nila para ipagdiwang ang pyesta. Kaya naman ang mga mexicano ay talagang pianghahandaan ang araw na ito. Sa katunayan, ang palabas na coco ay inspired sa holiday na ito.

Ang 8 legged creature na ito ay mayroong kwento na hango sa mythology. Sa katunayan, ang salitang arachnid ay mula sa kwento ni Arachne, isang mortal na babae na may kakayahang magtahi kung saan ginawa syang gagamba ni athena sa Greek Mythology.

Dahil na din sa galing nito ng pag-gawa ng sapot, pinaniniwalaan na ang mga gagamba ay weavers of fortunes ay inuugnay sa diyosa ng egypt na si Neith.

Pero bakit nga ba nakikita natin sila sa mga dekorasyon ng halloween? Well, kagaya ng mga itim na pusa, ang mga gagamba ay pinaniniwalaan din na familiars ng mga mangkukulam.

TIME
SLATE
FDA
The Atlantic
NPR
The Guardian
Content

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Darkweb?

Bakit mahilig tayong makinig ng malulungkot na musika